Campus Idols [COMPLETED]

By cristellaaaa_

49.2K 2.4K 1.7K

She's imprisoned in her past. He's imprisoned to his love for her but she always took him for granted. What... More

Campus Idols
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Backstory (Kath and Jahlen)
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
DaRine - Special chapter
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Backstory (Love triangle or square?)

791 40 5
By cristellaaaa_


Have you ever wondered what happened to kath while they're at star city?

Have you ever wondered how kurt convinced kath before the party?

Have you ever wondered how kath acted during the party knowing that jahlen's around with her?

Well, here are the answers! ;)

========

Kath's POV

Himbing na himbing ako sa pagtulog ng bigla nalang sunod sunod na nagring ung phone ko. hindi ko nga pinansin nung una pero nagring ulit kaya nakapikit pa ako ng sagutin ko ito.

"oh? Istorbo!" I answered.

"may muta ka pa yata, kagigising mo lang?" napapairap nalang ako ng marinig ko ung boses. this is her, ang ambisyosang babaeng yun. ang aga agang nang iistorbo psh!

"Oo e, napuyat kasi ako kagabi. Kung di ka lang istorbo di sana tulog pa rin ako hanggang ngayon psh!" I rolled my eyes.

"bastos na babae ka! Labas tayo! Bored na bored na ako e, tatawagan ko sila cess. Sure ako bored din ang mga yun. Ano? Kanyang kanyang service tayo?" Kung nakikita ko tong babaeng to ngayon I'm sure excited yan. teka, anong oras na ba? leche! tanghali na pala -_-

"aba aba! Ano yang iniisip mo ha?"

"well, gusto ko lang itry na lumabas kasama kayo without any drivers with us." sagot nya.

Napaisip naman ako bigla, hmm.. mukhang maganda ung plano nya ah. imba rin ang isang to e, kung magyaya biglaan.

"hmm.. I think that would be a good idea. Pero sa tingin mo ba, papayagan nila aldray at ian sila cess at saki na magdrive? Wag na nu! Mag away pa yung mga yun."

"hmp! May point ka naman. Pero kasi--"

"alam ko na! What if isama nalang natin yung mga boys? Saki with aldray, Cess with Ian, liz with christian, lyn with coco. Isama narin natin sila liam! Sya nalang ang kunyaring date ko hehe.. Ikaw? Bahala kana! Si james at brix nakausap ko na e, ayun! Kasalukuyan nakikipagdate ngayon si brix kay lanie, si james naman may importanteng ginagawa. So, ano na?" I cut her off.

"bastos ka talagang babae ka no?"

"Hahaha. Magsama ka nalang ng date mo, nagpapasundo nalang ako kay liam tapos magkita kita nalang tayo sa meeting place, star city tayo ha? Text ko nalang sila saki, surely approved naman na yun pero alam na, naninigurado parin dapat tayo."

"Oo na! Akala mo huh? Sige na, byebye!"

"bye!" I replied before hanging up.

kahit medyo antok pa ako ay napilitan tuloy akong bumangon. kainis naman oh! but before I headed to the comfort room. nagtext muna ako kila saki at sinabi ko sa kanila ung plano namin ni crys na mangyari. Pumayag naman sila kaya wala ng problema.

After preparing myself, lumabas na muna ako para magbreakfast kung saan naabutan ko naman sila mommy maging ang kapatid kong nasa living room.

"morning!" bati ko sa kanila.

"morning baby girl!" bati ng kuya ko sa akin saka nya ako inakbayan at sinabayang pumasok sa kitchen.

"ano ba kuya? get off me! ang bigat ng braso mo!" itinulak ko sya.

napahagikgik naman ang loko. "Bihis na bihis ka bunso ah, may lakad ka?"

"hindi obvious kuya, hindi talaga" I rolled my eyes.

"may date ka? sinong date mo? pakilala mo muna sa akin huh? alam mo naman, protective ang kuya pagdating kay bunso." he smirked.

I faked a laugh while rolling my eyes again. "Asa! dalawa lang kaya tayong magkapatid. sino pa sanang poprotektahan mo liban sa akin? hays! dyan kana nga kuya! mababaliw ako sayo!" sabi ko nalang saka ako umupo sa dine in area.

Hinihintay nya lang daw pala akong magising, hindi parin sya nagbreakfast kaya ayun, nagsabay nalang kami. Topakin yang kapatid kong yan pero sweet, sweet pero ang sarap itapon sa malayong lugar pag nagsimulang mang inis.

After that eating session with kuya Rojean, bumalik na kami sa sala. sakto naman dumating na si liam.

"morning couz!" he greeted me.

"Oy! eto bang si liam ang date mo bunso?" kuya rojean gave me a teasing look. napafacepalm nalang ako. jusko! nakakabaliw ang kapatid ko!

"ewan ko sayo kuya! aalis na kami! bye mom, dad! alis na kami ni liam! kuya! babye!" I said then ikinawit ko na ung kamay ko sa braso ni liam. "oh? anong tinatawa tawa mo dyan?" I glared at him.

"wala, wala! magboyfriend kana nga kasi katherine! para naman hindi kana asarin ni rojean! ung kuya mo parang nasisiraan na ng bait e" he chuckled. natawa nalang ako sa sinabi nya.

Pagdating namin sa parking lot ng star city. namataan ko na agad sila cess, well! ung nagyaya wala pa. Pero minutes after, dumating na rin sya. With.. kurt.

"Crys!" salubong namin sa kanya at sabay sabay kaming nagtinginan sa kasama nya.

"Who is he? Boyfriend mo?" Tanong ni cess pointing kurt.

"Sana nga." Kurt chuckled. Siniko naman sya bigla ni crys kaya bahagya syang napaaray. brutal talaga tong babaeng to!

"Hindi. Bestfriend ko lang" sagot ni crys

"aray naman crys! Sakit nun ah!"daing ni kurt.

"Oh! Bestfriend daw" ngumisi naman sila. "pakilala mo naman kami sa BESTFRIEND mo crys!" Said saki emphasizing the word bestfriend. Loka lokang babae talaga!

"O sya, Guys! This is kurt, my bestfriend. And kurt, This is saki, aldray, ian, cess, lyn, coco, liz, christian, liam and yeah, kath" pakilala nya kay kurt sa amin. sabay sabay naman silang naghello sa kanya..

"Nice meeting you kurt! Infairness, ang gwapo mo! Bagay kayo ni crys! Agree ba guys?" Pang aasar ni liz.

"Agree!" we said in unison.

"Alam mo, gusto ko na ung mga barkada mo. Feeling ko magkakasundo kami" he chuckled.

"tse! Tigilan mo nga ako. Tara na!" Sabi nya nalang tapos sabay sabay na kaming pumasok sa star city.

Nung una hindi namin malaman kung saan kami pupunta o kung anong gagawin namin. Kaso ang mga kasama naming boys, nagsibilihan ng  ride all you can annual pass tapos ayun! hinila nila kami sa roller coaster! jusko! mamamatay na yata ako!

"ayos ka lang couz? di pa umaandar huh? para kang di maihing pusa e" he chuckled.

"tse!" hinampas ko sya sa braso.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naghihintay na umandar at ng magsimula na nga ay hindi ko na alam kung saan ibabaling yung ulo ko.

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! I hate you Liam! I hate you to death! aaaaaaaaaaah!" sigaw ko

"hahahahaha!" tawa nya.

Inis na inis ako kasi habang sigaw ako ng sigaw. tawa naman ng tawa si liam pero meron rin ung times na nakikisigaw rin sya sa akin kahit may pagngisi pang kahalo. kaasar!

Pagbaba namin sa roller coaster. Halos natanggalan kaming lahat ng buhay specially us, girls. Actually galit na galit kami ngayon sa mga kalalakihang kasama namin. Tawa kasi sila ng tawa samantalang mukha na kaming zombie. Kainis!

"I hate you kurt" crys murmured habang nakakapit sa tuwang tuwang si kurt. Sarap ding kutusan ng isang to e!

"sorry na, masaya naman sana e. Hindi mo lang kasi sinunod ung sinabi ko sayo."

"hindi ka kasi convincing! Kainis ka! Ang sakit ng ulo ko"

"ayoko na. Mga bwisit kayo!" Reklamo ko.

"Killjoy mo naman couz!" Tatawa tawang sabi ni liam. Okay? Isa pa to e! Sarap patayin! Magsama silang lahat na mga bwisit sa buhay namin -_-

"Tigilan mo ako couz ha! Isusumbong kita kay dad!" I mumbled.

"suko na ako." Sabi naman ni lyn. Lahat kami nakakapit parin ngayon sa mga boys. Hilong hilo kami pero sila nakukuha pang tumawa. Kaasar!

"iisa palang nasasakyan natin suko na kayo? Grabe naman!" Said aldray.

"palit tayo gusto mo?" crys glared at him. Tumawa lang naman si aldray. Loko talaga!

"Tara na nga, pahinga muna. Mamaya na ulit" ian chuckled. Sumunod naman kami.

habang namamahinga kami ay napagdesisyunan naming sa Doctor fish namin gugulin ung oras. sulit naman since naging masaya rin kami kaso nakakabwisit lang sila aldray, saki, ian at cess. masyadong dikit! kaasar! ugh!

Pagkatapos namin dun, nagkayayayaan nanaman kami sa kung saan saan. Nagpunta kami sa star flyer, jumping splash at sa kung saan saan pa. Nung mapagod na kami ay kumain na muna kami bago namin napagkasunduang kumain na bago magsiuwian. 4 na rin kasi ng hapon at 7 pm ung party kaya sa ayaw at sa gusto namin ay kailangan na namin umuwi.

"bye guys! see yah later!" sigaw namin.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni kuya rojean habang nakangiti pa. loko talaga ang isang to! walang patawad! hayys!

"Kuya tigilan mo ako ah, pagod ako at nahihilo" Napanguso ako.

"Bunso naman masyadong killjoy" inakbayan nya ako. "mag ayos ka na ng sarili mo, mamaya na ung party sa school nyo diba? Ms. Campus Idol?" He winked.

"yuck! Kadiri kuya!"

"grabe naman!"

Natawa nalang ako sa kanya saka ako pumasok sa kwarto ko. Dumapa agad ako sa kama ko when my phone suddenly beeped.

Napakunot naman ako ng noo ng mabasa ko ung message.


=========================

From: 0975*******

Hi kath! This is kurt. Nasabi mo sa akin na you're not in good terms with your partner tonight right? So, Can I be the one to drag you to the party?

========================


Dali dali ko namang insave ung number nya saka ako nagreply.


=========================

To: Kurt

Look kurt, I know sinabi ko yun sayo. Pero di kaya yun unfair kay jahlen?

=========================


Napahugot ako ng malalim na hininga. Gustuhin ko man kasi pakiramdam ko mas komportable na ako kay kurt. Ayoko namang maging unfair kay jahlen given the fact na sya ang date ko tonight.


=========================

From: Kurt

No. and besides, I have to tell you something along the way. Payag kana?

=========================


Napahugot nalang ako ng malalim na hininga saka ako nagreply sa kanya at pumayag. Kahit ayoko din ay naligaw ako sa inbox ni jahlen telling him na wag na akong daanan dito sa bahay cause someone's going to accompany me along the way. Sa entrance nalang kami magkita.

I started cleaning up myself, sinimulan ko na rin ang pag aayos sa sarili ko. Since my favorite color's green. Parehas kami ni crys actually. My gown's colored mint green. So lovely!

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay tinulungan naman ako ng anak ng maid namin na si karen sa pag aayos. Sa paglakagay ng make up sa mukha at pag aayos ng buhok. Medyo expert kasi sya dun.

"Anak, are you ready? Your date's waiting for you" I heard mom knocks on the door. Tiningnan ko naman si karen at ngumiti sya sa akin saka nya ginesture ung salamin.

Tumayo na ako saka ako lumapit sa whole length mirror. Sinipat ko ung sarili ko at hindi ko maiwasang mapangiti. Maganda ako, that's given. Kaya dapat lang na maging confident ako.

"thanks karen!" I smiled at her. Nauna naman syang lumabas ng kwarto ko then sumunod na ako. Sinalubong naman ako ni mommy. She accompanied me downstairs where kurt is waiting.

"hey.." He smiled.

"Hi!" Ngumiti na rin ako.

Nagpaalam na rin kami kila daddy. Napapatawa na nga lang ako ng mahina matapos syang sabihan nila daddy at kuya na ingatan nya daw ako psh!

"Pasensya kana sa daddy at kay kuya huh?" I said while we're on the road.

"haha. Okay lang, sanay na ako" he chuckled

Nanahimik nalang ako pagkasabi nya nun, e kasi naman wala akong maopen na topic e, kailan lang kami nagkakilala nitong lalaking to at hindi ko alam kung paano nya ba nakuha ung number ko tapos ngayon sya pa ung sumundo sa akin papunta sa party? Ang saya lang diba? -_-

"I know this one's gonna be hard for you" bigla syang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

"huh?"

"makakasama mo sya all throughout the party right?" Tumango tango ako. "at gusto mo ring matapos ang gabing to ng maayos. You want this night to run smoothly."

"Oo naman, syempre!"napayuko ako.

"If that's the case, you should start focusing on one thing. Wag sa kanya kasi mas lalo mo lang syang iisipin, along the party, kahit nakatitig ka sa mukha nya, ibang imahe ang buuin mo sa isip mo. Masasayang imahe para iiwas ka nun sa sakit."

Tumunhay ako para makita sya. He's really serious, poker-faced lang ung mukha nya at deretso lang ang titig nya sa daan

"p-paano naman--"

"Look kath, kung gugustuhin mong makaalis sa lugar na puno ng pasakit , magagawa mo kahit ano pang mangyari basta wag kang masyadong magpapaapekto." He glance at me for a second then he smiled.

Napatulala naman ako after hearing what he said. Bakit sobrang convincing ng mga words nya? Medyo tumatak kasi sa akin. At bakit gusto kong maniwala na maisasalba ako sa sakit nung mga sinasabi nyang paraan?

Nanahimik nalang ulit ako at hanggang sa makarating kami sa venue, wala ng nagsalita. Pagbaba ko naman sa kotse nya ay namataan ko na agad si jahlen. Woooosh!

"You can do it, alright?" Nagulat ako ng bigla nalang hinawakan ni kurt ung kamay ko. E-eh?

"S-salamat kurt" napangiwi ako.

"no problem. Anyway, bagay pala sayo yang suot mo. Sobrang bagay, you're pretty nice and stunning" he smiled. "I'll go ahead, nandyan na ung date mo. Lakasan mo loob mo huh?" He said then pumasok na sya sa loob.

"Damn!" I whispered sabay hawak sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko ugh!

Naglalakad na palapit sa akin si jahlen ngayon, pero bakit hindi sya ang nakikita ko? Hindi sya ang nakikita ko kundi si kurt?

"Ugh! Kainis!" Maktol ko.

"Are you okay?" Hinawakan nya ako. Tiningnan ko lang sya kaya binitawan nya rin agad ako. Hindi ako nagsalita, maging sya ay nanahimik nalang hanggang sa pumasok na nga kami sa loob at naupo kami sa table kung saan naroon sila cess.

"Oh girl! Lakas makamint green ng gown ha?" Tatawa tawang sabi ni cess.

"Ayoko magblack or white. Hindi naman kasi ako aattend ng lamay" I said sarcastically. Tumawa naman sila ni ian.

Minutes passed hanggang sa mamataan ko na ang grand entrance nila crys at oh so gwapong si dustine na walang alam gawin kundi magpoker-faced. Kawawa naman ang bestfriend ko. Mahuhulog nalang, dun pa sa taong may sinasalo ng iba.

Habang busy ang lahat at si crys, hindi ko alam kung gaano sya natetense ngayon. Kilala ko yang babaeng yan, di man halata. Alam ko kinakabahan yan at natutuwa talaga akong nakapunta sya kaya kinuha ko agad ung phone ko para itext sya.


=========================

To: Crystala

Girl akala ko hindi ka makakapunta! ^_^

=========================


Lumingon sya sa gawi ko kaya ngumiti ako at kinawayan ko sya. Ngumiti rin naman sya sa akin pero napanguso rin. Hayys! Ang cute talaga ng babaeng to haha!

Maya maya pa ay nagsimula na ring magsalita ung emcee. Bumati sya sa lahat pagkatapos ay isa isa nya kaming tinawag psh! Perks of being one of the campus idols. Nakakasuya!

"Let's all welcome! The owner of this school, no other than, Mr. Sandoval together with her lovely wife, Mrs. Olivia Sandoval!" Sigaw nung emcee kaya nagsitayuan na kaming lahat at nagpalakpakan. Wow ha! Mommy at daddy yan ni dustine? Infairness, nasa lahi na talaga nila ang magaganda't gwapo. Batang bata rin ang mukha ng mommy at daddy nya.

"Lagot na" I whispered ng lumapit sila sa pwesto nila crys.

Natatawa ako hitsura ni crys. Hayys! Kung nasa mood lang ako pagttripan ko tong babaeng to e.

"Kath.."

"Oh?" Nilingon ko si jahlen. Damn! Bakit ba ang amo amo ng mukha nya? Di nya bagay. Psh!

"galit ka ba?" Tanong nya. Kumunot tuloy ung noo ko. Actually, nabawasan ung ilang ko sa kanya. Parang naging komportable naman ako kahit papaano. Sobrang laki talaga ng naitulong sa akin ni kurt. Hayys!

Speaking of kurt. Iginala ko ung paningin ko hanggang sa mahanap ko naman kung saan sya nakaupo. Nagulat ako ng pagtingin ko sa kanya ay nakatitig pala sya sa akin darn! Bumibilis nanaman ung tibok ng puso ko. No way! This can't be.

Napangiwi ako pero ayun. Ngumiti sya sa akin saka nagthumbs up. Leche naman oh! Bakit ba ang bait ng isang to? At paano nya nagagawang pabilisin ung tibok ng puso ko?

"ugh! Wala lang to" I shook my head.

"Okay ka lang kath?" Napapitlag naman ako ng marinig ko ung boses ni ian. Sya kasi ubg katabi ko sa left side. Nasa harap ko si cess eh.

"uh, o-oo! Okay lang ako" I smiled.

Kinuha ko nalang ulit ung phone ko at tinext si crys. Nag excuse nalang muna ako kila cess saka ako tumayo then hinila ko na si crys sa powder room.

"Okay ka lang girl?" Tanong ko ng mapansin kong sobra sobra na syang natetense.

"Ugh! Kath ngayon lang ako natense ng ganito!"

"hep!" Hinawakan ko ung kamay nya ng tangka nyang sasabunutan ung sarili nya.

"oh bakit?" Tinaasan nya naman ako ng kilay.

"wag mong sasabunutan ang sarili mo girl, ang ganda mo kaya wag kang sira!" I smiled.

"tss!" She rolled her eyes. "eh ikaw? Okay ka lang ba dun? Dun nalang ako uupo sa inyo, pwede naman ako lumipat e" she said. Napairap naman ako lalo. Feeler din ang isang to e, para paraan para makaalis.

"sira ka talaga no? Okay lang ako. Kaya ko na ung sarili ko wag kang alala" Ngumiti ulit ako sa kanya. Totoo naman eh, okay na okay ako. Ngumiti na rin naman ang bruha saka ako niyakap.

"okay ka lang talaga ha?"

"Oo nga sabi! Ang OA mo!"

"sabagay, kanina pa naman din napapansin na parang napakatapang mo. Anong nakain mo huh?"

"wala naman. May nakapagsabi lang kasi sa akin na kunggugustuhin kong makaalis sa lugar na puno ng pasakit sa akin, magagawa ko kahit ano pang mangyari basta wag akong masyadong magpapaapekto." I smiled.

Napapaisip tuloy ako at napapangiti habang naaalala ko ung nangyari kanina. Hayys.. Ewan ko ba! Nababaliw na yata ako e.

"aba aba! At sino namang tao ang nakapagsabi sayo nyan? Gusto ko syang icongratulate dahil kahit ang lakas ng pagkakauntog nya sayo, hindi ka nasiraan ng ulo." Pagbibiro nya.

Napakagat tuloy ako sa labi saka napaiwas ng tingin. "secret ko na yun!"

"anong secret? Di pwede! Sino nga?" Pangungulit nya.

"hayys!" I sighed deeply. Ayoko man sabihin kasi medyo nahihiya pa ako kaso knowing crys, hindi yan titigil hanggang hindi nakukuha ung sagot sa tanong nya kaya... "Si kurt.." Sagot ko saka napaiwas ako ng tingin.

Nanlalaki ang mga mata naman syang tumitig sa akin.

"Si kurt???"

"Oo, wag kang OA dyan!" Hinampas ko sya sa braso.

"paanong-- diba hindi kayo magkasundo? Ni hindi nga kayo nagpapansinan kanina nung nagpunta tayo sa star city e"

"okay na kami matagal na. Awkward lang naman kasi kung magkakausap kami kanina"

"parang gusto ko tuloy yakapin ng mahigpit ang kulugong yun ah! Kahit hindi ako makapaniwala gustong gusto kong magthank you sa kanya"

"ewan ko sayo! Balik na nga tayo dun!" Hinila ko na rin sya palabas ng powder room.

Ramdam ko namang nagsibalikan nanamn ung kaba nya kasi humigpit na ung hawak nya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa ng palihim.

"Go girl! Kaya mo yan!" Sabi ko saka ko sya itinulak ng mahina. "Go crys! Hindi na bago to sayo, ang pinagkaiba nga lang. Parents ni Mr. Cool Guy slash jerk slash taong GUSTO ang nasa harap mo ngayon" I chuckled.

"I hate you!" Sinamaan nya ako ng tingin.

"I love you too!" Ngumuso ako sa kanya.

Bumalik na rin ako sa pwesto ko at eto nanaman po tayo sa malagkit na titig ni jahlen. Nanailang pero hindi ko nalang sya pinapansin dahil gaya nga ng sabi ni kurt kanina. Wag daw ako masyadong magpapaapekto.

"Jahlen could you please stop staring?" Hindi ko mapigilang sitahin sya.

"Bakit ba ang cold mo masyado kath?" Sinubukan nyang hawakan ung kamay ko pero iniwas ko agad.

"Look jahlen, tumutupad ako sa usapan. Dumating ako, pumunta ako. Kaya pwede? Tumupad ka rin?"

"Hindi ka tumutupad kath." Mariin nyang sabi.

"what?"

"Hindi mo ako kinakausap, parang wala ako sa tabi mo. Diba sabi mo kahit ngayong gabi lang, susubukan mong maging masaya kasama ako?"

"How can I be happy kung kasama kita?" Tinitigan ko sya. "sige nga jahlen sabihin mo. Paano?"

Napabuntong hininga naman sya. Nag iwas nalang ako ng tingin hanggang sa nagdistribute na rin sila ng pagkain at nagsimula na rin kaming kumain. Nag open lang din naman ng topic sila ian at cess kaya nakipagsabayan nalang ako.

Maya maya pa ay dumating na yung time na kinaiinisan ko. Sinabi na nung emcee na he's giving the dance floor to us. Ugh!

Tumayo na si ian at inoffee ung kamay nya kay cess saka sila nagpunta sa gitna. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko basta nakaupo lang ako at hindi gumagalaw hanggang sa narinig ko na ung boses ni jahlen.

"Kath... M-may I have this dance?" Tanong nya. Tinitigan ko saglut ung kamay nya saka ako humugot ng malalim na hininga bago ako ngumiti at tinanggap ung kamay nya.

Paghinto namin sa dance floor. Hindi ko alam kung saan nanggaling ung tensyong nararamdaman ko ng ipatong ni jahlen ung mga kamay ko sa balikat nya at hawakan nya na ung baywang ko.

Nagtititigan kami habang sabay sa pagkilos ang mga paa namin. Hindi ko alam kung paano iiwaa ng tingin kasi hindi ko magawa. Para bang nahihypnotized ako bigla. Oo ganun nga, nahypnotized nya ako bigla sa di malamang paraan.

"Kath, I know I promised that after this, hindi na kita guguluhin. Pero mahirap yun para sa akin. Wala na kami ni bianca, I realized? Ikaw pala talaga ung mahal ko. Sorry kung ngayon ko lang narealize yun kung kailan malapit ka nang mawala sa akin." Natigilan ako ng makita ko ang luhang pumatak mula sa mata nya.

I can feel his sincerity. I know he's hurting. Bakit nasasaktan din ako sa nakikita ko? Nasasaktan din ako sa nangyayari sa aming dalawa.

He was my bestfriend. At bakit kailangan pang dumating sa time na kakailanganin naming mag iwasan kasi nasasaktan kami?

"I'm sorry jahlen.." Napaluha na rin ako habang nakatitig sa kanya. "You are my bestfriend. Hindi ko inaasahang darating tayo bigla sa ganito. Nasasaktan na tayo pareho e, ayoko man pero kailangan talaga nating gawin to. Kailangan nating lumayo muna sa isa't isa hanggang sa maging handa na ulit tayo"

"I know, pero kath hindi ko kaya.." He cried.

"please jahlen.. Kayanin mo. Please.. Let me go" I whispered.

"I.. I can't" he whispered saka nya ako niyakap. Ang sakit! Sobrang sakit!

=========

Daven Kurt's POV

Napako ang tingin ko kay crys ng magsimula ng magsayaw ang mga campus idols. Lahat kami ng mga kasama ko dito sa table nanlalaki ang mga mata. Halos napapamura nga ako ng mahina e. Gusto ko syang hilahin palayo pero pinipigilan kasi ako nila drake. Yeah, I'm with them.

"fvck! Sira ba ulo yang barkada nyo ha? Bakit ibang babae ung isinasayaw nya at hindi ung bestfriend ko? Ugh!"

"She loves her. Yun yon" sagot ni drake habang seryosong nakatitig sa siraulo nyang barkada.

"what the fvck are you saying? Who loves who?"

"yung babaeng isinasayaw nya ngayon. Mahal na mahal nya" sabi nya.

Walang tigil ako sa pagmumura lalo na ng tumayo si crys at nagtatakbo palayo pero maya maya pa ay sinundan sya ni adrian. Fvcking adrian! Bakit bumalik pa sya?

"Damn! Excuse me." Tumayo ako at susundan ko sana sila crys pero nahagip ng mata ko si kath. Yeah it's her. Hugging her bestfriend while dancing. Siguro naman may naitulong ako sa kanya kahit papano.

Napangiti nalang ako kasi atleast may nagawa ako to save her kahit sa simpleng pamamaraan lang saka ako nagderetso sa paglalakad at sinundan sila crys pero pagdating ko. Wala na si crys, pero adrian. Tangina parang baklang nag iiyak!

"What the hell do you think you're doing? Sira ba talaga ulo mo ha? Ba't nagbalik ka pa?" I glared at him.

"Look kurt, I'm not here to fight with you. Gusto ko lang maging maayos ang lahat sa amin"

"Maayos?" Tumawa ako. "In your dreams!" Kumilos ako agad saka ko sya kinuwelyuhan. "Stay. Away. From. Her!" Sabi ko saka ko sya binitawan at lumabas na ako.

Kaso sobrang nag iinit ung pakiramdam ko kaya lumabas muna ako at pumunta sa likod para magpahangin. Baka kung ano pang magawa ko sa bwisit na adrian na yun!


=========

Kath's POV

Pag upo namin. Kahit papaano ay naging komportable naman na ako. Nagagawa ko ng titigan sa mata si jahlen at ngumiti sa kanya. Kahit papaano ay gumaan na ung pakiramdam ko.

Lumapit sa amin sila crys at nagpapaalam na uuwi na daw sya kaya nagtaka kami. Sinubukan ko pa syang pigilan pero ayaw nya, sabi ko rin na uuwi na rin ako para sabay kami pero ayaw nya rin kaya wala na akong nagawa.

nag usap usap nalang kami nila cess, nagtataka rin kasi sila sa biglaang inasta ni crys kaso natigil kaming lahat ng bila nalang kaming makarinig ng boses at binanggit ang pangalan ni crys, kasunod nun ay ang tunog ng gitara.

Napatingin kaming lahat sa stage at nanlaki bigla ang mga mata ko sa nakita ko. Nagtinginan naman kami ni cess.

"what is he doing here?" I whispered.

"Kath! Anong ginagawa ni adrian dito?"

"hindi ko alam cess.. Hindi ko alam.."

Napatingin ako sa direksyon ng tinitingnan ni adrian at nandun nga ai crys. Nakatayo at walang imik. Nakatitig lang sya sa harapan habang walang tigil na sa pagtulo ang mga luha nya.

"Gosh!" Napakapit tuloy ako ng di oras kay jahlen.

Matapos kumanta ni adrian ay nilapitan nya si crys pero isang malutong na sampal ang natanggap nya. Hindi ko na rin napigilan ung sarili ko at lumapit na ako kay crys. Hinawakan ko sya pero nanginginig sya.

"What's happening here?" Tanong ni dustine na bigla nalang sumulpot kasama ung rian sa likod ni adrian. Hinawakan ko nalang ng mahigpit u si crys kasi alam kong nanginginig sya at nasasaktan sya ngayon ng sobra.

"Masaya ka na?!" Bigla nyang sigaw habang nakatitig kay dustine. "Umiiyak nanaman ako oh! Nasasaktan nanaman ako! Masaya kana?! I thought you'll be different from him. Parehas lang pala kayo! Sana pala naniwala nalang ako, nakakamatay ang akala diba? O ayan, unti unti na akong pinapatay ng pag aakala kong ngayong gabi, sasaya ako, sasaya ako kahit ngayong gabi lang." She whispered as she turned her back at us.

"crys..." Hinawakan ko ung kamay nya pero mabilis nya yung binawi at naglakad na sya palayo.

Matapos tumakbo ni crys ay nagsilapitan sila aldray sa akin. Kaharap ko kasi ngayon si adrian at ang sama sama ng titig ko sa kanya. Bakit kailangan nya pang bumalik kung kailan nagiging okay na ang lahat?

"anong nangyari?!" Ang talim ng titig ni aldray kay adrian. Syempre pinoprotektahan nila kaming mga kaibigan nila e.

"sino ka ba ha?! Anong karapatan mong saktan ung kaibigan namin?!" Sigaw naman ni ian. Lalapitan nya sana si adrian pero pinigilan namin sya ni cess. Kami palang kasi ni cess ang nakakakilala kay adrian. Wala na kasi si adrian noong maging kaibigan namin sila saki, tatlo palang kami nila crys at cess noon.

Hinarap namin si adrian. Nakikipagsukatan kami ng tingin sa kanya.

"kath, cess.. Please hayaan nyo akong kausapin sya." Pakiusap nya sa amin.

"Go ahead!" Naggive way kami ni cess.

"S-salamat!" Sabi nya saka sya dumaan sa pagitan namin ni cess pero natigilan muna sya sandali ng magsalita ako.

"You never gained our trust adrian. Wag kanang umasang pabor pa kami sayo. Niloko mo na sya noon, sa tingin mo papayag pa kaming maulit yun?" Sabi ko bago sya tuluyang umalis.

Napabuntong hininga nalang ako. Hinawakan naman ako ni cess sa kamay.

"Ano bang nangyayari?" Sabat nung rian. "What's with adrian and crys?" Dagdag nya pa.

"Hindi mo alam?" Tinitigan ko sya. "Si adrian. Sya ung lalaking nanloko kay crys noon. Sya ung gagong lalaki na nanakit sa kaibigan namin!" Sabi ko. Hindi ko na rin kasi mapigilan ung sarili kong mapamura.

Nahagip naman ng mga mata ko si kurt. Lumapit sya sa isang lalaki pagkatapos ay nagtatakbo na sya palabas. I guess susundan nya si crys.

"what?!" Nanlalaki ang mga nya. "Gosh! Kaya pala familiar sya sa akin, sya pala talaga ung babae sa picture na nasa wallet ni kuya!" Sabi ni rian.

Kuya???

"Let's go dustine! Sundan natin sila kuya!" Hinawakan nya si dustine.

"sandali!" Pigil ko. "Ang sama mo dustine, sobrang sama mo! Wala ka manlang nagawa. Napakaselfish mo!" Sigaw ko sa kanya saka ako nagtatakbo palabas.

This party is useless. Sana pala hindi nalang to nangyari. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Kailan ba matatapos ang mga paghihirap nya? Kailan ba sya tuluyang sasaya?

"Kath!" Sinalubong naman ako ni matthew. "Sorry.. Ako na ang nagsosorry sa kagaguhan ni dustine. Sorry.. Wala man akong alam sa nangyayari sorry parin." Hinging paumanhin nya.

"Hindi matthew. Hindi ka dapat magsorry, kasalanan ko naman e, ako ang dahilan kung bakit ginusto ni crys na umattend sa lecheng party na to! Kaya wala kang dapat ihingi ng tawad."

"S-salamat." Sabi nya saka sya ngumiti sa akin.

Naguluhan naman ako sa sarili ko kasi bakit ganun? Ng makita ko ung ngiti nya bakit sa unang pagkakataon, napabilis ni matthew ung tibok ng puso ko?

"damn! Kanina si kurt, ngayon naman si matthew? Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong ko sa sarili ko bago ako nagderetso sa paglalakad.

Continue Reading

You'll Also Like

17.4K 548 19
The sons of Tyron Zaire ay gustong maranasan ang pamumuhay ng kanilang Ina sa probinsya, kaya mas pinili nilang magbakasyon doon kung saan di nila in...
2.2M 20.9K 84
This novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay...
632K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
134K 2.3K 54
A girl who's secretly admiring a boy. It was all started with a chat. Palaging nagcha-chat si girl kahit na di pinapansin ni boy........ Fangirl. Se...