Totally in love with a Dota p...

By blue_maiden

12.2M 288K 45.6K

[Book 2 of I'm in Love with a Dota Player] Tama kaya yung desisyon ko na mag mahal ng isang Dota Player? o ma... More

Intro
Season 1 -- Prologue
Chapter 1 : Memories
Chapter 2 : Move-on
Chapter 3 : Tulad ng dati
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Papalag naman eh
Chapter 6 : Ligaw
Chapter 7 : Set you free
Chapter 8 : I got your back
Chapter 9 : It's now official
Chapter 10 : Adjustments
Chapter 11 : Ikaw pa rin
Chapter 12 : First Month
Chapter 13 : Im back!
Chapter 14 : New me
Chapter 15: She's mine
Chapter 16: Aso't Pusa
Chapter 17 : Only reminds me
Chapter 18 : Death
Chapter 19 : Dance with my Father
Chapter 20: Promise
Chapter 21: Muling ibalik
Chapter 22: Litong Puso
Chapter 23: Torn
Chapter 24: Break up
Chapter 25: New Girl
Chapter 26: One more chance
Chapter 27: Wait for me
Chapter 28: Tin-Miggy forever
Chapter 30: Unexpected
Chapter 31: Don't leave me
Chapter 33: Is this the end?
Chapter 34: Wedding
Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]
Epilogue
Author's Note
Season 2 -- Chapter 3
Authors note 2

Chapter 29: Her Threat

281K 6.2K 1K
By blue_maiden

Chapter 29: Her Threat

TIN POV

"Good morning.." ang aga aga naman may gumigising sakin, antok pa kaya ako.

"Pudgeee gising na.." pudge daw? wag mong sabihin na.. *dilat mata*

"Miggy? bakit andito ka?" waaa baka mamaya tulo laway pa ko dito huhu.

"Lagi naman kitang ginigising dati ah? tayo ka na dyan nag luto ako ng breakfast.."

Nakatingin lang ako kay Miggy, ano ba yan! ang aga aga ang gwapo ng pudge ko, hehe. Parang bumalik kami sa nakaraan, yung dating kami na masaya. Ang sarap sa pakiramdam na ganito na ulit kami. Yung gigisingin niya ko sa umaga tapos ipagluluto pa niya kami ng breakfast. After all the tears and heartaches, pwede pa din pala kaming maging masaya ulit ni Miggy. Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti.

"Oh bakit naka ngiti ka dyan?"

"Wala lang pudge.. na miss ko lang yung ganito. Na miss lang kita ng sobra." lumapit siya bigla sakin, malapit na malapit. Waaa! anong gagawin mo Miggy?

"Na miss din kita sobra.." tapos hinalikan niya ko. Huhu nakakahiya naman kaka gising ko pa lang eh. Kaso feeling ko ang nag iinit yung pisngi ko, hindi pati buong paligid nag iinit.

"Baliw ka talaga pudge! paano na lang kapag nakita tayo dito nila Mama?" umupo siya sa tabi ko tapos tumawa siya.

"Ano naman? Boyfriend mo naman ako eh." tapos kumindat siya sakin. Pasaway talaga to si Miggy! "Tara na?"

"Okey, na miss ko na yung luto mo eh. Mauna ka na mag hihilamos lang ako."

Bumababa na si Miggy tapos pumunta naman ako sa banyo ng kwarto ko tapos nag ayos ako. Ang panget ko, buhaghag yung buhok ko. Nakakahiya kay Pudge, ang gwapo gwapo pa naman niya. Haha!

Pag baba ko ng kwarto nasa mesa na silang lahat. Si papa, mama, Kuya Ace tska si Miguel. Ang daming niluto ni Miggy, mukhang masarap lahat.

"Princess buti naman may taga luto na tayo ulit." ang laki ng ngiti ni kuya. Tss! sabihin niya may utusan na naman siya.

"Kuya! hindi natin taga luto si Miggy!" kahit kelan talaga to si Kuya Ace kinakawawa yung Pudge ko.

"Ate ang sarap talaga ng luto ni Kuya Miggy! buti na lang nag kabalikan na kayong dalawa." umupo ako sa mesa katabi si Miggy. Nilagyan agad yung plato ko ng pagkain.

"Sabihin mo Miguel masaya ka kasi may mag tuturo na ulit sayo mag Dota!" nag pout siya bigla.

"Hindi kaya! hindi ko na kelangan ng tutor sa dota. Masaya naman kaming lahat eh, di ba Papa?" tumango lang si papa.

"Miggy masaya ako na kayo na ulit ni Cristin." naka ngiti saming dalawa si Papa. Wow ha masaya talaga si Papa, hehe buti naman.

"Masaya din po ako Tito, alam niyo naman po na kayo na yung second family ko." natahimik kaming lahat sa sinabi ni Miggy. Tama siya kami na yung second family ni Miggy, lalo na ngayon na wala na yung daddy niya.

"Welcome ka naman sa pamilya namin Miggy, masaya din ako kaso sayang din talaga si pogi.." nanlaki agad yung mata ko sa sinabi ni Mama.

"Mama!" ay nako ano ba naman to si Mama! panira ng moment, buti na lang hindi niya binanggit yung pangalan ni Dante.

"Haha! nag bibiro lang naman ako." nagtawanan na lang kaming lahat, si mama talaga oh.

Tumingin sakin si Miggy na nagtataka, sinabi ko na lang na wala lang yun. Hindi niya kasi alam na pogi yung tawag ni Mama kay Dante. Hehe seloso pa naman to si Miggy kaya mas mabuti pang hindi na niya malaman.

Ang dami kong nakain, mas lalo pang sumarap yung luto ni Miggy eh. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami ni Miggy kala pala. Dumretso agad kami sa school tapos nakita namin si Apple tska Sarah.

"Totoo ba to?" gulat na gulat si Apple nung makita niya yung kamay namin ni Miggy na magka holding hands.

"Kayo na ulit?" nagulat din si Sarah pero naka ngisi siya samin ni Miggy, nag ka tinginan kaming dalawa ni pudge tapos tumawa kami.

"Obvious ba?" sabay pa kami nag sabi nun.

"OMG! I'm so happy!" niyakap ako ni Apple, mukha nga talaga siyang masaya ah.

"Hoy Apple OA mo ah! Waaa Tin I'm so happy din for you and Miggy!" lumapit siya tapos niyakap niya din ako. Tignan mo to, ganun din siya eh.

"Thanks mga bakla, masaya din ako okey na kami ni Miggy." tumingin ako kay Miggy tapos ngumiti ako sakanya.

"Pudge, una na pala ko sa class ko. Malate na ko eh, kita na lang tayo mamaya." lumapit siya sakin tapos bumulong siya. "I love you."

"I love you too." ngumiti siya sakin tapos hinalikan niya ko sa pisngi.

"Sige Apple, Sarah! Una na ko ah." nag wave si Miggy tapos umalis na din siya. Pagka lingon ko dun sa dalawa naka ngiti sila sakin, yung ngiting nakakaloko. Waaaa! ano na naman trip ng dalawang to?

"Ayieee! Ang cheesy niyo ah!" hala adik talaga to si Apple. Nang asar na naman. -___-

"Ako na naman nakita niyo ah! kahit kelan talaga--" muntik na ko matumba dahil dun sa bumangga sakin. Grabeng bangga yun, akala mo sinadya eh. "Ouch!"

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" pagkakita ko nagulat ako. Hindi dahil si Mina yung naka bangga sakin, nagulat ako kasi ibang iba yung ugali na pinapakita niya ngayon. Expected ko na mag so-sorry siya pero hindi.

"Hoy Mina! ikaw kaya yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" galit na galit si Sarah.

"Ako? eh paharang harang kayo sa daanan eh." hindi ko talaga maintindihan bakit ganyan makipag usap samin si Mina, galit ba siya samin? sakin?

"Sorry Mina." napa tingin siya sakin, parang naiirita siya na makita ako.

"Anong magagawa ko sa sorry mo? natapunan na ko ng juice eh, mang aagaw na nga tanga pa." lumapit agad sakanya si Apple, tinulak niya sa braso si Mina.

"Hoy babae anong karapatan mong sabihan si Tin na mang aagaw ha?! tska kung tumitingin ka sa dinadaanan mo tingin mo mababangga ka?! ikaw yung tanga!" nagulat kaming tatlo kasi tinulak din ni Mina si Apple, napa atras naman si Apple.

"Totoo naman ah! inagaw niya sakin si Miggy! pagkatapos niyang ipag palit si Miggy kay Dante, babalik siya na parang wala lang?! kung hindi muna kasi siya lumandi.." sinampal ni Apple si Mina, pagkatapos nun sinampal din siya ni Mina tapos nag sabunutan sila. Inawat namin agad ni Sarah si Apple, inawat naman ng mga kaibigan niya si Mina. Napa tingin samin yung mga studyante na dumadaan.

"Kasalanan ba ni Tin na mas pinili siya ni Miggy?! at for your information hindi ka naman talaga minahal ni Miggy! ginawa ka lang niyang panakip butas kaya wag ka mag mataas samin!" ang lakas ni Apple, hindi naman siya mapigilan ni Sarah, galit na galit talaga siya.

"Masaya kami ni Miggy! Minahal niya ko! malandi lang talaga yang kaibigan mo kaya naakit niya ulit si Miggy ko!" galit na galit din siya, titingin siya kay Apple tapos babalik yung tingin niya sakin. Parang papatayin niya kami sa tingin niya.

"Wag ka ngang mag ilusyon! tingin mo kung masaya talaga siya at kung mahal ka niya makikipag hiwalay ba siya sayo?! wake up girl!" pinag titinginan na kami ng mga studyante.

"Apple tama na, tara na." hinila namin si Apple palayo kala Mina. Grabe tong babaeng to, ayaw pa awat.

"Hindi pa tayo tapos tandaan niyo yan!" sigaw samin ni Mina.

"Hindi ako natatakot sayo freak!"

Nung nakalayo na kami dun binitawan na din namin ni Sarah si Apple. Grabe ang sakit ng katawan ko dun, ayaw pa awat neto ni Apple.

"Hindi niyo dapat ako pinigilan eh! kakalbuhin ko yung babaeng yun eh!" kahit kelan talaga may pagka amazona to si Apple.

"Hoy Apple, kung makapag react ka akala mo.ikaw yung inaaway ni Mina eh si Tin kaya yun!" umupo kami sa table, nasa tables kami sa tabi ng field.

"Alam mo naman si Tin Sarah hindi yan lalaban, kaya ako na lang. Ang kapal nga ng mukha ng batang yun akala ko mung una mabait siya, yun pala maldita siya. Plastik!"

Hindi ako makapag react sa sinabi ni Apple. Nagulat din naman kasi ako sa inasal ni Mina. Hindi siya ganun eh, mabait yung Mina na nakilala ko pero pumasok din naman sakin yung dahiln ng inaasal niya. Kung ako din naman yung nasa kalagayan niya magagalit din ako at iisipin ko din na naagawan ako. Nung nakipag balikan ako kay Miggy, hindi ko naisip na may masasaktan kami. Nalilito tuloy ako, ano bang gagawin ko? hindi ko na kayang pakawalan pa ulit si Miggy pero ayoko din naman na magalit sakin si Mina. Kaylangan siguro kausapin ko siya, kelangan ko humingi ng sorry.

"Bakla, alam ko na nasa isip mo, wag mo ng subukan mag sorry kay Mina, she doesn't deserve it."

"Apple nasaktan ko siya eh, kelangan kong humingi ng sorry." sinamaan ako ng tingin ni Apple.

"Hindi mo kasalanan na nakipag break si Miggy sakanya! hindi mo naman sinabi yun kay Miggy! desisyon yun ni Miggy!" pinatong ko na lang yung ulo ko sa table. Ano bang gagawin ko?

"Tin, hayaan mo na yun. Mina will get over that. Mahalaga naman masaya na ulit kayo ni Miggy eh."

"Basta wag kang mag sorry sakanya ha!"

Napatingin ako kay Apple at Sarah, tumango na lang ako. Alam ko naman hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag.

Buong araw hindi nawala sa isip ko si Mina. Iniisip kp yung sinabi nila Apple at Sarah pero buo na talaga yung isip ko. Kelangan kong mag sorry kay Mina, bahala na kung tanggapin niya o hindi basta alam ko kelangan kong gawin yun. Nung uwian ko na nag text ako kay Miggy na may kelangan pa kong bilhin sa grocery kaya nauna na ko, may klase pa kasi siya eh.

Kabisado ko na yung schedule ni Mina kaya nakita ko agad siya. Nung nakita ko na mag isa na lang siya tska ko siya nilapitan.

"Mina pwede ba tayong mag usap?" tinignan niya ko, naka taas yung kilay niya sakin.

"Nag uusap na tayo. Bakit anong kelangan mo?"

"Gusto ko sanang mag sorry.. hindi ko sinasadya na.." hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko.

"Ganyan ka naman di ba? Hindi mo sinasadya, wala kang kasalanan, wala kang ginagawa. Tingin mo maniniwala ako? kung hindi mo sinasadya sana hindi ako iniwan ni Miggy!" lumapit siya sakin, ang sama ng tingin niya sakin.

"Alam ko galit ka sakin, naiintindihan naman kita eh. Kung ako din yung masa kalagayan mo magagalit din ako pero mag so-sorry pa din ako. Mina sorry, maniwala ka sa hindi wala akong intensyon na agawin sayo si Miggy." mas lumapiy siya sakin, napaatras naman ako.

"Inagaw mo na siya sakin pero wag ka mag alala kasi gagawin ko lahat para bumalik siya ulit sakin." ngumiti siya sakin, sobrang lapad ng ngiti niya. Iniwan niya ko dun na nag iisa, nakatulala. Yung mabait na Mina na nakilala ko nun wala na.

"Tin?"

Napalingon ako sa likod ko.

"Alyssa?"

To be continued..

______________
Author's Note:
Hello guys, 6 chapters to go. Pag pasensyahan niyo na kung matagal yung Ud ko. Ang hirap mag isip ng magandang ending eh. Sana magustuhan niyo. ^____^

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3K 332 76
Handog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeo...
2.8K 205 29
At first it was just a peaceful favorite place of mine, then he came to the picture. He became my friend, turns to my boyfriend. But why the hell he...
1.6M 23.7K 7
STILL PART OF GFFH BOOK 1. INCLUDES CONTINUATION OF MERCY (STEVE & STACY ) SIDE STORY, AND LOST CHAPTERS FOR VENTO (TOMMY & RAVEN ) SIDE STORY.