SIX TABOO: Forbidden Tales

By DyslexicParanoia

150K 6.1K 612

Language: Filipino Six Pitch Dark Horror Novelettes about things humanly unacceptable. Content Warning: Thi... More

Six Taboo
What is a TABOO?
TABOO STORY 1: TAKAM
Taboo Story 1 - Chapter 1
Taboo Story 1 - Chapter 2
Taboo Story 1 - Chapter 3
Taboo Story 1 - Chapter 4
Taboo Story 1 - Chapter 5
Taboo Story 1 - Chapter 6
Taboo Story 1 - Chapter 7
Taboo Story 1 - Chapter 8
Taboo Story 1 - Chapter 9
Taboo Story 1 - Chapter 10
TABOO STORY 2: TUHOG
Taboo Story 2 - Chapter 1
Taboo Story 2 - Chapter 2
Taboo Story 2 - Chapter 3
Taboo Story 2 - Chapter 4
Taboo Story 2 - Chapter 6
Taboo Story 2 - Chapter 7
Taboo Story 2 - Chapter 8
Taboo Story 2 - Chapter 9
Taboo Story 2 - Chapter 10
TABOO STORY 3: TIKIM
Taboo Story 3 - Chapter 1
Taboo Story 3 - Chapter 2
Taboo Story 3 - Chapter 3
Taboo Story 3 - Chapter 4
Taboo Story 3 - Chapter 5
Taboo Story 3 - Chapter 6
Taboo Story 3 - Chapter 7
Taboo Story 3 - Chapter 8
Taboo Story 3 - Chapter 9
Taboo Story 3 - Chapter 10
TABOO STORY 4: TIGOK
Taboo Story 4 - Chapter 1
Taboo Story 4 - Chapter 2
Taboo Story 4 - Chapter 3
Taboo Story 4 - Chapter 4
Taboo Story 4 - Chapter 5
Taboo Story 4 - Chapter 6
Taboo Story 4 - Chapter 7
Taboo Story 4 - Chapter 8
Taboo Story 4 - Chapter 9
Taboo Story 4 - Chapter 10
TABOO STORY 5: TIBOK
Taboo Story 5 - Chapter 1
Taboo Story 5 - Chapter 2
Taboo Story 5 - Chapter 3
Taboo Story 5 - Chapter 4
Taboo Story 5 - Chapter 5
Taboo Story 5 - Chapter 6
Taboo Story 5 - Chapter 7
Taboo Story 5 - Chapter 8
Taboo Story 5 - Chapter 9
Taboo Story 5 - Chapter 10

Taboo Story 2 - Chapter 5

1.8K 130 8
By DyslexicParanoia

Hindi niya kailangan si Hannah, 'yun ang nasa isip ni Simon, bakit nga ba siya magtitiis sa pag-aalalang maunahan siya nito? Batid man niyang walang sinumang nakaaalam sa ginawa niyang krimen kay Roda, hindi naman siya nakasisigurong hindi ito malalaman ni Hannah. Paano naman kaya kung mabanggit niya ito habang lango siya sa alak o droga?

At kung ang Karen na pinsan nito at Karen na naging kasintahan niya ay iisa nga—na hindi naman imposibleng mangyari, ano naman kayang mas matinding panganib pa ang maaari niyang kaharapin sa kamay ni Hannah?

Matalinong tao si Simon. Pero isang masamang matalinong tao si Simon. At wala nang mas nakatatakot pa sa isang matalinong taong masama.

"S-simooon, sige pa." Halos mamilipit si Hannah sa kaniyang nararamdaman habang kinukubabawan siya ni Simon. Do'n sa sila nagtatalik sa mismong kama ni Simon kung saan niya natagpuang patay noon si Karen. Magkasamang pinatay naman nila ngayon ang ikalawa sa apat na kaibigan ng tatay ni Hannah. At nakasanayan na nila na ipagdiwang ang kanilang krimen sa pamamahgitan ng matinding pagtatalik.

Kung alam lang sana ni Hannah na siya lang talaga ang tunay na nagdiriwang sa kanilang ginawa.

Sinulyapan ni Simon ang hidden camera na siya mismo ang nanglagay. Para nga naman may remembrance siya, bago pa man niya gawin ang pinaplano niya. Ngumisi siya sa kalagitnaan ng kaniyang walang habas na pag-ulos.

Makaraan ang kalahating minuto, bago pa man sila makarating sa rurok, ay unti-unti nang kinapa ng kanang kamay ni Simon ang ilalalim ng unan ni Hannah. Naroon kasi ang kutsilyong itinago niya; nakahanda na talaga ito para tapusin ang buhay ni Hannah.

