Kizuna: The Bond Between us

By sayuriMa

472K 3K 443

They didn't plan to be together but there will be bond that will unite them forever More

KIZUNA
Author's note
Prologue
Hit 1 ~The Future Boss
Hit 2 ~Popular Group
Hit 3 ~Relationship
Hit 4~ Missing Piece
Hit 5 ~Alter
Hit 6~ Trigger
Hit 7~ Other member
Hit 8 ~Conflict
Hit 9~Bully
Hit 10~ Decision
Hit 11~Yano's First Love
Hit 12~ Love Story of Cashmere
Hit 13~ The Competition
Hit 14~ The Party
Hit 15~RJ's First Date
Hit 16~ Apple Candy
Hit 17~Rumors
Hit 18~Public Apology
Hit 19~The Marriage
Hit 20~The Council
Hit 21~ The Break Up
Hit 22~How To Raise Child?
Hit 23~The Vacation
Hit 24~The Petal
Hit 25~New Faces
Hit 27 ~Precious One
Hit 28~Ties
Hit 29 ~Glances
Hit 30~New Vows

Hit 26~Number Eleven

6.6K 64 12
By sayuriMa

Homing time.

Naikot na ni Nino at ng iba pa nilang mga kaibigan ang buong school pero hindi pa rin nila makita ang hinahanap.

"Wala. Wala rito si ate Mia," nag-aalalang wika ni Nino.

Tiningnan ni Yano nang masama ang driver ni Mia. "Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya?"

"Ang sabi niya po kasi bumalik na lang ako bago mananghalian. Pagbalik ko naman wala na po siya."

"Huwag na muna tayong mataranta. Hanapin na lang uli natin si Mia," suhesyon ni Rina.

"Baka naman nakauwi na siya. Nakatawag ka na ba sa inyo?" tanong naman ni Ivan kay Yano.

Tumango si Yano. Kanina pa raw tumawag sa kanila at wala pa nga raw ito.

"Sige, hahanapin ko uli siya," sabi ni Nino.

"Sasamahan kita," sabi naman ni Cashmere.

Paalis na sila nang biglang tumunog ang phone ni Yano. May tawag ito galing sa bahay nila.

"Nandiyan na ba si Mia?" tanong agad ni Yano. "Ah. Sige. Pupunta na ko riyan."

"Boss! Ano? Nakita na ba nila si ate Mia?" tanong agad ni Nino.

Tumango si Yano.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Nino.

Ganoon din naman si Cashmere at iba pa.

Ngunit nawala rin ang mga ngiti nila nang mapansin ang di kaaya-ayang reaksyon ni Yano.

"Bakit? anong nangyari?" tanong ni RJ.

Matagal, pero sumagot din naman si Yano. "Tumawag daw ang hospital sa bahay. Naandon daw si Mia."

Kulang na lang ay himatayin si Nino nang dahil sa narinig.

Agad naman silang nagpunta sa ospital para alamin ang kalagayan ni Mia.

***

"Nakita ko po siya sa may tulay," kuwento ni Kai, ang lalaking nakakita at nagdala kay Mia sa hospital.

Sina RJ, Rina, Jin at Ivan ang nakausap niya.

"Sinong puwedeng gumawa nito kay Mia? Ang lakas naman ng loob niya para gawin ito sa asawa ng future boss," komento ni Rina.

Walang nakasagot sa tanong niya.

Naghihintay sa labas ng operating room ang buong pamilya at mga kaibigan ni Mia.

Ang lahat ay nakaupo sa bench na naroon maliban kina Yuki at Yano.

Tahimik na nakatayo sa isang sulok si Yuki habang si Yano ay hindi mapakali. Pabalik balik ito ng lakad.

Napapahawak naman ang tatay nina Mia sa noo, habang ang nanay nila ay umiiyaknang malakas.

Hinagod na lamang ni Nino ang likod nito para kahit papaano ay maibsan ang bigat sa dibdib. "Huwag po kayong mag-alala, nanay. Siguradong magiging okey lang si ate," pag-alo ni Nino.

Katulad niya ay umaasa rin ang iba na ayos lang si Mia.

Pagkalipas ng ilang mga sandali, sa wakas ay lumabas na rin ang doktor.

"Doc, kumusta na si Mia!" tanong ng lahat.

Si Yuki lang ang walang reaksyon.

"Ligtas na siya," sagot ng doktor.

Nabuhayan ang lahat ng loob.

"Ang baby namin? Ayos din ba siya?" dagdag na tanong ni Yano.

Natahimik ang doktor.

"Ayos lang siya, di ba?" ulit ni Yano.

"Ginawa po namin ang lahat, pero hindi namin syia nailigtas. Pasensiya na," malungkot na turan ng doktor.

Parang biglang tumigil ang takbo ng oras.

Ganoon ang naging pakiramdam ni Yano.

"Yano?" Tinawag ito ni Yamapi.

Napailing si Yano. Ilang sandali pa ay mapasigaw na ito. "Aaahh!" Pinagsusuntok nito ang pader.

Naiyak na si Monique.

Lalo namang lumakas ang palahaw ng nanay nina Mia at Nino.

Habang ang lahat ay nagdadalamhati, tahimik na humakbang palayo si Yuki dala ang mukha na walang bahid ng pag-aalala.

Sumakay siya ng elevator at dito ay biglang sumabog. Tinakpan na lamang niya ang kanyang bibig para walang makarinig sa kanyang pagtangis.

Natigil na lamang sa pag-iyak si Yuki nang tumunog ang kanyang cellphone. Dahan-dahan niya iyong kinuha at sinagot.

"Nahanap n'yo na ba siya?" tanong nya.

"Oo," sagot nang nasa kabilang linya.

"Mabuti. Huwag n'yo siyang gagalawin! Ako ang papatay sa kanya!" malamig na sabi ni Yuki.

Nang imulat ni Mia ang kanyang mga mata, nakita niya agad ang kanyang mga magulang, si Nino, Cashmere at si Yano.

May mga sinasabi sila, pero hindi niya naiintindihan. Walang ibang pumukaw sa atensiyon niya kundi ang kulay puting kapaligiran.

Ano bang ginagawa niya rito?

Habang iniisip iyon ay biglang bumalik sa kanya ang alaala ng mga nangyari.

"Bahagi ka ng Petal?" ulit ni Mia.

Hindi sumagot si Ilynn.

"Kung isa ka sa kanila, hindi mo ito dapat gawin sa akin dahil asawa ako ni Yano!"

"Iyan mismo ang dahilan kung bakit dinala kita rito!" pasigaw na sabi ni Ilynn.

Natahimik si Mia. Naguluhan..

Ngumisi si Ilynn. "Hindi ang isang tulad mo ang nababagay maging asawa ni Yano!"

Dito na napagtanto ni Mia na may gusto ang babaeng ito kay Yano.

"Kumpara kay Erika Yamato, aminado naman ako na wala akong sinabi, pero nang ma-assassinate siya, muli akong nabuhayan ng loob. Umasa ako na mapapansin na ni Yano, pero nagkamali ako dahil hindi man lang niya ko tiningnan--- ito ang nagtulak sa akin para pasukin ang grupo ng Petal."

Sa isang iglap ay biglang nawala ang imahe niya ng pagiging anghel. Nanlisik ang kanyang mga mata.

Nagpatuloy siya. "Ang dahilan ko kung bakit sumali ako sa Petal ay upang mas marami pa akong malaman kay Yano. Sa kasamaang palad, nalaman ko na lang na taga Village I lang pala ang gusto niya. Dahil doon nagdesisyon na akong sumuko. Umalis ako ng bansa para makalimot hanggang sa mabalitaan ko ang kasal niya." Tinitigan nito nang masama si Mia. "Hindi ko kayang tanggapin na pinakasalan niya ang isang hamak na taga VillageIII! Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko nang malaman ko iyon? Alam mo ba, ha!" Palakas nang palakas ang boses nito. Bigla itong ngumisi. "Syempre hindi moa lam iyon. Paano mo nga naman malalaman ang damdamin ko!"

"Ginagawa mo ba 'to para maghiganti?" tanong ni Mia.

Napatawa si Ilynn. "Bakit? Natatakot ka ba? Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasaktan. Gusto ko lang subukin ang kakayahan mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung nakuha mo ang puso ni Yano, ibig sabihin may espesyal sayo. Siguradong may kinalaman 'yon sa pakikipaglaban, kaya naman gusto kitang subukin!"

"T-Teka... Hindi mo naiintindihan! Wala akong alam sa kahit anong martial arts! Archery lang ang alam ko!"

"Archery? So iyon pala ang dahilan. Nagustuhan ka ni Yano dahil parehas kayo ng hilig ni Erika."

"Hindi iyon gano'n..."

"Halika. Maglaban tayo sa archery!" Hinatak niya ang kamay ni Mia.

