Love #21

343 10 3
                                    

"Lovely.. Salamat sa mga bagay na pinaranas mo sakin for the first time.. Hindi ko to makakalimutan.. :)"

Kumain ng sushi.. Wasabi at kung anu ano pang Japanese
Food.. Makulitan sa pamamagitan ng pillow fight.

Wala kaming ginawangkahalayan ni Ellie sa loob ng kwarto... Natulog lang kami.. Para syang bata...

Pero natuwa ako dahil alam ko na ginagalang nya ako...

At talagang natutuwa ako..

Kahit iyon na ang pansamantalang huli naming pagkikita..

Ayaw nyang ihatid ko sya sa airport.. Hindi ko alam kung bakit.. At kung ano mang dahilan iyon... Nirerespeto ko...

-eto na muna yung huli kong text... Mag ingat ka....

Hintayin mo ko....

-Ellie.

..sa pag alis ni Ellie.. Pumunta ako sa lugar kung saan kami madalas nagkikita...

Matapos Kong magpahinga bumalik ako ng school.. Tumambay ako sa isang kwarto dun..

Yung kwarto kung san kami muling nagkita ni Yael..

Yun na yung huling beses na mapupuntahan ko ung room na yun..

Umupo ako sa madalas kong inuupuan..

Hindi ko alam kung curious lang ako.. Pero kinapa ko yung ilalim ng arm chair...

May nakaipit na papel...

"Dear Miss Man Hater..

Ngayon ko lang nabasa yung sulat mo.. Akala ko kasi hindi ka na magsusulat.

Pasensya ka na kung hindi ako nakasipot sa lugar na sinabi mong gusto mo makipagkita..

Gusto ko din makita ka.. Kaso naging busy kasi ako.. Paalis na kasi ako para mag internship sa japan.. Isa ko sa mga napili ng  dean kaya eto naghahanda ako..

Malamang hindi mo na mabasa tong sulat ko.. Or huli na.. Kasi end of semester na... Hayaan mo pag balik ko magkita tayo....

Ipapakilala din kita dun sa babaeng napaka special sakin..

Parehong pareho kayo.. And daming komplikasyon sa lalaki.. Panigurado magkakasundo kayo...

Sya yung tipong gusto palagi mo syang sinusunod.. Mas prinsesa pa sya kaysa sa best friend ko... Pero ako.. Eto.. Sinusunod naman sya..

Hindi sya mahirap mahalin.. Masiyahin at madrama..

Hindi ko gustong iwan sya.. Dahil palagi na lang syang iniiwan.. Kaya nga sabi ko sa kanya eh wag na nya ko ihatid sa airport.. Para hindi nya makita yung likod ko.. Habang lumalakad papalayo sa kanya.

Hindi sya iyakin..pero maramdamin.. Kaya ayoko sya makitang mag drama sa airport.. Baka hindi pa ko makaalis..

Hayaan mo pag balik ko.. Hanapin mo ko.. Eto yung no. Ko... 0916*******

Itext mo ko.. 720hours lang yung ojt natin.. Saglit lang yun.. Pag balik ko.. Mag meet tayo.. Kasama si Lham.. Yung babaeng tinutukoy ko.. :)

Mag iingat ka pala lagi.. Pati sa mga lalaking nakakasalamuha mo ha.. Piliin mo yung lalaking irerespeto ka...

Sige masyado ng mahaba yung sulat ko..



Elijah Red Mariano.. Ellie for short..





Para pag nagkita tayo...



Kilala mo na ko.. ;)"









                       -END?-

L.U.S.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon