Love #18

263 8 0
                                    

"I see.. Kaya ba iniisip mo ngayon na hindi si Yael yung ka pen pal mo?"

"Grabe ka sa pen pal ha?? Ang old school.."
Ipinakita ko kay Third yung mga sulat namin ni Yael.. At yung sulat na nakuha ko kamakailan lang...

"So anong plano mo ngayon??"

"Hindi ko alam Third.. At ayokong malaman na nagsinungaling sakin si Yael.."

Hinawakan ni Third ang kamay ko at dahan dahan akong niyakap..

"You need to know the truth Princess... Dont worry.. I'll help you.. Habang alam pa nilang boy friend mo pa ako... Aalamin natin ang lahat"

"Salamat Third."
********

"Princess..." Si Yael sa di kalayuan. Mukhang masaya... At nakukuha pa nya maging masaya....
"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag at text ko?"

"Ahhh. Busy lang ako.. Malapit na kasi finals ehh.. Bakit? Anong kailangan mo?"

"Wala naman.. Bakit?? Ayaw mo ba ko makita?"

"Hindi naman...

Yael..."

"Bakit?"

"Pwede mo bang gawin tong notes ko sa filipino? Babalikan kita mamaya pupunta lang ako sa registrar para sa kailangan ni Third.. Pwede?"

"Ohh sige sure.. No problem.."

Umalis muna ko saglit para bigyan sya ng time..

"Ohh.. Bakit mo ko pinapunta dito sa intrams? Wala ka bang klase??" Si Ellie habang papalapit sakin...

"Wala naman.. May pinagawa kc ako kay Yael sabi ko pupunta lang ako ng registrar.."

"So malayo na pala yung registrar ngayon sa school natin.."

"Gusto ko na kasing malaman yung totoo.. Kaya ko ginawa yun.."

Umupo si Ellie sa tabi ko.. Sumandal sakin.. Nakatingin sa malayo..

"Aalis na ko sa next semester."

"Ha? Saan ka pupunta?"

"Matatapos na ang sem.. Gagraduate na sila Vanessa.. At ako.. Mag iintership na..."

"Saan.. Sa japan.. Kasama ko si Vanessa. Doon na sya titira.."

"Paano sila ni Yael?"
"Hindi ko alam. Hindi ko naman sya tinatanong eh.."

"Eh pano ako?""
Malamya ang pananalita..
Hindi ko alam pero nalulungkot ako..

Nasanay na kasi akong nandyan sya kahit sa maikling oras na magkasama kami..

Niyakap nya ko..
Maghigpit..
Ng mahigpit.

"Babalik ako..

Hintayin mo ko..."
*********

Pag balik namin sa school..
Nakita namim si Yael na nakatayo sa labas ng school.

"Akala ko ba sa registrar's office ka pupunta?" Nakakunot ang noo habang inaabot sakin yung note book ko.

"Tapos ko nang isulat.. Ikaw talaga.. Pwede mo namang sabihin sakin na magdedate kayo ni Ellie eh..."

"Ahh hindi.. Nagutom kasi ako kaya after ko sa registrar pumunta ko sa kainan.. Nakita ko syang kumakain dun kya sabay na kami pumasok.. Salamat pala.. Sige mauuna na ko.. Ellie salamat sa treat.. Yael salamat sa notes"

Matapos kong makalayo sa dalawa...

Hawak ang notebook.. Palakas ng palakas ang pag dagunding ng puso ko.. Hindi ko alam.. Pero sana naman hindi tama ang hinala ko..

L.U.S.TWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu