Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 4 : "Ignored"

15.2K 498 35
By _AyEnNe_

Gabby's (POV)

I was literally mad ng maabutan ko ang sitwasyon sa isa sa mga Medium Rise Condo na kino-construct ng Company namin. 

Ang Aspen Heights.

Supposedly it was a surprise visit to check the accuracy of the Monthly report na ipinasa sa akin the other day. It turned out na hindi nito na-hit ang expectations ko and to my dismay, nagkaron ng problem sa target schedule na 3 months per floor ang mai-dedeliver ng grupo. Though i admit nakakasabay sila sa Structural Schedule ngayon, hindi pa rin ako kuntento sa performance nila. What i want is to become ahead from the Master Schedule na nai-submit namin sa client. I wanted to impress them, simply because they had given the Company an assurance na ibibigay nila sa amin ang up coming 5 Towers Condominiums nilang St.REGIS @ District 7 if we deliver the Aspen Heights on time.

Kapag nagkataon this is one of the biggest Project na magagawa ng Company if in case na mai-push thru.

That is why I was disappointed ng makita ko ang Site. Bukod sa makalat ang paligid at hindi masyadong organize ang imbakan ng materyales lalong nag-init ang ulo ko ng malamang misleading ang report na ibinigay nila sa akin. They had declared that the segment 1 & 2 of 9th floor was already casted. Pero ng pumanik ako sa Active floor I find out na hindi pa nila nabuhusan ang segment 2 at Duon ko na hindi na-control ang sarili ko.

Knowing myself na galit na galit sa mga taong sinungaling I immediately instruct all the Operation Engineers for an Emergency Walk thru. We visited all the floor levels from ground floor up to 8th floor and again nadagdagan ang pagkadismaya ko ng malaman kong hindi pa nagsisimula ang pagkakabit ng partition wall for 3rd Floor which is happened to be the Mock-up floor or the Sample Floor namin for Architectural Works.

Nang wala na akong makuhang matinong sagot kay Fermin at sa ilang Engineers na kasama ko, I decided na bumaba na sa Site Office at nagpatawag ng Emergency Meeting.

Halos hindi mawala ang galit ko sa mga natuklasan kong kapalpakan sa Site dahilan kung kaya't hanggang sa loob ng Site Office ay hindi ko napigilang magtungayaw. I even reprimanded the Formworks Engineer na si Darwin ng malaman kong hindi sya nakipag-coordinate sa Sub-Con to deliver the shoring jack needed bago magbuhos. Kahit ang kaibigan kong si Fermin na Project Manager hindi nakaligtas at napagsabihan ko rin.

I was trying to control my temper ng tumalikod ako sa kanila and im about to go towards the direction of my Office when my eye caught a familiar face na dahilan kung bakit pansamantala akong napahinto sa paglakad. Lihim akong nagtaka sa presensiya nya.

Si Wild Girl?

Anong ginagawa nya dito? 

Hindi ko napigilan ang sariling titigan sya. At sino ba namang hindi titingin kung kasing ganda nya ang bubungad sa harapan mo. There was this 2 pair of beautiful almond eyes na nakatitig din sa akin and the red lips.. 

her red lips na walang sawa kong hinalikan ng gabing....

..nang gabing pinag-tripan nila akong magbabarkada. 

With that thought, I felt the sudden growth of rage inside me. Then in an instance, isang pamliyar na mukha ng babae ang biglaang rumehistro sa utak ko. Must be the reason kung bakit lalong nagpuyos ang kalooban ko.

It seems na napaso sya sa pagkakatitig ko kung kaya't umiwas na ito ng tingin kasabay ng marahan na pag-upo sa silya nya. 

Nagagalit at nagtataka man kung bakit nasa cubicle sya ng QC department, hindi ko yun pinahalata sa mga Engineers na nakasunod sa akin.

"Where is Mai? " tanong ko kay Fermin na hindi inaalis ang pagkakatingin kay Wild Girl na nuon ay nakatakip na ng folder ang mukha.

"Nasa taas kasama ni Cess, nagwitness ng testing" sagot ni Fermin

"Ask her to go to my office pagbalik nya dito" bilin ko

"okay" sagot nito.

We headed to the office at nagprepare na for the emergency meeting.

********

Louise (POV)

Mia Gabrielle Sandoval. MGS for short. Yan pala ang full name ni Ms.Sungit. Sinabi lang ni Cess sa akin ng tanungin ko kung bakit MGS ang tawag nila. Abbreviation pala yan ng pangalan nya. Sa Head Office daw ang tawag dito Ms.Gabby. pero pag sa Site nakasanayan na ang abbreviation na MGS.

She is an Architect at napag-alaman ko rin na sya pala ang Area Manager na in charge dito sa Aspen Heights at sa iba pang Project under ng Makati Area. 

In addition to that, pagmamay-ari pala ng pamilya nya ang buong Kumpanya. 

In fact the two Areas, North and South Projects is currently handled by her Brothers. While her father ang tumatayong CEO.

It's not surprising that she is belong to the well known family. The Sandoval's. First time ko pa lang sya makita alam ko ng may sinasabi sya sa buhay. She maybe dressed ruggedly pero hindi kaila sa kilos nya na mayaman sya.

Mas nagtaka pa ako kung bakit sa yaman nilang yun eh nandito sya at nagtitiyaga sa maalikabok, maingay at magulong paligid. Kung pwede naman syang manatili na lang sa Opisina. Doing paperworks o sa mas tamang termino na white colar job.

"Sabi nila, yung matandang Sandoval daw ang may gusto na dapat magsimula sila sa mababang position. Hindi sapat na rason dito na sa kanila ang buong kumpanya para pumuwesto sila agad-agad sa mataas na posisyon. 

Ang balita ko nga, sa kabilang Area daw tamad mag-ikot ang mga kapatid ni Ms.Gabby. Bukod tanging sya lang ang nag-eenjoy sa ginagawa nya. 

Alam mo bang magaling sa operation yan?particular sa technical na bagay, kaya hindi yan basta basta maloloko ng mga Engineers dito." mahabang kwento ni Cess sa akin.

Lihim akong humanga kay MGS ng malaman ko ang mga bagay bagay na ito. Bibihira ang mga kagaya nyang mayaman na nakikihalubilo at ini-enjoy ang trabaho ng isang simpleng empleyado. 

I know she's working passionately, kung hindi ba naman ay bakit sya ngayon nanggagalaiti sa mga natuklasan nyang problema sa Site.

Alin? kung sa ibang Area Manager lang siguro baka ipinaubaya na nito ang pagaayos ng problema sa iilang empleyado. Pero sya, nandito at sinusubukang ayusin ang mga iyon.

Yun nga lang. 

Hindi maikakaila na terror itong maging Boss.

Simula ng magkita kami kanina hindi na ako napakali sa pwesto ko. I admit, i am distracted from the fact na nasa kabilang kwarto lang sya. idagdag mo pa ang manaka-naka nyang pagsigaw kasabay ng pagmumura sa mga ka-meeting nya sa loob ng opisina. For some reason she seemed really dissapointed sa takbo ng construction phase ng Project. Boses nga lang nya halos ang nadidinig kong nagsasalita, not until someone tried to throw some alibi's on her na hindi naman umubra dahil binuweltahan nya ito ng maanghang na salita.

"for 2 consecutive months ganyan lagi ang dinadahilan mo. Na kesyo nakahambalang ang mga materyales namin kaya hindi kayo makapag-proceed sa pagtatayo ng precast wall nyo!"

"pero ma'am yun po ang totoo" salag ng kausap nya.

"nag-iikot ka ba sa Site Rene?! Didnt you notice na malinis na ang 3rd floor at kayo na lang ang inaantay para maitayo yang lintek na precast nyo?!!"

"tangi*a!!! " hiyaw nya kasabay ng pagbato ng helmet sa lamesa. Napapitlag ako, i didnt expect na ganito sya kabarumbado at ka-brutal magsalita. Hindi ko naiwasang hindi mapalingon sa opisina nila. At dahil bahagyang nakabukas ang pintuan, nakita ko kung gaano katensyonado ang mga tao sa loob nito. Ang ilan ay nakayuko na lamang at inaabala ang pagtingin sa lapag, while si Sir Fermin ay kababakasan ng seryosong itsura na mataman lang nakikinig sa sinasabi ni MGS.

"wag kang puro dahilan!! umikot ka sa site at tignan mo kung ano ano ang area na pwede nyong kabitan ng precast. Hindi yung reklamo ka ng reklamo!!" asik nito. Bahagya kong nasilip ang itsura nito ng pasimple akong tumayo.

Pulang-pula ang mukha nito at panay ang hawi sa buhok. But still the same, kahit galit na galit sya ang ganda ganda pa rin nyang pagmasdan. 

Lumipas ang ilang minutong katahimikan bago muli itong nagsalita ng ma-compose ang sarili.

"i'm telling you. Kapag hindi mo naitayo lahat ng precast wall mo sa 3rd floor hanggang sa katapusan ng buwan. Pasensyahan tayo.

Ire-request ko na i-pull-out kayo sa lahat ng Project na hawak ko. Or worse sa buong company. Do you understand?

...You know me kaya wag mo akong subukan Rene.is that clear?" Kalmado na ang boses nya pero mahihimigan mo pa rin ang galit sa tono nito.

"y-yes Maam" tanging nasabi ng kausap nya.

Sa ganuon natapos ang meeting nila. Nang makalabas na ang lahat ng Engineers narinig kong tinawag ni Fermin si Ms.Maila na nasa gawing likuran ko.

"Mai, kausapin ka raw saglit ni Gabby"

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtawag ni Fermin sa First name ni MGS. 

Nang makaalis na si Ms.Maila, nagtataka akong lumingon sa katabi ko na si Cess. Mukha namang na-gets nya ang itatanong ko kaya inunahan na nya akong magsalita.

"magkakaibigan kasi yang mga yan since college. As in Super close friends. Kaya pag wala masyadong nakakarinig First name basis lang sila. Yun naman kasi ang gusto ni MGS"

"Ah okay" tatango tango kong sagot sa kanya. Akmang babalik na ko sa ginagawa ko ng lumapit si Ms.Maila sa akin.

"Louise, halika na muna. Ipapakilala kita kay MGS"

Sumikdo ang puso ko at bigla akong kinabahan. Dahan dahan akong tumayo at sumunod kay Ms.Maila sa pagpasok sa opisina. Nakasalubong pa namin si Sir Fermin na sya namang papalabas na, simpleng nagtapon ng tingin at tipid na ngumiti sa akin.

Pagkapasok namin. Napako ang tingin ko sa babaeng nakaupo at nakayukong nagbabasa sa dulong lamesa.

"Gabby" pukaw ni Ms.Maila dito.

Without looking, she motioned us to sit in front of her.

Hindi man lang nag aksayang lumingon sa amin. Nakatutok pa rin ang atensyon nya sa kung anong papeles na binabasa.

Nang sa wakas ay nag-angat na siya ng paningin. Tsaka lang ako ipinakilala ni Ms.Maila.

"Si Louise new QC assistant natin, kanina lang sya nagstart" panimula nito

"G-good a-afternoon po" nauutal kong bati kay Ms. Sungit. Ipinagpasalamat ko at nakaupo na kami because the moment she stared at me ay naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at ang walang lubay na kalabog ng puso ko.

Chillax Louise! Hindi mo kelangan kabahan. Saway ng subconscius mind ko. But that didnt help.

She simply glance and nodded at me bilang sagot sa pagbati ko at muling ibinalik ang tingin kay Ms.Maila.

Medyo nasaktan ako sa simpleng gestures na pinakita nya.

What do you expect Louise?

Yakapin ka nya ng bonggang bongga just because may nangyaring intimate moment sa inyo dalawa?

Heller!

She's your Boss now at empleyado ka na nya.

Yeah right! Bakit nga ba nag-eexpect ako ng something sa kanya kung sinasampal ako ng realidad na heto sya kaharap ko bilang bagong amo ko. For all i know, baka balewala lang sa kanya ang nangyare sa amin ng gabi na yun.

Awts! 

She is seriously hurting my Ego right now sa isiping yun.

Naiinis akong sumulyap sa kanya.

Na ngayon ay prenteng nakasandal sa swivel chair with both hands on her lap at pamaya -maya ay nagtanong kay Ms.Maila.

"i thought, you only requested for one assistant? 

Is Cess not enough para makatulong mo?" magkasunod na tanong nya na may himig ng paninita.

Nagulat man sa biglaang tanong, hindi yung ipinahalata ni Ms. Maila.

"yes, i know na sinabi ko dati na isa lang ang kelangan ko.. but that was before na puro Structural Works lang ginagawa natin. Right now kasi, unti-unti nang pumapasok ang Architectural Works and i have to admit it, marami ng workload ang naidagdag sa amin. Sa working permit pa lang hindi na kami magkandaugaga ni Cess how much more sa mga testing pa na kelangan naming i-witness, not to mention the inspection na kelangan naming bantayan." mahinahong paliwanag ng Immediate Supervisor ko

"but why? Anong ginagawa ng mga Site Engineer ng bawat SubCon natin? Hindi ba dapat isa rin sila sa nag-aassist sa quality ng trabaho nila?" balik na tanong nito na agad namang sinagot ni Ms.Maila

"Ok Gab, let me get this straight...." at panandaliang bumuntong hininga before she continue...

" I am leaving next month dahil sa maternity leave ko. Cess is a newbie and honestly right now may mga bagay pa sya na hindi masundan sa trabaho. Nagwowory lang naman ako na baka sa pag-alis ko, magkanda loko-loko ang trabaho nyo dahil lang sa hindi pa nito kagamay ang sistema natin. That is why I ask Fermin to hire for another one para makatulong si Cess"

"yun naman pala eh, eh bakit hindi kayo nag-hire ng may experience na? bakit bagito na naman ang kinuha nyo? do you think makakaya nya ang pressure sa pagtatrabaho dito?" asik na sagot ni Gabby sa mataas ng tono ng boses.

I thought they are Super Close Friends? But how come nakakaya nyang pagtaasan ng boses ang taong malumanay na sinasagot bawat himutok na tanong nya?

And Hello? Kelangan ba talaga sa harapan ko pa sila magtalo ng dahil lang sa pagka-ka hire ko? And the nerve of this woman na maliitin ako dahil lang sa wala pa akong experience sa trabaho. Sino sya para manghusga agad-agad?

Halatado naman na against sya sa pagdating ko, she is questioning Ms. Maila. and forcing her to justify kung bakit ako narito as the 2nd QC Assistant.

I felt the sudden change of my mood at alam kong namumula na naman ang mukha ko. Hindi dahil sa nahihiya ako but because of the anger that slowly rising inside me towards this damn woman na wala na yatang ginawa kundi magbuga ng apoy sa lahat ng taong nakakausap nya.

Bahagyang tumahimik ang paligid. Pero hindi yun nagtagal dahil malumanay na nagsalita si Ms. Maila.

"Actually, that was the initial plan. Ang mag-hire ng well-experienced na Engineer, but when we submitted the request form sa Head office. They said that the Project budget is not sufficient . They only allow us to hire na pasok sa budget natin"

I was expecting na papalag na naman si MGS sa narinig. But to my surprise, bumuntong hininga lang ito at panandaliang tumahimik.

"if that's the case, then wala na tayong magagawa. We all knew na pagdating sa ganyang bagay strikto sila" kalmado na ito.

"okay then, paki-train ng maigi si Miss....?? What's your name again? " dugtong pa nya kasabay ng pagbaling sa akin.

Napatitig ako sa kanya at bahagyang napataas ang isang kilay.

Seriously? Sa ganda kong ito nakalimutan mo ang pangalan ko?

Damn you! Gabby Sandoval!

"L-Louise po " mahinang sagot ko kahit nagpupuyos ang kaloob-looban ko.

" ah yeah. Paki-train ng maigi si Ms. Louise and make sure na makakasunod sya sa mga standard procedure natin. Okay? " bilin nito kay Ms. Maila

Hindi pa nakakasagot ang kausap ng bigla na naman itong nagsalita.

"and by the way Mai, I want you to start the Project Execution Plan for our upcoming The St.Regis Project"

Nakita ko ang pagrehistro ng pagtataka sa mukha ng Immediate Supervisor ko.

"but Gabby, that one is not yet awarded to us." protesta ni Ms. Maila

"I know, but still gusto ko ng makita ang draft ng PEP natin" giit nito

"o-okay" napipilitang sagot ng kausap nya ng maramdaamng ipipilit ang gusto nito.

Nang wala ng mapag-usapan nagpaalam na kami na babalik sa cubicle namin. 

Halos palabas na kami ng pintuan ng magsalita ulit ito. Awtomatiko kaming napalingon parehas at inantay ang sasabihin nya.

"Mai,.... i changed my mind " sabi nito habang nakayuko na nagti-tingin tingin sa dokumentong hawak nya. She then paused for a while at tumingin sa gawi namin. She look at me in particular at hindi inalis ang tingin sa akin ng magsalita muli.

" let Louise be in-charge sa pag-gawa ng PEP for St.Regis Project. Turned-over all the necessary documents to her , give a brief instructions and after that we will have a quick discussion about it. Okay?"

"and when is this meeting?" nagtatakang tanong ni Ms. Maila

"today" walang anuman na sabi nya

"today?! sigurado ka? "gulantang na sagot ni Ms. Maila.

Tinapunan ako nito ng nag-aalalang tingin at muling lumingon sa kausap.

"yes today, as in ngayon. I'll give you 3 hours para maipasa sa kanya lahat, meet me before 6pm. Okay?"

"..pero Gabby, bago pa lang si Louise and.... "

"Why Mai?" putol nito sa anumang sasabihin ng kausap.

"are you questioning the capability of your new Assistant?" nang-uuyam na tanong nito while tilting her head habang inaantay sumagot si Ms. Maila

Ako na nakikinig lang sa isang tabi ay kinabahan na rin sa gusto nitong mangyari. Kung kani-kanina lang halos ipamukha nya na hindi ako kelangan dito.Ngayon naman ipinapaubaya nya ang pag-gawa ng isang bagay na hindi ko pa naman naiintindihan.

I'm not stupid para hindi ko maramdaman ang pagka-disgusto nya sa akin, simula pa kanina nahalata ko na yun, base sa mga pananalita at mga pukol na tingin na ibinabato nya hindi nya nagustuhan ang biglaang pagsulpot ko dito sa kumpanya nila.

Hindi ako slow para hindi maintindihan ang gusto nyang mangyari. Obviously, sinusubukan nya ako kung ano ang kaya kong gawin.

Oh Well sorry ka na lang Gabby Sandoval! dahil hindi ako aatras sa kung anong pinaplano mo.

"...hindi naman sa ganun pero kasi... " nadinig kong pagsagot ni Ms.Maila. Pero hindi nya natapos ang gustong sabihin dahil sumingit na ulit si Gabby

"okay then, that's good . meet me after 3 hours .. "

Yun lang at sinenyasan na nya kaming lumabas pagkatapos sagutin ang tawag sa cellphone nya.

Naiiling na lang na tumalikod si Ms. Maila na kinaringgan ko pa ng mahinang buntong-hininga. Bilib din ako sa taong to, nakaya nyang pakiharapan ng malumanay ang babaeng kagaya ni Gabby. 

A very conceited and certified hot tempered woman.

********

Gabby's(POV)

I was busy signing some documents ng marinig ko ang pagkatok sa pintuan. I instructed to come in. Nang lingunin ko kung sino ang pumasok. it was Mai and Louise. I glance at the clock hanging on the wall.

6:15 pm

Yeah right. May meeting nga pala ako sa kanila.

Pinaupo ko sila sa tapat ko. 

Nang mag-angat ako ng tingin, I accidentally look at her – kay Wild Girl na nahuli ko ring nakatitig sa akin. Balewala kong inilihis ang tingin ko at ibinaling ang atensyon sa pagpirma ng mga papeles.

"give me a minute" sabi ko sa kanila ng hindi nag-aangat ng tingin.

Nakayuko na ako pero ramdam ko pa rin ang pares ng mga mata na nagmamasid sa akin.

Why is she keep on staring at me?!  Reklamo ng utak ko na isinawalang bahala ko na lang muna.

Nang matapos na ko sa ginagawa. Hinarap ko sila, hinanap ang mga dokumentong ipina-prepare sa kanila kani-kanina lang.

I quickly scanned the files na iniabot nila. Nagbato ng ilang question at nag-comments sa ibang issues na hindi gaanong malinaw. So far, okay ang pagkakagawa ng draft, hindi pa kumpleto pero na-impress ako sa layout nito.

Nasa kalagitnaan pa lang kami ng meeting ng pamaya-maya, pina-excuse ni Jof si Mai. May importante daw na tawag from the Consultant.

Naiwan si Louise na nakikinig sa mga sinasabi ko habang nagja-jot down sa notebook nya.Halos okay naman na lahat except sa isang layout na hindi ko nagustuhan ang pagkakagawa. I explained to her kung ano ang gusto kong mangyari. I even draw a diagram para yun ang maging pattern nya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-sketch ng marinig kong bumulong si Wild Girl.

" ..ang haba kasi, nadi-distract ako.. " mahina lang ang pagkakasabi nun. Sapat lang para madinig ko.

Awtomatiko akong nag-angat ng ulo at tinapunan sya ng nagtatanong na tingin.

".. pardon Louise? " kunot noong tanong ko

".. n-nothing Ms. Gabby " mahinang sagot na halos hindi kumawala sa bibig nya.

wait?! what?

Did she just call me Ms. Gabby? Ang nagtatakang tanong ng isip ko.

I pause for a while.

She's the only one na tumawag sa akin ng ganyan dito sa Site. Usually MGS or Ma'am nila ko ini-aadrress and for some reason bahagyang nag-init ang ulo ko.

I'm about to correct her when a part of my mind reacted.

Oh what now? Papagalitan mo ng dahil lang duon? Tsk.!!.. spare her Gabby... isa pa, quotang-quota ka na sa pagpapagalit sa mga tauhan mo. Baka naman ma-highblood ka nyan?.. 

besides, admit it or not.. maganda sa pandinig mo ang tawagin ka nyang Ms.Gabby. hindi ba?

I sighed in confusion at pilit na iwinaksi ang iniisip na pagsinghal then i glance at her.

Tila hiyang-hiya ito dahil sa narinig ko. Nakita ko pa kung papaano sya nag-blush na dagli rin nyang itinago sa pamamagitan ng pagyuko.

Naiiling akong bumalik sa pag-do-drawing with my mind thinking kung ano ang ibinulong nya.

Alin ba ang mahaba na nakaka-distract sa kanya? Eh puro bilog itong dino-drawing ko for the diagram. 

When I realized kung ano ang tinutukoy nya, lihim akong napangiti. At kagaya nya, naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi. 

Tsk!.. 

This Wild girl and her Wild imagination.

Continue Reading

You'll Also Like

465K 12.7K 60
This story is girl to girl (gxg) read at your own risk.
464K 17.1K 105
"What a plot twist you were."
430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
388K 8.4K 44
I love you but you can't love me back.