Revenge Ni Mr. Nerd

By Secretjuan

205K 4.7K 378

From an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will... More

Author's note
Prologue
Chapter 1 : BREAK-UP
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 5 : FLASHBACKS
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 : Almost
Chapter 10 : Brother
Chapter 11 : EXPLAIN
Chapter 12 :MonDATE
Chapter 13 : Slap
Chapter 14 : Sorry
NOTICE TO THE PUBLIC!
Notice to the public ( Version 2.0 )
Author's Note (Revising)
I need your help
Clarification (BASAHIN NIYO PO ITO PLEASE LANG)
Chapter 15 : Exo
Chapter 16 : Jealous
Chapter 17: Fool
Chapter 17 : Call
Chapter 18 : Lie
Chapter 19 : Debut
Chapter 21 : BoyFriend
Chapter 22 : Tomorrow
Chapter 23 : The truth
Chapter 24 : Boyfriend
Chapter 25 : Pageant
Chapter 26 : Question and Answer
Chapter 27 : Champion
Chapter 28 : Timezone
Chapter 29
Chapter 30 : His mom
Chapter 31 : First Kiss
Chapter 32 : Surprise Gift
Chapter 33 : Hey
Chapter 34 : Double Date
Chapter 35 : Bulletin Board
Chapter 36
Chapter 37 : Running man challenge
Chapter 38 : Pictures
Chapter 39 : Boracay
Chapter 40 : Not at all
Chapter 41 : Respect
Chapter 42 : Again
Chapter 43 : White Board
Chapter 44 : Balae
Chapter 45 : Hide and Seek
Chapter 46 : Mom
Chapter 47 : Insta
Chapter 48 : Sauce o Stain
Chapter 49 : Why
Chapter 50 : Revenge
Chapter 51 : Break
Chapter 52 : Drunk
Chapter 53 : Bakla
Chapter 54 : Condo
Chapter 55
Chapter 56 : Test
Chapter 56 : Result
Chapter 57 : Talk
Chapter 58 : Say
Chapter 59 : After
Last Chapter
1 : Hidden Chapter
2 : Hidden Chapter
3 : Hidden Chapter
4 : Hidden Chapter
Author's Note
Book 2 and Christmas Gift
Book 2 POSTED
Completed and FACTS
Fangirl

Chapter 20 : Booth

2.1K 52 4
By Secretjuan

Fara's POV

Abala ang lahat sa pagtatayo ng kani-kanilang booth. Next week na ang aniversary ng school. One week before our anniversary open na ang mga booth, may iba ding sa mismong sa anniversary nag-oopen. Napili naman namin na taga BS Management ang maghiwa-hiwalay para maraming kita at mas maraming booth. Streetfood court naman ang natayo namin. Wala pa kaming benta.

"Ang usok-usok! Ano ba 'yan!" Maarteng sambit ni Carla na unfortunately kateam namin. Our professor picked us. Jess, I, Tyler, Jadyle and Carla in one team.

"Umalis ka! Arte-arte nito parang hindi amoy usok!" Sagot ni bakla sa kanya. Napatigil siya sa pagtatype ng kung ano sa cellphone niya at hinarap kami na nagpapaypay sa ihawan.

"Ikaw! Ang itim mo! Mukha kang sunog!" Imbes na mainis, tumili si bakla sa sagot ni Carla. Kinurot niya ako sa tagiliran at tumili na naman.

"Baklush! Ka-forever ko daw si Jongin! Itim! Sunog! Ohmayghad! Jongin!" Napatawa na lang ako sa pag-exaggerate niya

"Echoserang froglet ka talaga bakla! Gaga! Hindi naman maitim si Kai, lalo na hindi sunog haha! Kayumanggi lang, di bale support ako sayo" tatawa-tawang sabi ko sa kanya

"Ganern? Pero salamat haha" sagot niya

"Excuse us"

"Saan kayo pupunta?" Sabay naming tanong ni bakla kay Carla na nakasimangot ngayon

"Ano?" Tanong niya

"Sabi mo, excuse us" sabay pa din naming sabi ni bakla at tumawa, tumawa din si Tyler na kanina pa tahimik na nakikinig sa'min. Ang waley namin ni bakla pero natatawa pa rin kami.

"Are you two what?"

"Dyosa" sagot ni bakla bago nakipag-high five sakin, pumalakpak naman si Tyler.

"I can't understand both of you"

"Then don't understand us, and ask" inirapan niya si bakla ganun din si bakla sa kanya

"Nagtatanong ng maayos yung tao, wag niyong pilosopohin" sambit ni Jadyle na nakaupo katabi ni Carla. Nasa may sandalan ng upuan ni Carla ang kamay niya habang nilalaro ang buhok nito. Nitong mga nakaraang araw may mga chicka na lumalabas ang dalawa. Well it's good for them.

"Don't ask stupid question if you don't want a sarcastic answer" sabay naming sagot ni bakla

"Magbestfriend talaga kayong dalawa" lumapit sakin si Tyler at kinuha ang paypay, lumabas ako ng booth para mag-imbita ng mga customer

"Miss! Bili kayo nito o! Masarap to! Promise!"

