Finding You

By IHIDEMYSELF

61.8K 1.7K 95

Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasaba... More

Finding You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
IHIDEMYSELF

Fifteen

1K 32 0
By IHIDEMYSELF


Fifteen

Bigla akong nakabalik sa realidad ng biglang tapikin ng isang babae ang balikat ko. Napatingin ako sa kamay ko at hawak ko parin ang baunan na akala ko'y binato ko kay Raiden.

Hindi katulad sa imahinasyon ko, walang nakatingin ngayon na estudyante maliban lamang dito sa babaeng tumapik saakin.

Hinanap ko si Raiden sa hallway ngunit wala nang kahit anino niya roon.

Nakahinga ako ng maluwag ng maisip na imahinasyon ko lang pala lahat ng iyon, nagbalik ako sa classroom at nagdesisyong sa labas ng room ko na lamang kakainin ang baon ko kasama na rito ang pinahanda ko para kay Raiden.

Medyo marami'ng mga estudyante akong nadaanan ngunit hindi katulad noon, wala na silang ginagawa saakin ngayon. Siguro nga, tinotoo ni Ardee ang banta sakanya ni Raiden.

...at nagpapasalamat ako dahil doon.

Katulad dati, nakita ko na naman ang sarili ko sa field ng school. Tahimik akong napaupo roon at dinamdam ang sariwang hangin na ngayon ay dumadapo sa aking katawan.

Nasaan na kaya yung babaeng nakilala ko ditto noon, sa pagkakatanda ko ay Cheska ang pangalan niya.

Iginala ko ang mga mata ko at nagbabaksakali na makikita ko siya ngunit bigo akong binuksan ang baunan ko at nagsimula na lamang kumain.

Mabilis kong naubos ang isa'ng baunan, ngunit nang tumingin ako sa isa pa ay parang feeling ko sasabog na ang tiyan dahil sa kabusugan. Dapat pala si Jel nalang ang pinagbigyan ko nito.

Haist! Hindi ko talaga alam kung papaano ko pagkakasyahin ang isa pa ngunit ayoko naman itong itapon dahil magagalit si Mama.

Nagpalipas pa ako ng ilan pang minuto upang kahit papaano ay maibaba ko ang kinain ko kanina at tsaka nagdesisyon na buksan na ang isa pa ng may biglang humablot nito sa kamay ko.

Gulat ang emosyon ko ng Makita kong umupo sa tabi ko si Raiden at inumpisahang buksan ang lunch box.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" wala sa wisyong tanong ko

"Eating..." direktang sagot ko.

"A-Akala ko ba, ayaw mo?"

"May sinabi ba ako?" sagot niya ng hindi man lang tumitingin saakin.

"Pero-"hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong inabutan ng maiinom.

Naiilang kong kinuha ito at tsaka ininom. Psh! Akala ko baa yaw niya, nahulog na kaya ang pagkaing yan dahil sa kaartehan niya tapos iyon naman pala kakainin niya. Ang labor in ng lalaking ito.

Kasabay ng pagtapos ko sa paginom ay ganun din ang pagtapos niya sa pagkain! Grabe hindi ba siya nabubulunan sa sobrang bilis niyang kumain?

"Thanks for the lunch!" aniya at tsaka na siya nagsimulang tumayo.

"Bakit mo tinabil ang kamay ko kanina noong iaabot ko na ang Lunch mo?" pigil ko sa kanya.

"It was an accident" tipid na sagot niya at tsaka na siya umalis sa tabi ko.

Palaisipan parin talaga sa isip ko kung paano nagging aksidente iyon? Halata sa kanya kanina na tinabil niya talaga, kaya papaanong nagging aksidente iyon?

Sinulyapan ko ulit siya habang papasok na sa loob ng building, ngunit isang nakaheadset na lalaki na naman ang nakita ko, na parang wala siyang pakialam sa mga taong nadaraanan niya.

Raiden Montecalvo...

"Sharla!" kaagad napakunot ang nook o ng biglang sumulpot si Jel sa pinanggalingan ni Raiden.

"Bakit?"

"Ano sasali kana ba?" napakunot ang noo ko. Hindi ba talaga nila ako titigilan?

"Hindi!" tumabi siya saakin.

"Dali na kasi-" pangungulit niya pa.

"Marami namang iba diyan, iba nalang ang yayain niyo sa pagbabanda. Huwag ako!"

"Kung may iba pa ba kaming nakikita, kukulitin ka ba namin ngayon?"

"Ewan ko sainyo! Tara na, matatapos na ang breaktime. Baka ma-late pa tayo..."

Nagsimula na akong tumayo ngunit hindi man lang siya gumalaw sa inuupuan niya.

"Jel, tara na!" anyaya ko ulit sakanya.

"I have an idea" kaagad napakunot ang noo ko sakanya.

"Ano naman yan?"

"Cut tayo ng class" masiglang sambit niya habang masayang tumayo.

"Ano ba yang sinasabi mo. Bahala ka kung gusto mo mag-cut ng class huwag mo na ako idamay..." sabi ko at tsaka tinalikuran siya. Hindi niya ba naisip ang paghihirap ng mga magulang niya para lamang maipasok siya sa ganito kagandang school tapos sasayangin niya lang?

Ibang klase talaga ang mga estudyante dito.

Malapit na ako sa building ng maramdaman kong hinila ako ni Jel.

"Alam mo ikaw, minsan lang naman ito. Promise sayo, mageenjoy ka!" papalag pa asana ako ngunit nagsinula na itong tumakbo habang hawak hawak niya ang kamay ko.

Gusto ko mang pumalag pero wala akong magawa dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko ay paniguradong madadapa ako kapag pinuwersa ko ang sarili kong kumawala sakanya.

Iniluwa kami ng school at hingal na hingal na pumasok sa kotse niya.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?"

Binigyan niya ako ng kakaibang ngiti at tsaka pinaandar ang sasakyan niya, nakita ko pang tinodo niya ang aircon at tsaka may denial sa cellphone niya.

"Hello!" mabilis akong napatingin sakanya habang may kausap ito sa cellphone.

"Ou kasama ko siya..." aniya.

"Hoy! Jel saan mo ba talaga ako dadalhin?" bulyaw ko sakanya ngunit walang galang niya lamang tinakpan ang bibig ko at sumenyas na manahimik!

Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya.

"Malapit na kami... Ok bye! Manahimik ka nga..." iyan na lamang ang sinabi niya at pinatay na niya ng tuluyan ang cellphone niya.

Masaya siyang tumingin saakin habang may kasama pang sipol, ngunit pagtaas lamang ng kilay ang sinusukli ko sakanya.

Napansin niya siguro iyon. "Sharla, Sorry na kung natakpan ko bigla ang bibig mo hindi ko naman sinasadya"

Napa-tss ako sa mga sinasabi niya. Ganun ba talaga sila kapag gusting sabihing tumahimik ang isang tao. Hindi ko siya pinansin!

Pinilit ko lamang na ituon ang sarili ko sa paligid na nadaraanan naming.

Dinala niya ako sa isang maliit na bahay, napakunot noo ako. Hindi niya naman siguro bahay ito, hindi ba! Parang ang liit naman masyado.

Iginaya niya ako papasok kaya doon ko lamang nalaman na hindi nga ito bahay, studio pala ito. Napupuno na puro musical instrument ang loob nito.

Napansin ko rin sa loo bang nagkukwentuhang si Rio at Jasper, lumapit din sakanila si Jel kaya naiwan na lamang ako sa may pinto habang nakamasid sa kabuuan nito-

Ngunit napatigil ako ng bigla akong makarinig ng strum ng gitara sa madilim na bahaging iyon, hindi ko siya maaninag ngunit nang binuksan ni Jasper ang ilaw ay mabilis akong namangha ng Makita ko si Raiden na nakaheadset at nagstrum ng gitara...

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdan ko, nagsisimula na naming maghurmitado ang Sistema ko.

Kasabay ng mabilis na pagtibok nito ay ang pagpasok ng isang hindi pamilyar na alala sa isip ko.

Nasa parehong posisyon ang kitatayuan naming, nguit ang pinagkaba lamang ay buong banda silang tumutugtog ngunit ang kanyang mga mata lamang ay nakatuon sa isang lalaking umaawit sa entablado.

