Olympus Academy (Published un...

By mahriyumm

20.7M 760K 257K

◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a s... More

"Semideus Saga"
Upon Reading...
II | Break Of Day
III | Officially A Student
IV | First Meet
V | Claiming Ceremony
VI | The Alphas
VII | First Day
VIII | In Action
IX | The Swan
X | Her Daughter
XI | The Silent Years
XII | Field Commotion
XIII | New Dawn
XIV | A Threat
XV | Potential
XVI | Power Limit
XVII | Attractions
XVIII | The Mission
XIX | Composed
XX | Finding Theo
XXI | Semideus
XXII | The Search
XXIII | Village Witches
XXIV | Hesperides
XXV | Terraria
XXVI | Mayethrusa
XXVII | Cup Of Coffee
XXVIII | Arcadia
XXIX | The Return
XXX | Back In School
XXXI | Unsolved
XXXII | Alarms
XXXIII | Danger
XXXIV | Polyphemus
XXXV | Maps
XXXVI | Anxious
XXXVII | Uncertainties
OLYMPUS ACADEMY: BOOKS I & II
XXXVIII | Perplexed
XXXIX | Glimpses
XL | Written
XLI | Energy
XLII | God of Connections
XLIII | Divided
XLIV | Nightmares
XLV | Finders Keepers
XLVI | The Alpha Way
XLVII | Sub Silentio
XLVIII | Therapy
XLIX | Overseers
L | Sensed
LI | The Elite
LII | Reunited
LIII | In Control
LIV | Silence
LV | Lanterns
LVI | Awaiting
LVII | Intruder
LVIII | Grounded
LIX | Reinforcements
LX | Rivers
LXI | Pricked
LXII | Captured
LXIII | Supreme Divination
LXIV | New Reality
LXV | Child of Light
LXVI | Taken
Book Note
Epilogue
OA: PLAYLIST
2nd Book
Round 2

I | The Summoning

763K 19.4K 11.8K
By mahriyumm

Abigail's POV

'I'm very sorry Ms. Young but you are being expelled from the academy...'

'Po?! Pa'no po yun?'

'Aside from having 58 consecutive lates, We have also noticed your constant sluggishness especially during class, and we can't tolerate that..'

'I-I apologize Sir, pero eto lang po ang school na maaafford namin ng tita ko at di ko po kayang ma expell. Please do give me a chance... promise. I won't be late or tardy anymore.. just please... I need to graduate para makaahon po kami at magkatrabaho ako. Please nama-'

'We're so sorry. Here's the letter. Give it to your aunt. We can't do anything for this case so just pick up that letter and...

Go home..'

Go home...

Go home.... Cesia.

Napanaginipan ko na naman ang nangyari noong nakaraang linggo, ang pinakamalubhang mangyari sa isang estudyante: ma-expell. Ang mas malala, di man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para mabago ang naging desisyon nila.

"Pfft." Hinatak ko ang kumot para umabot ito sa aking leeg. "Sluggishness."

Sobrang bilis ng panahon at ngayon, wala na akong ibang iniisip kundi ang katanungang saan ba ako makakahanap ng bagong paaralan. Hindi naman ako pwedeng huminto sa pag-aaral. Kung mangyayari man 'yon, paniguradong itatali ako nito ni Auntie sa ilalim ng puno ng mangga.

Pumasok sa isipan ko ang boses ng babae na huli kong narinig bago magising. May pangalan siyang nabanggit na hindi ko gaanong naaalala.

Ceysha? Cesar ata? Cecile?

Ces... ??

Huminto ako sa pag-iisip saka napailing.

Wag na nga. Sumasakit lang yung ulo kakaalala sa pangalang 'yon.

"Abigail! Bumaba ka nga rito! Bilis!"

Napasimangot ako pagkatapos marinig ang boses na nagmumula sa ibaba. Nakapagtataka kung bakit sinisigawan niya ako nang ganito kaaga. Sa pagkakatanda ko, wala naman sigurong magtatangkang mag akyat-bahay sa umaga.

Nilingon ko ang orasan na nakapatong sa mesa katabi ang aparador at napagtantong namali pala ako sa pag-estimate ng oras.

12:49 pm...

Sunod-sunod na ang mga araw na late akong nagigising. Okay lang naman sa'kin kung weekends kasi wala namang pasok... dati. Dahil ngayon, ano ba ang ikakaganda ng pakiramdam ko kung sa mga nakaraang araw, naging reminder na ng kapalpakan ko ang paggising sa tanghali.

Pagmulat ko pa lang ng aking mga mata, mabigat na damdamin ang parating sumasalubong sa'kin. Hindi rin nakakatulong na wala akong ibang napapaginipan kundi ang itsura ng dati kong principal na nakaupo sa office niya at inuutusan akong umuwi.

"Abigail Young! Pag 'di ka pumunta dito, bubuhusan talaga kita ng mainit na tubig!" dumadagundong ang boses ni Auntie.

Nakaramdam ako ng inis dulot ng sobrang ingay pero agad naman itong naglaho nang maalala kong wala akong karapatang magreklamo o di kaya'y sumagot sa kanya kasi ako itong may malaking atraso sa kanya.

Tumayo na ako at patakbong lumabas ng kwarto saka bumaba para tignan kung ano ang pinag-iingayan niya.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at binabasa ang papel na nasa kamay niya. Napadako rin ang aking tingin sa kahon na nasa harap niya. Kulay maroon ito at halos kasinglaki ang mesa na pinapatungan nito.

"Abigail..." inangat niya ang kanyang ulo at tinignan ako nang naluluha ang mga mata. "Ang saya-saya ko!" Napatitig lang ako sa kanya. Nalilito kasi ako kung bakit hindi kasiyahan ang nakikita ko sa kanyang mga mata kagaya ng sinabi niya.

Pero teka. Ano nga bang binasa niya?

Humakbang ako papalapit sa kanya para makiusisa. "Auntie ano yan? Anong meron?"

Sa laking gulat ko, bigla siyang tumalon sa kinatatayuan ko. Buti nalang at hindi ako natumba dahil kasunod niya akong niyakap.

"Di mo na kailangang maghanap ng bagong paaralan.. o di kaya magtrabaho" bulong niya na siyang ipinagtaka ko. Tungkol ba 'yan sa nabasa niya?

Bumitaw siya mula sa pagkayakap sa'kin. "Abby? Bingi ka ba?" niyuyugyog niya ako.

Samantalang ako, hindi nakakibo.

Nagsisink-in pa kasi sa utak ko ang sinabi niya, kung paano nangyari 'yon... at bakit.

Hindi matanggal ang tingin ko sa kanya dahil wala akong kamuang-muang sa pinagsasabi niya.

Ilang sandali lang at nabasa niya rin sa wakas ang ekspresyon ko kaya inabot niya sa'kin ang papel. Tinanggap ko ito at binasa ang nakasulat sa papel na printed at formal ang pagkakaayos:

To Ms. Abigail Young,

We have heard of your past issue with your last school and have also learned of your hard situation at home. That's why, we would like to offer you an opportunity...

A chance to study inside our prestigious and very private school.

OLYMPUS ACADEMY.
WITH EVERYTHING FREE-OF-CHARGE!

Kindly refer to the second paper for more information about your enrollment. Thank you!

Huh. Prestigious and very private? Free-of-charge? Lahat?

"HAHAHAHA!" humalakhak ako pagkatapos mabasa ang imbitasyon mula sa isang marangya at pribadong paaralan na all free-of-charge kuno.

"Naku Auntie, di kaya fraud lang to? School na free-of-charge lahat? Walang gano'n."

Natawa ako kasi unang-una, walang prestigious at private school na libre lahat. Pangalawa, nasa twenty first century na tayo ngayon. Alam kong uso na ang student loans at hindi ako ganoon katanga para mahulog sa scam na'to.

Siguro nga libre lahat sa pagpasok ko, pero mas malaki naman ang posibilidad na tambak-tambak ang mga utang pagkatapos kong grumaduate.

"Abby... ngayon ka lang makakakita ng 'fraud school' na nagpadala ng box na naglalaman ng school supplies, pati na rin tatlong set ng uniform.."

Dahan-dahang nabura ang aking ngiti nang sabihin niya 'yon.

Napatingin ako sa kahon na tinutukoy niya. Pabalik-balik ang aking tingin sa kahon at sa kanya. Matagal-tagal rin siyang nakatitig sa'kin at hindi nagsasalita. Ibig sabihin...

