Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 27: Together

64.6K 1.6K 578
By RenesmeeStories

Note: Happy Hearts Day! <3 This chapter is a light one. And kinda filler chapter. LAME din sya for me. Huhu. Pasensya na. Daming gawain e. Sa next update na iyong mas importanteng pangyayari. As for now, feel the hearts muna. Hahaha. Joke lamang. So yeah. Ang hirap isulat ng chappy na ito, dahil hindi ko forte ang romance. Haha. Sana ma-enjoy niyo, kahit papano. T_T Bawi na lamang ako sa susunod. Mian.

27: Together
Nathaniel Gabriel's POV

"Improbus Ille Imperium... Meet my real wife, Princess Light Smith-Evans."

Nakakabingi ang tunog na sunod naming narinig. Walang nagsalita, walang gumalaw, lahat tulala at hindi makapaniwala. Kulang na lamang siguro ay mahimatay sila dahil sa matinding pagkakabigla. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pagtatanong at pagtatakha. Ang ipinapahiwatig nila, ay tila ba hindi makatotohanan ang sinabi namin.

Hindi ko maiwasan mapangisi nang mas malawak dahil doon. Matapos ang napakatagal naming paglilihim ng tunay na ugnayan namin ni Light, sa wakas ay nasabi na din namin sa harap ng ibang tao kung ano ba talaga ang estado namin.

Isa sa binuong patakaran namin ay ang hindi kami magsisinungaling kung sasagot kami ng 'dangyunhaji' at ito ang resulta. Hindi kami nagsabi ng isang haka-haka. Ang lumabas na sagot sa bibig namin ay pawang katotohanan na matagal na naming ipinagkakaila at inililihim.

"A-Anong?" Nanginginig ang mga labi ni Lian noong banggitin niya iyon. Nakahawak siya sa dibdib niya na tila ba hindi na makahinga. At pagkatingin ng mga mata ko sa kaniya ay bigla na lamang siyang napa-upo sa upuan na nanginginig at hinihingal. Napailing-iling pa siya na wari mo'y hindi maiproseso sa utak ang kaniyang narinig.

Iyong iba naman ay parang nabato na sa kinatatayuan nila dahil hindi pa din sila makakilos at maka-imik. Takot at kaba ang kaninang kanina pang pumapalibot sa kanila, at ngayon ay nasisiguro kong parang may binasag na napakahalagang bagay sa kanila at imbis na magsisigaw at mag-wala ay hindi sila makapaniwala sa nangyari.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Light, at saka ko siya tingnan. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalab ng damdamin. Samantalang ako, ay parang nakawala na sa mahigpit na hawak ng demonyo dahil sa wakas ang matagal ko nang gustong mangyari ay nagawa na naming dalawa. Ang ipaalam sa iba ang relasyon namin sa isa't-isa.

Princess Light Smith-Evans.

Iyon na ata ang pinakamagandang pangalan na narinig ko sa buong buhay ko. Idagdag mo pa na nasa kaniya na talaga ang apelyido ko. Kahit nasa isang tensyonadong sitwasyon kami ay hindi mapigilan ng puso ko na matuwa tuwing bumabalik sa ala-ala ko kung paanong lumapit si Light sa akin kanina at kung paano namin sabay na nasabi ang katagang dangyunhaji.

Parang bumalik ako sa araw kung paano, kailan at saan niya ibinigay ang isang salitang nakapagdala sa akin sa kalangitan. Ang pag-oo niya sa akin noong mga pagkakataong iyon na nagbigay sa akin ng kaba, tuwa, at marami pang ibang damdamin ay parang bumalik lahat ngayon.

"Lian." Madiing bigkas ni Light, kaya naman naagaw niya ang pansin naming lahat. Kung kanina ay nerbyos at takot ang nararamdaman nila sa akin, sigurado akong mas higit pa sa salitang iyon ang nararamdaman nilang lahat ngayon lalo na at nandito na siya.

"P-Princess." Wala sa ulirat at nangangatog na sambit ni Lian. Napatitig ako sa kaniya, at hindi ko mawari kung ano ba talaga ang itinatago niya, kung sino ba talaga siya... Ngunit isa lamang ang sigurado ko, ayaw niyang malaman namin iyon kaya't iyon ang tinanong niya, dahil ang akala niya ay kasal ko kay Cassidee.

"Lian Analiz Valle, ang dugong nanalaytay sa ugat mo, ay siya ding dugo na dumadaloy sa..." Napatitig ako kay Light ng seryoso noong sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog nang sobra sobra ang puso ko dahil doon. Idagdag mo pa ang ngiting nakakakilabot sa mga labi niya.

Tss. She could really tame me by that smile.

"Oo na! Kapatid ko na sa ama si Nate! Magkadugo kami! Magkapatid kami..." Hindi magkaintindihang sabi niya na tila mababaliw na sa sobrang daming nangyayari.

Nanlaki ang mga mata ko at parang may isang kamaong sumuntok sa akin ng sobrang lakas na kahit hindi pa ako natumba ay nayanig ang buong sistema ko. Kung anong hitsura nila kanina noong ipakilala ko si Light biglang asawa ko, ay siya na din atang hitsura ko ngayon.

Napa-atras ako ng isang hakbang noong pagkakataong iyon at napaawang ang mga labi ko. Naramdaman ko din ang biglang panlalamig ng kamay ni Light at paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.

Lahat na ata ng mura na maaring lumabas sa bibig ko ay tahimik kong nabibigkas sa utak ko. Fucking shit. Is she serious? Kapatid? Nakikipaglokohan ba siya? Napatitig ako kay Lian na tila naghahanap ng kasagutan na nasa akin na ngunit hindi ko makuha kuha.

Gusto kong maniwala, na hindi ako makapaniwala. Napakagulo ng tumatakbong isipin ngayon sa utak ko. Paano? May kapatid ako ng hindi ko nalalaman? Hindi. Masama man si Dad, hindi niya magagawang lokohin ang mommy ko. Hindi... Hindi...

"I-Ikaw..." Tuyong tuyo ang lalamunan ko noong sambitin ko ang salitang iyon kaya't napalunok ako. "Sabihin mong i-isang malaking kasinungalingan lamang iyan!" Nanginginig na sigaw ko, na halos pumutok na ata ang mga litid ko sa panggagalaiti.

"Damn it! H-Huwag na huwag kang gagawa ng kwento." Madiin at mapanganib na bigkas ko, habang napakalalakim ng paghinga ko dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. I suddenly wanted to... wanted to... Agh! Hindi ko na alam.

Pumalahaw ng iyak si Lian at napaluhod sa sahig dahil sa pagsigaw ko. Kitang kita ko ang takot at pagmamakaawa sa mata niya. "N-Nate." Hindi na namin ganoong maintindihan ang sinasabi niya dahil sa matinding pag-iyak. "K-Kuya." Nanginginig at pumipiyok pa niyang binanggit iyon. "K-kuya." Muling ulit niya at habag na habag ako sa hitsura niya ngayon, kaya't napatalikod na lamang ako.

Noong tumalikod ako ay nabitawan ko din ang kamay ni Light dahil parang bumabaliktad ang lahat ng kalamnan ko sa sobrang galit, pagtatakha at hindi maintindihang pakiramdam. Para akong bulkan na nasa sukdulan na ng pagsabog ngunit walang kahit anong apoy ang lumalabas sa bunganga nito.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko din ay narinig ko ang mas malakas na iyak ni Lian at ang pagkahingal nito. Pilit niyang pinauulit ulit na patawarin ko siya, na huwag akong magalit sa kaniya, na hindi niya alam ang lahat at nito lamang niya nalaman ang tunay niyang pagkatao.

Pakiramdam ko ay nagwawala siya ngayon at humahangos papalapit sa akin, ngunit hindi ko siya magawang lingunin. Hindi ako galit sa kaniya... Ngunit, parang wala akong mukhang maihaharap sa kaniya, dahil... napaka-walang kwenta ko, upang hindi matuklasan na nasa harapan ko na pala noon pa mismo ang kapatid ko...

"K-Kuya!" Malakas na sigaw at pag-iyak nito. Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at pagsakit ng lalamunan dahil sa naririnig kong pagmamakaawa niya. Napapikit ako ng pagkadiin diin at hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"Lian!" Nagulat ako noong biglang sumigaw ang karamihan sa kanila at natigil ang basag na tinig ni Lian na kaninang kanina pa tumatawag sa akin. Gustuhin ko mang tingnan ang mga nangyayari ay hindi ko magawa. Bigla akong nawala sa katinuan ko. Parang umalis na lamang ang kaluluwa ko sa katawang tao ko, dahil sa nalaman ko.

Akala ko iyong pagsagot namin ni Light ng dangyunhaji ang katapusan ng lahat. Ngunit iyong malaman ko na may kapatid pala ako sa ama ay tila isang napakalaking bomba na sumabog sa dibdib ko. Na para bang gusto kong hindi maniwala, pero gusto kong maniwala. Napakagulo ng isipan ko. Hindi ko na maintindihan kung ano ang dapat at tamang gawin.

Hirap na hirap akong huminga at napakasakit na ng lalamunan ko habang naririnig ko silang nagkakagulo. Mukhang nahimatay si Lian sa sobra sobrang pag-iyak at pagsigaw. Samantalang ako ay...

"Gab-Gab." Agad umangat ang paningin ko sa taong nasa harapan ko noong marinig ko ang maamong tinig niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagtutubig at parang sinasabi din noon na buksan ko ang isipan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko, at noong gawin niya iyon ay unti-unting pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko.

Napalunok ako at napatitig sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinahidan ang mga luha ko. Saka siya marahang tumango, at pakiramdam ko dahil sa gnawa niya ay kahit papaano ay nabuksan ang isip ko.

Agad kong tingnan ang gang na nagkakagulo dahil wala na ngang malay si Lian sa bisig ni Timothy. Kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa kaniya at saka ko siya inalis sa pagkakakarga kay Timothy at ako mismo ang nagbuhat sa kaniya.

"Nate..."

"Pards..."

Sabay sabay na bigkas nila, ngunit hindi ko sila pinansin at dire-diretso akong lumabas sa madilim na lugar na ito. Ang lugar kung saan namin iiwan ang lahat ng sama ng loob, lahat ng sikreto, at lahat ng kasinungalingan.

Nadaanan ko pa ang buong Apocalypse maliban kay Tres noong mapunta ako sa harap nila. Sinenysan ko din sila na ihanda ang sasakyan at aalis na kami dito. Tumango naman agad silang lahat at sumunod sa inuutos ko.

Naramdaman ko din ang paglalakad ni Light sa tabi ko, kaya't napatingin ako sa kaniya. "Hindi lahat umayon sa plano." Mapag-birong sambit ni Light at alam kong pinapakalma at pinapagaan lamang niya ang pakiramdam ko. Tumango na lamang ako.

Tama siya. Pagkatapos sana naming mapaamin si Lian ay magpapakilala ang apocalypse at maglalahad na kami ng mga plano namin, ngunit dahil sa nakakabiglang katauhan ni Lian ay nagkagulo kami, at ngayon ay nahimatay pa ito.

May prinsesa pala ang Evans... ngunit kagaya ng mga bagay bagay na ipinagkait sa akin, ay mas maraming ipinagkait sa kaniya.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa sasakyan. Sumakay agad sa driver's seat si Thunder at sa passenger seat si Kurt. Kami naman ni Light ay marahang inilagay si Lian sa back seat at saka kami pumasok din.

Napansin din ng mga mata ko na sumunod din ang Improbus Ille Imperium sa lahat ng Apocalypse. Alam ng apocalypse ang gagawin kaya't maayos ang naging takbo ng lahat. Saka kami umalis sa lugar na ito.

Para sa akin ay napakatagal ng naging biyahe. Kinakalma ako ni Light pero hindi ko maiwasang mag-alala. Kahit naman pagbali-baliktarin ang mundo, kung totoo ang sinabi ni Lian na kapatid ko talaga siya... Kapatid ko talaga kahit pa sa ama lamang.

Ngunit hindi ko maiwasan masaktan habang nakikita ko siya. Oo wala siyang kasalanan sa pagtataksil na ginawa ni Dad, pero nasasaktan na din ako para kay Mom. Sobrang bait at napakaintindihin ni Mom paniguradong matatanggap niya si Lian, pero parang ang hirap na talagang patawarin ni Dad dahil sa mga ginawa niya.

"We're here." Napalingon ako kay Light noong sabihin niya iyon at tama nga, nandito na kami sa mansyon o lair. Dali-dali kaming bumababa at pumasok sa loob, agad akong nagtungo papunta sa isang guest room sa unang palapag at doon ko inihiga si Lian.

Agad ding dumating si Cinque na bihasa sa medikal at agad niyang inasikaso si Lian. Nakatitig lamang ako sa ginagawa niya. At noong matapos niyang icheck ang vitals ay sinabi niya na kailangan lamang niya ng pahinga.

Doon ako parang nakahinga ng maluwag. Nayakap ko din si Light dahil para akong nabunutan ng tinik, saka ko nabanggit ang mga salitang... "I have a little sister, baby. I have a little sister..." Mahinang bulong ko sa kaniya, at narinig ko ang marahang pagtawa niya.

"Yes, you have one, and really, I won't question if it's true or not... I can assure you that she's not lying about it. And, you have lots in common. Mana pala sa iyo si Lian, mautak, malihim at matalino." Hindi ko mapigilan mapangiti noong sabihin iyon ni Light. Hinalikan ko na lamang siya sa noo, at saka niyakap ng mahigpit, at gumanti din siya ng yakap.

Kung wala siguro kanina doon si Light ay hindi ko mabubuksan ang isip ko. Kung wala siguro siya doon ay baka nagwala na ako. Kung wala siguro siya doon ay sigurado akong hindi ko na alam ang mangyayari at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Tara na, Cero. Nag-iintay pa ang ibang kasapi sa Imperium sa sala." Seryosong sambit ni Light, matapos ang halos limang minutong pagkatulala namin doon. Tumango naman ako doon.

"Tss. Uno." Iiling-iling na sambit ko naman.

Kilala ako ng Apocalypse. Ngunit nito lamang nila ako nakilala. Nakilala lamang nila ako noong maaksidente si Light gawa ni Cassidee. Dahil sa nangyari noon, hindi ko mapigilan magpakilala sa kanila bilang Cero. Matagal na nilang alam na mayroon pang Cero sa amin, na kasing lakas din ni Uno, ngunit hindi nila alam kung sino, at noong nangyari na iyon ay nagpakilala na ako sa kanila. Maliban kayna Kurt, at Thunder.

Sina Dos, Tres, Quattro, Cinque at Sei lamang ang nakakakilala sa akin noon.

At ngayon lamang nalaman ni Kurt, at Thunder ang katotohanan. Si Skyler naman matagal na niyang alam. Nagpapanggap lamang siya na may relasyon sila ni Light para lahat ng matang nagmamasid sa akin—sa amin at sa Apocalypse ay hindi manghinala.

Maraming mafia ang nagmamasid sa Apocalypse dahil nga sa biglang paglakas at pagpapakilala nila, kaya naman nag-ingat kami noon. Dahil panigurado, maaring makarating sa Empire ang lahat kapag nagkataon kaya't nagpanggap si Light at Skyler.

Kahit labag sa loob ko. Tss. Tiniis ko. Fucking jealousy.

Naglakad kaming sabay ni Light papunta sa salas at doon namin nakitang naka-upo ang buong Apocalypse at ang Improbus Ille Imperium. Habang pinagmamasdan ko sila ay alam ko nang napakalakas na pwersa ang magagawa namin kung magkakasundo sila at susunod sa utos namin.

"Welcome Improbus Ille Imperium to the Apocalyose lair." Nakangising sambit ni Light.

"Thunder, ihatid mo sila sa East Building at doon bigyan ng kani-kaniyang kwarto. Bukas na natin ipagpapatuloy ito dahil madaling araw na din." Dagdag ko naman. Agad naman sumunod si Thunder at ang gang. Kita ko sa mga mata ng gang ang kagustuhang magtanong ngunit wala silang magawa kung hindi ang sumunod.

Unti-unti silang nag-alisan, at naiwan kami ni Light. Narinig ko din ang pag-bubuntong hininga niya kaya't napangiti ako. "Tired?" Tanong ko at tumango naman siya saka siya umakyat papanik sa hagdan.

Noong maramdaman niya na hindi ako sumusunod sa kaniya ay napatingin siya sa akin. "What?" Asar na tanong pa niya at hindi ko mapigilan ang paglitaw ng ngiti ko, saka ako marahang sumunod sa kaniya at hinila siya papanik.

"Finally, I can freely call you Mrs. Evans."

"No!" Agad na alma niya. "In here, you could. Alam na naman nila. Pero kapag nasa labas tayo ng lugar na ito ay hindi pwede." Madiing imik niya, na nakapagpasimangot sa akin. Tss. Kahit naman mag-alma ako, iyong gusto niya pa din ang masusunod.

Halos isang taon kong tiniis na huwag siyang ituring na asawa at ituring siyang kaaway at wala lamang, ngunit ngayon ay hindi na ako papayag pa. Tama na iyong halos isang taon na pagpapanggap namin.

God knows how much I wanted to scream to the whole world, that she's my real wife.

Void ang kasal namin ni Cassidee, dahil mas nauna kaming kinasal ni Light. At plano ni Light iyon. Kaya naman kahit ayaw ko ay sumunod ako, dahil hindi ko kayang suwayin ang kagustuhan ni Light noon para makabawi ako sa kaniya. Hindi din siya pumunta noong kasal kuno namin ni Cassidee, dahil alam niyang peke, pero nagawa pa din niyang gamitin iyong kasal para magparamdam sa Improbus Ille Imperium at sa Empire na may kalaban sila. Tss. Minsan talaga, hindi mo din matantya ang iniisip niya. Tsk.

"Anong iniisip mo?" Bigla kong narinig ang tanong niya na nakapagpabalik sa akin sa ulirat. Nasa harap na din pala kami noong kwarto namin —o kung tawagin niya ay kwarto lamang niya ito. At binuksan na niya iyong pinto at pumasok kami doon.

