Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

625K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 3 : " Hired "

18.4K 491 20
By _AyEnNe_

Louise (POV)

Lunes

"Ms. Buencamino" narinig kong tawag sa akin ng isang babae.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig and saw this petite lady seriously looking at me. If im not mistaken, isa sya sa nag-panel interview sa akin nuong nag-aaply pa ako.

"please follow me." instruction nya sa akin ng hindi ngumingiti at dali daling tumalikod.

Nagkukumahog akong tumayo at sumunod sa kanya.

Naglakad kami hanggang sa dulo ng hallway at huminto sa tapat ng isang pintuan. Dire-diretso syang pumasok sa loob at agad naupo sa swivel chair na nasa kabila ng lamesa.

This must be her office. bulong ko sa sarili ko habang lihim na iniikot ng tingin ang paligid.

"Please sit down" narinig kong sabi nya while pointing the chair in front of her.

Umupo ako sa pwestong itinuro nya then I watch her flipping some pages on her table. Nang hindi pa rin ito kumibo, inaliw ko ang sarili sa pagtingin tigin sa paligid. Until my gazed stop at the portrait hanging at the wall behind her. Napasinghap ako and I felt the blood rushing into my head when i saw a familiar face.

It was her!

Si Ms.Sungit. 

Ang kauna-unahang babae na nakapag-pawindang sa akin.

Kasabay ng pag-rigodon ng puso ko ay tila nagbalik sa akin lahat ng nangyari ng gabi na iyon. The way she looked at me, ang mga haplos nya, ang walang pakundangan nyang paghalik... and ....

Sh*t! Even the way she f*cked me...

Tila isang pelikula yun na nag-rewind lahat sa alaala ko.

That night was undeniably was unpredictable. Nawindang ako ng husto. It must be the reason kung kaya hindi sya maalis sa isip ko ng buong weekend. I just can't move-on from the fact na nadala ako sa mapusok na ginawa nya sa akin kaya naipaubaya ko ang sarili ko sa kanya without any hesitation. And Paksh*t! Sa tanang buhay ko, nuon lang ako naging impulsive pagdating sa sex. At take note ha sa babae pa. Maryosep!

Im trying to get her away from my mind since yesterday. Pilit na kinumbinsi na isang malaking biro lang ang nangyari sa akin ng gabi na iyon. At inisip na lamang na hindi na magtatagpo ang landas naming dalawa kahit kelan.

But what is this? Nagbibiro ba ang tadhana? It seems na magiging magka-trabaho pa kami sa iisang company.

I look at her photo intently and saw the familiar smirked on her face and the dashing personality na taglay nya. Only this time, she is quite serious and dominant, dahil na rin siguro sa suot nyang eyeglasses na nagbigay ng kakaibang aura sa kanya.

Obviously this was their Company photo. All of them are wearing corporate attire and base on it. Im guessing that Ms. Sungit was holding a much higher position. She was sitting next to the Old Man na sa tingin ko ay syang pinaka-mataas sa kanila. Nakahilera sila sa may gitna along with the two more handsome guys na tingin ko ay may resemblance sa features nya.

Isa siguro sya sa mga Boss. 

Sa isiping yun kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

I think, there will never be a chance na magkita kami, sa laki ba naman ng Company na ito.

"Ms. Buencamino? are you alright ? " isang tanong ang nakapagpapukaw at agad nakapagpalingon sa akin.

"ahm.. y-yes ma'am " nag-i- stammer na sagot ko.

"your blushing, may problema ka ba? " ang nagdududa nyang tanong

"w-wala po"

She pause for a while at matiim na tumingin sa akin waring tinitimbang kung nagsasabi ako ng totoo. After a while nagsalita muli ito.

"Kindly fill-up all this forms and after that ipapahatid na kita sa job site na papasukan mo." Instruction nya after maiabot ang folder.

Gaya ng sabi nya, agad kong binasa ang mga documents na laman ng folder and filled up the necessary items. Common Forms lang naman yun gaya ng mga benefits at ang pinakahuli ay ang kontrata ko. Nang matapos na, ibinalik ko sa kanya ang folder na agad naman nyang tiningnan. While waiting for her instruction, muli na namang napadako ang tingin ko sa larawan ni Ms. Sungit.

Jusko! Wag naman na sanang magkita pa kami ulit. Piping dalangin ko.

Nang matapos nang ma-check lahat ng documents ko. The lady contacted one of the company driver and instructed to drop me sa job site na papasukan ko.

********

Halos isang oras din ang naging biyahe namin from the Main Office up to the Construction Site ng dahil sa grabeng traffic. Tahimik lang ako buong biyahe, pero manaka-nakang sumasagot sa mga tanong ni Kuya Edwin – ang company driver.

Nang makapasok na ang sinasakyan namin sa site, dun na ako unti-unting kinabahan. Hindi ko maiwaksi sa isipin si Ms. Sungit at hindi maiwasang maparanoid na baka magkrus muli ang landas namin.

While heading to the Site Office, pilit kong pinakalma ang sarili at isinantabi lahat ng pangamba. Nang makarating na kami sa 3rd floor, iginiya ako ni Kuya Edwin sa Site Office which is located at the back of the building. A portion of the Parking Area na temporarily ay ginawa nilang opisina.

"Sir Jof, andito na ang bagong QC-Assistant" bungad ni Kuya Edwin pagkapasok namin sa opisina. His talking to this super lusog na lalaki who's wearing a weird eyeglasses. Ang Admin sa project na ito. The guy glance at me at automatic itong ngumiti ng makita ako, he quickly gave instruction to Kuya Edwin at agad na bumaling sa akin, inalok na maupo panandalian sa stool na nasa tabi nya. Hiningi nito lahat ng requirements ko and handed me a brown envelop which is consisting of my Site I.d and other documents.

After masiguro na okay na lahat ng documents, We headed inside the rest of the office at ipinakilala nya ako sa mga staff. Una naming nadaanan ang safety office sinundan ng ilang cubicles ng Design Department, Operation Team and QC Department kung saan nya pinakilala ang magiging immediate supervisor ko na si Ms. Maila. A small at mukhang terrible na babae. Naabutan namin itong nag-aayos ng mga files kasama ng isa pang babae na nakilala ko sa pangalang Cess – isa ring QC Assistant.

"dalawa kayo ni Cess na magte-takeover ng work ni Ms. Maila,you both have 2 weeks para pag-aralan ang mga maiiwan nyang trabaho. Dahil next month na ang schedule ng maternity leave nya" paliwanag ni Jof

He was still discussing some of the Site Rules ng biglang may lumabas sa opisinang katapat ng cubicle na kinatatayuan namin. Nang basahin ko ang nakapaskil dun, it was the office of the Project Manager / Area Manager.

"Oh! hi Sir, nanjan pala kayo, si Louise po – new Assistant ni Ms.Maila, Louise si Sir Fermin – Project Manager natin " pakilala ni Jof sa lalaking hindi na yata kumurap sa pagkakatitig sa akin.

As the Project Manager, he looks so young and handsome in his own way. Chinito ito at maganda ang tindig pati ang pangangatawan, idagdag mo pa ang magaang aura na para bang na –se sense ko na jolly ang personality nya.

"good morning Sir" bati ko sa kanya kasabay ng kiming ngiti

"good morning din Ms. Beautiful, nice to meet you" bolerong sagot nito na sa tindi ng pagkakangiti ay lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi.

"very good ka ngayon Jof ha, sineryoso mo talaga ang biro ko na dapat maganda lang ang iha-hire mo" dugtong nito. Si Jof ang kausap nya pero hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

Sasagot sana si Jof sa kanya ng biglang may nagradyo at ni-request na pumunta sya sa active floor asap. Tila natauhan naman ito at nagmamadaling umalis bitbit ang safety vest at helmet nya.

********

My first morning sa bago kong trabaho went okay. After akong ipakilala ni Jof sa lahat ng staff, he turned me over to Ms. Maila para ma-orient and eventually mai-discuss ang mga maiiwan nyang trabaho. She gave instruction sa system na meron sila and after that pina-encode na muna nya lahat ng working permit sa computer. Sa sobrang engrossed sa ginagawa, hindi ko namalayang lunch break na pala. Bahagya pa akong nagulat ng marahan akong sikuhin ni Cess na nasa tabi ko at nagyayang mag-lunch.

Sumabay na ako sa kanila. Pagkababa at habang nakukwentuhan nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Sir Fermin. Humahangos pa itong lumapit sa amin at habol ang hiningang nagreklamo.

"grabe naman, ang bilis nyong maglakad..

magla-lunch na kayo? Pasabay ako.. " nakangiting dugtong nya habang naglalakad.

"himala yata Sir... sasabay ka sa amin?" singit ni Ms.Maila.

"bakit? dati pa naman akong sumasabay mag-lunch sa inyo ah" salag ni Sir Fermin na ngayon ay nakatitig sa akin.

"sus!.. nuon yun..." sagot ni Ms.Maila na tatawa tawa.

Kami ni Cess tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa habang naglalakad.

"tsk!. wag ka na jan magulo Ms.Maila.. " tila wala ng masabi si Sir Fermin sa pangbabara sa kanya. Nakita ko pa syang pasimpleng nagkamot ng batok at tinapunan ng makahulugang tingin ang kausap.

It seems na naintindihan naman yun ni Ms.Maila at pasimpleng sumulyap sa akin at ngumiti.

Im not that innocent para hindi ko matunugan o mahalata ang makahulugang tinginan nila. I know the reason why Sir Fermin is following us.

Obviously he is ineterested in me.Kitang kita naman sa mga kinikilos nya. Kung papaano nya ko titigan, ngitian at kausapin.

Sus!Ako pa ba?

Hindi na bago sa akin ang ganyang pagdiskarte ng mga lalaki. Sa dinadami ba namang nanligaw sa akin hindi ko pa mahalata. Sanay na sanay nako sa ganyan and honestly im tired of them letting me feel im special at pagkatapos pag nakuha na ang gusto ay iiwan na lang na parang isang basahan.

Whoa! Easy girl! San nanggaling yun? Saway ng isang parte ng utak ko.

"so how's your first day?" tanong ni Sir Fermin mula sa likuran.

There he goes, doing his 1st move.

I answered him casually. Pero hindi yata ito kuntento kaya nagtanong muli. Though medyo wala ako sa mood para makipaghuntahan pinagbigyan ko na lang din, besides boss ko sya at maayos naman syang nakikipag-usap.

Hanggang sa kumain kami at natapos hindi na ito humiwalay sa akin. Panay pa rin ang tanong nya ng mga bagay bagay na kalimitan ko namang sinasagot ng matipid para hindi sya mapahiya.

Actually, i find him very nice, kalog at may sense kausap kaya kahit papaano in short period of time naging kumportable na rin ako.

Natigil lang ang kwentuhan namin ng makabalik na kami sa Site. Nagpaalam itong magiinspect sa taas at iniwan na kami sa cubicle namin.

I was busy doing my work ng magpaalam sila Cess na magwi-witness ng testing. Naiwan akong mag-isa na naka-focus sa pagta-trabaho. Paminsan-minsang ipinapahinga ang mata kapag nangawit kakatingin sa monitor ng computer.

Nang maramdamang nananakit ang bandang likuran, I decided to stand up at nagtingin-tingin sa paligid. Dahil low partition lang naman ang division ng bawat cubicle matatanaw mo ang kabuuan ng opisina. May mangilan-ngilang staff ang naiwan. Kumpleto ang Design team na tila may sariling mundo na nakatutok sa kani-kanilang computer.

Sa Operation Department naman may iilang lalaki ang nagdadal-dalan kasabay ng manaka-nakang pag-iingay ng kani-kanilang radio. Bawat isang Engineer kasi may sari-sarili sila nito.

Kasalukuyang nagkukulitan ang ilang Enginners dun ng mapalingon sa akin ang isa. Si Darwin - Formworks Engineer. Nakangiti ito at akmang magsasalita ng biglang may nagradyo sa kanya.

"Sir Darwin, please come in.."

".. go ahead.. Gonzales... " sagot nito

Nag-response naman ang kausap nito sa kabilang linya pero dahil malabo ang reception at hindi maintindihan pinaulit nya ito.

"10-9 ..Gonzales.. 10-9 "

10-9 – Meaning pinapaulit nya ang mensahe nito.

".. Sir Darwin.. 10-16 ... MGS spotted... kakapasok lang ng sasakyan nya... "

"c-copy!"

Ang kaninang mapagbirong itsura nito ay napalitan ng pagkataranta ng maintindihan ang sinabi ng kausap. Ang nakakapagtaka, hindi lang sya ang naging ganun ang reaction kundi lahat silang Operation Engineer na nakatambay sa cubicle nila. They quickly grabbed all their vest and helmet at agarang lumabas ng opisina.

Naguguluhan man sa ikinilos nila nagpasya na lang ako na ituloy ang ginagawa. Iiling-iling na bumalik ako sa lamesa habang nanduon pa rin ang bahagyang pagtataka.

Who is MGS? And why did they mentioned 10-16 ? 

it's a radio Code for Problem.

I'm still dealing with some questions in my mind ng marinig ko si Jof.

"Mike! ..anjan si MGS, ayusin mo yung office nila and linisin mo yung toilet" utos nito kay Mike-ang utility namin.

Now im curious. Sino ba si MGS at natataranta sila?

Hindi na ako nakatiis kaya agaran kong tinanong si Mike ng mapadaan ito sa cubicle namin.

"Mike.. sino yun? "

"Big boss po yun Ma'am" ang sagot nito at nagmamadaling tumalikod na  tumungo sa katapat na opisina namin.

When i heard what Mike say, tila nahawa ako sa atmosphere nila at dagli ring kinabahan.

He or She must be a terrible Boss kung kaya't natataranta nya ang mga taong nandito marinig lang ang pangalan nya.

Oh well, tipikal na boss lang naman siguro sya na karaniwang nagagalit kapag palpak ang trabaho. 

Pero kung ganun? 

Bakit halos lahat naman ata dito affected sa pagdating nya.

Ang kaninang medyo maingay na opisina ay biglang tumahimik. Even the soft background music nawala. Ang tangi mo lang maririnig ay ang ingay ng aircon at ang pagtipa sa mga keyboard .Pakiramdam ko tuloy nasa loob ako ng library.

There's a lot in my mind pero isinawalang bahala ko na lang muna at nag-umpisa na muling magtrabaho.

Makalipas ang ilang oras i heard a loud slammed of the door na sinundan ng tinig na galit na galit.

"what the hell is the problem Fermin?! didn't i mention last week na kailangan nating ma-hit ang 3 floors per month? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin nabubuhusan ang segment 2 ng active floor??!!"

Sandali akong napatigil sa ginagawa ko.

That voice!

I felt my heart pounding very hard when I recognized her voice. I closed my eyes at pilit pinakalma ang sarili.

Oh Sh*t! 

Hindi ako pwedeng magkamali.

Though iilang beses ko lang narinig ang boses nya , kabisado ko na iyon kahit na nga ba sabihing iba ang intonation nya ngayon dahil sa sobrang galit, nanduon pa rin ang pamilyar na tinig na hindi yata humiwalay sa balintataw ko simula ng mangyari ang awkward experience  sa amin.

I slowly opened my eyes at pasimpleng sumilip sa gawing harapan ko kung saan nakatalikod ang isang pamilyar na bulto ng isang babae. She's wearing a checkered long sleeves polo na bahagyang nakatupi hanggang sa may siko nito. Tinernuhan ng semi-fitted na faded jeans. Na nagpahulma sa magandang hubog ng katawan nya. Hindi ko pa napagsasawa ang mga mata ko sa pagmamasid sa likuran nya ng mapansin ko ang kaliwang braso nya na kipit-kipit ang isang white helmet with engraved letters na MGS.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi namalayang unti-unting napaupo ng mapagtanto kung sino sya.

Oh My!? 

Sya si MGS? Ang Teribble boss nila? .. este namin pala?

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari at halos ayaw mag-sink in nito sa utak ko. Halos hindi pa nga ako nakaka-move on sa isiping sa iisang company lang kami nagta-trabaho ng makita ko ang litrato nya sa head office kaninang umaga. Tapos ngayon heto at bumulaga sa akin ang realidad na imposible ang iniisip ko na hindi na magku-krus muli ang landas namin.

Seriously?? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

"Na-delayed kasi ang delivery ng shoring jack ng isa nating subcon kaya hindi agad naikasa yung support sa ilalim" paliwanag ni Sir Fermin sa kalmadong tono.

"damn it! Is that our problem?! Tell me Darwin??! Nasa atin ba ng problema?! " nang-gagalaiting baling na tanong nito sa taong tinutukoy.

Pasimple akong sumilip sa gawi nila. They stopped in the middle of the hallway, and in front of her was Sir Fermin and a bunch of Engineers from the Operation na daig pa ang maamong tupa na nakayuko habang sya ay nagtutungayaw.

"w-wala po s-sa atin ang p-problema Ma'am" magalang na sagot ni Darwin

"ikaw ang in-charge sa formworks dapat ikaw ang umaasikaso at nag-pupush nyan hindi ba?!! what happen to the weekly look ahead schedule natin???!! "

"tell me.. sino ba ang Main Contractor?!" nanggigil na tanong nito

"t-tayo po " sagot ni Darwin

"exactly!! tayo ang Main Con. Kaya dapat tayo ang nagpapasunod sa kanila, but why do I have this feeling na baligtad ang nangyayari??!! " sita nya na iniikot ng tingin ang mga Engineers.

"Ilang beses ko bang sasabihin na maging vigilant kayo pagdating sa schedule??! We are dealing serious business here. Ma-delay lang ng isang araw ang activity natin. Millions na ang nawawala,.. alam nyo ba yun?!"

Walang ni isa man ang kumibo  at nanatili lang sila na nakayuko.

Ilang minuto ang lumipas bago ulit ito nagsalita.

"ayoko ng mangyari ulit ito sa susunod. Maliwanag ba Darwin? " halatang pilit na pinapakalma ang boses nya.

"y-yes M-Ma'am " sagot ng kausap nya.

" sinong in charge sa Architectural works?? Emergency meeting at my office now! " utos nito at sa isang iglap ay humarap sa gawi ko patungo sa office nila.

Nag-angat ito ng tingin and caught me by surprise looking at her. Napatigil sya sa akmang paglakad at nakipagtitigan sa akin. I was in shock ng magtama ang paningin naming dalawa at hindi ko napigilan ang mapasinghap ng mapagmasdan ko ang itsura nya.

Oh My! She's ruggedly beautiful!

Ngayon ko lang napagmasdan ng husto ang mukha nya. Because the last time I saw her, we were both under the dimming lights of the club. Though I know that time na good looking sya. I did not expect na ganito naman sya kaganda.

She have this regal features na siguradong makakapagpatulala kung sino man ang titig sa kanya. She seemed the picture of perfection, with her slightly chinita eyes framed by long lashes and a straight nose, not to mention the not so straight hair na bumagay sa kanya kahit bahagyang nagulo dahil siguro sa pagkakasuot at tanggal ng helmet na bitbit nito. And her lips...

Her thin red lips..with the familiar cut on the corner of it.

Damn!

Bumilis lalo ang pagsikdo ng puso ko ng makita ko ang sugat na nasa gilid ng labi nya. It was the cut i made nang pang-gigilan ko sya matapos ang mainit na sandali sa pagitan naming dalawa. Wala sa sariling napayuko at napapikit ako.

May kakaibang hatid na kung ano ang alaala na yun.

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo at pilit na iniwas ang tingin sa kanya. Hindi ko na kayang titigan pa sya. Hindi ko matagalan ang tingin na ipunupukol nya sa akin. Particularly when i saw anger and confusion sa mga titig nya.

Besides im afraid na hindi ko ma-control ang sarili ko at baka sugurin ko na lang sya at bigyan ng nag-aalab na halik.

For god sake! She's a woman Louise. Kastigo ng utak ko.

Wala sa sariling nadampot ang folder na hawak at naitakip sa mukha ko. Pakiramdam ko nagba-blush ako sa malaswang isipin na naglalaro sa utak ko.

Putek! Ano bang nangyayari sa akin? Why of all the people sa kanya ko pa naramdaman ito? Ganito na ba ako kamanyak para makapag-isip ng kung ano-ano ng dahil lang sa titigan naming dalawa?

I know kagaya ko, na-shock din sya. Malamang nagtataka kung anong ginagawa ko sa opisina nya. Pero kung magkaganun man. Magaling sya dahil hindi ko nakitang rumehistro yun sa mukha nya.

Nasa ganuon akong ayos ng marinig ko ang mga yabag nila papasok sa office ni Sir Fermin. Hindi na ako nag-abala pang tumingin at nagkunwari na lang na busy sa pagtipa sa keyboard kahit halos takasan na ako ng malay dahil sa sobrang kaba.

Continue Reading

You'll Also Like

75.6K 3.1K 32
✨TWO STRAIGHT GIRLS WITH DIFFERENT WORLD AND BELIEFS✨ Jillian Felisi Lacerden, a sponsored-student at A.I.S. Her beauty is not only outward but runs...
377K 6.6K 58
Anong gagawin mo kung nainlove ka sa isang babae na maganda, matalino, malinis, At higit sa lahat ay mayaman. At ikaw ay isang simpleng tao lamang. M...
363K 9.7K 65
gxg story ko po ito If homophobic ka Wag mo na. Itry basahin Pa salamat...... ............ Paano kung Daig nyo pa ang world war 2 pag nag aa...
263K 5.1K 55
Magbestfriend ang mga magulang namin, we grew up together na pati second name pareho kayo kasi akala nila pareho kayong ''kikay". Harren Keith De Fer...