Just Want To Be Where You Are

By keenobserver

54.5K 1.3K 474

Just Want To Be Where You Are (Just 14 Book 2) Hello po Sa mga nag aabang ng kasunod ng unang book ito na po... More

Just Want To Be Where You Are
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 12

1.8K 46 9
By keenobserver



KUNG PWEDE LANG SANA



Mika's POV



"Mahal...nangangayayat ka yata? Are you skipping meals again?"



Narinig kong striktong tanong ng kausap ko sa video call.Sinimangutan ko lang sya na may halong ngiti bilang sagot.Hindi ko maiwasang sumaya ng malamang dinoble ng in charge ang oras namin para magkausap. Yun daw ay dala ng pagiging positibo ng mga ginagawa ng team na tumutulong sa amin. Natuwa naman ako't ng dahil sa efforts nila Riley nagkaroon kami ng mas mahabang pagkakataon para makapag bonding ng pamilya ko today. Maagang sinamahan nila mommy ang mga anak ko pauwi dito. Marami din ang bumisita sa bahay ngayon. Nandun sa baba nag kukwentuhan ang mga magulang namin ni Mahal. Kanina kalaro ng mga bata sina Kim at Mela. Nagluluto din sila ng kakainin ng lahat pati dinner ay pinaghahandaan kasi sa wakas makakabisita na din ang ibang mga bullies. Its a wonderful Friday,sabihin man nating kulang dahil wala si Vic eh ok pa rin.

If there's one thing na natutunan ko sa nangyayare sa amin ngayon ay ang magpasalamat sa kung anung meron at sulitin ang panahon kasama ng mga mahal sa buhay. Wala man sa tabi ko si Vic eh parang nandito na rin sya. Kung pagsabihanat lambingin nga ako kala mo magkatabi lang kami.

Katulad ng dati hinayaan ko munang mag kausap ang mag iina ko. Natawa ako sa kanila. Sigawan kung sigawan kung magkamustahan. Kanina nga may pinatugtog na mga kanta si Mia na sinasabayan nilang tatlo may pa head bang head bang pa silang nalalaman. It's always a joy to watch and listen to them interact. Yung tipong pwede lang akong manahimik na nakangiti sa back ground.



"Hindi naman ganyan yung tono daVic eh... ganito nga kasi...love is an open door-oh-oh oor ganun..."



Pinatugtog ulit ni Mia ang kantang pinagtatalunan nilang tatlo. Alam kung hindi fan masyado ng Frozen sina Mahal at Vik pero sa ginagawa nilang pag sing along kay Mia parang ganun na din. Iba talaga tong si bunso mahirap talagang tanggihan.



"DaVic mababa po yung inyo haha ganito po oh...doo –oh-or...dapat mataas....subok ulit."



"Mga anak pasensya na ah di kasi singer si DaVic nyo unlike ninyong dalawa eh pero kung tatanungin nyo kung kanino kayo nag mana ay nako saken yan walang duda. Di bah mahal?lol"



NIlakihan ko sya ng mata sabay belat kay Mahal. Kahit katiting na alam sa pagkanta pareho kaming walang sinabi dyan. Suntukan na lang pwede pa haha. Kala ko sa kanta lang matatapos ang bonding nila pero may iba pa silang pinagkaabalahan.



" DaVic suman ka ba?" masiglang sabay na tanong ninaMia at Vik



"Hindi"



Eto na naman sya't inaasar ang mga bata. Napa pout agad si Mia sabay bulong ng KJ sa DaVic nya,si Vik naman tumawa lang. Kinindatan ko si Mahal,gets na nya yung ibig kong sabihin na sakyan na lang yung mga bata. She distorted her face na nagpatawa pang lalo sa mga anak namin bago nagtanong ng



"Bakit?"



"Kasi minsan malagkit ka hahahah bleeeh..."mabilis na sagot ni Mia.



Halos mabingi ako sa lakas ng tawa ni Vik. Nakayakap kasi sya sa may leeg ko habang nakatayo sa king likuran. Si Mia naman maya't maya ang sandal,nasa harapan kasi sya at nakakandong saking kaliwang tuhod.



"Talaga lang ah? Kelan ako malagkit aber?Ikaw nga yung hug ng hug dyan kasi nababanguhan ka saken ah."



Nakangiting pangungulit niMahal kay Mia.



"Kayo ni kuya parehong malagkit. Naririnig ko din kaya si Mommy nagrereklamo pag nag ha hug kayo samin after nyong magbasketball...hahha eww...haha...joke lang po DaVic. ... miss ko na ikaw I hug DaVic. Yung ilong mo iki kiss ko ulit yan madame madame. Hihi"



Hindi halos maitago ni Mahal ang pag iba ng mood ng marinig ang paglalambing ni Mia. Nahuli ni bunsoy ang kiliti nya. Mula sa mapang asar ay lumambing agad ang aura ni Mahal. One point kay Mia-Zero kay Mahal. Alam ko namang lagi syang talo kay bunso haha. DaVic's girl as always.



"DaVic ako naman..." sabat ng panganay namin.



"Smart po ba kayo?"



"Bakit Vik?" mapanuring tanong ni Mahal sa panganay nya.



"Kasi po ...you're simply amazing.BOOM!"



Mia gave Vik a pat in the head bago nag high five.Napailing na lang si Mahal sa mga bata. Banat ko yun kay Mahal dati,siguro naalala lang ni Vik kaya ginamit nya. Agree naman kaming tatlo na si Mahal para sa amin ay simply amazing J

Maya maya pa'y tinawag na nina mommy ang mga bata para daw mag bihis para sa maliit na salu salo na magaganap .Nabitin man ay agad namang kumilos ang mga bata pagkatapos nilang magpaalamanan.Halos di matapos tapos na paalala mula kay Mahal ang inabot ng dalawa. Napuno na nga ng laway ni Mia yung screen kaka kiss sa DaVIc nya. Vik happily threatened his mom na alam nan yang talunin si Mahal sa basketball. Nagtapunan ng pang mga ilang iloveyous-iloveyoutoos ang tatlo bago nag let go.




"Oh bat natahimik ka dyan? OO na lam ko namang mas gusto mong kausap ang mga bata kesa saken."



Inaasar ko lang si Mahal pero totoong natameme sya. And basing on how she's hugging yung part ng sandalan ng chair (kasi binaliktad nya yun para may mayakap sya.) aware ako sa kanyang pangungulila sa amin...sa akin. Tipid na ngiti lang ang sagot nya.

Binaybay ng mga daliri nya ang screen,kunyari ay ginagawa nya yun saking mukha. Tahimik pa rin sya ilang minutona ang nakalipas. Sa edad naming to minsan mas nagkakaintindihan kami sa gitna ng katahimikan. BInabasa ko ang pinapahiwatig ng mga galaw at ng poker face nya. Nag init agad ang pisngi ko dahil katulad ng dati walang pasubali kung ipahalata ni Mahal ang pagnanasa nya saken.



"Mahal pwede favour?" bungad nya.



"Yes mahal ko kahit ano." Sagot ko.



"Sagutin mo ng maayos yung tanong ko. Kamusta ka na?"



As if on cue agad na lumuha ang aking mga mata. Mabilis ko yung kinubli sa kanya ngunit alam kong nasaksihan nya yun. Sya man ay nagpahid ng maliit na luha na kumawala sa kanya. Bumawi ako ng ngiti bago ako sumagot ng



"Ito hindi kita name miss ,hindi kita hinahanap. Hindi ko din inaamoy yung mga damit mo. At hindi din ako umubos ng pabango mo. Hindi ko din pinapanuud yung mga videos nating dalawa kasi nga hindi kita na mi miss."



Lakas ng tawa nya sa mga sinabi ko.



"Pareho pala tayo Mahal. Ako nga eh ni minsan di kita naalala. Hindi ko naalala yung amoy ng pabango mo,hindi kita napapanaginipan sa gabi pfttt ikaw lang din?"



Napailing na lang ako sa biro nya. Ngunit hindi ko inasahang itutuloy pa nya ang joke nya



"Hindi ko iniimagine na katabi kita gabi gabi o yung bigla ka na lang lalabas sa banyo ng bagong ligo. Aba hindi ko kabisado yung amoy mo twing bagong ligo ka ha. Hindi ko inaalala yung mga panahong minamasahe mo ko...yung pinaglalaruan mo yung mukha ko. At never na never kong inisip yung mga bagay na maari nating gawin kung magkasama lang tayo..."



