Sana Ako Naman (HBB #2) (Self...

By Levelion

1.1M 20K 3.5K

Si Felise Ann Espinoza ay walang swerte sa pag-ibig. Lagi nalang siyang second option ng mga lalaking minamah... More

Sana Ako Naman (HBB Series #2)
Prologue
1 Kabanata
2 Kabanata
3 Kabanata
4 Kabanata
5 Kabanata
6 Kabanata
7 Kabanata
8 Kabanata
9 Kabanata
10 Kabanata
11 Kabanata
12 Kabanata
13 Kabanata
14 Kabanata
15 Kabanata
16 Kabanata
17 Kabanata
18 Kabanata
19 Kabanata
20 Kabanata
21 Kabanata
22 Kabanata
23 Kabatana
24 Kabanata
25 Kabanata
26 Kabanata
28 Kabanata
29 Kabanata
30 Kabanata
31 Kabanata
32 Kabanata
33 Kabanata
34 Kabanata
35 Kabanata
36 Kabanata
37 Kabanata
38 Kabanata
39 Kabanata
40 Kabanata
41 Kabanata
42 Kabanata
43 Kabanata
44 Kabanata
45 Kabanata
46 Kabanata
47 Kabanata
48 Kabanata
49 Kabanata
50 Kabanata
51 Kabanata
52 Kabanata
53 Kabanata
54 Kabanata
55 Kabanata
56 Kabanata
57 Kabanata
**WAKAS**

27 Kabanata

16.8K 296 75
By Levelion

27 Kabanata
I will never forget you

----------

Hindi na ako nag-abalang isipin pa kung sino nga ba ang kilala kong may balat rin sa batok. Sa dami ng mga nakikilala kong tao, iilan lang naman ang natatandaan ko roon, at yon ay ang mga taong interesado ako.

Habang tumatagal ay bumibigat na ang mata ko, kaya ipinikit ko na ang mga ito habang patuloy ako sa pagsuklay ng buhok ni Humpy, gamit ang kamay ko.

Paggising ko ay agad akong napabangon ng mapansin kong nasa kwarto na ako ni Humpy. Sa pagkakatanda ko ay nasa teepee tent kami kanina.

Napakunot ang noo ko ng hindi ko makita sa tabi ko si Humpy, pero sigurado akong binuhat niya ako papunta rito.

Tinignan ko ang sarili kong nakapulupot ng comforter, wala parin akong kahit anong saplot. Lahat ng mga nangyari sa amin ni Humpy kanina, lahat yon hindi panaginip, ramdam ko rin sa ibaba ko ang resulta ng napunit na balat sa loob nun.

Tinignan ko ang alarm clock na nasa bedside table at nakita kong alas dos na pala ng madaling araw. Pero nasaan si Humpy?

Bumaba ako sa kama at ipinulupot sa katawan ko ang comforter. Sumilip ako sa balcony ng kwarto ni Humpy. Napangiti ako ng makita ko siya roon, nakatukod sa railings ang isa niyang kamay, nakatalikod siya at may kausap sa cellphone. Nakaputing boxer shorts lang siya at kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya, mula sa kanyang malapad na likod, tight waist at buff butt.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan papuntang balcony, ng hindi namamalayan ni Humpy.

"Tapos na ako, hindi sumagi sa isip ko na darating ako sa ganitong punto. Hindi ko na alam ang gagawin ko, basta alam ko. Hindi ko na siya ka-"

Napatigil si Humpy sa pagsasalita ng yakapin ko siya mula sa likuran niya. "Just go on." Sabi ko sa kanya habang hinahalik-halikan ko ang likod niya.

"Mag-usap nalang tayo bukas. Bye." 'Tsaka niya binaba ang cellphone niyang nakatapat sa kanyang tenga.

"Sino yun? Di ba ako nakaistorbo sa usapan niyo? Mukhang seryoso e, tapos nung dumating ako, bigla mo namang pinutol yung usapan niyo."

Humarap siya sa akin at niyakap niya ang mga kamay niya sa baywang ko, idiniin niya pa nga ang sarili ko sa kanya.

"Gusto ko kasing sulitin ang mga oras na kasama kita. Gising ka na kaya sayo na ulit ang oras ko." aniya habang nakangiti siya sa akin.

"Alam mo, mas lalo kang naging sweet."