"Na asawa kita?" Nakangisi at patanong na sambit ko naman. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin dahil doon. Tss. Hindi na talaga nagbago ito, she really hates too much sweetness.

"Stop it, Gab-Gab." Banta pa niya sa akin. Natawa na lamang ako doon saka ako naghubad ng pang-itaas, exposing my muscular and toned upper body. Dumiretso na din ako sa banyo dito at nag-shower.

Habang nandoon ay bumabalik balik sa isipan ko iyong mga nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na kapatid ko sa ama si Lian. Parang hindi pa din makatotohanan, kahit parang unti unti na siyang natatanggap ng puso ko.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bahala na. Marami pa kaming kailangan isagawa bukas kaya't kailangan din namin kahit kaunting pahinga.

Matapos kong mag-shower ng halos kalahating oras ay naabutan ko si Light nagtutuyo at nag-susuklay ng buhok niya habang nakaupo at nakatingin sa salamin. Mukhang nag shower din siya sa bathroom noong kabilang kwarto. Agad ko siyang nilapitan at inagaw sa kaniya iyong suklay at ako na mismo ang nagsuklay sa kaniya.

Nakita ko naman ang maliit na ngiti sa labi niya dahil doon. Gustong gusto niyang ginagawa ko ito. Simple gestures, simple happiness. Ganoon siya. Kahit anong tapang at astig niya sa labanan. Babae pa din siya sa pangingin ko, babaeng mahal na mahal ko.

"Si Cassidee pala?" Biglang tanong niya. Napa-ismid naman ako dahil doon. Lagi na lamang mga alalahanin ang iniisip niya.

"Nasa America, hindi pa din nagigising. Babalik daw si Mr. Servilla dito next week, samantalang si Mrs. Servilla ay doon muna hanggang maging maayos si Cassidee. Hinahanap ako doon, pero idinadahilan ko na lamang na walang nangangasiwa sa dalawang Empire kaya't pumayag sila na dito ako sa Pilipinas." Paliwanag ko, at napatango naman siya.

Matapos ko siyang suklayan at tumindig na siya. Samantalang ako ay nag-tuyo ng buhok. Habang ginagawa ko iyon ay nakita kong pumunta siya sa terrace. Pagkatapos kong magtuyo ng buhok ay dumiretso din ako doon.

Niyakap ko siya mula sa likod at saka ko inilagay ang baba ko sa balikat niya. Hinawakan naman niya ang kamay kong naka-yakap sa baiwang niya. "Naalala mo pa, kung paano tayo ikinasal?" Tanong ko dahil napakatahimik namin, habang nakatingin sa langit na madilim ngunit may kaunting liwanag na.

I heard her soft chuckle. Pagkatapos ay humarap siya sa akin, kahit hindi ko pa siya pinakakawalan sa yakap. She wrapped her arms around my nape and smiled sweetly. She nodded in delight as she slowly kissed the tip of my nose. I couldn't help but smile after she did that. "I do." She whispered and with that cue, I pressed my lips against her pinkish and soft lips.

I didn't move my lips, and she parted while laughing slowly. "I love you, Gab Gab." She rarely say these words to me. She seldom voice out her true and inner feelings. But every time I hear her mellow voice say it heartily, my reaction is always the same... I'm really amaze on how this girl can make my system go insane in an instant, and I'm always thankful that she chose me over thousands of men who deserve her much better than me.

"I love you more, sag-app-oh, Light." I smiled while, looking intently and lovingly at her as I claimed her lips again. This time it was a soft yet passionate kiss.

"Finally we are together again, Mrs. Evans." I whispered near her ear. And she hugged me tightly. Napakasaya ko ngayon, dahil yakap yakap ako ng babaeng pinakamamahal ko at magkasama kami ngayon.

"I missed that." She confessed. I could tell even in the dark that her cheeks were heating up. "Kantahan mo ako." Mahinang sambit pa niya, kaya't walang alinlangan kong sinunod ang kahilingan niya.

"You and I, we're like fireworks and symphonies exploding in the sky. With you, I'm alive, like all the missing pieces of my heart, they finally collide." Mahinang kanta ko sa kaniya, habang nakasandal siya sa dibdib ko.

"Without you, I feel broke. Like I'm half of a whole. Without you, I've got no hand to hold. Without you, I feel torn. Like a sail in a storm. Without you, I'm just a sad song. I'm just a sad song." Matapos kong kumata ay naramdaman ko na antok na antok na talaga siya, kaya't marahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama.

