Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 2: Cosplayer

739 35 3
By AyhenPey

Chapter 2

Paulit-ulit na nag p-play sa utak ko yung kataga ng loka lokang si Fyglia. Kasintahan ko daw siya... Tch! Ano ba naman ito? Pasalamat na lang talaga ako at hindi naman siya kasama. Naku, mawawalan na ako ng loob na ligawan pa siya. Pero hindi pa din talaga good thing na sinabi niya iyon lalo na sa mga kaibigan ko.

Grabe wala silang tigil sa pang-aasar sa akin. Badtrip! Sumama pa kasi itong Fyglia na ito pauwi. Ano ito titira siya sa amin? Hayss.

"Taga saan ka Ms. Fyglia?" tanong ni Miguel na walang hiya.

"Nakatira ako sa Faylinn." sagot niya, nung tignan ko yung mukha ni Miguel. Nakakunot ang noo nito at hindi magets ang ibig sabihin ni Fyglia.

"Ah, saan iyon?" singit naman ni Patrick. Nakasakay kami ngayon sa Van ni Isaiah at nasa front seat si Louie at kami nila Fyglia at Miguel dito sa backseat. Peste!

Tinignan ko si Fyglia at mukhang nag-iisip siya.

"Manahimik na nga kayo, mga peste kayo iniwan nyo ako.." sabi ko na lang

"Uyy si Caloy nagtatampo.. Ok lang yan may chicks ka naman na uwi eh"

"Oh shut up!" tapos sumandal na ako sa bintana. Mabuti dito ako nakapwesto at nasa gitna namin si Fyglia baka bugbog sarado na itong si Miguel sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng katabi ko pero hindi ko siya sinagot. Nababadtrip talaga ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya na Fairy daw siya. Wala namang ganoon eh! Sa libro at palabas lang iyon nag e-exist! Pero hindi ko pa rin maiwasan magduda sa mga nakita ko kanina. Hayss, sumasakit ang ulo ko dito!

Kailangan ko ng makauwi, paniguradong patay na naman ako sa kapatid ko nito. Baka wala pang hapunan iyon.. Kasi naman hindi matutong magluto eh, laging umaasa sa akin.

"Lalim ng iniisip mo pare ah" napatingin ako sa rareview mirror at tinignan ko si Isaiah. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "-nagtext sa akin kapatid mo, sabihin ko daw sayo. Wala ka daw kwentang kuya. Nakikain na lang daw siya sa kapit-bahay"

"Hayss, kapal talaga ng mukha" sabi ko. Kainis talaga yang Lynlyn na yan. Pero wala akong magagawa. Gumimik ako kaysa intindihin ang kapatid ko. Eh kung hindi lang ba kami iniwan ng mga magulang namin hindi sana magkakaganito. Gusto ko pang mag-aral pero wala eh, kailangan ko ng mag trabaho at rumaket para may gagastusin kami ng kapatid ko araw-araw. Mabuti na lang talaga at scholar siya sa pinapasukan niya. Dahil patay talaga kami nito.. Hindi kaya ng sweldo ko magpaaral.

"Saan ang bahay mo Fyglia?" tanong ni Louie

"Napag desisyunan namin ni CL na magsama na sa iisang bahay.."

"WOAH!" sigaw ng apat. Bigla akong napatingin kay Fyglia at nakangiti siyang nakatingin sa mga kaibigan ko. Napahampas na lang ako sa noo sabay sabunot ng buhok ko. Peste may dumagdag pa sa palamunin ko. Anong gagawin ko sa babaeng ito? Leche lang!

Nakarating na kami sa bahay habang itong loka loka na kasama ko tinitignan ang bahay namin.

"Ang ganda naman ng tirahan nyo."

"Tch" tapos pumasok na ako sa loob. Baka panget kamo, hindi kaya matiis ng mga kaibigan ko ang liit ng espasyo ng bahay namin kaya paanong naging maganda ang bahay namin? Derederecho lang ako sa loob at binuksan ko ang ilaw.

Hindi pa rin umuuwi ang magaling kong kapatid. Umupo naman sa sofa itong si Fyglia.

"Saan ang tulugan ko?" inirapan ko sya at dumerecho sa kusina para uminom ng tubig. Kitang ang liit ng bahay na ito naghanap pa ng sariling kwarto. Siksikan na nga kami ni LynLyn sa higaan dahil iisa lang ang kwarto dito.

"Dyan ka matulog" ayaw ko namang maging bastos. Tinatanong ako nung tao edi sagutin ko.

"Ganoon ba.."

Nung matapos kong inumin yung tubig lumabas na ako ng kusina. Napakurap ako dahil sa nakita ko. Nagpalit ng anyo si Fyglia. Yung kaninang suot niya ay parang bula na nag-iba ngayon. Wag nyang sabihin yan ang pantulog niya?

Nakatingin siya sa akin at nginitian lang ako.