"Kasi nga," hinawakan niya ang baba ko at itinaas yon, 'tsaka niya binaba ang mukha niya na halos gahibla nalang ng buhok ang pagitan sa mukha ko at halos maglapat na ang mga labi namin. "Mahal kita." aniya.

Pakiramdam ko ay nagwawala na naman ang puso ko sa tuwa ng marinig ko ang salitang yon kay Humpy.

"You're being vocal. Ganyan ka ba after sex?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ganito ako, before and after sex." Ngumisi siya at saka niya ako hinalikan sa labi at binuhat na para akong bride. "Round two? You ready?" Tanong niya sa akin.

Nagulat ako sa tanong niya pero ng makabawi ako sa pagkagulat ay nakangiti akong tumango sa kanya.



Hapon na ng magising kami ni Humpy dahil sa magdamag at paulit-ulit naming pagniniig. Paggising ko nga kinabukasan, para bang napakagaan ng pakiramdam ko. Last night is so magical, pakiramdam ko ay isang fairytale ang nangyayari sa'kin, and I'm with my prince.

Ngayon naman paggising ko ay may dala-dalang pagkain si Humpy para sa'kin.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Are you still sore?" Tanong niya sa akin habang nakaupo siya sa likuran ko at hinahalik-halikan niya ang balikat ko, habang hinahaplos niya ang braso ko.

"Pinuyat mo'ko kagabi, masyado ka pang aggressive kaya paanong hindi ako ma-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan ako ni Humpy sa labi. Mabilis lang yon, pero pakiramdam ko nawala na naman ako sa sarili ko dahil doon.

"But you like it. Your body is irresistible and I can't control my buddy down there." Aniya habang pilyo siyang nakangiti at saka niya muling hinalikan ang balikat ko.

Alas singko na ng maihatid ako ni Humpy sa apartment. As usual ay hindi kami nakapasok ngayong araw.

Pagpasok ko sa bahay ay mabigat ang katawan kong pumasok ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama ko ng nakadipa. Napangiti pa nga ako ng maalala ko na naman ang mga nangyari sa amin ni Humpy.

Pagdating ni Nichole ay nakapagluto na ako ng tinola at agad akong nagkwento sa kanya.

"Congrats! Di ka na virgin, cousin!" Tila nagbubunying sabi ni Nichole.

"Ang akala nga niya di na talaga ako virgin."

"Talaga?" Sabay tawa niya. "Kung sa bagay, base sa pormahan mo. Mukha talagang di ka na virgin. Masyado ka kasing daring manamit kung minsan, hindi pala...madalas. Try mo magsuot ng sweatshirt o kaya yung three fourths na hindi gaanong nakikita yung cleavage mo. Alam kong malaki yang dibdib mo, pero wag mong ipaglantaran, cous."

"Oo na. Aminado akong dahil sa pananamit ko kaya niya ako napagkamalang ganon. Akala niya may experience na ako sa ganon. Pero hindi naman sa damit nasusukat kung virgin o hindi ang isang babae diba?"

Tumango sa akin si Nichole. "Naloko mo siya dun, cous. Anyway, kamusta naman ang first experience? Magkwento ka! Bilis na! Nagkwento ako sayo nung first time ko, kaya dapat ikaw rin. Dapat kasing detailed ng kwento ko noon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero wala akong nagawa kung di ang detalyadong ikwento sa kanya ang mga nangyari sa amin ni Humpy. Hindi naman ako gaanong nahiya kay Nichole, siguro dahil comfortable na talaga ako sa kanya. Panay pa nga ang tanong niya sa akin ng mga bagay na medyo awkward sagutin.

"So, you mean. Walang condom? Tapos sa loob? My God! Cous, good luck sa nine months." nakangiting sabi ni Nichole.

"Hindi lahat ng mga hindi gumagamit ng condom nakakabuntis. Pwede ba, hindi pa mangyayari yon no!"

"What if mangyari?"

"A basta, hindi ko nararamdaman na magbubunga yon ng nine months."

"Fine."

Bago ako matulog ng ay sinubukan ko pang tawagan si Humpy, kaya lang ay hindi ko siya ma-contact, kaya tinext ko nalang siya pero hindi naman siya nag-rereply kaya natulog nalang ako.

Kinabukasan paggising ko ay agad kong tinignan ang cellphone ko para i-check kung may missed call o text si Humpy, pero wala.

Papasok na ako sa EMU ng tawagan ko siya pero laging busy ang phone niya. Hindi rin siya nagre-reply sa mga message ko. Ayan na naman siya. Pinahihirapan na naman niya ako.

Hindi kaya nagpapa-miss lang ang lalaking 'to sakin?

Dumating ang vacant time ko. Halos hindi ako makakain ng maayos kakahintay ko ng tawag at text ni Humpy, sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi ko parin siya ma-contact. 

Alam kong busy siya, busy rin naman ako. Pero ano ba naman yung kahit isang text message lang ang ipadala niya sa akin. At dahil nauubos na ang pasensya ko kakacontact sa kanya ay si Daren naman ang tinawagan ko, though nahihiya narin ako sa kanya dahil lagi ko siyang tinatawagan kapag kailangan ko lang siya.

"Hi, Felise. Masyado mo yatang pinagod si Humpy at hindi pumasok ngayon? Ano bang maipaglilingkod ko sayo?" Bungad ni Daren.

"Wala si Humpy dyan? Hindi siya pumasok?"

"Oo, hindi mo alam? Akala ko naman pinagod mo kaya hindi nakapasok."

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Wala ba siyang sinabi sa inyo? Kasi hindi ko siya ma-contact e, kanina pa ko tawag ng tawag at text ng text sa kanya."

"Tinawagan mo na ba sa bahay nila? Baka nilagnat ulit." Sabay tawa ni Daren.

"Sige tatawag nalang ako sa kanila. Pasensya na sa istorbo ha?"

"Okay lang. Sanay na ako." 'Tsaka siya tumawa ulit.

Nasaan na ba si Humpy? Kahapon kasama ko lang siya at ngayon nawawala naman siya.

"Felise sa friday nga pala, fiftieth anniversary ni mommy at daddy. Gusto sana kitang imbitahan, pwede ka ba? Gustong-gusto ka makita ni mommy e, madalas kasi kitang maikwento sa kanya noon. Kahit saglit ka lang sa party. Ihahatid-sundo kita." ani Calvin na katabi kong kumakain ng chicken salad.

"Okay sige."

Napangiti naman siya sa sagot ko. "Salamat, Felise. Maraming-maraming salamat."

"Walang anuman."

"Pero napapansin ko, kanina ka pa tahimik at parang malalim ang iniisip. May nangyari ba sa inyo ni Humpy? Nag-away ba kayo?"

Umiling ako sa kanya. "Wala 'to. Okay kami, we didn't fight pero...hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Hindi ko kasi siya ma-contact kagabi pa." Pagkukwento ko sa kanya.

"Tinawagan mo na sa bahay nila?"

"Hindi pa nga e, kaya balak ko siyang puntahan mamayang uwian."

Pagkauwian ay nag insist si Calvin na ihatid ako kanila Humpy. Pinapauwi ko na nga agad siya, pero mabuti nalang at nagpumilit siyang hintayin ako dahil wala si Humpy sa bahay nila. Wala parin sila tita Aurora at tito Julio, dahil the day after tomorrow pa ang balik nila, ngayon kasi talaga ang anniversary nila. Hindi naman alam ng mga katulong kung nasaan si Humpy, ang akala nga ng mga ito ay pumasok ito ngayon.


Dalawang araw ang lumipas at wala man lang paramdam sa'kin si Humpy at maging sa mga kaibigan niya.

Naiinis ako sa kanya dahil pagkatapos ng pinagsaluhan naming masayang gabi nung monthsary namin ay bigla nalang siyang nawala ng hindi niya sinasabi kung saan siya pupunta. Two days. Two days na siyang hindi nagpaparamdam sa'kin, walang tawag, walang text.

Naiinis ako at natatakot at the same time. Paano kung pagkatapos ng mga nangyari sa amin ni Humpy, bigla siyang nawalan na ng gana sa akin. Baka nga kaya sobrang sweet niya sa'kin nun kasi huli na pala yon, kasi iiwan niya na ako.

Dire-diretcho kong tinungga ang pangatlong bote ng beer, habang nakaupo ako rito sa sala at nakaharap sa TV, nanonood ng isang movie na hindi ko naman maintindihan dahil hindi ko magawang i-focus doon ang atensyon ko.

"Felise! Bakit ang dilim naman dito?" Dinig kong sabi ni Nichole pagpasok niya dito sa apartment.

