Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "

13.3K 388 24
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

"gumawa ka na lang ulit ng bago" pamaya-mayang sabi ko when I noticed na hindi na ito makakibo sa kinatatayuan nya. Pagkasabi nun tumalikod na ako at nagpakawala ng isang ngiti.

She never failed to make me feel this way. Ang gawing roller coaster ang emotion ko.

Im really not in the good mood ng umaga na yun dahil sa kapalpakan na naman nila Rene. Kaya tuloy ang aga-aga sermon ang inalmusal nila mula sa akin.Idagdag mo pa ang isipin tungkol kay Louise at ang plano na pag-iwas sa kanya na mukhang hindi ko yata kakayanin, dahil kanina ng mabungaran ko sya, sumikdo na naman ang puso ko. It's a good thing I know how to control myself, kaya kahit na nagwawala ito hindi ko yun ipinahalata sa kanya.kahit na nga ba sa tuwing maghihinang ang mga mata naming dalawa ay halos magkandabuhol ang paghinga ko.

Kanina inside the pantry I didn't expect her to talk to me para lang mag-thank you sa binigay kong pagkain nung nakaraang linggo. Hindi ko na sana sya papansinin pero, sa hindi malamang dahilan I just found myself staring back at her after kong uminom ng tubig. That's when I noticed kung ano ang ginagawa nya.

Obviously, wala sa sarili si Louise when I glanced at her. Napansin ko kaagad na salt ang nailagay nito sa coffee nya instead of sugar. walang patumangga pa nya iyong hinalo ng hinalo not noticing na lumiligwak na dahil sa pagkakatitig sa akin.

Though I felt the urge na punahin sya, hindi ko na yun nagawa dahil na-aamuse ako sa pagtitig na ibinabato nya sa akin.

Am I really that beautiful para mag-react sya ng ganuon? Is my presence really that strong and hard to resist kaya halos mawala sya sa sarilli nya?

Conceited much Ms. Sandoval? Kontra ng alter ego ko.

Hindi ko tuloy naiwasan ang magpakawala ng isang tipid na ngiti kanina dahil sa inakto nya. Hahayaan ko na nga lang sana sya at iignorahin, ang kaso mo instead of walking towards the door sa pangalawang pagkakataon natagpuan ko ang sariling papalapit sa kanya.

Kasalukuyan kong binabalikan ang nangyari sa pantry when the person inside my office caught my attention.

"what are you doing here?" sita ko sa taong nakatalikod at nakapamulsa sa suot nitong faded jeans while looking around my office at nag-uusyoso.

"hey men! Good morning" Rowan greeted me. Grinning from ear to ear . Kung batiin ako nito parang walang nangyaring sagutan sa amin nitong mga nakaraang araw. Cool na cool ang dating at pangiti-ngiti pa ang kumag. Kung sabagay, ganito naman ito eversince, masyadong palagay ang loob kaya nga napagkakamalan na mayabang dahil sa asta nya.

Iiling-iling akong dimiretso sa office table ko at pabalagbag na naupo.

"what do you want Rowan?" sita ko ulit sa kanya.

" don't look at me like that naman pare'" reklamo nito when she noticed me giving her a death glare.

" i came here in peace okay?" dugtong pa nya.

"if this is regarding the issue na pinagtalunan natin, im telling you pre ,dont push your luck this time or anytime, because you can not force me na gawin ang gusto mong mangyari" dire diretsong sabi ko sa kanya.

"okay... okay... im not saying anything.. though nagpunta ako dito dahil sa nangyari nung isang araw. Im here to say sorry.. i did not get your point and i know that makes me look like a stupid bestfriend of yours na nagpaka insensitive sa nararamdaman mo" mahabang paliwanag nito in a serious tone. I just look at her intently at tinatantya kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"im dead serious men.. Im sorry, i really do" dugtong nito ng hindi ako kumibo.

"apology accepted" pamaya mayang sabi ko na ikinangiti nya. Bumalik na naman ang playful na itsura nito na hindi ko nagustuhan dahil im not in the mood para makipagbiruan. Napakadaming gagawin sa opisina at ang maisip lang na magbabad ito dito ay nakakapag pa stress na sa akin.

"so, yun lang ba ang pinunta mo dito?..... Kasi if yes, you may go na. Madami pa akong gagawin"

" wow! Ang harsh. Ipagtabuyan daw ba ako? Tsaka.... are'nt you going to introduce me first to your very pretty na design supervisor?" pilyang sabi nito raising her eyebrows sa nakakalokong paraan.

"really Rowie? Ganyan ba talaga kalakas ang radar mo pagdating sa babae at hanggang dito nakakarating ka?" sagot ko sa kanya. this girl is impossible, napakatalas ng mata pagdating sa mga babae, no wonder kung saan saan nakakadagit ng chiks nya. Ilang minuto pa lang ang inilalagi dito napuna na kaagad nya si Jamie.

When Rowie did not response at nginitian lang ako ng nakakaloko. I turned my attention to the documents na nasa ibabaw ng lamesa ko.

"Why dont you do it yourself? besides it's your forte naman .... ...ang mag pa cute" dugtong ko not staring at her while signing some documents.

"actually,.... i met her na. Its Arch. Jamie Santillan right?" she replied then chuckle.

"oh, you met her na pala... eh di lumayas ka na dito. Your just pestering me and wasting my time." Reklamo ko sa kanya and give her irritating looks then return my attention to what im doing.

"grabe ka talaga kung pagsalitaan mo ako parang hin------" i heard she stop talking kaya naman i glanced at her direction. There she was staring outside the office. Nang i check ko kung san sya nakatingin. I saw Louise standing on the otherside of their partition wall at may kausap na subcon. She accidentally glance at our direction at nagpakawala ng nahihiyang ngiti sa akin before yumuko.

"holy zeus!!! She's gorgeous men. Who is she?" ang narinig kong sabi ni Rowan not removing her gaze from Louise direction. I clearly saw admiration in my friends eyes at halos hindi ito kumurap sa pagkakatitig kay Wild girl. Which is obviously hindi ko nagustuhan. Nakaramdam ako ng selos sa reaction nya kung kaya't in an impulse i stood up and close the door.

"hey!" reklamo nito na nakakunot pa ang noo.

I face her at tinitigan ng masama.

"wag' na wag mo ng ituloy ang binabalak mo." Banta ko sa kanya and giving her a death glare.

Subukan lang nya . Kahit kaibigan ko pa sya magkakasubukan kaming dalawa pagdating kay Louise. Walang sinuman ang pwedeng makalapit kay Wild Girl.

At bakit naman aber?

....Because she's mine.

...Only mine.

Whoa!! Acting like a possesive girlfriend lang ang peg Gabby?

"grabe ka naman pre wala pa nama-----"

"dont you dare Rowan Santiago!" banta ko sa kanya in a full tone.

I know what she's thinking right now at kitang -kita ko yun sa mga mata nya. Ganyang-ganyan sya pag may nakukursunadahan babae.

She stared at me in disbelief and then smirked and surrender by raising her both hands.

"alright!! Alright!! I've got the message Ms.Mia Gabrielle Sandoval" natatawang panggagaya nya sa akin na hindi tinatanggal ang nakakalokong ngiti.

I returned to my seat nang makapanteng hindi na nito i-pu push pa ang kung anumang binabalak nya kay Louise. I can sense she's eyeing me curiously kung kaya't hindi na ako nagtaka ng bigla na naman itong magsalita para mangulit.

"alam mo? it's been a while since nakita ko yang aura mo na yan ng dahil lang sa babae.... " bungad nito. I just ignore her dahil alam ko na kung saan hahantong ang pangungulit na yun.

"kanina when i asked you to introduce me to Jamie hindi ganyan ang reaction mo..... pero ngayon, wala pa akong sinasabi tungkol dun kay gorgeous girl parang gusto mo na akong patayin sa titig palang...

...care to tell me anything about it pare? " nanunukso nitong tanong na bahagya pang inilapit ang mukha at sinipat ako ng maigi. I abruptly stop on what I'm doing at hinarap sya.

"There's nothing to say Rowie. And kung wala ka ng sasabihin pang iba at mag-uusisa ka lang, mas maganda sigurong umalis ka na. Kasi if you're not aware? Hindi ko matapos itong mga tinatrabaho ko dahil sayo" masungit kong sabi sa kanya at pinaningkitan sya ng mata. Ang nakakaasar kasi sa taong to' wala syang pakialam kahit stressed na ang kausap nya. Tama nga sya ng sinabi nyang may pagka-insensitive sya kung minsan.

Pero ngayon mukhang tinablan naman ito ng hiya sa sinabi ko kung kaya't dahang dahang itong tumayo para umalis na.

"oh well, if that's the case Ms. Sandoval. Mauna na ako at baka kung ano pang magawa mo sa akin kapag kinulit pa kita sa mga baga-bagay....

....But...... " putol nito, at nginitian na naman ako ng nakakaloko.

".. you still owe me an explaination, .. tungkol dun kay Ms. Gorgeous " dugtong nito.