"Oh sige pa,Simon..." Bulong ni Hannah, "Malapit na ako."

"I know." Malambing na bulong ni Simon, kasabay ng mas pinahigpit pa niyang paghawak sa nakakubling patalim.

"Ikaw din ba?"

"H-hindi pa. Marami pa akong gustong gawin sa buhay."

Mula sa pagkakapikit ay may halong pagtataka na napatingin si Hannah sa mukha ng lalaking nakakubabaw sa kaniya. Nginisian siya ni Simon.

"Masarap ba, ha?" Mas tinindihan niya ang pag-ulos.

Napasigaw si Hannah. "Oo!"

"Talaga?!"

"Oo!" Na may halong pagdaing at pag-ungol. "Heto na!" Humiyaw siya. Hudyat na narating na niya.

Hindi naman huminto si Simon sa pagkilos na siya namang lalong ikinabaliw ng dalaga. "May sasabihin ako sa 'yo." Nakangising bulong sa kaniya ni Simon.

"A-ano 'yun?" Kagat-labing hindi siya magkamayaw sa tindi ng sensasyong kaniyang nararamdaman.

"Ako ang pumatay sa Mama mo."

Napapitalag si Hannah, pero nakahanda na si Simon sa magiging reaksiyon niya. Itinulak siya ng dalaga, pero hindi naman natinag si Simon. Nag-umpisa itong humalakhak nang mag-umpisa nang manlaban ang dalaga. Bakas sa mukha nito ang matinding gulat at takot.

"Masarap siya, pero mas masarap ka. Sorry, kung pinatay ko siya. Hindi ko naman kasi alam na wala na siyang halaga sa tatay-tatayan mo." Malumanay na sambit ni Simon, habang nagsisigaw at nagwawala na si Hannah. "At sorry rin kung isusunod na kita." Sabay kuha na nito sa patalim at saka dali-daling inundayan ng saksak si Hannah sa dibdib.

Nakapabukas pa ang mga mata ni Hannah matapos itong malagutan ng hininga. Nakabuka ang bibig at naliligo sa sariling dugo. Hindi rin naman makapaniwala si Simon na tatawanan pa niya ang kaniyang ginawa. Pagtawang naging halakhak. Halakhak na bumalot sa napakatahimik niyang apartment.

"This is awesome." Tila nababaliw na namilipit sa katatawa si Simon habang umiinom ng isang bote ng alak sa kaniyang salas. Wala pa rin siyang saplot, at may mga bahid pa ng dugo ni Hannah sa kaniyang katawan. "I think I'd really like this as my new pastime." Muli siyang humagikhik at nagpagulong-gulong sa sahig ng kanyang salas.

***

"Malayo lang po ito sa iba pang bahay dito sa subdivision dahil hindi pa po nauumpisahan ang construction ng iba pang mga bahay sa karatig lote, pero kung uupahan niyo lang naman po ito, hindi na po masama. May sasakyan naman po kayo 'di ba?" Wika ng Real Estate agent na kausap ni Simon nang makipag-appointment siya rito para sa pinaplano niyang paglilipat ng bahay. "Hindi rin naman sila kalayuan. Tatlong bloke lang naman ang layo mo sa pinakamalapit na bahay."

Hinagod ng tingin ni Simon ang buong paligid, "Uhm, mayro'n pa bang mas malayo sa kapitbahayan dito?"

Napakunot-noo ang ahente, "M-Meron po, pero wala po 'yung option to purchase na katulad ng bahay na ito. Pinarerentahan lang 'yun pansamantala ng may-ari dahil nasa ibang bansa ito."

"Ikaw rin ba ang kailangan kong kausapin para makita ko ang bahay na 'yun."

"Unfortunately, no. Private property na po kasi 'yun. Matagal na pong nabili 'yun from our company. Pero p'wede ko namang ibigay sa 'yo ang numero ng taong maaari niyong kausapin tungkol sa bahay na 'yun."

"Sige, kukunin ko ang numero."

***

"Sigurado po ba kayo, sir?" tanong ng katiwala ng pangalawang bahay na tiningnan ni Simon. Isa itong payat na matandang lalaki,

"Oo. Bakit?" Nginisian ito ni Simon, "hindi ba dapat matuwa ka?"

"Binilinan po kasi ako ng homeowners association dito na maging tapat sa inyo tungkol sa nakaraan ng bahay na ito. Pumayag naman po ang amo ko. Ang kaso po..." Kakamot-kamot ito sa kaniyang ulo, "Kayo po kasi ang kauna-unahang tao na parang hindi man lang nagdalawang-isip. Takot po kasi ang iba kaya pitong taon na rin pong walang nakatira dito."