"Tumigil ka!" sigaw ni Mia sabay hatak palayo sa kamay niya. Walang patutunguhan ang sinasabi nito kaya naisip niyang umalis na lang.

"Hindi ka puwedeng umalis!" giit ni Ilynn.

Hindi na natutuwa si Mia kaya hinarap na niya ito. "Para sabihin ko sayo, hindi ako pinakasalan ni Yano dahil gusto niya ko! Nagpakasal lang kami dahil---" Natigilan si Mia, tila mali ang kanyang nasabi.

"Inakit mo siya?"

Mali ng naging interpretasyon si Ilynn.

"H-Hindi. Hindi ko siya inakit," depensa niya.

"Inakit mo siya! Malandi ka!" Bigla siyang sinampal ni Ilynn.

Naisip nang tumakbo ni Mia palayo ngunit nahila ni Ilynn ang buhok niya.

"Inakit mo lang pala si Yano! Ang kapal ng mukha mo!"

"H-Hind! Hindi iyon ganon..." Gustong magpaliwanag ni Mia, pero tila wala nang pinakakikinggan pa si Ilynn. Para na itong nababaliw.

"Pakiusap! Itigil mo na ito! Buntis ako!" pagmamakaawa ni Mia.

"Talaga? Buntis ka pala..." nakangising sagot ni Ilynn.

"Nagsasabi ako ng totoo kaya huwag mo kong saktan! Pakiusap!"

Umismid si Ilynn sabay tulak kay Mia.

Tumumba si Mia, pero agad ding tumayo upang makatakas.

"Hindi ka puwedeng umalis!" sigaw ni Ilynn sabay sipa sa likod ni Mia.

Bumagsak si Mia.

Tumawa naman nang malakas si Ilynn. Bigla lamang itong napahinto nang makita si Mia na namimilipit sa sakit.

Napapahawak si Mia sa tiyan niya. "Aaah! Ang sakit! Ang sakit!" daing nito.

Napailing si Ilynn. "Tumigil ka! Huwag kang magkunwari!"

Hindi pa rin pinaniniwalaan ni Ilynn si Mia hanggang sa makita niya na dinudugo na ito.

Dito lang siya nakumbinsi.

Nataranta.

Napatingin ang babae sa kanan. Sa kaliwa.

Hindi nito malaman kung ano ang gagawin.

Patuloy pa rin sa pagsigaw si Mia.

Napilitan si Ilynn na akayin ito pasakay ng elevator.

Nang makababa sila ay isinakay na agad nito si Mia sa kotse.

Hindi pa rin tumitigil si Mia sa pagdaing.

"Tiisin mo muna!" sigaw ni Ilynn habang natataranta sa pagmamaneho. "Sinabi nang tumahimik ka! Malapit na tayo sa hospital." Biglang natigilan si Ilynn. Napatingin it okay Mia.

"Hindi. Hindi kita puwedeng dalhin sa hospital.

Inihinto nito ang kotse at iniwan si Mia sa may tulay.

***

"Ilynn, san ka pupunta?" tanong ng mama ni Ilynn. Dala kasi nito ang kanyang maleta.

"Babalik na po ako sa Spain," nagmamadali nitong sagot.

Pasakay na siya ng kotse nang may marinig siyang yabag ng mga paa.

"S-Sino 'yan?" Medyo madilim kaya hindi niya maaninag ang mga parating.

Bigla na siyang kinabahan.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nagmamay-ari ng mga yabag.

Tatlong tao na nakaitim at may suot na maskara ang bumungad sa kanya.

Dati siyang bahagi ng Petal kaya naman hindi lingid sa kanya na ang tanging pagkakakilanlan ng mga miyembro nito ay ang mga numero na nasa kanilang mga damit.

Number seven.

Number eleven.

Number one. Hindi makapaniwala si Ilynn na ang mismong leader ng grupo ay sasama sa pagtugis sa kanya.

"M-Magpapaliwanag ako," sabi niya, subalit tila wala silang balak na makinig.

Inilabas ni number eleven ang kanyang espada.

"Hindi! Huwag! Aaahhh!"

Continue Reading

You'll Also Like

284K 5.7K 33
"There's no other woman I want to be with but just Courtney. I love her even after it hurts, even if it always hurts." Courtney Raven Weinlord met Ki...
7.3M 197K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.3K 318 25
A virus has spread throughout the country. Angela, a girl of faith and dignity, must venture to find her missing love ones and to save her hometown f...
7.5K 328 78
How far will you go just to succeed in your mission? When everything else falls apart, to whom will you hold on?