Umiwas na sya ng tingin. Ako may sa sahig na nakatuon ang mga mata ko. Hindi ko na kinakaya ang pagiging magkalayo namin.



"Uwi ka na Mahal..." malambing kong pagmamakaawa.



Pagkasabing pagkasabi ko nun ay nagsisi ako sa aking nabanggit. Mahal's clenching her jaw at matigas na ang ekspresyong ng kanyang mukha. Mali ako tsk,napahawaknako sa bibig ko at lihim na minumura ang sarili. Hindi ko na dapat dinagdagan ang paghihirap ng asawa ko. Tahimik na naman kami. Nagulat na lang ako ng magsalit syang muli



"Gagawa ako ng paraan para makabalik na ng mas maaga dyan. Pero kung sakaling di mangyare yun...Mika hihintayin mo pa rin naman ako di bah?"



Nagpang abot na ang aming mga paningin.Naiinis ako na hindi ko sya magawang yakapin pero hindi ko na pinatagal ang sagot na gusto nyang marinig.



"Syempre naman Mahal ko,makakaasa ka dyan. Kahit gaano kalayo...gaano katagal...Maghihintay ako sayo."



Halos sabay kaming napahawak sa screen. Parang magkahawak kamay na din kami kung tutuusin.



"Alam mo mahal...hindi bagay saken ang malayo sayo.Sa tingin ko naman nahahalata mo na tayo yung klasse ng mag asawa na mas gustong laging magkasama. Mana yata tayo sa mga lolo't lola natin. Yung lolo ko ganyan sila ni lola pinakamalayong magkahiwalay silang dalawa pag nasa loob ng bahay ay sakusina si lola nag hahanda ng pagkain sa gabi. Sa umaga naman pag nasa sakahan na si lolo. Haha ang kulit nga ng dalawang yun di mapaglayo. Alala mo nung dinalaw natin sila minsan?"



Mabibong kwento ni Mahal. Napapangiti ako pag ganitong topic ang inoopen nya saken. Isa lang ang ibig sabihin nyan,na mi miss nya akong kasama. Ganyan ang istilo nya ng pag paparinig,gamit na example ang story ng grandparents nya alam ko na agad kung anong kakahinatnan ng usapan.



"Haha oo nga eh ang kulit ng style ng lolo mo...talo ang mga banat ngayon." Tawang alala ko sa kanila.



"Ay oo yun kasi totoong habulin sabi nila papa. Nasa dugo't buto na nun ang pagiging romantiko hehe...pero hirap sya kay lola. Ikaw ba naman ang chick boy nung panahon nyo di ka talaga basta basta paniniwalaan haha."



Nathowback saken uung panahon na binisita namin sila sa Pampangga.



Flash back



"Ahmm lola...hehe..." natatawa kong kalabit sa lola ni Mahal.



Kagagaling ko lang nag banyo pero bago ako bumalik sa sala kung nasaan sila lolo at Mahal nag kwe kwentuhan ay may kailangan muna akong gawin.



"Dyaskeng matanda yun...inutusuan ka na naman ba apo?" inis tawang tanong nya.



"Ahmm opo eh...." Napakamot nalang ako sa ulo ko.



"Lalabas nga ako't ng mapagalitan yun....ka tanda tanda na loko loko pa din. Utos ng utos ,abay pang pitong beses mo ng sinabi yan ah."



"Hahaha ok lang po lola...ang cute nga po eh."



Pailing iling na lumabas si lola sa kusina at tinungo ang mag lolo sa sala. Agad akong sumunod. Hindi pwedeng di ko masaksihan ang mangyayare. Si Mahal nakataas ang kamay ng makita kami pero yung mukha nya naka nga nga na sa katatawa.



"Hala lo lagot na...lumabas na si lola ..."turo ni Mahal sa lolo nya.



"Ikawng matanda ka! ...." Inis tonong saway ng lola ni Vic.



"hehehe ...wala akong alam dyan....Si Mika tong balik ng balik sa kusina eh. Natural sya mag sasabi hehe..." pagpupumiglas nya sa mahinang pingot ni lola sa kanyang tenga.



"Nakakahiya na sa bata utos ka ng utos sa kalokohan mo...ikaw naman Victonara! Kunsintidora ka din tsk.Sarap nyong iprito ng sabay sa pugon...kukulit nyo."



Taas kamay pa ring depensa ni Mahal sa mga parating na kurot ni lola sa kanya. Ganun pa rin sya nakatawa lang



"Mika iha...wag mo na lang pansinin yang dalawang kalabaw na yan..." sabi nya sakin habang haplos ang aking braso.



"Wala pong anuman...nakakatuwa nga po si lolo eh...nakakatuwa po kayong dalawa."



Ngumiti lang sya saken pati narin sa kanila ni lolo't mahal saka sumensyas na babalikan nya yung niluluto sa kusina. Ewan ko ba kay lola ayaw akong patulungin kaya dito parin ako sa sala kasama ng maglolo. Pero bago pa tuluyang nakabalik si lola ay tinapik ni lolo ang kamay ko't tinanguan para sabihin ang kanina nya pa laging iniuutos na ipasabi sa asawa nya everytime pupunta ako sa kusina.



"Ay sya nga pala lola may nakalimutan po ko..." nakangiting pahabol ko.



Sandaling lumitaw ang ulo ni lola sa mula sa kusina.



"Anu yun Mika iha?"



"Ahmm sabi po pala ni lolo.... I love you daw po...hayun oh hahaha." Mapang asar kong banat kay lola.



Napailing na lang syang nakatingin kay lolo. Nginitian nya kami bago sya bumalik sa kusina. Puro lang tawa ang ginawa namin,kahit na puro kalokohan ang pinag uusapan naming tatlo ay hindi kami pina uwi ni lolo ng hindi pinaalalahanan tungkol sa buhay mag asawa.



"Ilang taon na kayong kasal?" tanong nya habang nakangiting sinusuri kaming dalawa ni Mahal.



"Magdadalawa't kalahati pa lang po....bago palang po lo." Sagot ni Vic.



"Hmmm bago palang pero kung gugustuhin nyo malayu din ang aabutin nyo.Mas maraming makabuluhang bagay ang magagawa nyo ng magksama.Alam nyo bana ang tungkulin ng mag asawa ay ang magmahalan ng buong puso? Parang kami lang ng lola nyo. Singkwenta'y sais ng magkasama sa buhay pero parang bagong kasal pa din. Hindi pa rin nagkakasawaan...ewan ko lang baka sya nag sawa na saken hahaha..."



Malutong na biro ni lolo na sinagot naman ni lola ng ...



"Ay sinabi mo pa...natumbok mo ..."masayang ganting biro ni lola. Kulit din ng banat nya eh.



"Tooto lang ah? Kung makayakap ka nga saken gabi gabi parang angkla lang. Takot mo lang mawala ako sayo hehe."



"BInaligtad mo pa kong matanda ka,o sya sya lab din kitang damuho ka."



Nagkukulitan na silang dawala sa harapan namin na parang wala kami sa hapagkainan kasama nila. Nakatingin lang ako sa dalawang masayang matanda. Naramdaman kong hinaplos ni Mahal ang binti ko saka ngumiti saken ng lingunin ko sya. Sumandal ako sa kanya. Hinalikan nya ako may sentido malapit at binulungan ng...



"Tayo yan 50 years from now." Napakalambing ng ngiting nakarehistro sa maamo nyang mukha.



Tango lang ang sagot ko. Umuwi kami ng gabing yun na may dalang gintong aral na hanggang ngayon ay nagagamit naminsa buhay mag asawa namin. Tama nga sila marami kaming magagawa ng mas makabuluhan kung magkasama kami. Mas malalim kaming magmahal,mas malawak angaming pag unawa,mas solid ang samahan kahit pa may pinag dadaanan. Mas matamis ang mga usapan kahit sagitna pa ng mga pagtatalo o kaibahan man mabilis malagpasan gawa nga ng magkasama naming sinusulusyunan ang lahat. Ang mabigat nagiging magaan,ang mga mahihirap nagiging madali,ang mga kamalian ay madaling napaplantsa. Lahat yan nagagawa namin dahil pinili naming gawin yung ng magkasama.



---



"Mahal...ipapatawag ako sa opisina nila in 2 days. Ipagdasal natin na pumayag na sila sa apela namin ni Damian."