"Whatever. Masarap nga ang tanong malinis ba?" Inirapan niya si bakla, sasagot na sana ako pero umalis na siya

"Makasagot kala mo sinong malinis!" Pahabol na sigaw ni bakla sa babae. Napangiti na lang ako, at pumasok na sa booth

Tanghali na pero wala pa rin kaming benta. Tapos na kaming mananghalian. Wala na kaming klase para sa preparation sa anniversary. Nakaupo lang kami sa loob ng booth, naghihintay na may bumili. Wala dito sina Carla at Jadyle may pinuntahan, kung sabagay may oras naman kami para lumabas sa booth. Magpapalit-palit kami ng bantay pero di namin trip lumabas ng booth, kaya nandito lang kami sa loob ng booth.

"Wag mong bitiwan ang mahalagang bagay na na saiyo, kung ayaw mong masaktan na makita siyang mahulog sa iba, na hindi naman siya kailanman sinalo! It hurts!" Napatingin kami ni Tyler kay bakla na nasa cellphone niya ang atensyon.

"Bakla anyare? Humuhugot ka?" Tiningnan ko ang screen ng cellphone niya.

"Color Switch bakla, humuhugot ka na?!"

"Nakakainis kasi 'to eh" hinilig ko ulit ang ulo ko sa balikat ni Tyler

Bumalik ang dalawa bandang alas kwatro na. Ngiting-ngiti si Carla papunta sa booth, si Jadyle naman as usual poker face. Papasok na si Carla ng may kumalabit sa kanya, isang grupo ng freshman.

"Ate pabili po" nakasimangot na pumasok siya sa booth at tinanong kung ano ang sa kanya. Napagkasunduan din namin kung sino ang nakakuha o tinawag ng costumer siya ang obligadong magbigay. First costumer pa naman namin 'to, kapag ito umalis aba'y ewan ko na lang.

"Dalawampu pong isaw, at kwek-kwek din po dalawampu" sagot ng bata sa kanya. Tumaas ang kilay niya at kumunot ang noo. Nilingon niya kami, naghahahap ng tulong, pero nasa kasunduan namin yun kaya sorry na lang siya. Binaling niya ulit ang tingin niya sa bata

"Ha? I-isaw? Kwe? Kwe? Kwek? What?! Isasaw-saw mo ang kwek-kwek sa isaw?!" Naguguluhang tanong niya sa mga bata, ang mga bata naman nagpipigil ng tawa.

"San ba dito ang pinili niyo?" Tanong niya dito. Tumayo na ako para tulungan siya, first costumer namin 'to dapat hindi mawala. Pinaupo ko na lang siya

"Pasensya na kayo ha, taga-planet rich kid kasi yun. Walang alam sa mga ganito kundi puro foundation at lipstick lang ang alam" bulong ko sa mga freshman na nakapagpatawa sa kanila

"Okay lang ate, inaasahan na namin yun. Suot niya pa lang, pangmayaman na. Teka nga po, kayo lang po ang naiiba ang booth streetfood" tumigil ako sa pagpapaypay at sinagot sila

"We want something new ata? Ganern?" Napatawa na lang ako sa sagot ko, pati na din sila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpaypay

"At dahil first costumer namin kayo ako na ang bahala. Libre ko" nginitian ko sila

"Weh? Di nga po? Sure?" Tumango naman ako

"Sala-"

"Wag na po, nakakahiya" sabat naman ng isa

"Wag na kayo mahiya, pasalamat ko 'to dahil kayo ang unang nakapansin sa'min. Nakakahiya nga sa inyo, dahil kayo pa ang unang costumer namin. Ako na ang bahala okay? Medyo matagal din ito bago maluto"

"Maraming salamat po. Okay lang din po, hihintayin namin maluto" sabay nilang sabi

"Maraming salamat po talaga ate, una na po kami" sabi nila pagbigay ko ng order nila, ngumiti sila, nginitian ko din sila

Pagkaalis ng mga bata, nagligpit na kami dahil hapon na. Napagdesisyonan namin na ibahin ang booth dahil mahina ang benta. Napagdesisyonan namin na photo at videoke booth na lang.

"Carla, may ibibigay ako sa iyo" binigay ko na sa kanya, tinignan niya lang ito

"Isaw at kwek-kwek, try mong isaw-saw ang kwek-kwek ha" natatawang sabi ko bago lumabas ng booth kasama sina bakla at Tyler

"Isaw-saw mo hindi sa isaw" dagdag ni bakla na nagpahagalpak sa'min ng tawa



A/N: I'll try to update this ng mabilis kapag di tatablan ng katamaran haha.

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 716 14
Hey guys this is my first story or novel ever written hope you like it! Actually this is Taglish and the genre is Romance and Comedy. Made this accor...
508 102 13
(Not a Holiday story) Will their first dance in winter be their last? In soul-rending sobs...
654 58 17
This story is about Dazai and Chuuya being best friends but then dazai have to move to another country because of his parents business. TW⚠️:M*ri as...
49.7K 1.3K 26
This was a story between a teacher and a student na na inlove sa isat isa.