L.U.S.T

By Heartkeeper

62.3K 762 39

Ang Kwento tugnkol sa pagmamahal. Nagmamahal. Minamahal. Gustong magmahal. SA mga Pekeng pagmamahal. Sana po'... More

L.U.S.T
Love #02
Love #03
Love #04
Love #05
Love #06
Love #07
Love #08
Love #09
Love #10
Love #11
Love #12
Love #13
Love#14
Love #15
Love #16
Love #17
Love #18
Yael #19
Love #20
Love #21
LOST (Ellie)

Love #01

10.2K 75 6
By Heartkeeper

"Bakit ganon ang mga lalaki?

Ang hilig manakit,

manloko,

at manggamit ng babae.

Maraming manyakis,

na kahit panget....

Basta alam nilang may dibdib na malalamas, labing mahahalikan, katawang pagnanasahan at puke na pwedeng mapasukan...

Eh ok lang sa kanila mailabas lang ang init at libog na nararamdaman.

Ang mga gwapo.....

Mahilig magpaasa at magpaiyak ng mga babae..

Yung iba nga eh nanggagamit pa ng mga mapeperang bakla matustusan lamang ang mga luhong hindi nila kayang makuha at inaasa na lamang sa iba...

Nakakaawa talaga kayo.....

Mas nakakaaw pa kayo sa mga babaeng pinaluluha niyo"

Yan ang mga mapapait na salitang isinulat ko sa isang pirasong papel na inipit ko sa isang armchair ng silya sa isang classroom.

Nakakagaan kasi ng loob ang paglalabas ng simpleng saloobin kahit sa isang simpleng sulat man lang..

Siguro nga, ipinaglihi ako ng nanay ko sa ampalaya kaya medyo maypagkabitter ako..

Kahit nga ang pangalan ko ay medyo taliwas sa nararamdaman ko ngayon.

"Lovely Heart A. Madrigal", LHAM for short.

Ayoko kasing tinatawag akong Love Loevly, Heart, Lovely Heart. Ang baduy. Ang sagwa.

Galing ako sa isang mayamang pamilya. Lahat ng luho at pangangailangan ko'y madali kong makuha maliban sa dalawang bagay....

"Isang masayang pamilya at tunay na pag-ibig".

Galing ako sa isang broken family. Isang magaling na Chef at nagmamanage ng limang restaurant ang aking Mommy. CEO naman sa isang company si Daddy.

Naniniwala ako dati sa fairytales and happy endings dahil sa wagas na pagmamahalan ng aking mga magulang...

Pero isang araw, bigla na lang nagbago iyon.

Simple lang ang gusto ni Mommy, ang magkakasama kami, makitang busog ang mga taong pinapakain niya, at ang simple at buong pamilya. Masyado naman naghangad ng karangyaang si Daddy na sanhi ng palagiang pag aaway nila. Hanggang sa tuluyang nauwi ito sa hiwalayan.

Nanatili ako sa puder ng aking ina kasama ang dalawa kong kuya. Habang ang ate ko na man ay mas piniling sumama kay Daddy.

Akala ko'y tama yung desisyon ginawa ko. Akala ko ay tamang piliin ko yung mga taong inakala kong poprotekta sakin.

Mali pala ako. 

Nakaranas ako ng paulit ulit na pangmomolestya mula sa aking mga kapatid.

Nanlaban ako.

At tuluyang lumayo.

Huli ko na kasing naisip na sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang magtatanggol sa sarili mo.

Mas pinili kong mamuhay mag-isa. Walang inaasahan. Walang sinasandalan. Ok na sigurong maging bato paminsan minsan para hindi na ko muling masaktan. At hindi na rin ako muling maaagrabyado.

Akala ko rin dati, makakatulong sakin yung pagkakaroon ng boyfriend. Akala ko comfortzone ko na yun. Kasi may magmamahal sakin.

 Dun ko din nalaman na minsan pera at katawan lang ang basehan ng pag-ibig sa iba.

Kaya minsan, hindi masisisi ng mga lalaki ang babae kung bakit minsan bitter sila...

                                                         *******************************************

"Hindi naman lahat ng lalaki ganon. Ewan ko ba sa inyong mga babae kung bakit laging lalaki ang sinisisi niyo. 

akala niyo ba kayo lang ang nasasaktan at lumuluha??

Pag niroromansa kayo ng mga lalaki. Malamang sa alamang ay nasasarapan din kayo. 

kaya nga't maraming nabubuntis.

..Hindi lang iyon choice ng isang lalaki.."

Aba? sino naman tong kupal na to na nagrereact sa Mga sinulat ko? at pulang Ballpen pa ang ginamit...

Sino naman kayang kumag ang nagbasa nito??? Hmmm...

"Hoy ikaw. kung sino ka mang kumag ka.... Wala kang paki sa mga sasabihin ko.. Makareact ka.. Masyado kang papansin."

Hindi ko alam o sadyang engot lang ako na hindi ko maalalang bukod samin ay mayroon pang ibang gumagamit ng room na ito??? At sino naman yung pakialamerong yun. Masyado siyang makareact. Siguro ganon siya.

Ayoko sa lahat yung pinag iisip ako.. Sino naman kaya yung nagsulat dun sa kapirasong papel na sinulatan ko.. Ewan.. Bahala na si batman.

                                                           ****************************************

"Hindi ako papansin.. Mayroon lang tayong kalayaang Magpahayag ng mga saloobin natin. Katulad ng ginawa mo. Mga babae talaga minsan hindi patas. Gusto nila sila lang.

Ate wag mong kainisan ang lahat ng lalaki sa mundo. Sadyang malandi kami. Ngunit mapagmahal.

Kung pinaglihi ka sa ampalaya. Wag kang mag alala lalagyan ko ng asukal yan para tumamis ka at maging sweet ka sa lahat. Lalo na sakin. Hehehehe."

Aba? hindi lang pala epal to. Mayabang pa. 

"Ano bang gusto mo? away? sapakan na lang oh..?"

Reply ko sa sulat. Pero. Medyo nahihiwagahan ako sa kanya..

Hindi ko alam kung bakit.

HIndi ko alam kung bakit ganito na lang yung pakiramdam ko na sa tuwing papasok ako sa room na to. Excited akong umupo sa upuang iyon at tingnan at basahin ang mga nirereply niya sakin.

Hindi ako inlove... Nahihiwagahan lang ako..

                                                             *************************************

 

Continue Reading

You'll Also Like

1K 91 45
isang artista si jong-in Ramirez Kim hinahangaan ng mga tao at lalong-lalo na sa mga kababaihan.. halos heartthrob na siya sa paningin nito.. ngunit...
48.5K 952 35
Monster : noun\ˈmän(t)-stər\ - a strange or horrible imaginary creature - something that is extremely or unusually large - a powerful person or thing...
23.1K 654 12
Maganda, Sexy, Kaakit-akit, at walang lalaking hindi nabibighani. Siya si Gabriella Ashley Morgan, lapitin ng mga lalake simula pa noong high school...
63.3K 2.1K 39
The Wattys2018 Longlist Mahiwaga ang naging pagtatagpo nila. Tila wala sa sarili ang lalaki nang una niya itong makita. Subalit ang labis na ipinagta...