Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 7 : " Green minded"

13.5K 451 25
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

Waking up with extreme headache is one of the things na ayokong ayoko. Not to mention na kung ang dahilan nito ay hang-over dala ng sobrang kalasingan.

Halos hindi ko magawang idilat ang mga mata sa sobrang pagkaliyong nararamdaman ko. Kahit nakapikit pakiramdam ko umiikot ang paligid ko.

Eto na nga ba ang ayaw ko pagkatapos mag-inom. Oo nga at mag-eenjoy ka sa simula pero after that sakit naman sa ulo ang kapalit. Bakit nga ba naimbento pa ang alak? Kung sa bandang huli pahihirapan ka naman nito sa hang over?

Tsk! Parang pag-ibig lang din noh? Bakit pa naimbento kung palagi ka namang masasaktan.

Iilang beses ko na nga bang isinumpa ang alak sa tuwing nagigising ako ng ganito?

Hindi ko na yata mabilang sa daliri ko. Pero sa tuwina hindi ko pa rin mapigilan ang sariling hindi tumikhim nito lalo na kapag may pinagdadaanan ako. In fact, dapat nga sanay na ako sa ganitong scenario because if im not mistaken, ilang buwan din na ang naging libangan ko ay ang pag-inom ng alak.

Iba na ngayon Gabby. Ilang lingo mo na rin itinigil ang pag-inom hindi ba? why sudden change at bumalik ka na naman sa dati mong bisyo?

Tsk! Hayaan mo sya, paminsan minsan lang naman. Kahit kailan KJ ka talaga!

Nang dahil yata sa nagtatalong utak ko kaya lalo kong naramdaman ang pag-guhit ng sakit sa ulo ko.

When I open my eyes bahagya pang umikot ang paningin ko. Pinilit kong tumayo pero tila hindi ako makagalaw dahil naramdaman ko ang isang mainit na bagay na nakadagan sa akin. When I check it kung ano yun, bahagya pa akong nagulat ng makitang hindi yun isang bagay, kundi isang pares ng braso at hita ng babae ang kasalukuyang nakadagan sa katawan ko. I quickly check on what i am wearing and felt relief ng makitang nakadamit naman ako. Nilingon ko ulit ang babaeng katabi ko na mahimbing na natutulog.

Who is she?

I don't remember anything na nag take home ako ng babae. Isa pa, hindi ko naman talaga ugali ang magsama ng babae dito sa condo ko. My privacy is too important for me. kaya kung nagkakataon man na nakikipag-flirt ako at humahantong sa ganitong scenario, it's either sa lumang condo ko yun dinadala or umuupa ako ng hotel.

Naguguluhan man sa natuklasan, I slowly turned sideways para sinuhin ang nilalang na nasa tabi ko. Hindi ko makilala kung sino iyon dahil natatakpan ng mahaba nyang buhok ang kabuuan ng mukha nito. Unti-unti ko yung hinawi and felt the sudden relief ng makilalang si Audrey lang pala yun.

Sandali kong pinagmasdan ang mukha nya. Audrey was beautiful at hindi ko yun itatanggi, she's a great example of what they call is a divine beauty. Bukod dun, she has this attitude na kagigiliwan mo. Makulit ito at jolly person, pero ang pinaka nagustuhan ko dito ay ang pagiging malambing nya at showy. She does'nt mind showing her feelings kahit sa harapan pa yan ng madaming tao. Kasehodang kaibigan ka nya o Jowa, basta maiparamdam lang nya na importante ka sa kanya. Must be the reason kung kaya't sa dami-dami ng kaibigan na iniwan ko sya lang ang nag-iisang tao na hindi ko mai-let go.

I wasn't like this before, kagaya lang din ako ni Audrey na nuon ay happy-go-lucky. cheerful at very optimistic person . Not until someone destroyed me inside-out. That's when the time I started to shut down myself to all the important people in mylife. Including my very own Family .

Audrey is one of the person na kayang palabasin ang dating ako at sya lang ang bukod tanging tao na nakakaintindi sa pinagdadaanan ko. She did'nt leave me during the times i felt na nagiisa na lang ako sa mundo at kahit na halos ipagtabuyan ko sya makulit pa rin itong bumabalik sa akin. At dahil nga dun, nasanay na rin ako sa presensiya nya.

She knows me to well at kayang-kaya nyang sakyan lahat ng trip ko. Alam nya kung papaano ako patawanin at lambingin. Kagaya na lang ng ginawa nya kagabi nang maabutan nyang subsob ako sa trabaho. She make fun of me na masyado raw akong seryoso, nagiging kamukha ko na raw tuloy ang dati naming Teacher na super strict nung college na si Mrs. Ramos. Hindi pa ito nakuntento at ginaya pa nito kung papaano ang itsura ng dati naming guro na ikinahagalpak ko naman ng tawa. Sa totoo lang,nag-eenjoy ako sa company nya. Napaka - cool kasi at cowboy kasama, tapos palagi pang nakangiti.

Pero nitong mga nakaraang linggo napansin ko na there is something wrong with her. Kapag magkasama kami napapansin ko ang biglaan nyang pagtahimik habang mataman lang na nakatingin sa akin. Pagtatanungin ko naman, ngingiti lang sya at sasabihing "wala lang". Hindi lang yun, napansin ko rin ang ibang gestures nya at paglalambing sa akin. Ibang-iba na yun at hindi na kagaya ng dati.

Alam ko she's into something at hindi kaila sa akin yun, malakas ang pakiramdam ko na ako ang dahilan ng pagbabago nya. She must be felt something towards me at hindi ako manhid para hindi maramdaman yun, but whatever it is that she's thinking, is clearly not possible. Makakasira lang yun ng pagkakaibigan naming dalawa.

The only way I saw para ma-survive ang friendship namin is to slowly detaching myself to her. Kaya nga hindi ko sinasagot ang mga tawag nya, dahil yun ang paraan ko ng pag-iwas sa kanya. Nalulungkot man at labag sa kalooban ko tinitiis ko yun because I know the feeling is not mutual. It will never be. Dahil hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

I glance at her again ng maramdaman kong gumalaw ito. Sinamantala ko yun para unti-unting kumawala sa pagkakadagan nya. I Slowly turned around at dahan-dahang naupo sa gilid ng kama. Sandaling nagmuni-muni at tsaka dinampot ang cellphone sa side table ng maalala ang meeting na naka-schedule ngayong umaga. Dahil alam kong gahol na rin sa oras, I called Fermin and instruct to attend the said meeting in behalf of me.

After that I quickly take shower at nagprepare na papasok sa Site Office.

I was about to go ng biglang magising si Audrey. Pinipilit nitong dumilat habang parang lasing pa rin na tinatawag ako.tatayo pa nga sana ito pero pinigilan ko at sinabihan na matulog pa ulit since maaga pa naman at wala naman siyang pasok. Hindi naman ito tumanggi at muling isunubsob ang mukha sa kama hanggang sa narinig kong naghihilik na ito.

********

Bahagya pa ring kumikirot ang ulo ko pagdating sa Site. Akala ko mawawala rin agad yun pagkainom ko ng gamot, pero nagkamali ako. Hindi nabawasan ang sakit nun simula ng umalis ako sa Penthouse. Dumaan na nga rin ako sa isang coffee shop para bumili ng kape sa pag-aakalang makakatuong yun sa pagtanggal ng Hang-over pero wala pa rin. Nararamdaman ko pa rin ang pagpintig ng mga ugat na tila gusto yatang sumabog sa sobrang sakit nito dahilan kung bakit kay aga-aga ay nakabulyaw na ako ng guwardiya ng matagalan ito sa pagbubukas ng gate para sa akin.

Nang maiparada ang sinasakyan, kunot noo akong bumaba at sinuot ang shades para mapagtakpan ang bahagyang eyebags dala ng pagpupuyat kagabi. Bitbit ang kape na binili at ang laptop bag ay mabibigat ang paang tumungo na ko sa Sita Office.

