Love #04

3.1K 39 0
                                    

"Apat na buwan na pala"

"Apat na buwan ang ano princess?"

"Nakalilipas simula nung magkaroon tayo ng komunikasyon."

"ah-ah o-oo nga pala no.."

             Oo apat na buwan na....

At isang buwan na lang ay matatapos na ang semester.

Hindi ko na siya muling makikita.

Matatapos na ang ugnayan naming dalawa.

"Oy Princess.. Tahimik ka na naman diyan?"

"Wala... iniisip ko lang yung mangyayari after this semester."

"Bakit?.. 

Kasi natatakot kang mawala ako?"

"oo", napayuko ako. Napatahimik. Hindi ko alam bakit puno ako ng kalungkutan. Dahil ba sa mawawala siya? 

O sadyang hindi lang talaga siya akin?

"ano ka ba?!" sabay gulo sa buhok ko. "Mawawala lang ako sa school mo pero diyan....." Tinuro niya ang kaliwang dibdib ko. "Alam ko hindi ako nawawala diyan. Kasi katulad mo, nandito karin." Sabay kuha sa kamay ko at inilagay ito sa may kaliwang dibdib niya. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya.

Sana, sa bawat pintig nito...

Sana ako ang dahilan.

"Ano ka ba Clown.. ok lang ako no. Syempre mamimiss kita no."

"Ako din naman Princess at tsaka magkikita pa tayo no.... Pangako yan.."

Kontento na ko sa pangakong iyon. Kilala ko si Yael. May isang salita.

Pero paano ko lulubusin yung isang buwang natitira samin?

"Clown"

"Ano yun Princess?"

"Tara pasyal tayo.."

"Saan?"

"Basta."

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Basta. Gusto kong pumunta sa lugar na yon. Yun ang pinaka paborito kong lugar.

"Intramuros? Princess eto? Eto yung sinasabi mong pinaka magandang lugar? Eh common na to eh. Sawa na nga ako dito eh."

Umupo ako. Tumingin sa malayo.

"Nung time na lumayo ako sayo. Dito ako Pumunta. Umiiyak. Pakiramdam ko mag-isa lang ako. Hanggang sa may nag-abot sakin ng panyo. Ang sabi niya sakin eto daw yung pinaka paborito niyang lugar lalo na kapag nalulungkot siya. Kasi kung titingnan mo raw ang view mula dito papunta sa kalsada. Diba ang layo? Pakiramdam daw niya ang layo layo niya sa reyalidad. Nagiging payapa yung pakiramdam niya. Nung mga oras na yon, hinayaan niya akong matulog sa hita niya habang nakaupo kami rito. Pakiramdam ko, payapa nga ako. After non. Ginising ako ng guard kasi gabi na. Iniwan niya yung jacket niyang nakakumot sakin pati na yung panyo niya. Pero hindi ko na siya ulit nakita . Simula non ay palagi na akong nagpupunta dito kapag naluluungkot ako." 

Matapos ang kuwentong iyon. Hindi ko namalayang umupo si Yael sa tabi ko.

"Alam mo. Pareho kayo ng kakilala ko princess. Sa tuwing hindi siya mapalagay. Dito siya nagpupunta. For some reason. Ikaw yung pangalawang taong nagpapunta sakin dito. Alam ko, Nararamdaman kong malungkot ka. Nandito lang ako princess. Hinding hindi kita iiwan." Sumandal siya sa balikat ko. Hindi ko talaga maitago ang lungkot. Wala naman akong magagawa.  Una pumayag ako sa ganitong set up. Pangalawa, kaibigan lang ako...

Lumipas ang oras. Kahit papaano ay nawala ang kalungkutan ko.

Dahil sa pagka abala ko sa pag-aaral, sa trabaho, at kay Yael. Napag isipan kong dalawin sina Ate at Daddy. Malamang nagtatampo na si Ate sakin.

"Oh? Buti naisip mo pang dumalaw dito Princess?" si Ate Rhia. Tama ako. Alam ko kasing matampuhin ito.

"Ate naman. Sorry na. Naging busy kasi ako eh. Sorry na" Sabay yakap at konting lambing. Kilala ko si Ate Rhia. Gusto niyang nilalambing siya.

"Kaw talaga. Oh sige. Appology accepted. Kung di lang kita prinsesa ah...

Ay... Siya nga pala. Tumawag siya dito. Hinahanap ka."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko wala ka dito, sabi niya pauwi na daw siya ng pilipinas.

Ayaw niya pasabi sayo. Sinabi ko lang para malaman mo kung ano ang gagawin mo."

"Uuwi na pala siya.. Naaalala pa pala niya ako."

"Excited na nga daw siyang makita ka. Marami daw kayong dapat pag-usapan. Marami daw siyang dapat ihingi ng tawad sayo. Feeling ko naman Princess sincere siya. Pero nasa sayo yan.... Kung patatawarin mo siya."

Matapos kaming mag-usap ni Ate ay minabuti ko nang magpahinga.

"Babalik na pala siya.......

Anong gagawin ko?"

L.U.S.TWhere stories live. Discover now