Mahirap ipaliwanag ngunit, parehong pareho kami ng nararamdaman.

May tumulong luha sa mata niya at patagong pinunasan ito, at tsaka piniling tumalikod.

Ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya kaya hindi ko maiwasang hindi maiyak sa sakit nito na animoy ako ang nakakaramdam ng lahat ng pighating pinagdadaanan niya.

"Umiiyak k aba?" mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko.

"Ha! Bakit naman ako iiyak?" sabi ko.

"E parang-"

"Marami kasing alikabok ditto-napuwing ako." Pagsisinungaling ko kay Rio.

"Weh?" pangaasar niya pa lalo.

"Bahala ka nga kung ano ang gusto mong sabihin... Ano papaya kana ba?" tanong niya-ngunit isang kunot na noo lamang ang sinukli ko sakanya.

"Saan?"

"Ilang minute ka palang nakikinig ng musika ni Raiden, distracted kana kaagad? Huwag ganun-unfair!"

Inismiran ko siya at diretsong sinagot. "Hindi"

Napangisi siya at tsaka napakamot sa ulo... "Kahit pala ako ang magyaya-wala ring epekto!"

Napangisi na lamang ako sa sinabi niya.

Napansin naming ni Rio ang pananahimik ng paligid maging si Raiden ay napatigil sa kanyang pagtutog, sila Jasper din ay halos matulala sa babaeng nakatayo sa likod ko.

Sunod kong sinulyapan si Rio na kunot noong nakatingin sa likod ko...

Lilingunin ko n asana ito ng bigla kami makarinig ng isang malakas na pagbagsak ng isang gitara sa sahig, sunod kong nakita ang galit nag alit na si Raiden na papalabas ng pinto. Nasagi pa niya ako na muntik ko ng ikabagsak ngunit maagap akong nmgasalo ni Rio.

"Nadine!" walang emosyong bigkas ni Jel na kinadahilan ng pagnginig ng tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan.

Nilingon koi to ngunit hindi ko na nasilayan ang mukha niya dahil sinundan na nito si Raiden.

"Si Nadine ba talaga iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Jasper saamin.

"Ok ka lang ba?" tanong saakin ni Rio na hanggang ngayon pala ay nakahawak pa din saakin. Napatayo ako ng maayos.

"Ou, salamat!" pinilit kong maging maayos sa harap nila kahit na gusting sumabog nitong nararamdaman ko.

Mahina at paulit-ulit kong hinahampas ang dibdib ko. Ano ba talagang nangyayare saakin?

Bakit naiiyak ako, bakit parang gusto kong maglaho sa harap nila at gusto kong magkulong sa isang silid at mapagisa?

Kahit nalilito ay pinilit kong maging kalmado sa harap nila.

Pinilit ko ring ibalik ang sigla nila-kahit na hindi ko alam kung sino ba yung Nadine na iyon sa mga buhay nila.

"Bakit parang may dumaang multo sa harap niyo?" pilit na pagpapatawa ko.

"Haist!" iritableng sambit ni Jasper at nagbabalak na sanang lumabas ngunit maagap koi tong hinarangan gamit ang dalawa kong kamay.

"At saan ka pupunta?"

"Lalabas, obvious ba?" pambabara niya saakin.

"Opsss! Bawal lumabas sa apat na sulok ng silid na ito..."

Napalunok ako.

"At sino ka naman sa inaakala mo?" galit na utas niya saakin.

"One of your band mate?" napalunok ako, hindi ko alam kung ano ba itong pinaggagagawa ko, pero kasi mukhang kailangan nila ako ngayon at gusto ko ring malaman kung sino iyong Nadine iyon.

"Pumapayag kana?"

"Bingi ka ba?"

Napahalukipkip ako at tsaka ngumiti sakanya-Nakita ko rin ang saya sa mukha ni Jel at Rio dahil kasali na ako sa bandang binubuo nila.

At mukhang napawi ko kahit papaano ang kung ano mang tensyon ang meron sila...

VOTE, COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

102K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
35K 642 22
Nasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopt...
17.6K 701 77
Aldressa Maia Veñez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay l...
74.8K 1.3K 39
Different. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palag...