Pinutol ng tinig ni Mahal ang pag iisip ko. Napatingin kami sa isa't isa. Magsasalita sana ako ng may boses ng babae sa likod ang bumati kay Vic. Nasa sala kasi sya nakikipag usap.



"Mahal saglit lang ah...Hey Erika..." bati ng asawa ko sa babaeng napadaan.



Nag usap sila sandali ni Mahal. Narinig kong hinahanap nya si Damian kay Erika. Napatingin ako sa kausap ni mahal. Matagal na nyang nabanggit ang tungkol sa babaeng yan pero ngayon ko lang sya nakita ng personal. At hindi ko maiwasang maging uneasy. Goodness ang gandang babae naman pala ng Erika nayan. Nabigla ako ng lumingon na ulit si Vic saken. Nakita kong lumapit si Erika sumilip saken at nag Hi. Nagpaalam sya samen na pupunta daw sya ng gym. Bago pa man sya umalis ay inaya nya si Mahal.Napahawak sa balikat nya si Erika at di inaasahang...nag selos ako. Don't get me wrong. Yung hawak na ginawa nya ay parang nakita ko na dati.

Nawala na naman ako saking iniisip ng magsalita ulit si Mahal.



"Anu ba naman tong si Damian di mo makita kung kelan mo kailangan tsk."inis tonong sabi nya saken.



Kahit narinig ko na syang nagsasalita ay natanong ko sya ng...



"Mahal alala ko pala,di ba sabi mo lately lagi kang nasa gym?" patay malisya kong tanong.



Pilit kong tinatago ang konting selos saking boses ,kahit mukha ko nakapoker face kung poker face. Sana di nya mapansin.



"Ah yun oo Mahalat kasalanan mo yun."Walang kagatul gatol nyang sagot.



Hindi ko naintindihan pero sya na mismo ang kusang nagpaliwanag.



"Mahal bored na bored na kasi ako dito. Sa halip na gumala ako ,nagbabasketball at gym na lang ako. Atin atin lang to ah. Umiiwas din kasi ako dun kina Erika at Damian. Alam kong ayaw mo ng tsismis pero sa tingin ko nagkakamabutihan silang dalawa. Pwede namang mali ako,sana nga mali ako,pero iba yung nakikita ng mga mata ko eh. Naawa ako sa misis ni Damian bigla tsk."



"Ah ganun ba? Pero bakit naging kasalanan ko?" taking tanong ko sa kanya. Di pa rin nawawala yung konting selos na nakabara sa lalamunan ko.



Napansin kong lumingon lingon muna sya sa buong sala bago bumalik ng harap saken sabay sabing...



"Ahmmm...kapag na mi miss kita. Yung miss na miss...yung anu....basta yun na yun ...Alam mo na yun."



Pagpapaliwanag nya habang nagkakamot ng ulo. Hindi ko na kuha ang sinabi nya kaya pinaulit ko.



"Tsk Mahal...yung anu ...haaaay...." Utal utal nyang subok.



"Mahal...wag ka ngang anu ng ano dyan. Hindi ko magets kung bakit naging kasalanan ko yung paglalagi mo sa gym."




"Haaaay...ok fine. Ikawng babae ka ....arghh ba't kasi ang ganda mo?" may halong inis na yung boses nya kahit nakangiti.



"Wag mong iniiba yung usapan Vic." Ako may naiinis na din. Ang bagal sumagot ng babaeng to kahit kalian talaga.



"No Mika...Mahal that's the point!" napataas ng bahagya ang boses nya.



Iirapan ko sana sya,sabay na niningkit na din ang mga mata ko. Hindi pa nakakatulong na nag selos ako ng konti sa Erika na yun. Waaaah baka sya yung pinupuntahan ni Vic sa gym huhuhu...Kainis ba't kasi ang layo namin. Tsaka pwede namang di maging maganda si Erika eh,bat kung nasaan ang asawa ko laging may magandang babaeng nasa paligid huhuhu.

Pinutol nya ang pag iinarte ng utakko nang malakas nyang boses.




"Again...why do you have to be so beautiful? Maglalabing apat na taon na tayong kasal at sobrang kabisado ko na ang buong ikaw. For me it's both a blessing and curse...Alam ko kung anong gagawin para mapansin mo ko,pano ka lambingin,san ka banda hahalikan,kung san kita paboritong halikan...haaaaay. We made love million times over yung katawan ko hindi sanay ng hindi nakakakuha ng pagmamahal na pisikal mula sayo haaaaaaaaaay...Ano bang pwedeng gawinko eh magkalayu tayo? Edi mag babad na lang sa gym. Ngayon nga na magkaharap tayo ang tumatakbo sa isip ko eh wow ang ganda ng asawa ko,alam kong mabango ka nanaman lage ka namang mabango. Yung ilong mo sarap halikan ,yung labi mo ...ah tsk."



Napakamot sya sa kanyang noo. Pansin kong lumalim ang paghinga nya.




"Mahal? Ok ka lang ba?" Pagaalala ko.



"I will be..." kamot nya sa may batok nya habang nakatitig ng maige sa mga mata ko.



"Haaay....I wanna make love to you Mika. Kung pwede lang sana ngayon na." Nagmamaktol na ang kanyang mukha.



Nakapangalumbaba na sya sa harapan ko,biglang parang napagod ang hitsura nya. Naawa naman ako sa asawa ko. Yung selos? Ay wala na. Haay nagselos pa ko eh ako naman pala ang iniisip nya. Napapikit ako ng mata. Isang maling desisyon kung tutuusin kasi bigla kong naalala ang mga yakap nya,ang malilikot nyang kamay na humahaplos sa buong likod ko. Yung pisngi nyang nakalapat sa pisngi ko.Yung mga halik nyang hanggang ngayon ay nakakapagpalimot ng katinuan ko...



"Mahal I want you..."tipid nyang sabi.



Wala nakong naisagot.Ako man gustong gustong maramdaman sya. Alam kong alam nya rin yun.



"Pano kaya nila nakakayanan yun?" mabigat sa loob na tanong nya.



"Wala akong ideya Mahal. Wag na tayong mag isip baka lalong sumakit lang ulo natin. Bilib naman ako sa nag mamahalang magkalayo,yung mga nasa ibang bansa nagtatrabaho pero nanatiling matatag ang kanilang mga relasyon.Haaay mahirap na yun sa panahon ngayon. Kahit siguro ako di ko yata kaya yun. Pero sa sitwasyon natin ngayon wala tayong ibang pwedeng gawin kung di mag tiis at maghintay."



"Ayoko ng problemahin yan. Basta Mahal pag nagkita na tayo...sisiguruhin kong hindi na to mauulit."



Tahimik lang akong umayon sa asawa ko. Isang malalim na buntong hininga bago sya nag paalala na 2 minuto na lang ang natitira sa amin. Hindi na kami nakapagsalita pa. Isang minutona lang at pansamantala na naman kaming maghihiwalay ng mahal ko. Naguumpisa na kaming lumungkot ng sabay,ang nadarama ko ay dama nya din. Kala ko wala na kong maririnig sa kanya pero ilang segundo bago pa kami maputol ay nakahabol pa sya ng.



"I might be stucked sa kwarto buong araw Mahal...thinking of you and me during our honeymoon."



Napatawa na lang ako sa asawa ko. Isang napalaking mapagmahal na ngiti ang huling binigay nya. Narinig nanamin ang mahinang beep hudyat na tapos na ang oras namin.Wala ng nagsalita pa. Mahinang kaway mula sa kanya at halos sabay kaming nag blow ng kiss bago namatay ang communication namin.



"Anak halika muna mag meryenda ka muna.In an hour nandito na daw mga kaibigan mo."



Tapik ni mommy mula sa likuran. Napahawak sya sa noo at leeg ko sabay tanong ng...



"Ok ka lang ba anak? Ba't parang mainit ka?Lalagnatin ka ba?Masama ba pakiramdam mo?Kamusta pala si Vic?"



Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin ni mommy. Sinagot ko lahat ng mga tanong nya,nagpaalam na aakyat muna ako sa kwarto. Kailangan ko yun para mapag isa. Hindi na din maalis sa isip ko ang alaala ng honeymoon namin so...I need a shower. ASAP.



-----  




UD UD habang may time pa hehe. 


Hello sa lah

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 397 25
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
19.1K 694 35
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone
79.5K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
214K 8.8K 90
Does he really feel complete?