Finding You

By IHIDEMYSELF

61.8K 1.7K 95

Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasaba... More

Finding You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
IHIDEMYSELF

Seventeen

982 35 0
By IHIDEMYSELF

Seventeen

Sharla POV

"Kumain ka lang..." alok saakin ni Jasper habang patuloy parin nila akong pinagmamasdan.

"Anong tingin niyo saakin, masiba sa pagkain?" inismiran ko sila at tsaka pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Ngunit kanina ko pa napapansin ang mga titig nila.

"What?" tanong ko ngunit walang gusto sakanila ang magsalita sa halip ay iniiwasan lamang nila ang tingin ko.

"Ano pa ba gusto niyo? Napapayag niyo na ako na sumali sa banda niyo, huwag niyong sabihin saakin na ako ang papabayarin niyo nitong kinain ko?"

"Hindi naman siguro masamang titigan ka, hindi ba?" seryosong utas saakin ni Rio habang may kakaibang ngiti sa mga labi nito.

Napalunok ako sa sinabi niya... Bakit ba sila ganito saakin ngayon, may ginawa ba ako habang papunta kami ditto? Noong natutulog ako may nasabi ba ako? Ano ba!

Napainom ako ng tubig at tsaka napatayo...

"Bahala kayo kung ano ang gusto niyong gawin sa buhay niyo! Uuwe na ako..." mala-awtoridad na sambit ko ngunit hinila ako pabalik ni Jel at tsaka nakakalokong ngumiti saakin.

"Ano ba talaga ang gusto niyo?" iritableng sambit ko.

"How if we have a deal!" sambit ni Jasper na nagpaseryoso saaming lahat.

Napahalukipkip ako at tsaka inabangan ang sasabihin nila...

"Be our girlfriend?"

Halos maibuga ko sa mukha nila ang inninom kung tubig dahil sa sinabi nila...

"Ako ha! Tigilan niyo nga ako..."

"Hindi totoo, be our girlfriend?"

"Ano to isa laban sa tatlo? Naglolokohan ba tayo?"

Napakamot sila sa kanilang ulo...

"No ang ibig namin sabihin be our girl bestfriend!"

Tinitigan ko sila ng mabuti at tsaka napangisi...

"Ikain niyo lang yan, gutom kayo! Uwi na ako..."

Sabay sabay silang napabuntong hininga at tsaka napatayo...

"Sige uwi na tayo, pero pagisipan mo ang sinabi namin. We really mean it" ani ni Rio at tsaka ako iniwan na nakatingin sa kanila habang papalabas ng pinto.

Napa-iling-iling ako, ano ba nangyare sa mga iyon, bakit all of a sudden gusto nila akong maging kaibigan. Baka kasi gusto nilang ginugulo ang buhay ko? O baka kasi alam nila na hindi ko pa nararanasan magkaroon ng isang kaibigan. Hay kung ano man ang dahilan nila, wala na akong pakialam.

Tahimik naming binabagtas ang daan papunta sa Manila, ni hindi ko na nga natanong sa kanila kung saan ba nila ako dinala na lugar, nagbabalak pa naman ako na dalhin sila Mama doon. Mahilig kasi si Dad sa mga Mountain Hiking...

Napahinga ako ng malalim ng biglang huminto ang sasakyan at nasa tapat na pala kami ng bahay, binuksan ko na ang pinto ngunit bago ako tuluyang lumabas tiningnan ko muna sila, lahat pala sila ay nakatingin saakin.

"Hmmm! About sa sinabi niyo kanina, pagiisipan ko. Salamat sa araw na ito, kahit na ginulo niyo araw ko, nag-enjoy parin naman ako. Good night!" sambit ko at tsaka ko na isinarado ng tuluyan ang pintuan ng kotse.

Napansin ko pa ang pag-apir nila sa isat isa ngunit di ko na ganuon ka tinuon ang atensyon ko.

Pagkapasok ko ay mabilis akong sinalubong ni Mama ng nakangiti...

