Love #06

2.7K 39 2
                                    

 Hindi ko alam ang gagawin ko.

Diba Lham man hater ka?

Bakit ba di mo magawang magalit sa kanya?????

Pumunta ako sa comfort zone ko sa isang parte ng intramuros.

"Bakit ba kasi hindi ako nag iisip? Kahit kailan talaga ang tanga mo Lham" 

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

Katulad ng dati,

dito rin ako pumupunta at umiiyak nung panahong nasaktan ako ng dahil kay Yael.

At sa pangalawang pagkakataon.....

Naulit ito muli.

"Eto Miss panyo oh....

Sa pagkaka alala ko nakita na kita dito dati. Umiiyak din. Kahit hindi mo sabihin ang dahilan, alam kong tungkol sa pag-ibig yun...

Sa pangalawang pagkakataon na nakita kitang muli dito....

Wag mo sabihing pag-ibig nanaman yan."

Sabi ko na nga ba eh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi ako nagkamali... Siya ung nakita ko kanina..

Siya yung lalaking nagbigay sakin ng panyo dati...

"I-i-ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Tumingin siya sa malayo. Umupo sa tabi ko.

"siguro.... katulad din ng dahilan mo....

Tulad ng sinabi ko sayo...

Tumingin ka lang sa malayo....

Para ka nang naka kawala sa reyalidad kasi ang layo layo mo sa kanila." 

Tumingin siya sakin.

"di ko inaasahang pumupunta ka pa pala dito."

"katulad mo.....

Nawawala yung lungkot ko dito"

"Pasensya na nga pala dati kung iniwan kita ha...

Nagmamadali kasi ako for some reason. Ginising kita pero di ka magising. 

Kaya iiniwan ko nalang sayo yung jacket ko."

"Ok lang yon. Naiintindihan ko.

Buti na lang at walang nagtangka sa buhay ko nun kung hindi lagot ka talaga sakin.. hahahhahaha"

Habang nakatitig siya ay tumawa siya ng malakas.

"Hahahaha oo nga eh. Sorry talaga ha.

Siya nga pala Ellie"

"Ha?"

"Pangalan ko Elijah. 

Ellie for short"

"Ah sabi ko nga eh hehehhe. Lovely Heart... But you can call me Lham"

"Lham? Familiar name. Parang narinig ko na."

"Ha? May sinasabi ka?"

"Wala, sabi ko nice name.....

Looks like we're schoolmates"

"Ha?"

Pinakita niya sakin yung i.d. niya.

"Oo nga no? pero bakit hindi kita nakikita? Ano bang course mo?"

"Engineering ako. Pang gabi."

"Ah kaya pala."

"Ano nga palang rason sa pagkakapunta mo dito Lovely?"

"Katulad ng nasa isip mo....

Pag-ibig.

Long time love tama ba???

Ewan ko ba....

Siya pa rin yung rason kung bakit nandito ako ngayon."

"Buti ok lang sayong pinaiiyak ka niya?

Kung ako yun.... 

Hinding hindi kita paiiyakin."

"Tanga lang siguro talaga ako....

Ok lang sakin na make out lang kami. Enjoying each others' needs and wants kahit alam kong may nasasagasaan na ko.....

Pumapayag akong maghubad sa harap niya at bumukaka at pagkatapos non.......

Alam kong aalis din siya sakin at babalik doon sa tunay niyang mahal....

Alam kong nagagalingan lang siya sakin sa kama.....

Pero hindi niya ako mahal."

"Kasi pumapayag kang mangyari yun.....

Always remember, dont be a woman that needs a man....

Be a woman that a man needs...

Ganon talaga ang tukso....

Lust can make us animals."

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko...

May hindi tama.......

Pero Parang nangyari na to.

Hindi ko maalala.

Narinig ko na yon eh......

Hindi ko talaga maalala.....

"Ok ka lang??? May problema ba?"

Tanong niya sakin sa bigla kong pagiging balisa.

"Ah wala naman... May naalala lang ako... Wala yun... Ahhhmmm sige mauuna na ko may klase pa kasi ako eh bye."

Umalis ako don na ako naman ang nang iwan.

Hindi para makaganti sa kanya. 

Hindi ko talaga maintindihan. Ayoko na muna mag isip sa ngayon.

Bahala na si batman.

L.U.S.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon