Love #05

2.8K 36 2
                                    

Umaga na naman. Panibagong araw...

Oo nga pala. Walang klase si yael sa school.

Paniguradong papasok yun sa school niya.

Oo nga pala no. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip na kaya pala mukhang sawa na si Yael sa intrams dahil dun nga lang pala ang school niya.

"Eh kung dalawin ko kaya siya?"

After kong mag muni muni ay naghanda na ko para pumasok.

Agad akong nagpunta sa kusina dahil alam kong naroon si Ate Rhia.

"Ang bango naman niyan. At ano naman ang niluluto ni Miss Maria Ysabel Madrigal?"

"Yung paborito ng prinsesa ko. Oh eto gift ko sayo." Inabot ni Ate ang isang baonan, puro paborito ko pa to. Pero teka, bakit ang dami nito? Pang dalawang tao. Bibitayin ba ko?

"Ate mukhang may galit ka pa sakin ah. Parang pang Last Supper ko na to eh." Natawa lang siya ng malakas at binatukan ako. "Aray! Masakit yun ah!"

"Alam ko naman kasing hindi lang ikaw yung kakain no. Para sa inyong dalawa yan."

"Saming dawala? Nino?"

"Ni Yael."

Napatahimik na lang ako.

"Masyado ka kasing burara sa gamit. Kagabi nung dinalhan kita ng gatas. Inayos ko yung gamit mo. Nahulog sa libro yung picture niyong dalawa. Infairness sa kanya ha, Gumwapo siya at naging macho pa."

"Pero may girfirend na siya."

"Hanggang ngayon ba umaasa ka parin? Princess, alam kong alam mo ang tama sa mali. Do whatever you want.....

But dont regret in the end. Alam kong alam mo kung ano yung sinasabi ko diba?"

"Alam ko Ate. Salamat" Niyakap ko siya ng mahigpit.

Alam ko.....

Iniisip ni Ate yung kapakanan ko. That's why I'm happy to have her. Kung may mas nakakakilala sakin bukod sa sarili ko. Si Ate yon.

Maaga akong nakarating sa school. May oras pa ko para tawagan si Yael. 

Lumipas ang sampung ulit na tawag ko ngunit out of coverage parin siya. Mapuntahan na nga lang siya.

Matapos ang klase ko. Agad akong umalis para puntahan siya.

Dahil sa pwede namang lakarin mula sa school ay nilakad ko na lang ito. Pag dating ko ng Intramuros ay sinubukan ko ulit siyang tawagan pero out of coverage talaga siya.

Pag dating ko sa gate ng school nila. Binalak ko sanang magtanong sa guard, kaso nahihiya naman akong magtanong kaya maghihintay na lang ako.

Tumingin tingin ako sa paligid. Baka sakaling makita ko siya.

Ngunit sa di inaasahan.......

....Iba ang nasipat ko sa malayo.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba ito?

Unti-unti akong naglalakad papalapit sa kanya.

"Siya kaya yun?"

"Princess? Ikaw ba yan?" Isang boses sa di kalayuan.

Alam kong si Yael yon. Napangiti ako sabay lingon sa kanya.

"Hi Lham! It's nice to see you again."

"Ba-Bbane? Este Vannessa?"

"Yup. Naalala mo pa pala ako. How are you? Naikwento sakin ni Yael na nagkikita nga daw kayo sa school na pinapasukan niya. By the way. What are you doing here? It's our mothsary today kaya mag la lunch kami. Gusto mo na bang sumabay samin? Tutal nandito ka na rin naman."

"Ah hindi na. Dinala ko lang ito. Ahhm lunch para kay Yael. Dinamihan ko yan para kako if ever na magkasabay kayong kumain hati na kayo diyan. Sige eto oh." Sabay abot kay Bane.

Hindi ako makatitig sa mata ni Yael. 

Masyado na akong nasaktan. 

"Sige una na ko. Bye." 

Umalis na ko. Ayoko na....

Ayoko na nga ba talaga??

L.U.S.TUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum