Love #15

286 6 0
                                    

"Sandali lang. Lalabas muna ako."

Iyon ang mga huling katagang naisambit ni Third sakin matapos nyang malaman na magiging tatay na sya.

Hindi ko alam. Pero natatalot ako. Natatakot pa ako maging ina....

At natatakot pa kong iwan nya.

Ngunit kahit ano pa man ang desisyon nya. Pipiliin ko pa ring iluwal itong batang to. Kahit nag iisa pa ako....

************
"Princess may gusto sana akong sabihin sayo eh.."

"Third ako din kasi may mas importanteng sasabihin sayo eh.."

"Sige princess mauna ka na. Ano ba yon?"

Huminga ako ng malamim habang dinudukot sa aking bulsa yung bagay na nais kong ipakita sa kanya. Isang puting bagay na may dalawang pulang linya sa gitna...

Nanlaki ang mata.. At bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat na tila ba nanghihina.

"Bu....buntis ka??.."

"Alam ko.. Hindi pa tayo handa. Hindi pa tayo tapos sa pag aaral. Pero kung hihilingin mong ipalaglag tong batang ito.. Mas pipiliin kong iwan ka para lang mabuhay sya.."

Umupo si Third sa tabi ko.. Nakatulala habang paulit ulit tinitingnan ang pregnancy test kit na aking binigay sa kanya. Hinawakan ang kamay ko....

Huminga ng malalim..

"Sandali lang... Lalabas muna ako.."
*********

Lumipas ang limang oras. Eto. Nag iisa at nakatanga pa rin sa kwarto ni Third. Gusto ko nang umalis....

Ngunit mismong ang mga paa ko ang nagsasabing wag muna....

Sa paglipas ng oras isang halik sa noo ang gumising sa aking kamalayan..

"Sorry kung nagising kita. At sorry kung naghintay ka ng matagal.. Eto.. Fruit juice at pasta.... Bawal ka magpagutom... Baka magutom yung baby natin.. :)"

Unti unting pumatak ang mga luha ko ng makita ko ang mga ngiti sa kanyang mukha.. Agad kong kinuha yung dala nyang pagkain...

"Hindi ko kasi alam kung ano ang bibilhin ko.. Wala naman akong mapagtanungan.. Kaya habang nag iisip isip ako kung ano nga ba ang dapat gawin nag hanap hanap na ako ng kakainin nyo ni baby...

Oo nung una.. Gusto kong sabihin sayong ipalaglag mo.. Dahil alam kong hindi pa tayo handa dito.. Pero.. Ayokong magalit satin yung anak natin at isa pa.. Alam mong mahal na mahal kita.. Pati yang magiging anak natin.."

Niyakap ko ng mahigpit si Third.. Akala ko mawawala na sya sakin....

*****
Hindi nagbago si Third sakin matapos non.. Lalo sya naging maalaga at mapag mahal... At dahil don lalo ko syang minamahal... Kaya natatakot ako..

Kasi baka bigla na lang magbago ang lahat....

At hindi nga ako nagkamali....

Bigla syang nagbago..
Biglang nanlamig...

"Ano ate Rhia?? Aalis si Third???! Bakit di mo sinabi????"

"Eh kasi naman.. Lumuhod sya sa harap ko at nag makaawang wag sabihin sayo.. Pero nakokonsensya naman ako.. Sorry princess.. :( "

"Kailan daw punta nya ng u.s?"

" ahhhmmmm... Actually kasi... Ano kasi ehhh. "

"Ate!!!"

"Oo na... Ngayon ang alis nya at kanina pa nasa airport yun naghihintay ng flight at eto pinaaabot nya ung peanut butter ohh..."

"Hindi ko kailangan yan. Teka hahabulin ko sya.."

Nagpunta ako sa airport..
Nagkausap kami....
Ngunit walang nangyari...

Hindi ko na alam, kung ano ang gagawin ko...

Halos ilang araw din akong hindi pumasok sa klase nang mawala si third. Gabi gabi nasa bar.. Umiinom at kung kani kanino sumasama..

Nagigising sa iba't ibang kama...

Sa iba't ibang kwarto...

" ano bang pinag gagagawa mo sa buhay mo Lham.. Binagsak ka ng mga profs mo sa ibang subject.. Tapos gabi gabi ka pang lasing?? Eto ba yung dahilan kung bakit ayaw mong tumira dito?? To do what ever you want??!!"

"Wala kang alam ate rhia sa mga pinagdadaanan ko..."

"Oo!! Wala akong alam.. Kasi hindi ako yung iniwan ng boyfriend.. At hindi ako yung buntis...

Oo..alam kong buntis ka at ipinagbilin ka sakin ni Third..

Kung yun yung dahilan mo para mag walwal at pabayaan yung pag aaral mo.. Maiintidihan ko pa ehh.. Kaso hindi eh...pinapabayaan mo yung sarili mo at yung anak nyo ni Third..

Hindi ko alam kung bakit ka nya iniwan.. Oo nakakainis yung ginawa nyang yon..

Pero babalik sya... Yun yung pangako nya sakin...
Babalik sya..

At naniniwala ako kay Third.
Ikaw yung girl friend sana naman maniwala ka sa sinasabi ko... Sana naman maniwala ka sa kanya...

********

Hindi bumitaw si ate rhia at daddy sakin.. Sila ang pumalit kay Third sa pag aalaga sakin.. Sinikap ko pa rin magtrabaho para sa magiging anak namin ni Third..

Anim na buwan na... Tatlong buwan na lang ang aking hihintayin..

Hindi na ko makapaghintay...

" anim na buwan na yan. Bakit ayaw mo pa ring malaman gender nya princess?"

"Gusto ko kasi surprise ate.."

"Ehh may naisip ka na bang pangalan?"

"Kapag babae Lovi Lei para Lovely at Javier.. Pag lalaki.. Javriel."

"Ang cute naman ng pangalan ng magiging baby namin.. Palakas ka lang dyan sa tyan ni mommy ha. "

Lampin, baru baruan. Cap. Mittens and boots.. Lahat handa na.. Excited na ko makita ka anak ko... :)
**********

Patuloy pa rin akong nag trabaho para sa magiging anak ko.. Nag ingat ako.. Dahil ayokong may mangyaring masama sa kanya..
Hindi pa rin nag paparamdam si Third sa akin...

Alam ko.. Alam ni Ate Rhia ang dahilan ni Third..

Pero hindi ko na inalam yon..

Bahala na si batman...
*******
"Lham.. May dugo ka!!"
Sambit ng katrabaho ko sa fast food.

Agad akong sinugod sa ospital.. Hindi ko na maalala ang nangyari ng mawalan ako ng malay..

Pagkagising ko ay nasa isang kwarto na ako..
Hindi ko maramdaman masyado yung mga paa ko..

At may matinding sakit akong nararamdaman sa aking tyan..

"Yung baby ko?? Asan sya?"

L.U.S.TWhere stories live. Discover now