Boys do fall in love ✔️

By Cookieswiss

650K 12.2K 3.3K

Read to find out how do boys fall in love. More

Start - 1000 messages
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25: Sweetest surprise
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35 -- Finale

Chapter 34

3.8K 112 162
By Cookieswiss

A/N: This story will be just up until next week. At next week rin ay magsisimula na ang kwento ng alaga nating si Cha-cha. Pwede niyo na i-save sa libraries niyo ang "The Love Spell" so you'll be updated.

Thank you!

**********

Sharri's POV

Dalawang araw na ang nakalilipas. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nung naging komprontasyon namin ni Gian.

At ilang araw na lang ay Senior's Ball namin.

Nandito ako ngayon sa classroom. Nakaupo. Mula dito sa classroom ay nakatanaw ako sa labas, kita ko ang mga kapwa ko seniors na abalang nagpa-practice. Alam ko na rin naman ang sayaw e, madali lang naman. Itinuro sa akin ni Gail. Wala nga lang akong partner. Kaya nandito ako sa room. Ayoko na sanang magpractice eh, pero sabi ni sir eh kailangan ko pa ring magpractice para in case na magkaroon ako ng partner ay alam ko ang sayaw.

Nakakatawang isipin. Hindi ko inaasahan na sa okasyong ito ay mag iisa ako. Parang kailan lang ay may isang lalakeng laging nasa tabi ko. Handang umalalay sa akin. Hindi ako hahayaang malungkot at mag isa. Parang kailan lang.

Napangiti ako ng mapait.

Maya maya pa'y isa isang dumating dito sa classroom ang mga classmates ko. Dumating din sina Cha-cha, Gail, at John Paul. Hindi ko alam pero parang hindi normal sa akin na laging magkasama si John Paul at Cha-cha e. Hindi normal tingnan.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kay Jessica. Bwisit din kasi 'tong si Ken e. Nung isang araw lang eh nandito e."

Oo nga pala. Si Jessica e hindi rin a-attend ng senior's ball namin. Nagkalabuan ito at si Ken. Si Ken naman ay biglang naglahong parang bula. Kaya eto, stress rin sa Cha-cha. Nauunawaan ko naman kasi na isa lang ang gusto niya, iyong kumpleto kami sa ball.

Napabuntong hininga ako.

"Huwag ka ngang maingay Cha-cha. Parang di mo alam ang mga dapat mong gawin." sabi dito ni John Paul. Nagkatitigan naman ang dalawa. Yumuko na lang ako at ibinaling sa labas ng bintana at sa mga taong nakikita ko sa labas ang atensyon ko.

Ang hirap. Sasabog na ako sa lungkot. Ang hirap dahil mahal na mahal ko pa rin siya.

Pero siya. Siya ang unang nagpakita na ayaw na niya. Sino ba ako para pigilan siya sa mga gusto niya?

"Sharri nakabusangot ka na naman? Dalawang araw na yan ah." wika ni Cha-cha. "Di ba tinext kita kaninang umaga na ayusin mo na ang sarili mo. Na pilitin mong maging okay dahil magiging okay rin ang lahat."

Napangiti ako ng mapait ng tumingin ako sa kanya. "Kung pwede lang na maging okay agad eh." Tapos nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ko. "Kung pwede lang na maging okay agad for sure ginawa ko na."

"Cha-cha hayaan mo na nga muna si Sharri. Tingnan mo umiiyak na naman siya." pagsaway dito ni Gail. Pero sa halip na tumigil ay tinarayan lang ako nito. Umupo ito sa tabi ko.

"Masyado kang tanga. Pareho kayong tanga." wika ni Cha-cha kaya napatingin lahat sa kanya.

"Cha-cha!" - Gail.

"Bakit? Totoo naman ah." sagot ulit ni Cha-cha. Magsasalita pa sana si Gail nang magsidatingan pa ang ibang classmates namin at ng pumasok sa classroom si Gian.

Halos lahat ng mata ng mga classmates namin ay nasa kanya.