Pagkalapag ko sa kaniya doon ay agad niyang ipinikit ang mga mata niya, kaya't napa-ngiti ako. She's really tired. Humiga na din ako at saka ko siya niyakap at hinalikan muli sa noo.

"Sweet dreams, my Light."

***

Annicka Hera's POV

Hindi ako makatulog kaya't lumabas ako sa kwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko. At hanggang ngayon ay natatakot ako sa barkada, dahil baka husgahan nila ako sa pagkakamaling nagawa ko noon.

Tama si Nate. Delikadong tao talaga ang mga nagmamahal. Dahil noong minahal ko siya noon ay puro kamailan ang na isip ko. Ngunit... matagal na iyon. Matagal na matagal na. Pinagsisisihan ko na din iyon dahil wala akong laban kay Incess sa kahit anong anggulo.

She's my bestfriend back then, at alam kong mali iyong hiniling ko noon. Sana mapatawad niya ako. Siguro ay nahihibang na talaga ako noon kaya't nahiling ko iyon. Siguro ay nakakabaliw talaga ang pag-ibig kaya't umabot sa puntong iyon. Pero ni minsan hindi ko naman inagaw si Nate at hinding hindi ko din siya aagawin, dahil alam kong si Nate at Incess lamang ang para sa isa't-isa.

Noong marinig ko kaninang si Incess ang tunay na asawa ni Nate ay sumaya ang puso ko. Madami mang iba't-ibang emosyon ang naramdaman ko kanina ay iyon ang pinakanangibabaw.

Nate's words were right. Hindi niya kami dinala sa lugar na iyon para sirain, dahil kung tutuusin, parang inayos lamang nila ni Incess ang pagkakaibigan namin para wala na kaming ililihim pa sa isa't-isa. Para magkaroon kami ng matibay na pundasyon, at iyon ay ang pagtitiwala na hindi namin nagawa noon.

Maybe we experienced the harsh way of waking up to the reality of the truths, but I think it's not yet too late to start a new. There's still time, and I promise with my whole heart... I will trust Incess and Nate and I will obey their orders and rules.

"Hera?" Napalingon ako noong biglang may tumawag sa pangalan ko. At hindi na ako nagulat noong si Skyler iyon. Gusto kong magtanong sa kaniya ng mga iba pang detalye ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Mamaya kapag nakapagpahinga na siguro kaming lahat ay saka kaming muli ipapatawag ni Incess, at siguro sa oras na iyon, doon kami maliliwanagang lahat.

"Hmm?" Mahinang tugon ko. Lumapit siya sa akin at saka niya hinawakan ang kamay ko. Hindi siya nagsalita at tila kumikislap ang mga mata niya kahit medyo may kadiliman pa, dahil hindi pa ganoong sumisikat ang araw.

Iyong malalamig na kamay niya ay unti-unting uminit. At saka siya bumuntong hininga at nag-salita. "Nalito ako." Maikling pahayag niya. Napakunot noo naman ako dahil doon.

"Huh?"

"Akala ko may mahal na akong iba, pero ikaw pa din pala." Napa-awang mga labi ko dahil sa diretsong pagsasabi niya noon habang nakatitig sa mata ko. Akala ko matutunaw ako noong mga pagkakataong iyon, napakalakas ng epekto noon sa puso ko na sa isang iglap ay para na itong nakikipagkakera. Bigla ding kinabahan ang buong sistema ko.

"Anong sinasabi mo—?" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong magsalita muli sya. "Why do my heart still throbs whenever I'm with you?" He whispered with full of sincerity. Halos pigil hininga ko siyang tiningnan dahil doon.

Hindi ko din maintindihan ang mga nangyayari ngayon...

Magtatanong pa sana akong muli ngunit naramdaman ko na lamang ang bigla niyang paghila sa akin upang mapalapit ako sa kaniya ng mas mabuti. Hinaplos niya ang pisngi ko at saka siya marahang lumapit sa mukha ko. Sa isang iglap, inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko.

Nanginginig ang kamay ko noong gawin niya iyon, halos magwala ang puso ko dahil sa napakalambot na labi niyang sinisiil ang labi ko. Nanlalaki ang mga mata ko, habang nakapikit ang sa kaniya. Ngunit noong makabawi ako ng postura, ay lahat ng tanong sa utak ko ay nawala at hinayaan kong sundin ang kagustuhan ng puso ko noong mga sandaling iyon.

"Baby hera. I hope you can forgive me for loving you unfairly."

Napakalakas ng epekto ng sinabi niyang iyon na para bang napunta ako sa ibang dimensyon habang parang unti-unting natutunaw ang puso ko. Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil doon, at noong maramdaman niya iyon ay niyakap niya ako sa baiwang upang bigyan ng suporta.

Hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas na tinig sa bibig ko. At noong wala akong masabi ay muli niyang akong hinalikan at noong pagkakataong iyon ay pumikit na din ako at tumugon sa bawat halik niya.

Mahal kita noon pa man, Zeus. Nais kong sabihin sa mga salita, ngunit hindi ko magawa, kaya't hahayaan ko na muna na ang mga kilos ko ang magparamdam sa kaniya.

***

Alyxandria Jane's POV

Naka-upo ako sa kama habang yakap yakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa mga nangyari kanina. Parang bangungot sa isip ko iyong mga sigawan, alitan at halos muntik na pagkakawatak watak namin.

Idagdag mo pa ang nakakagimbal na rebelasyon ni Incess at Nate kanina. Kasal na pala sila, pero ang buong akala namin. Si Cassidee ang asawa ni Nate. How stupid are we? Bakit hindi pa kami nasanay na kung mautak si Empress, pwedeng doble ang kakambal niya.

"Babo-yah, Alyx. Babo." Paulit ulit na bigkas ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung may mukhang maihaharap pa ba ako sa kanila bukas lalong lalo na kay Incess. Kasalanan ko kung bakit nahuli na ang lahat para kay Vianca at Dennise, kasalanan ko.

"Igijeog-in. Igijeog-in." (Selfish, selfish.) Mahinang sambit ko sa sarili ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Bakit ba naman kasi ang tanga tanga ko noon? Bakit ba naman kasi ang makasarili ko noon? Bakit ko inilihim kay Incess ang bagay na ito?

"Girlfriend..." Napa-angat ang mukha mula sa pagkakalugmok nito sa tuhod ko. Doon nakita ko si Thon-Thon na nagbibigay ng maliit na ngiti sa akin. Hindi ko siya pinansin at napatungo akong muli habang humihikbi.

Hindi ko man lamang namalayan na pumasok na pala siya dito.

"Alyxandria." Tawag niyang muli sa akin, at naramdaman ko na parang may lumubog doon sa kama, sensyales na tumabi siya sa akin. Hindi pa din ako nagsalita at patuloy lamang na umiyak. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Thon-Thon sa likod ko.

"Don't cry out loud~" Nagulay ako noong bigla siyang kumanta na halos pumipiyok at aala sa tono kaya't napatigil ako sa pag-iyak at kunot-noo siyang tingnan. Doon ko nakita sa mukha niya na halos mawalan na siya ng mata dahil sa sobrang lawak ng ngiti.

Agad ko siyang hinampas ng nakuha kong unan. "Umalis ka na nga dito!" Sigaw ko sa kaniya habang pinapalo at sinasalag naman niya ang unan na iyon. Paulit ulit ko iyong ginawa, ngunit bale wala lamang sa kaniya.

Akala ko ay nakikipaglokohan siya sa akin, ngunit nagulat ako noong tanggalin niya ang unan na pinanghahampas ko sa kaniya at saka niya ako mahigpit na niyakap. As if on cue, my tears started to fall down again. Never ending.

"Shh. Shh." He comforted. "Hindi ka ganyan, girlfriend. Malakas ka, masiyahin ka." Mahinahong sambit niya. "Hindi ka siguro si girlfriend ano? Kung sino ka mang kaluluwa ka na nasa katawan ng maganda at sexy-ng girlfriend ko, umalis ka na. Boomchakalakalakaboom." Mahabang litanya pa niya, at kahit umiiyak ako, ay napatawa ako dahil sa huling sinabi niya.

"Babo." Asar na imik ko, ngunit narinig ko lamang ang mahinang tawa niya.

"We can surpass this, Alyx. We can, so hush now and rest." Mahinang imik pa niya at saka ako dahan dahang inalalayan pahiga. Noong makahinga na ako ay kinumutan pa niya, at saka hinalikan sa noo.

"Now, close your eyes." Parang may hipnotismo iyong tinig niya at hindi ako nag-alma at tumalima na lamang. Habang nakapikit ay unti-unti kong narinig ang mahinang pag-huhum niya ng musika, dahil sa ginawa niya ay parang nabawasan ang bigat ng damdamin ko.

"You would not believe your eyes, if ten million fireflies lit up the world as I fell asleep. 'Cause they'd fill the open air and leave tear drops everywhere. You'd think me rude but I would just stand and stare." His mellow voice echoed and somehow I felt safe and sound.

"I'd like to make myself believe, that planet Earth turns slowly. It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep, 'cause everything is never at it seems."

Thank you, Thon... for staying by my side, even though it's hard, even though I'm a liar, and even though I'm not worth it. Thank you for making me feel loved and safe.

***

Shanaya Yuri's POV

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagbuntong hininga, at hindi ko din alam kung makakatulog pa ako. Masyadong maraming nilalaman ang isip ko. Masyadong magulo ang lahat. At masyado akong nagulat sa nalaman ko kanina.

Hanggang ngayon ay napakahirap iproseso sa utak ko ng lahat, parang isang napakalaking panaginip nito at hindi ako magising gising kahit anong pilit ko.

Walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko, pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko. Sinong mag-aakala na kasal na pala si Incess at Nate? At sinong magsususpetsa na magkapatid pala si Lian at Nate? It was a mind-blowing and heart pounding moment, and I could still feel the fear, agony and tension.

Nakakatakot at nakakapangilabot.

Dahil hindi ako makatulog ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kamat at saka lumabas ng kwarto. Iniisip ko kung saan ako pupunta at ang tanging pwede ko lamang puntahan ngayon ay si Blaze, kaya't naglakad ako patungo sa kwarto niya.

"Blaze?" Tawag ko sa kaniya dahil wala akong makitang pigura niya sa kama. At noong muli kong ilibot ang paningin ko ay nakita ko ang bukas na sliding door sa balkonahe, kaya naman naglakad ako papunta doon matapos kong sarhan ang pinto sa kwartong ito.

"Blaze?" Muling tawag ko sa kaniya at doon ko naagaw ang pansin niya. "Yuri." He said softly acknowledging my presence. Walang sali-salita ay niyakap niya ako. Nanatili kaming ganoon, walang imikan, at tanging presensya lamang namin sa isa't-isa ay sapat na.

"Gumapta." Mahinang wika ko matapos ang halos napakatagal na mga minuto kung saan kaagapay lamang namin ang isa't-isa. Gusto kong magpasalamat sa lahat lahat ng gnawa niya para sa akin.

"You know how much I dislike the atmosphere of romance, but still I always feel the warmth and security whenever I'm with you, so thank you for staying even though I'm an evil and cold hearted woman." I whispered heartily.

"Kahit sino, kahit ano pang nakaraan mo, tatanggapin pa din kita. I'm also thankful towards you Yuri. And I cannot express it in words, so maybe this way?" Magtatakha pa sana ako sa sinabi niya ngunit... Hindi ko na iyon nagawa noong yakapin na niya ako ng mas mahigpit pa sa kanina at saka niya ako hinalikan sa noo.

***

Timothy Chase's POV

Nakatitig ako sa mala-anghel na mukha niya at hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman namin kanina. Isa pala siyang Evans? Kapatid pala si ni pards Gab? Parang napakalayo na niyang abutin ngayon, parang napakalaking harang ang biglang naging balakid sa amin.

Am I even worthy to be her man?

Napaka-kumplikado ng mga bagay bagay ngayon, at hindi ko alam kung pagkagising niya ay matatanggap pa niya ako. Itinuring niyang magulang si tito Peter, pagkatapos ang laki pa ng kinalaman ko sa pagkamatay niya.

Ang sakit...

Sobrang hapdi sa puso kanina habang tinitingnan niya ako na para bang hindi na niya ako kilala, ang sakit sa puso na para itong pinipilipit noong layuan niya ako kanina. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang bumabalik sa isipan ko iyong mga nangyari kanina.

Ang hirap makitang umiiyak at nag-wawala siya, dahil ni minsan hindi niya ginawa iyon. Lagi siyang kalmado at kolektado. Pero iyong pagmamakaawa niya kanina at wala akong magawa kung hindi pagmasdan siya? Parang inaapakan ng paulit ulit ang puso ko ng napakaraming beses dahil doon.

Sana isang malaking panaginip lamang ang lahat ng ito... At sana kung panaginip man ito, magising na sana kami...

"Lian... Siopao... Baby... Forgive me, please?" I pleaded while crying.

Sana mapatawad niya ako, dahil baka hindi ko kayanin kung mauuwi ang relasyon namin sa hiwalayan. Hindi ko kakayanin....

***

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

157K 6.4K 45
Isang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa replek...
22.3K 752 11
"...Sa kahon ng pagkakasala, pagkamuhi ay kakawala. Sumunod ay digmaan, sa pangalawang pagbubukas ay tangan. Paghahangad sa kapangyarihang hindi nama...
284 83 13
Arayathena Maffer, the girl whoever would think is just a simple teenager who lived in the kingdom of Celestia. But to the opposite of it, despite of...
233K 6.1K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...