Sa bungad pa lang ng opisina kaliwa't kanang "good morning ma'am" na ang sumalubong na pagbati sa akin pero lahat yun hindi ko pinansin. I'm not in the mood para makipagbatian sa kanila dahil obviously iniinda ko pa rin ang hang-over na nararamadaman ko.

Yan kasi! Inom pa more! Reklamo ng utak ko

Meters away from my office room. Automatic na bumaling ang tingin ko sa cubicle ng QC Dept. May hinahanap ang mga mata ko na agad ko namang nakita. There she was at nakikipag-usap sa katabi nya. Nang mapansin na paparating ako. Cess greeted me while she just stare at me na nakasimangot at kapag-daka'y pabalewalang ibinaling ang tingin sa kausap. That makes me felt a little furious.

Really? She just ignored me just like that? my mind protest

What do want her to do aber?! eh i-greet ka at hindi iisa ang reaction mo. Ang magsungit. kontra ng kabila

Whatever! Sagot ng isa

Dire-diretso akong pumasok sa opisina ng nakasimangot pa rin. Pabalya akong naupo sa silya at sumandal.

Urhg! This head ache is killing me!.

Reklamo ko ng maramdaman na naman ang pagkirot nito. Im about to grab my bag para sana kumuha ulit ng pain reliever ng maalala kong hindi pa pala ako nag-aalmusal. I was about to stood up ng maramdaman na naman na parang nahihilo ako, bumalik na lang ulit ako sa pagkakaupo then shouted for Mike's name several times para sana magpabili ng pagkain while messaging my temple dahil sa sobrang sakit nito.

Nagsisimula ng mag-init ang ulo ko dahil ilang beses na kong humihiyaw wala pa ring lumalapit na Mike.

When im about to stood up for the 2nd time sya namang pasok ni Mike. I quickly instruct him to buy foods for me sa kalapit ng restaurant. Agad naman itong tumalima at nagmamadaling umalis.

While waiting for Mike , wala na akong ginawa kundi sumandal at hilutin ang sintido dahil sa sobrang sakit nito.

Nang sa wakas ay dumating si Mike agad akong kumain at uminom ng gamot.

As i felt a little better, i openned my laltop and proceed on the paperworks na nauntol kong gawin kahapon.

********

Louise (POV)

I was engrossed encoding some data sa Computer ng bigla akong gulatin ni Cess. Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko ng kung saan ay bigla itong sumulpot sa tabi ko ng hindi ko manlang namamalayan. Tatawa-tawa itong pumunta sa pwesto nya matapos na mapagtripan ako.

"ang aga mo naman girl? workaholic lang ang peg?" kantiyaw nya sa akin.

"ayoko kasing matambakan ng trabaho mamya kaya inagad ko na itong mga papel for encoding" sagot ko sa kanya ng hindi lumilingon

"ah okay, akala ko hindi mo natapos yung revision dun sa documents ni MGS eh" komento nya

"ay! Speaking of MGS, may chismis ako sayo girl" dugtong nya at kapag-daka'y nagmamadaling tumabi sa akin.

When I heard Gabb'y name naging interesado ako agad sa sasabihin nya at pansamantala akong tumigil sa ginagawa. Pero para hindi nya mahalata, hindi ko inalis ang pagkakatingin sa computer habang marahan na nagta-type.

"alam mo ba? we saw her last night with this hot chick!" excited na bungad nya.

Normal lang ang pagkakasabi ni Cess nun.na para bang hindi kakaiba si Gabby sa lahat. Hindi naman kasi lingid sa kanila ang sexual preference nito.Buong kumpanya nga daw alam yun, kasi kahit kelan hindi naman daw nito itinago kung sino sya talaga.Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito na lang sila ka-interesado sa mga chicks ni Gabby.

"a-ah talaga? S-saan nyo naman nakita " komento ko while pretending na nagulat sa sinabi nya at pilit na tinatago ang iritastyon ng marinig na may kasama itong babae.