"John Paul may tanong ako," biglang wika ni Cha-cha at sa lakas ng boses nito ay napatinginlahat sa kanya.

"Ano naman yun?" tanong ni John Paul.

Biglang kumanta si Cha-cha at pumipikit-pikit pa.

"Tulala lang sa 'king kuwarto. At nagmumuni-muni. Ang tanong sa 'king sarili, sa'n ako nagkamali?" kanta nito. "Anong title niyan?"

"Porque." sagot ni John Paul. Tinanguan lang ito ni Cha-cha sabay umalis ng classroom.

"Ang daming tanga sa mundo." wika pa nito.

"Problema ng babaeng yun?" tanong Gail. Tapos halos lahat ay nakatingin sa pintong pinaglabasan ni Cha-cha.

Nakita ko namang nakatitig sa akin si Gian pero blangko ang ekspresyon ng mga mata nito. Agad din itong nag iwas ng tingin.

At para pigilan ang mata ko sa pag iyak ay agad akong tumingala.

Sa'n rin nga ba ako nagkamali? Okay naman kami e. O akala ko lang na okay kami.

Pasimple akong tumingin sa direksyon kung saan nakaupo si Gian. Mukha naman siyang walang problema. Mukha naman siyang masaya.... Na wala na kami.

***********

Andito na kami ngayon sa function hall. Resume na ng practice. At gaya nga ng sabi ko wala akong partner. Ayoko na sanang magpunta rito. Kaya lang mapilit si Cha-cha. Pagkatapos nang naging sagutan namin kanina sa classroom ay bumalik rin siya para ayain akong kumain. Ganoon raw siya kapag gutom.

After naming kumain ay pinilit ako ni Cha-cha na sumama sa function hall kung san ginaganap ang practice.

Kaya eto ako ngayon. Nakaupo. Nakaupo dito sa tabi. Nagmumukha akong tagabantay ng mga gamit nila.

"Ms.Sharri bakit nakaupo ka riyan?" tanong sa akin ni Sir Nick. Student teacher namin. Malamang ay hindi nito alam na wala akong kapartner. Temporary instructor namin to sa practice dahil may pinapagawa ang principal sa original instructor namin.

"Wala akong partner Sir Nick eh." wika ko. Inilabas ko ang phone ko at pumili ng kantang papakinggan ko. Ipapasak ko na sana sa tenga ko ang headphone ko nang biglang magsalita si Sir Nick. Gusto ko tuloy pagsisihan na nagpunta pa ako dito.

"Here you are Mr. Flores. Bakit ngayon ka lang?" tanong nito.

"Practice. Basketball," he answered.

"Who's your partner?"

"I'm not joining."

"Kung ganun, tamang tama." at bago pa man makapagsalita ang sinuman sa amin ay hinila na kami ni sir nick sa gitna. "Kayo ang magpartner ni Ms.Sharri."

Lahat ng classmates namin ay napatingin sa amin. Ang awkward.

"Okay let's start! Hold your partners!" sigaw ni Sir Nick.

Sumunod ang lahay maliban sa amin.

Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. Nang mapalingon ako sa likod ko ay nahagip ng mga mata ko na may mga juniors na nanood.

Marahil nasa crowd si Arra Kim kaya blangko ang ekspresyon nito.

"Ms Dela Vega and Mr. Flores? Anong inaantay natin? Pasko?" tanong ni Sir Nick.

"Im sorry sir. Im not joining the ball." wika ko. Bago pa man magsalita si sir Nick ay nagsalita si John Paul.

"I can be your partner." said John Paul.

Dahil sa sinabi ni John Paul ay nagkaroon ako ng rason para umalis sa harap ni Gian. Tumalikod ako para maglakad patungo kay John Paul.

"Sure ka John Paul?----" pero bago pa man ako makahakbang papalapit kay John paul ay may kamay ng humawak sa braso ko para pigilan ako.

"I'm your partner. You're staying here." Gian said.

Once again, we're on hot seat pero nawala ang tensyon sa paligid ng pumalahaw ang isang napakatinis na boses.

"Bakit sa'yo pa nagkagusto?  Parang bula ika'y naglaho... Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri. Bien simple lang I yo tapidi era cin ti tu el cosa yo ya cin ti."


"Tumahimik ka nga cha-cha. Nakakairita na ang bunganga mo."wika ni John Paul. "Papansin ka rin e."

"Eh sa gusto kong kumanta? Bakit ba?" pagtataray nito. Tapos sumigaw na naman ito. Kumakanta ito na tila ba hinuhugot sa pinakailalim ng mundo ang bawat lyrics na bibitawan nito.

"bakit sa'yo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho... Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri. Bien simple lang I yo tapidi. Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti."

"Enough everyone! Go back to your places! Masyado ng delay ang practice." sigaw ni Sir Nick. "Hold your partners!"

Nanginginig man sa hiya.. Galit.. At sakit.. Wala akong nagawa kundi ang ipatong ang kaliwang kamay ko sa balikat ni Gian at ihawak ang kanang kamay ko sa kamay niya.

Nakatingin lang ito sa akin pero ni walang ka emo emosyon. Ni hindi ko makita sa mga mata nito yung pagmamahal na lagi kong nakikita noon.

Isa isang bumalik sa utak ko lahat. Lahat tungkol sa kung paano kami nagsimula.

At gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ba ako nahulog sa kanya.

Ito tuloy, nahulog ako, sinalo sa una, pero dahil dalawa kaming nasa kamay niya, para di siya mahirapan, kailangang bumitaw ng isa.

At ako yun.

Naramdaman kong nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. Tumingala ako. Ito lang ang natatanging paraan ko para pigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

Ang sakit e.

"Ang lahat ay binigay ko, ngayon ay sising-sisi. Sobra-sobra ang parusa. Di alam kung kaya pa... Bakit sa'yo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho."

"Tangina nito ni Cha-cha."narinig kong bulong ni Gian at naramdaman ko ring nakakuyom ang kamao nito,yung kamay nitong nasa bewang ko.

Napatingin ako kay Cha-cha. Pumipikit pikit pa ito habang kumakanta.

"Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta----PAKSYET KA JOHN PAUL AH. BAKIT MO AKO BINATUKAN?!" biglang hiyaw ni Cha-cha.

"Itahimik mo yang bunganga mo kung ayaw mong ibalik kita sa dagat." sagot dito ni John Paul.

Hays. Itong dalawang to.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalakeng nasa harap ko. Nakatingin ito sa direksyon ng pinto ng function hall. Pasimpleng sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito.

Si Arra Kim at nakatingin sa amin.

Para namang pinunit ang puso ko.

"Gian, pagod na ako." sabay binitawan ko ang kamay nito at tumalikod. "Ito na ang huli. Suko na ako."

-------to be continued-------

Continue Reading

You'll Also Like

43.7K 5K 28
တိမ်တိုက်တစ်ခုနှင့် မေတ္တာမျှခြင်း
2.5M 248K 40
1920ခုနှစ်လောက်က လူနေမှုပုံစံတွေကို inspireယူပြီး ရေးဖွဲ့ထားတဲ့ Own Creation rebirth fictionလေးပါ။ _________# Starting date_26.6.2020 Ending date_6.1...
281K 17.4K 73
" ရှင်က ၀န်ကြီးချုပ် ဖြစ်တယ် ဆိုတိုင်း ကျွန်မက ကြောက်ရမှာလား " " ဟင့်အင်း မကြောက်ရပါဘူး။လုံးဝကို ကြောက်စရာမလိုတာ။ထက်သာ ကသာ မကြီးကို သက်ဆုံးတိုင် ချစ...
2.2M 146K 91
လူတိုင်းပါးစပ်ဖျားမှ ဇမ်းဆိုတဲ့ကောင်က အပေအတေကောင်လို့သမုတ်လဲ သူတို့သတ်မှတ်ချက်အတိုင်းသွားပါစေ.....ကိုယ့်ထမင်းကိုယ်စားပြီး သူများစကားတွေကိုထိုင်ခံစားန...