"tsk! Get lost Rowan" pagtataboy ko sa kanya. Though I have this feeling na one of this day she wont stop on pushing this issue may mapiga lang sa akin.

Hindi na ito nag-react pa, at tumalikod na papalabas ng pintuan but before she open the door. Bigla na naman itong bumaling at nagsalita.

"BTW, I almost forgot to tell you. My Girlfriend will call you any minute now ----- "

"sinong girlfriend?" putol ko sa kanya. At bakit naman ako tatawagan ng girlfriend nya?

" duh!! Gabby, si Shiela.... Remember? Yung nagbigay ng information regarding sa St. Regis Project" isplika nito

"sa sobrang dami mong babae nalilito na ako kung sinong girlfriend ang tinutukoy mo....." reklamo ko sa kanya

"wow ha! Makapagsabi ka ng madami para namang lumagpas na nag 100 ang naging girlfriends ko" sangga nya

"what about that project?" tanong ko not minding her explaination

"well, they will request a meeting with you regarding the St. Regis Project. Hmmm.... I think they have decided to award it to your company" medyo pa-cute pa nitong pagkakasabi na ngiting-ngiti sa ibinalita nya.

"ah okay, ill be waiting for their call then" kalmadong sabi ko na tatango-tango sa kanya. That's a good news for me, but somehow dahil sa binalita ni Rowan the other day medyo hindi na ako ganun kaexcited.

"What?! Ganyan lang reaction mo??! ...

oh men! That's a billion worth of Project and ganyan lang ang reaction mo??! " gulat na tanong nya when she didn't see any extreme reaction's from me.

"Thank you for the advance info Rowie. Appreciated much" tipid na sagot ko sa tanong nya.

"pambihira ka talagang tao ka oo! Mas excited pa ako sayo ng malaman ko yung good news" daing nito na iiling-iling.

"Mauna na nga ako, wala kang ka-kwenta kwentang dalhan ng magandang balita " bubulong-bulong na sabi nto habang binubuksan ang pintuan.

" Bye pre " I said.

Pagkalabas ni Rowan sya namang pasok ni Fermin.

True to what Rowan said earlier, her girlfriend Shiela called me at nagpa-set nga ng meeting regarding the St. Regis Project. We agreed to meet tomorrow afternoon together with some of her Bosse's.

Pagkababa ng telepono. I quickly instructed Fermin to passed the PEP Documents to Louise para i-revised base sa minor comments na inilagay ko. Nagtataka man kung bakit hindi ako ang dumiretso kay Louise ay hindi na sya nagtanong. Actually, pwede ko nga naman ipatawag na lang si Louise, pero kasi, im trying to stay away from her as much as possible.

********

Louise (POV)

Halos kakasimula ko lang magtrabaho buhat ng manggaling ako sa pantry when i saw Gabby went out from their office followed by Sir Fermin, they are both wearing safety vest and bitbit ang kanya kanyang helmet at radio. Gabby just passed by and go straight palabas ng Site Office while Sir Fermin stopped in front of me. She handed me the PEP documents.

"Louise, may konting changes paki-revise daw sabi ni Gab. She'll need it tomorrow" yun lang at dire-diretso na rin itong umalis. Nagtataka akong napatingin sa iniabot nya.

Bakit si Sir Fermin ang nagbigay at hindi si Gabby? Unusual yun kasi kaming dalawa lang naman ang magkausap pagdating dito. Kung meron syang ipapabago at gustong idagdag sya na mismo ang nag iinstruct at hindi na pinapadaan kung kani kanino.

May problema kaya?

Sus! Problema agad? Porque hindi si Gabby ang nag-instruct? Sawata ng isip ko.

Pero bakit ganun?Why do i have this feeling na parang my something?

Nati-timang ka lang Louise.

Hay ewan! Naguguluhang react ko at agad binuklat ang PEP and scanned it to look for Gabby's comments na Agad ko naman nakita. I set aside first the paperworks na pinipirmahan ko and open the computer.

Nakailang beses na ako ng bukas pero ang abnormal kong pc nagloloko yata. Naiinis akong bumaling kay Cess at tinanong kung pwedeng magamit ang pc nya. Buti na lang at naisave ko ang soft copy sa usb kaya hindi ako gaanong nagworry ng masira ang pc ko.

Nasa pwesto na ako ni Cess and about to start to revise the layout but when i open it. Wala pa lang naka install na software sa pc ni Cess.

Ay ang husay nga naman talaga oo!. Kung kelan nagmamadali nagkanda- loko- loko pa.