"Hin... Hindi ka nagbibiro?"

Umiling siya.

Lumapit ako sa kahon at binuksan ito. Bahagya akong napaatras nang bumungad sa'kin ang tatlong kahon na kulay ginto at bawat isa ay may printed label na nakalagay.

Uniforms and necessities..

Notebooks and supplies..

Books and Enhancement Pads..

Nakita ko ang isa pang papel na nakatiklop at nakapatong sa gitna ng mga kahon. Nalaman kong may kasama pa itong brochure at map.

Gaano ba kayaman ang school nato?

Umupo ako saka binasa ang laman ng pangalawang sulat.

Ms. Young,

All you need to bring are clothes that you can wear for the whole school year and the box.

We also would like to let you know that we will be sending you a private car to fetch you 3 days from now. Please wear the prescribed uniform.

Kusang bumigat ang panga ko.

Car... ano?!

A private car?

Hindi ako nakuntento kaya ilang beses ko ulit binasa ang sulat. Tinignan ko rin ng maigi ang crest ng Academy na nakaprinta sa ibaba. Kumikinang ang isang golden circle. Sa borders nito, pabalik-balik ang mga katagang: 'Alis volat propriis'

Alis volat propriis... may konting kaalaman ako tungkol sa ibang languages kaya alam kong Latin ito. Di ko nga lang alam kung ano ang exact translation.

Nakapaloob sa circle ang tila'y bulubundukin sa ilalim ng asul na kalangitan. Pero hindi lang yan dahil sa bandang itaas ng mga bundok, ay naroon ang isang pares ng puting pakpak.

Pagkatapos, binasa ko ang nasa pinakaibabang bahagi ng sulat...

'If you accept our invitation please do sign here'

Agad agad?

"Abby... alam mo ba, tinawagan nila ako kanina para siguraduhin yung pagdating mo."

Sobrang bilis lumingon ng ulo ko sa direksyon niya dahil napakahirap paniwalaan ang nangyayari sa'kin ngayon, lalong-lalo na ang sinabi niya. Sa pagkakaintindi ko kasi, madali lang para sa kanya na maghiwalay kami at ipa-deport ako sa paaralang kakadiskubre ko palang.

Malay ko ba kung anong klaseng Academy 'yan at nangangailangan pa talaga ng pribadong sasakyan para makapunta diyan.

"Auntie naman.. sabi dito matagal akong maninirahan do'n tapos sobrang unfamiliar pa ng school." nag-aalanganin kong sabi sa kanya. "Hindi ka ba nawe-weirdohan? Ang weird kaya.."

"Gusto ko lang kasing makasiguro na makakapag-aral ka ng maayos." malumbay niyang sabi.

Bumagsak ang aking tingin sa sahig. Kinakain na naman ako ng konsensya ko. Ako na siguro ang pinakamalaking disappointment kapag hindi ko susundin ang kagustuhan niyang makapag-aral ako ng maayos. Ang kapal na siguro ng mukha ko kung irereject ko pa ito pagkatapos ng nangyari.

"Pag-isipan mo ng mabuti." Inabot niya sa'kin ang isang ballpen saka tumayo. "Balik muna ako sa kusina."

Sumandal ako sa upuan at panandaliang ipinikit ang aking mga mata.

Mukhang wala na akong magagawa... kasiyahan naman 'to ng nag-iisang pamilya na meron ako.

Inilagay ko ang papel sa ibabaw ng mesa at pinirmahan ito.

"Ayan. Okay na, Wala naman sigurong mawawala-" hindi ko natapos ang pangungusap ko dahil biglang nagliyab ang dulo ng papel at mabilis na naglaho pagkatapos kinain ng apoy ang kabuuan nito.

Nang magsink-in sa'kin ang nangyari, saka ko nabitawan ang ballpen.

"Patay." napabulong ako sa hangin.

Continue Reading

You'll Also Like

HIDDEN FILES 3 By avy

Mystery / Thriller

1.7K 171 29
[03/03] complete | unedited In the end of the tunnel filled with only darkness there shall be light and new beginning. Jade Cesaire and Bryce Valeron...
6.5K 581 24
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
6.1K 689 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...
607K 38.3K 57
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...