Sana Ako Naman (HBB #2) (Self...

נכתב על ידי Levelion

1.1M 20.1K 3.5K

Si Felise Ann Espinoza ay walang swerte sa pag-ibig. Lagi nalang siyang second option ng mga lalaking minamah... עוד

Sana Ako Naman (HBB Series #2)
Prologue
1 Kabanata
2 Kabanata
3 Kabanata
4 Kabanata
5 Kabanata
6 Kabanata
7 Kabanata
8 Kabanata
9 Kabanata
10 Kabanata
11 Kabanata
12 Kabanata
13 Kabanata
14 Kabanata
15 Kabanata
16 Kabanata
17 Kabanata
18 Kabanata
19 Kabanata
20 Kabanata
21 Kabanata
22 Kabanata
23 Kabatana
24 Kabanata
25 Kabanata
26 Kabanata
27 Kabanata
28 Kabanata
29 Kabanata
30 Kabanata
31 Kabanata
33 Kabanata
34 Kabanata
35 Kabanata
36 Kabanata
37 Kabanata
38 Kabanata
39 Kabanata
40 Kabanata
41 Kabanata
42 Kabanata
43 Kabanata
44 Kabanata
45 Kabanata
46 Kabanata
47 Kabanata
48 Kabanata
49 Kabanata
50 Kabanata
51 Kabanata
52 Kabanata
53 Kabanata
54 Kabanata
55 Kabanata
56 Kabanata
57 Kabanata
**WAKAS**

32 Kabanata

16.5K 320 46
נכתב על ידי Levelion

32 Kabanata
I'm innocent

----------

Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos kong malaman ang totoo. Kung paano ako niloko at pinaglaruan ng mga taong minahal ko. Hanggang ngayon sariwa parin ang lahat dahil paulit-ulit na nag e-echo sa pandinig ko ang salitang binitawan ni Humpy na dumurog sa puso ko. Kung dati natatantya ko pa kung hanggang kailan ako makakapag move-on. Ngayon, hindi ko na alam...masyadong nadurog at nawasak ang puso ko, at hindi ko alam kung kailan maghihilom ang lahat ng sugat sa damdamin ko. Pakiramdam ko sa lahat ng sakit na binigay nila sa'kin, pinatay nila 'tong puso ko.

"Felise, okay ka na ba talaga?" Tanong sa akin ni Calvin na ang akala ay nagkasakit ako nitong mga nakaraang araw dahil sa pananamlay ko at dahil madalas akong mawala sa sarili.

Nilingon ko siya at saka ako tumango sa kanya habang nakangiti. Kunot naman ang noo niya na para bang ayaw niyang maniwala.

Inalis ko ang paningin ko sa kanya at itinuon ko yon sa masayang nag po-football na sina Dave, Axel at Ivan. Nandito kasi kami sa field at kasalukuyan akong nakaupo sa isang wooden bench at magkatabi nga kami nitong si Calvin na kahapon pa nag-aalala sa kalagayan ko. Kahit nga hindi ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko ang mga titig niya na para bang inoobserbahan niya ako.

Kahapon ay pinipilit niya akong umamin kung ano raw ba talagang problema ko, gustuhin ko mang magkwento sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Mas maganda ng wala ng ibang nakakaalam ng problema ko, bukod kay Nichole at sa ilang HBB. Hindi ko nga rin sinasabi kay Calvin na tatlong araw nalang at aalis na ako rito.

Magpapakalayu-layo ako, sa lugar kung saan magbabagong buhay ako at kakalimutan ang lahat. Ang lahat-lahat. Sobra lang talaga akong nasaktan kaya ako dumating sa ganitong punto na parang tinamad na akong mangarap, tinamad na akong maging masaya.

Pag-uwi ko sa bahay ay may ibinigay naman sa aking pulang kahon ang landlady namin.

"May nagpadala niyan sayo kanina."

"Sino po?" Kunot ang noo na tanong ko sa kanya ng abutin ko ang kahon na kasing laki ng kahon ng sapatos, may ribbon pa nga sa ibabaw nito.

"Hindi ko alam, wala bang note?"

Pinasadahan ko ng tingin ang kahon para hanapin kung may nakaipit na note doon, pero wala. "Wala po." Iiling-iling kong sabi.

Hindi ko naman birthday at hindi rin naman valentines day, bakit may regalo ako at kanino to galing?

"Baka galing sa boyfriend mong tisoy na pogi yan. Bakit, may inaasahan ka pa bang magbibigay sayo ng ganyan?" Aniya habang nambubuyo niya akong nginitian.

Mapait ko naman siyang ginantihan ng ngiti. "Wala na po kasi kami ng boyfriend ko kaya imposibleng bigyan niya ako nito."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Ay...g-ganun ba? Akala ko-"

"Sige po pasok na ako, salamat po sa pagtanggap nito." At saka ako pumasok na sa apartment dala ang pulang box.

Pag-upo ko sa couch ay ipinatong ko ang kahon sa mga hita ko at dahan-dahang kinalas ang nakataling ribon doon. Sa totoo lang ay gandang-ganda ako sa mga decoration na nasa labas ng karton. Halatang pinaghirapan.

Pagbukas ko ng kahon ay may mas lalo akong namangha dahil punong-puno rin ng decoration ang loob nito, may dalawang glass jar pa na sukat na sukat ang laki at lapad sa kahon. Nakapahiga ang lagay sa mga ito, may mga naka roll na ibat-ibang kulay ng papel sa loob ng glass jar puno iyon ng mga ganoon.

Binuksan ko ang isang glass jar at kumuha ng isang nakabilot na papel at binuklat iyon.

"Everything's going wrong but I know you can make them right."

It's a words of encouragement. At tumutugma iyon sa nararamdaman ko ngayon.

Sino nga ba ang nagpadala nito sa'kin? Bakit pakiramdam ko galing ito kay Humpy?

Pero bakit naman niya ako padaldalhan nito? Si mama ang pinili niya at hindi ako. Imposible? O baka naman si Calvin? Pero wala naman siyang nabanggit kanina.

Hindi ko na inalam pa kung sino ang nagbigay nun. Kung isa man siyang stalker or admirer. Ito na ang una at huling beses na tatanggapin ko ang regalo niya sa akin, dahil sa sabado ay wala na ako dito.

Muli kong ibinilot ang papel na kinuha ko at inilagay ulit iyon sa loob ng glass jar, 'tsaka ko ibinalik iyon sa kahon, pagkatapos ay inilagay ko ang kahon sa ilalim ng kama at saka ako humiga at tinitigan ang kisame.

Kamusta na kaya si tito Esmael? Sinabi na kaya sa kanya ni mama ang totoo? Huling beses ko siyang nakausap ay nung apat o limang araw na yata ang nakakalipas. Ayoko namang tawagan siya o i-text, paano nalang kung hindi niya pa talaga alam ang lahat? Ayoko namang ako pa ang magsabi sa kanya ng totoo kaya nanahimik nalang ako at kung tatawag man siya at magtatanong, then I have no choice but to tell him the truth tutal hindi lang din naman siya ang naloko.

All this time, ang akala ko ay siya lang ang niloloko ni mama, pati rin pala ako. Ako na anak niya pa.

Napabuntung-hininga nalang ako habang hindi inaalis ang pagkakatitig ko sa kisame.

Kung hindi siguro nawala si daddy, hindi mangyayari ang lahat ng 'to.

"Dad. Sana nandito ka." Napakagat ako ng labi ko ng muli ko na namang maramdaman ang mga luha ko na dumaloy pa sa tenga ko.


Isang araw bago ako umalis patungong batangas ay nagpunta kami ni Nichole sa grocery store para mamili ng pagkaing babaunin ko sa byahe. Hindi naman ganoon kahaba ang byahe mula makati hanggang batangas, pero hindi naman maiiwasang magutom ka.

Habang nasa meat section kami ay nag ring ang cellphone ko at ng hugutin ko yon sa bulsa ko ay nakita kong si mama ang tumatawag.

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang pagkatapos ng lahat ay may gana pa siyang tawagan ako. Mapait akong tumawa habang tinitignan ang screen ng cellphone ko habang ring ng ring ito.

"Bakit ayaw mong sagutin?" Tanong sa akin ni Nichole na agad lumapit sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita na si mama ang tumatawag sa akin.

"OMG!"

Tumaas ang kilay ko. "May lakas pa siya ng loob na tawagan ako?" At saka ko pinatay ang cellphone ko at ibinalik yon sa bulsa ko.

"Ano naman kayang kailangan niya sayo?"

Nagkibit balikat lang ako at itinuon ang sarili ko sa mga nakadisplay na pagkain. Wala akong pake kung ano mang dahilan niya at tinatawagan niya ako.