Sakto naman bumalik agad si Sir Fermin. I quickly informed him about my problem at agad naman nya akong tinulungan. He let me use his computer dahil my CADD naman daw yun.

********

"you can use my laptop for the meantime tutal saglit lang na-----" naputol sa pagsasalita si Gabby nang sa pagbukas nya ng pintuan she saw me inside their office at nakaupo sa table ni Sir Fermin. Kasunod nito si Jamie na kagaya nya ay naka-safety vest din at bahagyang pawisan. Obviously galing sila sa Site.

"ah Gab, I let Louise use my computer kasi nasira yung sa kanya. Hindi nya mai-eedit yung PEP, eh you need it tomorrow di ba? kaya nag-offer na ako na dito na sya gumawa" bungad na paliwanag ni Sir Fermin nang mahalata ang nagtatanong na tingin ni Gabby.

She just give him a nod at walang kibo na dumiretso sa area nya kasunod si Jamie.

Ni hindi nya ko tinapunan ng tingin. Pero okay lang kasi bahagya pa rin akong nahihiya sa nangyari kanina sa pantry.

Nang makarating sila sa area ni Gabby ipinahiram niya ang Laptop nya kay Jamie dahil wala pa naman ang ini-request na compter para dito. Minutes have been passed at nakailang anghel na rin ang dumaan dahil sa tahimik na paligid. Si Sir Fermin na nasa tabi ko nagrere-view ng mga plano while si Jamie ay naka-focus sa ginagawa nito habang si Gabby naman ay nakaupo sa gilid nito na nakayuko din at panay ang type sa ipad nya.

While working, I can't control myself from secretly staring at them. Waring pinapakiramdaman kung may something ba sa kanilang dalawa. Pero mantakin mang ipilit wala naman akong makita na unusual sa mga ikinikilos nila. Unlike kay Audrey na unang kita ko palang ay halatadong may gusto kay Gabby.

"Gab, head office muna ako " pamaya-mayang paalam ni Sir Fermin na nilingon lang ng kausap at tinanguan.

"Louise, ikaw na mag-shutdown nyan ha?" bilin nito bago lumabas.

Hindi rin naman nagtagal at natapos na rin si Jamie sa ginagawa nya. Kaya lumabas na rin ito ng office at nagpaalam na may titingnan lang daw sa Active Floor. Actually, malapit na rin akong matapos dahil ang konti lang naman ng revision. Pero I intentionally slowed down from working dahil nag-eenjoy ako dito sa office nila Gabby dahil malaya ko syang napagmamasdan ng palihim.

I was busy revising some layout at the same time glancing at her ng biglang tumunog ang Cellphone nya. I saw her eyes with hesitation to answer the call pero ng hindi lumubay ang tumatawag napilitan na nyang sagutin ito.

"Hey Audie, what's up? " tanong nito sa kausap.

Si Ms. Daga pala ang tumawag. Nang malaman na ang kinaiinisan kong babae ang kausap. Automatic na nawala ang concentration ko sa pagtatrabaho at naging curious sa kung anong sasabihin nya.

"ok lang naman... im good ..and you "

"I'm sorry about earlier, I was in a meeting.. alam mo namang super pressure dito"

"thank you.. let me guess, si Rowan ang nagbalita sayo noh?"

"I'm sorry but I really don't want to talk about it Audie"

"No. Please not now. I'm really not in the mood to discuss this matter and I'm fed up with this issue's "

"yeah.. okay naman, pagod lang sa trabaho"

"okay,thanks for the call and say hi to tita for me...

"I will.. kayo din... I miss you too... bye "

The call was not that long. Pero Medyo na-puzzle ako from the latter part ng conversation nila. What was this issue na tinutukoy nya?

Ang Mosang mo Louise.

True to what she said a while ago, mukhang pagod nga sya sa trabaho. Palihim ko syang pinagmasdan. Aside sa medyo magulo ng bahagya ang buhok, nasira na rin ang maayos na pagkakafold ng sleeve ng polo nya. Though hindi naman nakabawas sa ganda nya ang mga binanggit ko, halatang halata naman na haggard sya ng mga oras na yun.

Maya-maya lamang I heard her sighed deeply and remove her reading glasses. Napapagod itong sumandal sa swivel chair nya at ipinikit ang mga mata. Mukhang puyat din sya ng mga oras na yun dahil maya-maya lamang narinig ko na ang mabini nyang paghinga. Mukhang nakatulog na sya sa sobrang pagod.

Grabe ka naman Louise! Matunaw naman, ang OA mo makatingin!

Bakit ba? eto lang ang pagkakataon kong masilayan sya, kontra ka pa.

I abruptly stop on revising at humarap sa direction nya. Malaya kong pinagsawa ang mga mata ko sa pagtingin sa kabuuan ng mukha nya. She's really beautiful. Grabe, hindi ko mapigilan ang mapasinghap sa tuwing napagmamasdan ko sya. Parang sa tagal ng panahon na inilagi ko dito hindi ko pa rin nakakabisado ang mukha nya, kaya everytime na may chance akong titigan sya parang palaging first time ng first time.

Ang bait-bait nyang tingnan habang natutulog. Hindi mabakas ang matapang at masungit na aura.Naisip ko lang kung ganito ba naman kaganda ang mabubungaran ko tuwing gigising at matutulog.....

Ano Louise? Ano ang pu-pwede mong gawin kung ganyan kaganda ang makakatabi mo?

Marami, maraming pwedeng mangyari. Sagot ng malandi kong utak

I just smirked on the thought. Sh*t! ako pa ba ito? Dati rati lalaki lang ang pinag-nanasahan ko. Anong nangyari at bumaligtad ang mundo ko? Nang dahil sa kanya nai-unlock nya ang isang parte ng pagkatao ko na kailanman hindi ko naisip na bahagi nito. Pero sino ba naman kasi ang mag-aakala na maiinlove ako sa isang kagaya nya?

Eh sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog kung ganyan kaganda ang nakaniig mo? Depensa ng isang parte ng utak ko.

It only happened once, pero yung isang beses na yun iba ang naging epekto sa akin.

Pakiramdam ko namula ako sa pagbabalik tanaw ko sa "previous encounter" namin lalo na ng mapadako ang tingin sa mapula nyang labi. I suddenly felt dryness on my throat kung kaya't wala sa sariling napalunok ako.

I was busy staring at Gabby ng may marinig akong pagtikhim sa gawing kanan ko. Ng tingan ko kung sino, it was Jamie. Nakatingin ito sa akin at tila nanunukso ang mga ngiti.

"ah... nakalimutan ko yung notes ko, kunin ko lang ha" paalam nya.

"ahm..y-yeah s-sure" i stuttered and manage to turn my attention sa ginagawa. Then Jamie walk towards Gabby's table.

Nu ba yan Louise! Quotang quota ka na sa kahihiyan. Kanina kay Gabby ngayon naman kay Jamie.

Shocks! Nakakahiya nahuli nya kaya ako? Hindi ko sya namalayang nakalapit sa akin. Maryosep! Lagi na lang ganito pag si Gabby talaga ang iniisip ko nawawala na ko sa sarili.

"mukhang pagod yata" komento ni Jamie referring to Gabby after nitong makuha ang notebook sa gilid ng Laptop. I didnt say anything at nginitian lang sya ng nahihiya. Nang makalabas ito, muli akong bumaling kay Gabby. Mahimbing na ang tulog nito na bahagya pang naghihilik ng mahina which cause me to smile.

Hehehe... ang cute nyang pagmasdan, napaka amo ng mukha nya....

I dont know what gotten in my mind but i quickly grab my cellphone and took a photo of her. When I finish capturing, natutuwa akong i-si-net ang isang photo nya as my screenlock. Mukha akong baliw na pinagmamasdan ang mga kuha nya habNg ngumingiti mag-isa, when I noticed her na biglang gumalaw. I quickly hide my cellphone at nagpanggap na may ginagawa.

Mukhang nangawit yata sya sa pwesto because when i check on her. Nakadukdok na ito sa sariling lamesa.

Tsk. Wawa naman talaga ng Gabby ko. Napakagrabe naman kasing magtrabaho, hayan tuloy kahit nandito sa office hindi na mapigilan ang antok.

Kung may magagawa lang sana ako para maibsan ang pagod nya.. gagawin ko...

Actually Louise, may pwede kang gawin. You can give her a coffee pang tanggal ng antok. My mind suggest

Why not, my mother used to tell me na masarap ako magtimpla ng kape.

Hep!careful lang ha.. baka salt ang mailagay mo kagaya kanina. kantiyaw ng utak ko

I just smirked on the thought at hindi maiwasang mailing ng maalala ang nangyari sa pantry. After that, i sighed deeply and look at her bago tumayo at kinuha ang sariling mug at tsaka tumungo sa pantry.

********

Next in Chapter 12 : " Unfolding the PAST "

"Pain changes people" 

Continue Reading

You'll Also Like

306K 7.5K 56
[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be...
58.7K 1.3K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
128K 4.4K 52
Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha 'Nati' Simeon: Famous Celebrity, she ha...