Kinuwento nito kung paano nila nakita sila Gabby. Cess caught them dancing daw sa isang bar ng magyaya sila Darwin na lumipat ng club after maboring dun sa isa nilang pinuntahan. Nagulat pa nga raw sila ng makita nila ang mga ito na nagsasayaw sa dance floor.

"ang galing pala nyang magsayaw, at take note sobrang close nila kagabi.. ini-iisip nga namin na baka yun ang jowa ni Ms. Gabby. Papaano ba naman grabe kung makapalupot yung babae. Ni ayaw lumayo sa kanya at panay ang halik sa pisngi ni Ma'am...pero in fairness girl .. kung sya nga ang new gf , ang swerte ni Ms.Gabby naka-jackpot sya.. ganda kasi nung chicks at ang sexy pa.. parang ganito girl oh" at iminuwestra pa kung gaano kaganda ang katawan nung babae.

"hanggang gabi pala sila magkasama ng daga na yun!" naiinis kong naibulong sa sarili. My instinct told me that it was Audrey , base na rin sa description na ibinigay ni Cess kanina, sure ako na yung daga na yun talaga ang kasama nya.

Patuloy lang sa pagku-kwento si Cess kung gaano kaganda at kung gaano ka-sweet sila Gabby habang ako gigil na gigil na sa lahat ng naririnig. Kulang na lang ibalibag ko ang hawak hawak kong keyboard sa sobrang asar dala ng matinding selos. Waring napansin ito ni Cess kung kaya't tumahimik ito saglit at nagtanong.

"may problema ka girl?" habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa akin at sa keyboard

"wala naman bakit?" patay malisya kong tanong na hindi tumitingin sa kanya.

"halos mawasak na kaya yang keyboard sa pagtipa mo oh" komento nito

"huh?" Napalingon ako sa kanya at tsaka ko lang napansin ang sarili sa madiin na pag ta-taype sa keyboard. Unti-unti akong tumigil at napapahiyang tumingin sa kanya.

"ahm... a-ayaw k-kasi n-nitong gumana kanina k-kahit anong pindot ko.. k-kaya medyo dinidiinin ko a-ang p-pagtype" pangangatwiran ko then I smiled at her fakely.

Nagkibit lang ito ng balikat.

Pamaya maya tumigil na sya sa pagku kwento ng mapansing hindi na ko interesado. Bumalik na ito sa pwesto at iniwan akong naaasar at nabubuset sa nalaman kani-kanina lang.

Ang landi talaga ng dalawang yun! Hindi na nakuntento dito sa loob ng opisina at itinuloy pa sa labas!

Sh*t talaga!

********

Nang dahil sa ikinuwento ni Cess nasira ang buong araw ko. Ang tahimik kong pagta-trabaho ay napalitan ng hindi maipaliwanag na pagkairita. How i wish na hindi na lang sana sya nagkwento para hindi ako naapektuhan ng ganito. Simula kasi ng malaman ko yun, nagkandamali-mali na ko sa ginagawa ko. Nawala ang focus ko, and the only image left keep playing in my mind was the image of Audrey and Gabby dancing intimately sa gitna ng dance floor na nagpapakirot sa puso ko.

Im admitting it na. Selos na selos ako sa nalaman ko to the point na gusto kong sugurin yang Audrey na yan. Pero ano nga bang karapatan ko?

Wala naman di ba?

wala naman akong papel sa buhay ni Gabby. Im just this flirt girl na naka one night stand nya ng minsang pinag-tripan namin syang magkakaibigan. Other than that wala na.

At tsaka, ano ba namang lamang ko sa babeng yun na bukod sa maganda at mayaman na. Ay nakakaya pang makalapit kay Gabby at kayang kayang patawanin ito ng walang patumangga.

Hey Louise! Nu ba yan. Why do you need to feel insecure over that girl? kastigo ng utak ko

I can't help it. This is the very first time na makaramdam ako ng insecurities ng dahil lang sa iisang tao. All my life nasanay ako sa pagpuri at paghanga ng lahat ng tao na nakakasalimuha ko. Bukod tanging si Gabby lang ang nagparamdam sa akin na parang hindi ako nag-eexist o kung hindi man ay hindi ako ganun kaimportante. And im hating that fact!

Sh*t you Gabby Sandoval for making me feel this way!

Paksh*t ka talaga to the highest level!

********

Hindi na ako nag-function ng maayos the whole morning, pero magkaganun man hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit until now wala pa rin dito si Gabby. Kahit naaasar sa mga nalaman ko hindi naman yun naging dahilan para hindi sya hanap-hanapin ng mga mata ko. Kaya ng mapagawi ako sa copier machine, pasimple akong pumunta sa Admin Room at pasimpleng tinanong kung papasok ba si Gabby. Hindi rin daw alam ni Jof pero wala naman daw advise sa kanila na mag-li-leave ito.

Nang makakuha ng impormasyon, bumalik na rin ako agad sa cubicle namin and knowing na hindi pa ako agad maka focus sa trabaho, nakipagkwentuahn muna ako sandali kay Cess. Until I heard some of my co-employee greeting someone. I know na si Gabby na yun dahil sa biglaang pagtahimik ng paligid. I tried to ignore her presence sa pakikipagkwentuhan pa rin kay Cess. But when she was just a meter away from her office. Cess also greeted her Good morning, dun ko na hindi na-control ang sariling lingunin sya.

And then there she was ruggedly beautiful as ever, wearing the usual get-up handling a cup of coffee on the otherhand at may suot na shades. She's look so damn hot and sexy kahit na nga ba mababanaagan mo sa itsura nito ang hindi magandang timpla ng mood.

Kahit na gaaano ka pa ka-attractive at kahit na pinag somersault mo na naman ang puso ko.
Naiinis pa rin ako sayo! Singhal ng isang part ng utak ko

I just glance at her when Cess greeted her. Nakasimangot akong tumingin sa kanya at kapag-daka'y pabale-walang ibinalik ang atensyon kay Cess. I know nagulat sya sa ginawa ko at kahit naka shades sya alam kong naningkit ang mga mata nito sa reaction ko.

Usually kasi binabati ko sya ng Good morning at hindi hinihiwalayan ng titig hanggang makapasok sa office nya pero ngayon hindi na sya nakakuha ng "good morning" ay dinedma ko pa.

Hmp! Serves her right!

Pero kahit naiinis ako sa kanya hindi ko pa rin mapigilan ang sariling sulyap-sulayapan sya sa loob ng opisina nya. Nakita ko pa kung papaano nyang pabalagbag na inihagis ang gamit bago umupo sa swivel chair at pagkatapos ay minasahe ang sintido habang tinatawag si Mike. Base from what I saw hindi maganda ang pakiramdam nya at kahit naaasar pa rin hindi ko napigilan ang sariling mag worry sa kanya.

Gustong gusto ko na syang lapitan at tanungin kung anong kelangan nya pero alam kong magsusungit lang ito pag nabungaran ako. Kaya imbes na gawin ang iniisip ko, I stood up and look for Mike, who is by that time is in the Admin room at kausap si Jof. I quickly asked him to attend to Gabby dahil kanina pa sya nito hinahanap. Agaran naman itong sumunod at tumungo sa office ni Gabby.

********

Gabby's (POV)

Halos nasa kalagitnaan na ako ng pagtatrabaho pero panaka-naka pa ring kumikirot ang ulo ko. Though tolerable naman ang sakit nun naiinis pa rin ako dahil hindi ako makapagtrabaho ng maayos. But when i felt that the pain is already unbearable, I decided to stop typing from my laptop and instead review one of the documents that were on my table.

I was in the middle of reviewing it nang makarinig ng mahihinanang tawa sa labas ng opisina ko. I recognized one of the voices na naririnig ko pang nakikipagbiruan sa kung sinong lalaki na kausap nya. It was Louise.

"Louise pahiram naman ng ano mo.. ipapasok ko lang itong ano ko " narinig kong pagbibiro ng isang tinig.

"bago ko ipahiram itong ano ko patingin muna ng sayo.." ganting biro nito sa kausap

... ah.. maliit lang pala.. kasyang kasya yan sa ano ko.. " dugtong nito with matching malanding tawa.

"grabe naman makaliit, ang lapad kaya,. ipasok mo nga tignan ko kung kakasya " sagot ng kausap nito.

Pamaya-maya I heard Cess commented in their conversation.

"hoy! kayong dalawa jan , ano ba yang pinag-uusapan nyo at puro ano lang ang naiintindihan ko " reklamo nito.

"ito kasing si Julius hinihiram yung ano ko.. ipapasok daw nya ang ano nya.. " si Louise ang sumagot habang panaka-nakang tumatawa.

Anak ng!!

My head started to hurt again by listening to their conversation. Naiinis akong napasandal sandali sa swivel chair at pilit kinakalma ang sarili. For some reason naiirita ako sa pinag-uusapan nila. Ay wait, hindi pala naiirita kundi nalalaswaan ako sa pinag-uusapan nila.

Im a fan of a green jokes sa totoo lang. I get used to it dahil sa mga cousins kong sila Nate na malalaswa din kung mag-isip but whenever they exchanging that kind of jokes pabalewala ko lang yun sinasakyan at tinatawanan. But now hindi ako naaliw sa mga nadidinig ko.Kung tutuusin wala akong idea kung ano yun. Pero ang marinig kong pagtawa ni Loiuse dahil sa pakikipagharutan sa kung sinong kumag na kausap nya ay nagpapainit ng ulo ko. Lalo na at tila enjoy na enjoy ito sa pakikipagbatuhan ng mga pabirong linya.

"hahaha! Eh paano ko ipapasok kung ayaw mo naman ipa-try " isa pang malanding biro galing sa lalaking tinawag nilang " Julius".

"eto na nga po oh.. akina nga at ipapasok ko yang ano mo.. " pagpatol na naman ni Louise sa kausap habang humahagikgik.

Nang hindi na ako makatiis dahil sa usapan nila ng "ano". Nakasimangot akong tumayo at tumungo sa pintuan. Then I saw them stood up in between the low partition wall, may hawak na plastic envelope si Louise habang tinutulungan siya ni Julius na ipasok ang sa tingin ko ay isang bungkos ng plano na nakatupi. Parehas silang nakayuko kaya hindi napansin ang presensiya ko.

"sabi ko na sayo kas-----" hindi na naituloy ni Louise ang sasabihin nya ng makita nya akong galit na nakatingin sa kanilang dalawa. Si Julius na nakatalikod ay dahan dahan ding humarap ng makitang natigilian si Louise. He gave me a confuse smile at agad na nagpaalam kay Louise bitbit ang folder na sa tingin ko ay naging tampulan ng kanilang biruan.

Before Louise go back to her swivel chair agad ko siyang tinawag and when she looked at me, sumenyas ako na pumasok sya sa opisina ko.
Hindi ko na inintay kung anong naging reaction nya pero nahagip ng paningin ko si Cess na binaha ng pangamba ang mukha nya.


Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.7K 26
(COMPLETED) Paano kung sa hindi sinasadyang pagkakataon ay makilala mo yung taong nagparamdam sayo ng kakaibang excitement? Yung hindi mo maipaliwan...
348K 10.6K 63
A lady who doesnt want to get involved in a gxg relationship, but eventually she did. Nov. 2016 - May 2017
138K 4.2K 37
Magmamahal ka parin ba? Kung paulit ulit karin Masasaktan?! Wala naman talagang "forever!" Oh edi kayo na ang may love life!. Ako na ang bitter.. ~~~...
205K 8.2K 64
The great Lien Naeree Abueva ang babaing hinahangaan ng lahat dahil sa galing nito sa pagmomodelo, her life was almost been perfect kung 'di n'ya lan...