"Nagenjoy ka ba?" totoo nga ang sinabi nila, nagpaalam nga sila. Napatango ako.

"Naku, nakakagulat naman iyong mga kaibigan mo. Akala ko naman kung ano iyong hihingin nilang favor, bute nalang nag-enjoy ka! Kumain kana ba?" mabilis akong napatango kay Mama.

"O sige na magpalit kana muna sa itaas..." sambit ni Mama at tsaka ko na rin sinunuod ang sinabi niya.

~*~

Inaatok pa akong pinatay ang alarm clock sa tabi ng kama ko, at tsaka napabangon.

Medyo late na ako nakatulog kagabe dahil sa project ni Shin na tinulungan ko.

"Papasok kana?" tanong ni Mama saakin ng makita niya akong nakauniform na.

Napatango ako.

Umupo ako sa may mesa at tsaka niya ako hinainan ng pagkain, meron din siyang inilapag na dalawang baunan sa harap ko. Napangisi ako ng mapakla. Hindi narin naman kakainin ni Raiden yan.

"Ma!" tawag ko ng pansin sakanya.

"Oh!"

"Simula po bukas, isang lunch box nalang po ang gawin niyo."

"Bakit?"

"Wala lang! gusto ko lang..."

"Pero paano yung isa mong kaibigan?"

Napayuko ako.... "Basta Ma, uuna na po ako..."

"Ha. O sige magiingat ka..." hinalikan ko na lamang siya at tsaka na ako lumabas ng bahay. Doon ko lang napasin na wala palang maghahatid saakin, babalik na sana ako sa loob para tanungin si Mama ng biglang may sumipol sa labas ng bahay.

Tinitingnan ko kung sino ito ngunit isang nakangiting si Jel ang nakita ko.

"Sharla, nakalimutan kong sabihin sayo, hindi pala kita mahahatid ngayon." Sabi ni Mama sa loob ng bahay.

"Good Morning Sharla..." malapad na bati saakin ni Jel habang papalabas ako ng gate namin.

"Morning..."

Pinagbuksan pa niya ako ng pinto... "Nagpapa-impressed ka ba?" panira ko ng moment niya.

"Ito naman, masama bang pagbuksan ko ng pinto ang isang magandang binibini..."

Inismiran ko na lamang siya at tsaka ako sumakay sa sasakyan niya.

Huli kong sakay dito ay ang huli ko ring kita kay Raiden, napahinga ako ng malalim. Kamusta na kaya yung lalaking yun? Isang lingo na siyang wala at hindi pumapasok...

Pagdating namin sa school, pagbubuksan pa sana ako ng pinto ni Jel ngunit inunahan ko na.

Hinintay ko lamang siya sandal at tsaka kami sabay na naglakad papasok ngunit-napahinto ako sa paglalakad ng Makita ko si Raiden na iniluwa ng isang kotse.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napangiti ako, bute naman at pumasok na siya—ngunit mabilis na napawi ito ng biglang may lumabas na isang babae sa kabilang pinto ng kotseng nilabasan niya.

"Raiden!" tawag ni Jel na kinadahilan ng pagtingin niya sa direksyon namin ngunit hindi ko alam kung bakit ako umiwas ng tingin sakanya. Hinahampas ko ang kaliwang dibdib ko dahil sa nararamdaman nito, hindi ako makahinga na animoy hinahabol ako ng paghinga.

Naramdaman ko ang paglapit nila saamin kahit medyo kinakapos sa paghinga ay pinilit kung maging maayos sa harap nila. Humarap ako at tiningnan ang bawat titig na ibinibigay niya saakin. Katulad noon, wala parin itong emosyon.

"N-Nadine?" gulat na tanong ni Jel.

"Kamusta Art" nakangiting sambit noong Nadine ngunit hindi ito pinansin ni Jel sa halip ay hinila niya ako paalis doon.

"Excuse me, mala-late na kami..." aniya at tsaka ako hinila paalis doon.

"Jel, te-te" nabangga ko pa si Raiden dahil sa ginawa niya pero nang tiningnan ko ito, ay nakatanaw lang siya saamin.

"O Jel! Balita ko pumasok na daw si Raiden. Nakita mo ba siya?" pambungad na tanong kaagad ni Jasper sa seryosong si Jel na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa kamay ko.

"He's with Nadine" iyon na lamang ang sinagot ni Jel at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng silid. Ano na naman kaya ang mga pakulo ng magbabakardang ito, kahapon ang saya-saya nila ngayon naman parang may isang demonyong namamahay sa katawan nila.

Binaliwala ko ang mga bulungan ng aking mga kaklase ngunit ng makita kong pumasok si Raiden ay hindi ko na naman makontrol itong nararamdaman ko.

Ano ba talaga ang nangyayare saakin? Bakit ako nagkakaganito sa tuwing nandito siya at malapit sa tabi ko... Isang walang kwentang tao lang naman ito. Mas nakikitaan ko pa nga ng importansya sila Jel kaysa sakanya.

Pero bakit kahit hindi siya magsalita, at kahit hindi niya ako kausapin parang nagugustuhan ko parin siya.

Ito na ba talaga ang tinatawag nilang-ay! Ewan, basta kahit ano pa ito ayoko ng alamin.

I need to focus only on my study...

Sa pagupo ni Raiden sa unahan ko ay ang kapansin-pansing pananahimik ng buong klase na animoy may dumaang anghel sa loob ng silid. Napalunok ako!

What exactly in their mind right now, parang sa lahat ng tao rito ako lang yata ang walang alam sa mga nangyayari.

...at ano bang pakialam ko sa nangyayare?

Napansin ko ang paggalaw ni Raiden sa unahan ko at mukhang haharap siya saakin kaya mabilis akong nagpanggap na may hinahalughog sa bag para matago ang mga titig na kanina ko lamang ibinabato sakanya.

"I know you're looking at me!" mala-awtoridad na sambit niya ngunit hindi ko pinansin.

Pasimple ko ulit siyang tiningnan at nagbabakasakaling hindi na ito nakatingin ngunit maling hakbang pala ang ginawa ko. Nahuli niya ako.

"I-I'm not looking at you, sadyang nasa unahan lang talaga kita!" palusot ko. At totoo naman, alangan namang habang nagle-lesson sa kanan ako titingin diba? Baliw din to! Psh!

"Why I have this feeling na gusto mo na ako..." confident na confident na sambit niya.

Napangisi ako ng mapakla... "Grabe ang taas pala talaga ng tingin mo sa sarili mo. Bakit naman ako magkakagusto sayo!"

Napakibit balikat siya.

At tsaka tinitigan ang mga mata ko. Kung siguro nakakamatay ang titig malamang pinaglalamayan na ako. Napalunok ako! Hindi ko kaya, feeling ko any-moment-anytime aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang kabog nito.

Ngumiti siya saakin. It's my first time seeing him smile.

Nakakabighani at nakakapanindig balahibo.

Hinila niya ang kamay ko na wari'y may pinapakiramdaman sa aking pulsuhan, napakunot noo ako! Knowing na saamin na nakatingin ang lahat ng laman ng silid na iyon.

...at ang hindi ko kaya ay ang paghawak niya sa mga kamay ko na mas lalong nagpapakabog ng dibdib ko. Ano ba ang binabalak niya.

"I feel it Sharla Veronica Santiago..." at sa huling pagkakataon ay ngumiti siya at tumayo.

"I'm not feeling well, I'm going home!" aniya sa buong klase pero bago siya tuluyang lumabas ay tumingin muna ito saakin...

"You owe me 8 Lunch..." matapos nun ay walang ka-emo-emosyon na itong lumabas ng classroom...

Again? What just happen?

VOTE, COMMENT


Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
GLIMPSE OF HIM By Ac

General Fiction

326K 5.7K 50
Strictly for open-minded only! No alliens allowed.
74.9K 1.3K 39
Different. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palag...
80.5K 1.3K 47
They were madly in love with each other that the moment things didn't go to what they have expected them to be, they were deeply broken and was unabl...