"Wala akong kinatatakutan." Nakangising sagot ni Simon sa matanda. Napaiwas naman ng tingin ang matandang lalaki papalayo sa kaniya. "Gusto ko lang ng katahimikan at ayoko ng naabala ako."

"Eh..." Kakamot-kamot ang matanda, "may isa pa po sana akong sasabihin sa inyo. Kabilinbilinan po kasi ng amo ko."

"Ano 'yun?"

"Binilinan po kasi niya ako na ako po mismo ang maglilinis at tututok sa maintenance ng bahay na 'to. Gusto niya po kasing makasiguro na naaalagaan ng maayos itong bahay. Minana pa po kasi niya ito sa kanyang mga magulang."

Napabuntong-hininga si Simon, "O sige, pero p'wede ba tayong mag-schedule na lang ng mga partikular na araw? Ayoko kasi talaga ng naaabala ako."

"Eh, kung gusto niyo po, kada huwebes na lang o biyernes. Day-off ko po kasi kapag Sabado't Linggo."

"Huwebes... huwebes lang, pwede ba 'yun?"

" O, sige po. Bale, kung uupahan niyo na po 'to kukunin ko na rin po ang inyong deposito at isang buwang paunang renta."

"Magkano nga ulit?"

"Kinse mil mo ang deposito. Kinse mil din po ang renta. Bale, trenta mil po."

Kinapa ni Simon ang wallet sa likurang bulsa ng kaniyang pantalon, binuklat 'yun at binilang ang laman, "kulang ang pera ko, kailangan ko pag mag-withdraw, ok lang ba na sampung-libo muna?"

Napakamot ang matanda, "eh, ibigay niyo na lang po nang buo kapag nakakuha na kayo ng pera. Eh kasi po ipapadala ko po 'yan sa amo ko kaagad. Ayoko pong maghawak ng pera niyo kung kailangan ko pang hintayin ang balanse."

"Tsk. Siguristang gurang." Bulong sa sarili ni Simon.

"Ano po 'yun?"

"Ah wala, ang sabi ko, sige, kukuha muna ako ng pera. Babalik din ako ngayong araw na 'to. Gusto ko na kasing makalipat kaagad."

"Eh, sorry amang, medyo hapon na kasi." Tiningnan ng matanda ang kaniyang relo. "Biyernes po ngayon, off ko bukas, at dalawang oras mula ngayon ang biyahe ko patungong probinsiya. Kung gusto niyo po, sa lunes na lang."

"Fuck!" Bulong ni Simon. "Bakit hindi pa pwede ngayon?!" Nataasan na niya ng boses ang matanda. "Kung gusto mo samahan mo akong mag-withdraw, o di kaya eh ibigay mo sa akin ang address ng amo mo at ako mismo ang kakausap."

"Naku, hindi po pwede. Ma-traffic po kasi baka mahuli ako. At wala po ang amo ko rito sa Pilipinas. Idinedeposito ko lang po ang mga nakokolekta ko sa banko. Kung gusto niyo po, kausapin niyo ang anak-anakan niya. Baka sakali pong pwede niyong pakiusapan."

"Sige, ibigay mo sa akin ang address."

"Hindi ko pwedeng ibigay ang address niya basta-basta, cellphone number na lang po siguro."

Napamura sa inis si Simon, "Sige na nga. Ibigay mo sa akin ang number!" Halos pabulyaw na ang pagkakasabi niya no'n sa matanda.

***

"Kailan niyo po ba gustong lumipat?" tanong ng tinukoy na anak-anakan. Isa itong babae.

"Kung pwede nga ngayon na eh. Nasa akin na ang pera. Trenta mil, katulad ng sinabi ng katiwala niyo ro'n"

"S-sigurado po ba kayo na gusto niyong tirhan 'yun?"

Muling nabuwisit si Simon, pero pinilit niya itong hindi ipahalata."Oo."

"Sinabi na po ba ni Tata Mariano ang nangyari sa bahay na 'yon?"

"Oo."

"O-o sige. M-magkita na lang tayo sa harapan ng bahay na 'yun. Magbibihis lang ako."

"Ok."

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
10.5K 1K 67
Ava is having the best time of her life. Isa kasi siya sa mga invited guests sa Scion Gala. Just think about the Met Gala. Yan ang katumbas ng Scion...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
8.7K 479 24
• C O M P L E T E D • | All of the two women he had ever loved before died tragically and ruthlessly. So Thorn learned to construct a thick wall aro...