Agad niyang binuksan ang ilaw at tumambad sa kanya ang ilang mga bote ng beer na pinag-inuman ko, pati mga balat ng junkfood na pinulutan ko.

"Felise! Ang dami mo ng nainom ha! Tigil mo na nga yan." Saway niya sa'kin at saka siya pabagsak na naupo sa tabi ko. "Wala ka parin bang balita kay Humpy? Diba nakauwi na ang parents niya ngayon? Pumunta ka ba sa kanila?"

"Hindi pa."

"Saan ba kasi pumunta yung Humpy na'yon? Lokong yon, biglang nag disappearing act nung may nangyari na sa inyo. I didn't know na ganun siyang klaseng lalaki."

"Hindi naman niya ako iiwan diba, Cole?" Tila lugmok kong tanong sa pinsan ko, habang ang mga tingin ko ay nasa boteng hawak ko at panay ang pagbuga ko ng malalim na hininga.

"I don't know. Mahirap unawain si Humpy e, lalo na't hindi ko naman siya gaanong kilala. Pero, bilang pinsan mo, syempre ayokong iwan ka niya. Kasi ayokong masaktan ka na naman." Napahikbi ako sa sinabi ni Nichole, mabuti nalang nandito ang pinsan ko para palakasin ang loob ko.

Hindi ako halos makatulog habang iniisip ko kung ano na bang nangyayari kay Humpy. Lumayas ba siya sa kanila o talagang pinagtataguan niya ako dahil may nangyari na sa amin?

Why you're too unpredictable, Humpy?

Muli kong sinubukang tawagan si Humpy ng maghahating gabi na at nagulat ako ng mag-ring na ang cellphone niya, dipende nalang kung sasagutin niya o hindi ang tawag ko. Pero laking tuwa ko ng sagutin niya nga iyon.

"Hello." Parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa lamig ng pagkakabati sa'king iyon ni Humpy.

"Thank God! Humpy, nasaan ka? Bakit hindi ka man lang ba nagpaparamdam? Alam mo bang sobrang nag-aalala na ako dito, kung anu-ano na kasing pumapasok na hindi maganda sa isip ko. Humpy, do you have a problem? Tell me, pakikinggan kita."

"Felise, I'm sorry."

"Sorry? B-Bakit ka nagso-sorry?" Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Humpy ngayon, natatakot ako.

"It has been so great getting to know you, but I think...I'm not the one for you."

"Ano bang pinagsasasabi mo, Humpy?"

"Felise. I wanna break up."

"What?" Tinawanan ko siya at kinukumbinsi ang sarili kong nagbibiro lang siya, kahit na mukhang wala sa bokabolaryo niya yon. "Ano ka ba Humpy, magseryoso ka nga!" Tumatawa ako pero ramdam ko na ang pamamasa sa gilid ng mga mata ko. Pakiramdam ko rin ay pinipiga ang dibdib ko.

"Matutulog na ako, Felise. Salamat kasi sa maikling panahon, may isang tulad mo na minahal ako. I will never forget you."

"Humpy, sanda-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng i-end call na ni Humpy ang tawag ko.

Bakit? Bakit bigla-bigla siyang nakipag break sa'kin? Hindi ba panaginip ang lahat ng 'to?

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay napaupo ako sa lapag at isinubsob ang mukha ko sa kama at saka ako humagulgol roon.

Naninikip ng sobra ang dibdib ko at pakiramdam ko ay may kung anong nakabara rito. Ang sakit, sa lahat ng break up na pinagdaanan ko. Ito na yata ang pinaka mahirap tanggapin, katumbas ng sakit na nararamdaman ko ngayon, ang pinagsama-samang sakit na naramdaman ko sa mga nakalipas na break up na pinagdaanan ko.

I felt like, this is the break up that shattered my heart into a million fvcking pieces.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

762K 15.7K 52
Maraming taong hopeless romantic, maraming pinaniniwalaan pagdating sa pag-ibig. Destiny, serendipity, soulmate at kung anu-ano pa. Nandyan pa nga an...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

85.8K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
72.3K 3.6K 47
"Seoul gave me a lot to hold on to. From creating good memories to bad heartbreak. From life lessons to applying it. Seoul taught me that love is unc...
4M 108K 45
Fresia wanted to love Richard. She tried for three years, pero walang nangyari. She thought that she wasn't capable of love because she wasn't shown...