"Mahilig talaga akong magpalit ng kasuotan. Mananahi kasi ang pamilya ko. Sige, magpahinga ka na din" sabi niya lumakad na lang ako sa harapan niya ng nakanganga at dumerecho sa kwarto namin. Pambihira.

Di nga tao ang kasama ko dito sa bahay. Pero bigla kong naalala yung itsura niya! Kaya dali dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Fyglia.

Pero pagkalapit ko sa kanya, nakahiga na ito at nakatulog na kaagad. Pero hindi pwede! Uuwi ang kapatid ko, baka anong isipin niya dito. Kaya tinapik ko si Fyglia sa balikat.

"Gumising ka muna.." panay ang tapik ko dito pero shet lang. Tulog mantika!

"Uy, gising.."

Wala na akong nagawa, niyugyog ko na siya. Aba! Talaga nga namang ayaw magising nito!

"Nandito na ko!!!" biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kapatid kong tuwang tuwa pero bigla din nawala ang tuwa ng makita niya kung sino ang kasama ko.

"WAAAAAAAAAAH!!!" wala pang ilang segundo ay sumigaw na siya. Sinasabi na nga ba eh.. Patay ako nito. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nakikita niya. Eh kasi naman po si Fyglia, naka pang fairy ang suot. Mahaba ang tenga nito at kumikintab ang dress basta di ko madiscuss. Pati parang tinkerbell yung suot niya, naka tube at maikli ang palda.

Hayss, ano ba naman ito CL... Yun pa talaga ang napansin. Bigla namang nagmulat itong babae na kanina ko pa ginigising. Umayos siya ng upo at tinignan ang kapatid ko.

"Sino ka?" tanong niya.

"Ako dapat ang magtanong nyan sayo.." mataray na sagot ng kapatid ko. Napahampas na naman ako sa noo ko. Mukhang nag-iisip pa si Fyglia ng isasagot. Pero nagsalita na naman itong kapatid ko.

"KUYA! Akala ko ba si Kaylee ang gusto mo? Eh bakit nag uwi ka na ngayon ng ibang babae? Nabuntis mo ba yan?"

Ay pusang gala! Napatayo ako at dinutdot ang kapatid ko.

"Manahimik ka nga, di ko nabuntis yan! Di ko nga--" di ko napagpatuloy ang sasabihin ko ng tumayo si Fyglia at lumapit sa aming magkapatid.

"Pasensya na kung dahil sa akin nag-aaway kayo. Aalis na ako." tapos humarap siya sa akin. "-CL, maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin sa tahanan niyo, wag kang mag-alala di na ko titira dito. Para hindi na kayo mag-away.." tapos lumakad siya sa pintuan at lumabas.

Natahimik kaming magkapatid. Di ko alam I suddenly feel pity for her. Wala siyang tutuluyan! Saan siya pupunta?

"Kuya, ano bang nangyayari?" di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Baka isipin nito nababaliw na ako pero I think maiintindihan naman niya. "-pati bakit ganoon ang itsura noon? Saan mo ba napulot yun? Cosplayer ba siya? Parang impossible naman na maging mahirap ang isang Cosplayer, pinagkakagastusan nga nila ang mga costume nila eh."

"Haist! Shut up LynLyn. Pagpaliwanagin mo muna ako okay?" kumunot lang ang noo niya.

"Di ba naghiking kami kanina? Maniwala ka man o sa hindi, diwata o Fairy yung nakita mo kanina. Kumabaga naengkanto kami kanina tapos sumama siya sa amin pag-uwi." haisst, napakamot ako sa ulo ko. Di ako magaling sa paliwanagan eh.

Mas lalong kumunot ang noo ng kapatid ko. Hindi nga niya naintindihan.

"Kuya, wag mo nga akong pinaglululuko!" sigaw niya sa akin.

"Hindi nga ktia niloloko! Fyglia pangalan niya! Sabi niya sasama siya sa akin dito dahil may kailangan akong pagbayaran. Wala nga akong ginagawa doon kanina, bigla na lang yung lumitaw na parang bula! Nagpipicture picture lang ako doon eh" depensa ko.

"Hayss, ewan ko sayo. Nakadrugs ka ba? Sabihin mo, nabuntis mo yung cosplayer na yun o GRO sa may club kaya nandito. Palusot mo lang yang diwata diwata na yan.. Di bebenta sa akin yan!" tapos tinalikuran na nya ako at pumunta sa kwarto.

Hayss, sinasabi na nga ba. Di siya maniniwala.

Eh saan naman kaya pupunta yung Fyglia na yun? Alam ba niya ang mga lugar dito? Napalundag ako sa gulat ng biglang kumulog at bumuhos ang ulan. Bahala nga siya sa buhay niya! Umupo ako sa sofa, mamaya na ako papasok sa kwarto kapag tulog na ang kapatid ko. Mag wr-wrestling lang kami doon sa kama pag naabutan ko pang gising yun.

Aysus. Ang lakas ng ulan. Naiwan palang nakabukas yung pintuan kaya nung humangin ng malakas, sumarado ito. Tss.. Nagulat ako doon. May bagyo ba? Badtrip, wag naman may photo shoot kami bukas.

Bigla ko na namang naisip si Fyglia. Ano ba naman itong isip mo CL! Umayos ka nga, dapat maging masaya ka na nga dahil nilubayan ka na nung pesteng Fyglia na iyon. Pasakit lang yun sa buhay mo! Dapat magsaya ka dahil siya na mismo ang umalis.

Pero biglang nagtaasan ang balahibo ko. Napatingin ako sa bintana. May puno kasi kami ng mangga sa labas. Hindi naman ako namamalikmata pati hindi ako nagd-drugs o ano pang makakasira sa utak ko. Pero kasi parang nagkaroon ng mata na napakalaki yung puno. Tapos yung sanga niya biglang gumalaw.

Tanga ka CL! Kita mong umuulan at ang lakas ng hangin, natural gagalaw yun! Pero hindi eh.. Kinurap ko ulit ang mata ko at may mata nga ang puno ng mangga! Kahit natatakot na ako sa nakikita ko. Nilapitan ko yung bintana namin para masilip kung totoo nga ba ang nakikita ko.

Napaupo na lang ako sa sahig nung tumingin sa akin yung malaking mata at tinignan ako ng masama.

"Putang ina" yung sanga nung puno humaba. Bumukas ang bintana at yung sanga pumasok doon. Atras ako ng atras dahil lumalapit sa akin yung sanga. Shet!!! Ano ba itong nakikita ko?!

"LYNLYN!! LYNLYN!! LYNLYN!! " sigaw ako ng sigaw hanggang sa sumandal na ang balikat ko sa sofa. Puta! Ito na ang sanga! Sinisipa ko ito pero bigla nalang pumulupot ang sanga sa paa ko.

"LYNLYN!" sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw. Hindi ba ako naririnig noon? Anong gagawin ko? Naeengkanto na naman ba ako? Nasaan si Fyglia? Kamag anak niya ang mga lamang loob na ito.

Eh wala na pala siya. Umalis na.

Feeling ko mahahati ang buto sa paa ko sa sobrang higpit nung pagkapulupot nito sa akin.

"AHHH!!!!" Inabot ko yung walis sa tabi nung sofa at pinaghahampas ang sangang hinihigit ang paa ko. Nanaginip lang ako! Hindi totoo ito pero hindi eh! Ramdam na ramdam ko ang sakit! Hanggang sa tuluyan na ako nitong hinigit.

"AHHH!" nakita ko ang sarili ko na tatama sa bintana. Shet! Di kasya ang katawan ko dyan! Hindi naka sliding window ang bahay namin! Waaah!! Malalasog ang katawan ko! Bigla ko na lang sinigaw ang pangalan niya at pumikit.

"FYGLIA!!!!!"

Nakarinig ako ng kung ano anong tunog something bush-y-bush-grurrwll pero pinatili kong nakapikit ang mata ko. Teka, bakit hindi ata ako nauntog or tumama doon sa bintanang iniisip ko kanina? Di kaya? Nakain na ako nung puno?

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakahiga ako sa sofa. Napabangon ako at nakita ko si Fyglia na nasa harapan ko. Iba na naman ang suot niya pero mukha na siyang tao ngayon. Naka tshirt at short lang tapos itim na kulot na ang buhok niya.

"Anong nangyari?" tanging natanong ko.

"Ginambala ka nila.. Pasensya ulit, pati ikaw ginugulo ng mga kaibigan ko."

"Wha--" di ko na tinapos. Nagets ko na din. Ka friendship siguro niya ang mga halaman, natural diwata siya eh.

"Aalis na ako.."

"Saan ka pupunta?" bigla kong tanong.

"Kahit saan.." tapos lumakad na siya sa may pinto.

Bigla ko na namang naalala yung pangyayari kanina. Bahala na! Hinabol ko siya, nakalabas na kasi siya at shemas umuulan pa din! Hindi ba siya natatakot na baka magkasakit siya? Panay ang lakad nito kaya hinatak ko ang braso nito.

Hindi man lang tumingin sa akin.

"Wag ka ng umalis."

"Hindi ba s--"

"Puta! Nakakatakot yung nangyari kanina! Kailangan kita baka mangyari ulit yun!"

Humarap sya sa akin at nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Hindi ko na ulit hahayaang mangyari yun." biglang may dumaan na kotse. Nung nakita ko ang plaka noon. Nilayo ko si Fyglia at pumasok ako sa loob ng bahay. Bigla akong kinabahan, sana wala siya sa loob noong kotse, sana wala doon si Kaylee.

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...