Dumating ang araw ng pag-alis ko. Plano kong pumunta muna sa mansion pagdating ko, gusto ko lang magpaalam kay tito Esmael na magsasariling buhay na ako. At handa narin akong magkwento sa kanya kung sakaling nananatili parin siyang inosente sa tinatagong issue ni mama. Malaki ang naitulong sa akin ni tito Esmael at bago man lang ako magpakalayu-layo ay gusto kong pasalamatan muna siya sa lahat-lahat.

"Tawagan mo'ko kapag nakarating ka na, cous. Mamimiss kita, yung luto mo. Lahat! 'Tsaka malulungkot na naman ako kasi mag-isa nalang ako dito." Malungkot na sabi ng pinsan ko.

"Eh di invite mo si Paolo tapos dyan muna patulugin, para mainit lagi ang gabi mo." At saka ko siya mapanuksong tinawanan.

Hinampas naman niya ako sa braso. "You're so naughty! Porket di ka na virgin gumaganyan ka na!" Mapanuksong bato naman niya sa'kin. "Siguro by the end of the month. Maghahanap narin ako ng boarding house dahil hindi ko na kayang mag rent dito mag-isa. Baka wala ng matira sa sweldo ko kapag bayaran."

"O siya, baka mahirapan na akong sumakay at tanghali na. Bye, Nichole! Ingat ka parati."

Lumungkot na naman ang mukha ng pinsan ko, at saka niya ako niyakap habang may tumutulong luha sa mga mata niya. Hindi ko rin tuloy napigilang hindi mapaiyak.

"Ingat ka rin, pagbalik mo dapat may bago na ha!"

Sa ilang buwan ko rito sa maynila. Marami akong nakilala, maraming mga bagay na hindi ko makakalimutan, pero ang pinakatumatak yata sa akin ay yung isang gabing bored na bored ako, pinili kong magpunta sa bar kasama ang pinsan at boyfriend niya, at doon nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa bar counter, tahimik, at side view palang alam mong gwapo na. I saw this guy with a deep and expressive blue eyes. He looks so good and hot as hell, but the way he stares is full of mystery that I wanted to find out and when I did... I wish. I wish I never tried.


Habang nasa tabi ako ng bintana dito sa loob ng bus ay panay lang ang kain ko ng baon kong malaking potato chips, habang mahimbing namang natutulog ang katabi kong babae.

Gustung-gusto ko talaga ang tinitignan ang magagandang view sa bintana. Ang mga malalawak at berdeng-berdeng mga palayan, ang mga hayop na naroon, ang mga bundok. Napaka peaceful ng paligid.

Pero napukaw ang atensyon ko ng balitang biglang nag flash sa TV na nasa gitna.

"Pinaghahanap na ngayon ang suspek na si Evanna Pedrosa. Ang sinasabing huling taong namataang kasama ni Esmael bago ito natagpuang patay sa loob ng banyo ng kwarto nito, na may dalawang tama ng bala ng baril sa puso. Si Evanna Pedrosa ay ang asawa ni Esmael-"

"Miss! Yung pagkain mo nalaglag na, okay ka lang?" Tanong sa akin ng babaeng katabi ko na kunot ang noo habang hawak-hawak niya ang lalagyan ng potato chips na kinakain ko. Kaunti na ngalang ang laman nito dahil natapon ang iba ng hindi ko namamalayan.

"Miss, okay lang?" Tanong ulit sa akin ng babae. Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang potato chips ko.

"S-Salamat." Nauutal kong sabi at saka ito bumalik sa pagtulog. Napatakip naman ako ng bibig ko at halos maluha na naman sa nabalitaan ko.

Anong nangyari? Bakit dumating sa puntong yon? Patay na si tito Esmael at si mama ang suspek? Bakit ganito? Bakit mas lalong lumalala ang lahat?


Pagdating na pagdating ko sa mansion ay may ilang media sa labas ng gate. Napatingin pa nga sa akin ang ilan sa kanila ng papasukin ako ng security guard ng mansion.

"Ma'am dapat hindi na po kayo pumunta, galit na galit po kasi ang ibang mga Pedrosa kay ma'am Evanna, baka po madamay kayo."

"Nandito ako, para malaman kung ano talagang nangyari. At para patunayan na wala akong alam. Sino bang mga Pedrosa ang nandito?"

"Yung dalawang pinsan mo ni sir Esmael at yung lalaki na kapatid daw niya sa ama."

Papasok palang ako ng mansion ng salubungin ako ni Honey, pagtapos ay nagsunuran narin si Jenny at Sasha.

"Naku ma'am Felise umuwi na po kayo!" At pinagtulungan nila akong itulak.

"Wait! I'm here to know the truth. Wala akong kinalaman dito, I just saw the news habang nasa byahe ako."

"Ma'am Felise, pinaghahanap na po ng mga pulis si ma'am Evanna. Siya kasi talaga ang huling kasama ni sir Esmael at narinig pa naming nag-aaway sila nun."

"Paano nangyari yon? Kailan lang nakita ko si mama sa manila? So umuwi pala siya rito?"

"Opo. Umuwi siya dito mga three days from now, tapos ayun kagabi nag-aaway sila ni sir. Akala namin wala lang yon kasi simula naman ng mag-aral kayo sa manila, lagi na silang nag-aaway kaya nasanay na kami." ani Honey.

Lagi silang nag-aaway? Why I didn't know about it? Okay naman sila ng pumunta ako rito.

"Yan! Yan ang anak ni Evanna. Hulihin niyo yan! Anak yan ng babaeng pumatay sa pinsan ko!" Sigaw ng isa sa mga pinsang babae ni tito Esmael. Nanlilisik ang mga mata niya habang itinuturo ako sa dalawang pulis at isang investigator na kausap niya. Naroon din ang isa pang pinsan ni tito at ang kapatid niya na parati niyang minamaliit tuwing may mga okasyon dito.

"Wala akong kinalaman sa mga nangyari. I'm here to know the truth." ani ko ng lapitan ako ng mga pulis.

"Sinungaling! Nasaan ang nanay mo, huh? Ilabas mo ang nanay mo! Wala kayong utang na loob! Pagkatapos kayong itira ni Esmael sa mansyon na'to, pakainin ng masasarap na pagkain, damitan ng magaganda, ibigay ang lahat ng kapritso niyo sa buhay ay ganito ang gagawin niyo sa pinsan ko?!"

Ang alam ko ay kasama ni mama su Humpy. Silang dalawa ang magkasama. Hindi kaya naroon parin sila sa suite? Pero hindi na siguro.

"May kilala ka bang pwedeng puntahan ng mama mo?" Tanong sa akin ng investigator.

Gusto kong idawit ang pangalan ni Humpy, gusto kong sabihin sa kanila na kasama ni mama ang ex-boyfriend ko na lover niya. But I can't.

Umiling ako.

"Sinungaling! Pinagtatakpan lang niya ang mama niya."sabi naman ng step brother ni tito Esmael.

"Ang totoo nyan ay magkagalit kami ni mama ngayon, nandito sana ako para magpaalam ba kay tito Esmael at magsariling buhay malayo sa kanila, sa totoo lang sa byahe ko lang nalaman na wala na siya." Kwento ko sa mga ito.

"Wag kayong maniwala dyan. Mapanlinlang silang mag-ina." sabi pa ng isa sa pinsan ni tito.

"Ma'am pwede po bang sumama kayo sa amin sa presinto para sa ilang mga katanungan? Kung wala kayong kasalanan, hindi kayo matatakot at hindi kayo tatanggi."

"Fine. I'll go because I'm innocent."

"Mga manggagamit kayong magnanay! Mga kriminal, sinisigurado kong mabubulok kayong mag-ina sa kulungan. Mga mapanlinlan!"

Nagbingi-bingian nalang ako sa mga sinasabi ng bunganerang mga pinsan ni tito Esmael. Hindi ko nga alam kung talaga bang nalulungkot siya sa pagkawala ni tito Esmael, o nasisiyahan pa siya dahil maaaring makuha niya ang ilan sa mga kayamanan ni tito, lalo na kung mapatunayang si mama nga ang pumatay kay tito.

Pero bakit? Anong dahilan at nagawa ni mama yon? Dahil ba masyado ng hadlang si tito sa pagmamahalan nila ni Humpy? It's too much. Papatay siya para doon?

Itutuloy...

המשך קריאה

You'll Also Like

4M 108K 45
Fresia wanted to love Richard. She tried for three years, pero walang nangyari. She thought that she wasn't capable of love because she wasn't shown...
6.4M 125K 44
Zade does not believe that first love never dies. For him, no matter how fervent love is, if you don't nurture it, you'll eventually fall out of it...
395K 9K 53
Jethro Elizconde is madly inlove with the girl he didn't have to fall in love with. He does not care about the rules nor loving her can break him. He...
93.5K 2.6K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]