Jeepney Overdrive

By CreepyCree

160K 1.3K 663

-- ON GOING --- “LOVE comes from the most UNEXPECTED places...” Sa pagsakay sa isang jeep, puwede, isang ar... More

PROLOGUE
Meet the Characters
J.O Chapter 1
J.O Chapter 2
J.O Chapter 3 part 1
J.O Chapter 3 part 2
J. O Chapter 4
J.O Chapter 5 part 1
J.O. Chapter 5 part 2
J.O Chapter 6
J. O. Chapter 7
J. O. Chapter 8
J. O Chapter 9
J. O. Chapter 11
J. O. Chapter 12
J. O. Chapter 13
J. O. Chapter 14
J. O. Chapter 15
J. O. Chapter 16
J. O. Chapter 17
J. O. Chapter 18
J. O. Chapter 19
J. O. CHAPTER 20
Jeepney Overdrive FAQ's
J. O. Chapter 21
J. O. Chapter 22
J. O. Chapter 23 part 1
J. O. Chapter 23 part 2
J. O. Chapter 24 part 1
J. O. Chapter 24 part 2
J. O. Chapter 25
J. O. Chapter 26
J. O. Chapter 27
J. O. Chapter 28
J. O. Chapter 29 Part 1
J. O. Chapter 29 Part 2
J. O. Chapter 29 Part 3
J. O. Chapter 30
J. O. Chapter 31
J. O. Chapter 32
J. O. Chapter 33
J. O. Chapter 34
J. O. Chapter 35
J. O. Chapter 36
J. O. Chapter 37
J. O. Chapter 38
J. O. Chapter 39
J. O. Chapter 40 (CORRECTED)
J. O. Chapter 41
J. O. CHAPTER 42
J. O. CHAPTER 43
J. O. Chapter 44
J. O. Chapter 45
J. O. Chapter 46
An apology
J.O. Chapter 47
J. O. Chapter 48
J. O. Chapter 49
J. O. Chapter 50

J. O. Chapter 10

2.7K 23 4
By CreepyCree

CHAPTER 10

Duyan...

Maaliwalas ang paligid, hindi mainit ang mataas na sikat ng araw na sinasabayan ng bahagyang paghangin. Doble ang kalat na makikita sa school ground ng St. Claire, kasabay ng mga iba’t ibang booth na tinayo ng mga istudyante meron din nagbukas ng food stand. Ang supposed to be ‘Linggo ng Wika’ ay tila ba naging school week na.

“Lilo, anong show sa gym ngayon?”

“Dance Contest lang...”

“Maganda yun ah! Tera Vivi, nood tayo.”

“Hindi naman gaano, kasi traditional dance eh.. tinikling, bao dance, mga ganun-ganun.”

“Ay boring...”

“Kaya nga haha, dun tayo may binbentang mga anime stuffs doon.”

“Sige.”

Kung hindi nanonood sa gym ang mga istudyante, sinusulit nila ang booth na nagtitinda ng mga bagay na mabenta sa mga kabataan. May kissing booth na ang nakapwesto sa ngayon ay si Bianca, kasama pa rin ang dalawa niyang alalay na sina April at Jannine. Pinapasa niya sa dalawa ang gusto makakiss pag hindi niya type.

“Bianca, bakit naman lagi na lang yung mga nerd... at panget yung pinapakiss mo samin.” Naka-limang halik na si April bago niya napansin ang ginagawa ni Bianca.

“Ano naman masama... at least diba may nagagawa kayo.”

“Penge naman kaming pogi, maraming pogi rin sa mga 2nd year eh...” sinamahan ng doggy eye ni Janine ang pakiusap.

“No.” pero matigas talaga si Bianca.

Ang tambayers ng rooftop ay nagtipon-tipon uli, pero di gaya ng dati kulang ang grupo nila at 4 sa kanila ang malayo ang kinauupuan. Umaalingasaw ang mga ubo at singa ni Jessie sa rooftop.

“Jessie... mabuti pa higa mo na yan.” Payo ni Mae.

“I’m ok, ok?” bumaling siya kina Nico na tahimik lang din at kinakapa ang mga pasa. “Naghanap ba kayo kagabi o nakipag-away lang? *sniff*”

“Parehas.”

“Napaaway lang kami Jessie, hehe dota stuffs you know.” Ngumiti si Kirby pero hindi ito binili ni Jessie.

“Wag kang ngumiti alam kong hindi ka ok.”

Kumamot lang siya sa ulo.

“Pero Jessie, sabi mo nakita mo na siya... saan ba yun? Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita.” Si Mae lang ang nakakaalam sa nangyaring hanapan kagabi.

Sasabihin ko na ba... *sniff* masisira ang tingin nila kay Grace pag sinabi ko na sa makasalanang eskinita ko siya nakausap... “Diyan lang sa tabi-tabi... aaaah! Sakit ng buto ko!” tumayo siya at lumapit kay Ralph, nakatanaw siya sa mga tao sa baba.

“Ooooh~ ang daming food stand... OI! Nico! Libre mo ako mamaya pagbaba!”

“Oo na.”

“Ralph... anong tinitignan mo diyan?”

“Wala naman, nanonood lang.”

“Ah... hmm” inikot ang mata... na nabaling sa babaeng mahaba ang buhok na sumilip lang sa gate pagkatapos ay umalis na. Grace! Nagulat sina Nico sa pagtakbo niya ng walang pasabi, hindi na siya naabutan nina Nico at Ralph dahil pagdating nila sa baba ay natabunan na ang daan ng maraming istudyanteng nakaistambay.

“Ralph... ano bang nakita niya bat siya nagmamadali?”

“I don’t know.”

Ayun lumiko sa kaliwa! Tinuloy niya ang paghabol sa kabila ng mabilis niyang pagkahingal gawa ng sipon. Hindi siya nakauniform... papunta ba siya sa Northdridge, sa school for boys.. na pang mayayaman lang din?

 

Tumigil sa paglalakad si Grace para bumili ng candy sa nadaanang takatak boy, nahagip ng mata niya ang anino ni Jessie sa malayo pero nang lumingon siya ay wala naman ito. Woosh~ Buti na lang nakapagtago ako aaachooo! Eeh... sipon, sipon. Pag sinundan ko siya ng ganito, makikilala niya ako... dapat siguro mag-disguise ako.

Nagcutting class nanaman si Justin, kung sa pamantasan nina Jerome laging walang class pagkat hindi napasok ang mga prof, sa Grandline International University na isang Japan base Sr. High at College school always present ang mga prof nila. Hinubad niya ang blazer na school uniform, pang-iwas sa mga puwedeng magsumbong na hindi siya pumasok.

Trip niya ang dumayo ng mga computer shop at makipagcompete sa mga naglalaro. RO, DN, Dota, LOL, AF... sinusubukan niyang laging manalo pag nakikipag-duel. Papunta siya sa computershop na katabi lang ng Northdridge, diretso ang lakad niya hanggang sa mapansin niya ang babaeng nakauniform ng St. Claire, may takip ng panyo ang ulo na ang tali ay nasa tapat ng ilong nito. Kinulbit niya ito.

“Ei.”

Nagulat ang babae “AY KABAYO!!! BAKIT BA!” humarap siya sa kumulbit. eeeh!?

“Justin!”

“Jessie?”

“Anong ginagawa mo dito!?”

“Naglalakad... ikaw?”

May sinusundan... “Ha? Eeeh...”

“Parang may sinisilip ka eh? Nakatuwad ka pa diyan...”

“Ano... yung....” bakit kasi ang cute cute mo talaga, tinititigan mo pa ako na parang concern ka waaaah~ “Achooo!” nge!? “Sorry... hehe.”

“Sinisipon ka na... gala pa...”

“Hihi, yung classmate ko kasi... gusto ko lang malaman kung saan siya papunta.”

Nakatanaw si Justin sa gate ng Northbridge “Babae?”

“Ha?”

“Babae ba yung classmate mo?”

Oo nga pala si Grace! Tumanaw siya at bumalik sa pwesto niya sa gilid ng isang tindahan. Nasa likod lang niya si Justin. “Sino kaya ang hinihintay niya sa school na yan...”

“Baka kapatid niya...”

“Solong anak lang si Grace, hmm...”

“Exclusive school for boys yan eh.”

“Boys!?”

“Oo... lalake?”

“Hmm.”

Ngumingiti at masaya pa si Grace na nagiintay sa labas ng gate, nakatago pa rin sa may malapit na tindahan sina Jessie. Rinig ng bahagya ang bell ng school, may ilang istudyanteng ang lumabas at isa sa mga ito ay lumapit kay Grace.

“Kitams... lalaki.”

Wah! Iba ang mga ngiti at tingin niya sa lalaking yun... ahhh ganun pala uniform ng Northdrige katulad... katulad nung suot ng mga bumugbog kay Justin.... “JUSTIN!”

“Oo, taga diyan yung mga bumugbog sakin nung nakita mo ko... pabalik nga sana ako para bumawi hehe.”

Namataan na rin nila ang mukha ng lalaking kasama ni Grace. “Justin! *sniff* Siya! Isa siya! Diba?! Diba!?”

“Si Paolo...”

Naglakad sina Grace at Paolo paliko sa gilid ng school, kung saan madadaanan ang  terminal na may sakayan ng mga jeep na byaheng Greenbelt. Sumunod sina Jessie, lumilingon ang mga taong nadadaanan nilang dalawa sapagkat hindi pa rin inaalis ni Jessie ang panyo sa ulo at nagtatago siya sa likod ni Justin.

“Sumakay sila sa jeep...”

“*sniff* Oo nga, pero hindi tayo puwede sumakay sa sinakyan nila... makikilala nila tayo.”

Sa terminal, maraming tindera ng sari-saring mga tinda... shades na fake ang tatak, sumbrerong pang jejemon na fake ang tatak, earphones na fake ang tatak.

Hinawakan niya ang kamay ni Jessie at dinala sa isa sa mga tindahan. “Ate pabili nga po nito.”

Hawak niya ang kamay ko... waaah ang lambot ng kamay niya... wala siguro to ginagawa sa bahay nila... aaaah~ nakakahiya naman, kung alam ko lang hahawakan niya kamay ko... nag-alcohol man lang sana ako hihi.

Umandar na ang jeep, punuan ang sistema tipong upong otso lang dapat ang lahat. Madalas tumingin sa rear view mirror ng jeep ang dalawang taong nakasakay sa tabi ng driver. Bumulong ang naka jejecap at jejeshades sa katabi... “Naka shades ka na, alisin mo na yang panyo sa ulo mo.”

“Hindi puwede... alam niya tong hairstyle ko ee, makikilala niya ako.”

“Ah... Ok... hindi ka ba diyan nahihirapan, yung tali kasi na sa ilong mo.”

“Hehe ok lang ako...” nag-thumbs up pa siya kay Justin at kinilig... concern siya sakin ayiiiie.

Bumaba. Pumasok sa mall. Nag-gala. Sinusundan parin nila ang dalawa, pilit naman kino-contact ni Nico si Jessie pero nagriring lang ang cellphone niya at hindi sinasagot. Pumunta sa parte ng mall na mamahalin ang mga tinda sina Grace, tumungo sila sa isang bilihan ng mga damit.

“Pili ka ng damit na gusto mo... ako ang magbabayad.” Kumapit si Grace sa braso ni Paolo.

“Talaga?”

Ngumiti at siya tumango.

“Mahal mga damit don.”

“Weh?”

“Oo nga... mga classmate ko diyan din natingin, mga brand junkie kasi mahihilig sa mga pangalan ang binabayaran.”

Awtsy... ayaw niya sa mga brand junkie na katulad ko. “Hehe minsan naman kasi iba ‘rin talaga yung dating ng mga branded...”

Tumingin lang sa kanya ang si Justin na bahadyang naka kunot ang kilay. “Wala ka ba talagang balak alisin yang panyo sa ulo mo?”

Nahihiya niyang inalis ang panyo, pangiti-ngiti siyang nag-ayos ng sarili. Lumabas ang lalaking kasama ni Grace at may kausap sa phone. “Ayun lumabas na yung kasama niya...” sinamantala ito ni Jessie para makausap ang kaibigan, pag-pasok niya nagbabayad sa cashier si Grace at kita ng mga mata niya na sa mismong pitaka nito nanggaling ang pinambayad.

“Grace...?”

“Ikaw nanaman...”

“Concern lang talaga kasi ako.”

“Please, leave me alone... Ok, if worried ka na galit ako... I’m not, it’s just that please mind your own business Jessie. This is my life.”

“But Grace, you’re paying for him?”

“It’s his birthday ok... it’s just my present.”

“And where did you get that money?”

Naalis ang tingin ni Grace kay Jessie.

“Toy... sayo na lang.”

“Talaga po?! Salamat!” binigay ni Justin ang mga biniling jejecap at jeje-shades sa batang napadaan lang sa kinatatayuan niya, bago niya nilapitan si Paolo na papasok na sana uli.

“Wait.” Hinawakan niya ito sa balikat.

Lumingon siya na may kasamang pagtingin mula ulo-hanggang paa. “O? Bakit... gaganti ka na?”

“No... magtatanong lang.”

“Hehe, go.”

“I know you well, seryoso ka ba sa babaeng kasama mo.”

Tumanaw sila parehas sa loob ng store. “Hehe... dream ng iba sa school ang magka-gf ng highschool girl... you know why?” hindi kumibo si Justin. “Because they are curious about everything, to do anything to make us boys happy... if you know what I mean and aside from that willing sila na ibili ka ng kahit anong gusto mo hehe tignan mo tong relo ko, swatch yan... bili niya sakin last month.”

“You are not answering my question.”

“Fool, ofcourse I’m not serious... I’m just using her... alam mo birthday ko ngayon at may regalo ko sa mga subscribers ko sa blog ko kung ayaw mong isama ko sa blog ko ang kapatid mo... wag mo kong guluhin sa diskarte ko ok.” nasilip niya na palabas na si Grace. “Pag bumenta to, babayaran na kita. Istorbo.” Sinalubong niya si Grace na pilit ngumiti sa kanya dala-dala ang pinamiling damit, tumingin siya kay Justin at nagpatuloy na sila sa pag-alis mula sa store. Malayo na ang dalawa, lumabas na rin si Jessie na malungkot ang mukha at nanghihina.

“I can’t.... stop her.”

“She’s probably blinded.”

“Hays *sniff*, isa siya sa mga bumugbog sayo non... pakiramdam ko tuloy hindi siya safe sa lalaking yun.”

“Susundan pa rin ba natin sila?”

“Mamaya na muna siguro... nagututom na ako. Gusto ko ng siomai.” Tumunog ang tiyan ni Jessie.

“May alam akong mura. Pero... half-treat ko.”

“Half-treat?”

“Hehe, pag umulit ka ikaw na magbabayad.”

Ulk! “O-ok...” huhuhu nadala na siguro siya nung sa lugawan, huhuhu. Sapo-sapo niya ang tiyan habang naglalakad, nakasimangot at sinasamahan pa ng malimit niyang pagsinghot.

Haha para siyang bata... Tumigil si Justin.

“Bakit?”

“Fine, treat ko na rin... kahit mag double or triple order ka pa. hehe.”

Nagliwanag ang sikmura ni Jessie, natuwa ang tenga niya sa narinig pati na rin ang tiyan niya at bulsa. “Yeheeeey!! Lilibre uli ako ni Justin, lilibre ako ni Justin... wee!” napasayaw pa siya sa tuwa.

Magkholding hands while walking sina Grace, hindi maitago ng dalaga ang nararamdamang pagkabalisa. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang mga pag-uusap nila ni Jessie pati na rin ang sinabi sa kanya ni Kirby nung gabi. Hinigpitan niya ang hawak kay Paolo.

“Pao...”

“Ow.”

“Are you happy with me?”

“Oo naman bakit?”

“Hmm... wala naman.”

“Mamaya sa party mag-eenjoy ka, pakikilala kita sa mga kaibigan ko.”

“Hihi... owkei.”

You’re ok Grace... you’re ok, hindi ko dapat isipin yung mga sinasabi nila. Basta ako masaya ako... masaya ako sa kanya... masaya ako sa ginagawa ko... I don’t regret it...

Kasama ni Jerome si Bogart na nakatambay sa covercourt na malapit sa pamantasan. Libre ang wifi sa paligid nito dahil sa katabing government office na hindi marunong maglagay ng password. Sa katabing upuan nila ay may pinagkaka-abalahan ang ilang kalalakihan at kasama sa mga nanunuod si Kevin.

“May bago bang upload sa blog?” tanong ng isang nakikisilip.

“Oo tol marami.” Sumagot naman ang operator ng laptap.

“Andami na palang naupload ni Paolo eh no, andami na niyang categories ah.” Si Kevin na nakikisiksik sa harap ng laptap.

“Kaya nga eh, may categories ng iba’t ibang school... mapa highschool at college meron siya. Haha iba na anak ni kapitan.”

“Oi Tol, piliin mo yan... yan yung college na uploaded 2 weeks ago.”

“Sige sige, maganda yung babae sa thumbnail eh.”

“Ano ba yun?” tinanong ni Jerome si Bogart na nagtetext.

“Pornsite.”

“Di nga? Porn site na may categories na school?”

“Oo, si Paolo Victoria ang nagpapatakbo nun... kilala mo naman yun diba? Yung varsity ng Northridge yung forward nilang tinitilian ng mga cheerer natin.”

“Ah yun ba yun... diba bawal yun?”

“’Nung Bawal?... wala naman cybercrime law pang napapatupad at nakatago naman siya sa identity niyang Imbaman. Ibang ip ang gamit niya, galing us. Hindi siya madedetect ng basta bastang gamit lang ng pinas. Kumikita siya diyan kasi minsan bitin ‘yung preview, naka blurred yung mukha ng babae at maximum of 7mins lang... ayun kung gusto mo ng satisfaction, may bayad pag full vid.”

“Dami mong alam ah, subscriber ka rin niya?”

“Gago... OO naman.”

Pervert.

“Ang dami niyang nakukuhang highschool tol, ingatan mo kapatid mo.”

“Ganun? Pahingi nga ng picture niya, pag nakita ko sa fb ng kapatid ko aalisin ko.”

“Tsk hacker.”

“Gago sabi mo ingatan ko, alam ba ng mga babae na may mga video silang nagagawa?”

“Sa ilang napanood ko na mga college girls alam nila, actually maraming galing dito, sa mga highschool ako naawa kasi mga walang alam pa.”

“Weh? Pinapanood mo nga eh.”

“Loko hindi, hindi talaga.”

“Ay peste! Bitin! Oi! Bogs... login mo naman account mo dito. Share your blessings.”

“Ayoko nga, dito nalang tayo sa laptap ko.” Inilabas ni Bogs ang dalang laptap, binuksan, kumonek, nagopen ng browser.

Taena naka bookmark talaga. Nasa tabi lang si Jerome at sumisilip lang sa ginagawa ng barkada. Searching pa ang mga ito ng magandang panoorin, naaninag ng mata niya ang mukha ng isa sa mga nasa thumbnail.

“Teka Bogsie, click mo nga yan.”

“Ui, Jerome under ng highschool yan ah” kinantsawan siya ni Kevin, hindi niya ito pinansin. Nang mag-buff na ang video, nanlamig ng bahagya ang katawan niya at ng mag-play na ito.

It can’t be...

“Bakit Jerome? Hui, seryoso ka diyan ah...”

“Ka-uniform siya ng kapatid mo, sandali meron pa siyang video... kakaupload lang kagabi. Kilala mo siya Jerome?” sa kanya nakatitig ang dalawa at ang mga nakikinuod sa video.

Dapat malaman to ni Jessie, kailangan niyang mailayo ang kaibigan niya sa lalaking yun baka madamay pa pati ang iba. Pinatay niya bigla ang laptap, nabadtrip ang mga usi. Tinawagan niya si Jessie, hindi pa rin ito nasagot.

“Buwisit na... Kevin, Bogsie. Cutting tayo.”

“Ha? Bakit?”

“Tama ang kutob ng kapatid ko, kaibigan niya yung nasa video kanina... peste naman bakit ngayon pa siya hindi nasagot. San ba natin puwede makita yung lokong yun... yung Paolo!?”

 “May party siya mamaya sa Boredomkill Bar, sila may ari nun.”

“Teka-teka Jerome, hindi basta-basta ang babanggain mo... este natin. Baka pati mga subscriber niya sugurin tayo.” Natatakot na sumama si Kevin.

“I just want him to stay away from my sisters’ friend, marami pa naman siyang puwedeng makuha ah. Ayoko ng may connect siya sa kapatid ko, you don’t know what may happen.”

“Kung ayaw ni Kevin, ako sasamahan kita...”

“Salamat.”

“Sige na... sige na, sasama na.”

“San pala ‘yun?”

“Medyo malayo dito, gabi pa start ng party niya aabot tayo don.”

“YOSH!”

Nakapag-ikot na sina Jessie at Justin sa mall, madalas silang magtalo kung saan store papasok. Panalo lagi si Jessie, kahit sa pagbili ng pagkain... mauubus na ang nakalabas na pera ni Justin sa pitaka niya.

“Pasensya ka na ah hehe... ang takaw ko hihi *sniff*.”

“Ok lang, kailangan mo rin yan para gumaling yang sipon mo.”

“Nasan na nga pala yung shades at cap mo?”

“Pinamigay ko.”

Switch mood bigla si Jessie, lumungkot ang mukha niya at naisip ang kaibigan.

“I’m still worried.”

“Nakausap mo naman siya kanina ah.”

“Oo nga, eeh kaso ayaw naman niya makinig sakin. Natatakot lang naman ako na mapahamak siya sa ginagawa niya.”

“Maybe she’s happy with what she’s doing... kaya ayaw niyang makinig sayo.”

“I’m not a psychic but I know it if a friend of mine is trully happy or not... and I can see in her eyes that she’s not. At saka, wala ako tiwala sa mukha nung lalaking yun... pogi nga siya pero mukhang manyak. Hmmft. Binugbog ka pa niya, mas gusto ko tuloy siya sipain palabas ng earth!”

“Hehe... let’s bust him out, you like?”

“*sniff* Paano? Hindi na natin sila nasundan.”

“He told me about a gift for his-...” nakarinig siya ng ring ng cellphone. “I think your phone is ringing.”

Kinuha ni Jessie ang cellphone sa bulsa. “Oo nga.” Sinagot niya. “Oh kuya.. bakit?”

“Nasan ka! Bakit maingay ang background!?”

“Nasa mall ako... ikaw?”

“Naglalakad, paalis ng school... tatawagan ko si Nico, makipagkita ka sa kanya also Kirby. We need to rescue your friend si Grace! Hindi maganda ang ginagawa sa kanya ng bf niya ngayon.”

 

Eh!! Wag si Nico...

 

“Teka kuya wag na si... Nico, si Kirby na lang.”

“Bakit? War kayo?”

 

Mag-aaway kami kung siya ang tatawagan mo...

 

“Nope pero si Kirby na lang, sandali... ‘andami mo masyadong sinabi hindi ko ma-gets. Ano ba ginagawa sa kanya?”

“Ahm... medyo open ka naman sa ganito, so I guess...”

“Kuya.!”

“Ginagawan ng sex video si Grace, actually may dalawang video na siya and yung latest na may anuhan talaga kahapon lang. Medyo malaking tao yung babanggain natin, pero naisip ko baka naman makinig na satin si Grace pag sinabi natin to.”

“Waaaaah!”

“Oh bakit?”

“Tumulo sa sahig yung ice-cream ko.”

“Langya nakikinig ka ba!?”

“Oo... eh san natin siya hahanapin?”

“Sa Boredomkill Bar, alam siguro ni Kirby yun pasama ka sa kaniya or gusto mo daanan na kita diyan kung saan mall ka man...”

“No... hindi, wag na... I can manage!”

“May kasama ka nu...?”

“Uu hihi, si Justin... hehe nameet mo na siya diba?”

“Pakausap nga.”

“Kausapin ka raw ni Kuya...” inabot niya ang cellphone, lumayo ng kaunti si Justin kaya hindi niya narinig ang pinag-usapan ng dalawa. Ibinalik sa kanya ni Justin ang cellphone ng nakangiti. Ano kaya ang pinag-usapan nila... amft.

 

“I know that place, malapit lang tayo... We can get there earlier than your brother.”

“Hmm wait, tawagan ko lang si Kirby.”

Tumawag siya kay Kirby, napagpasiyahan nila na sa mall sila magkikita sakto naman at nasa malapit lang si Kirby. Kasama nito si Nico, nakiusap na lang si Jessie na wag sabihin kung saan siya pupunta at tinext na lang niya ito na kasama siya ng kuya niya. Curious pa rin si Jessie sa pinag-usapan ng kapatid at ni Justin.

“Ui... ano ba sinabi niya sayo...”

“Wala naman...”

“Eh... dali na sabihin mo na!”

“Wala nga, nasan na ba yung kausap mo?”

“Wag mong ibahin! Amp... ui.”

“Ang kulit-kulit mo...” pinisil niya ng sabay ang pisngi ni Jessie.

“Aaraaaay!”

“Hehe, it’s kinda weird.”

Sapo-sapo niya ang pisngi na namumula at nakangusong nilingon ang kasama... “Bhakit”

Hindi niya sinagot si Jessie, She’s kinda crazy... literally. But that makes her more interesting, hehe I just can’t say no to her. She’s annoyingly cute and she’s a very nice friend. Nagtitigan lang silang dalawa dahil sa hindi niya pagsagot, How long does she plans to stare at me... haha, napangiti siya habang nakatingin kay Jessie.

Kawaaaiii~ nagblush naman si Jessie, hindi nga lang halata dahil namula na ang pisngi niya sa pagkakapisil. “Ui, bakit weird?”

“I’ve never been this nice to a girl.”

Whaaaaat~

Naudlot ang usapan, dumating na si Kirby. Pinakilala niya si Justin dito at pagkatapos ay binilisan na nila ang pagpunta sa sinasabing bar. Hindi sinasadya ni Jessie na mapisil bigla ang balikat ni Kirby ng may pasa dala ng pakikipag-away nila kagabi, nakwento tuloy niya ang nangyari at nalaman na rin niya na ang boss ng mga bumugbog sa kanila ni Nico ay ang lalaking nagpapahamak ngayon kay Grace.

“Sandali.”

“Bakit Justin?”

“Naka uniform kayo... baka hindi kayo papasukin, kailangan niyong magpalit.”

“Waah... wala na tayong oras, baka... baka may gawin na siyang masama kay Grace!”

Nakakita si Kirby ng sagot sa problema. “Ayun shop nina Chellie.”

“Aba oo nga noh!”

Dumaan sila at nanghiram ng damit, lamang ang costume keysa sa casual na damit sa loob ng shop. Nag-improvise sila ng medyo normal type na style, si Jessie naka-over all jumper na blue at tshirt na yellow at converse shoes na naiwan ni Chellie sa shop at si Kirby na napasuot ng isa sa mga costume ni Michael Jackson.

“Well... I bet that’s ok.”

“I look like a minion.”

“Parang gusto ko mag-moonwalk”

Naghiwalay sila pagdating sa loob, solong naghanap si Kirby at magkasama naman ang dalawa. Magaling umarte si Kirby, lamang sa mga babae na nasa bar ay mas matanda sa kanya pero nakakaporma siya sa mga ito para makakuha ng information tungkol kay Paolo. Inakbayan naman ni Justin si Jessie para hindi siya mapormahan ng mga lalaki.

“Nakita mo na ba siya?”

“*sniff* not yet...”

Nilapitan sila ng isang lalaki. “Hey, Justin.”

“Rey.”

“Nice date. Hehe”

Date? Me?

“Yah...”

At ngumiti pa date na ba to!!

“By the way si Paolo, nakita mo ba siya?”

“Hindi pa eh, pero try mo tignan sa mga kwarto sa likod baka... nandun.”

“Sige salamat.”

“Kwarto? Likod? Sa Bar?!”

“Since it’s a college bar, ganyan dito. If naka hook-up ka ng babae puwede mong ikwarto agad.”

“Ganito ba talaga sa college?!”

“Depende sa buhay na papasukan mo.”

Sinilip nila isa isa, tinakpan ni Justin ang mata ni Jessie dahil napasilip sa isang kwarto na may naghahalikan ng intense, Hindi na ako bata amp. Nasilip na nila lahat pero wala sa mga loob nito sina Paolo, tumawag rin si Kirby at sinabi na sa 10 babaeng na pormahan niya wala pa sa mga ito ang nakakakita kay Paolo.

“Baka wala pa sila.”

“Puwede rin, start na ang party pero wala pa ang celebrant. That’s funny.”

“Ahm.”

May mga naglalakad na papunta sa kinatatayuan nila, nag-uusap ang mga paparating na pamilyar ang boses para kay Justin. Pumasok sila sa katapat na kwarto para magtago.

“Hey! Imbaman! Saan na yung gift pare!”

“Mamaya, live action pa gagawin natin... pasok tayo dito pagusapan natin ang bayaran.”

“Shit...” Sumiksik sina Jessie at Justin sa loob ng isang pinto na nasa loob rin ng kwarto. May 3 maliit na bintana ang pinto na naghihiwalay sa kanila kay Paolo at sa mga barkada nito. Nang bumukas ang ilaw saka lang nila nalaman na office pala to ng bar at nakatago ngayon sila sa taguan ng mga janitorial supply kaya masikip.

Yakap niya si Jessie, hindi kasi sila kakasya dalawa kung hindi nila ito gagawin at pag may maling gumalaw sa kanila maaaring may malaglag sa mga supply at madiscover sila.

“Ok ka lang ba?” tinanong siya ni Justin.

Tumango lang siya... Ok lang akooo.. kahit -_- sobrang lapit na namin sa isa’t isa, ramdam ko ang fit niyang katawaaan, at hmm teka... ang bango naman ng pabango niya~... inamoy niya ng palihim ang uniform ni Justin. Hihi hindi nakakatusing.

“Bakit mo ko inaamoy?” bumulong ito sa kanya.

“Hehe... eh, hehe wala lang.”  Washeeeng... nahalata niya ako. Nakasilip sa siwang ng bintana si Justin, rinig sa kwarto ang tugtugan sa bar. Hirap siyang marinig ang pinag-uusapan nina Paolo. Bakit ganun, magaan na agad ang loob ko sa kanya kahit kailan lang kami naging close... feeling close ba ako? Hindi naman siguro... but he was able to make feel calm in this kind of situation. He may not know Grace but for me he is doing this, tumingin sa kanya si Justin at nagkatitigan nanaman silang dalawa.

“Malapit na silang lumabas, susundan natin sila... alam ko na ang plano nila.”

Ha? Aalis na tayo... teka gusto pa kita ihug~ eh... mali mali, oo nga pala hahanapin ko pa si Grace at tutulungan. Saka na ako lolovelife! “Ok.”

Nagtatawanan pa sina Paolo pag labas ng office. Sumunod sa kanila sina Justin, at papunta na sila ngayon sa parking ng building. Sa mga panahon na nakatago sina Jessie, nakita at nakausap na ni Kirby si Grace.

“Kirby... I’m busy, please... just go somewhere else.”

“Grace, binebenta ka ng bf mo online maniwala ka naman sakin oh.”

“Stop it Kirby! Hindi ganun si Paolo.”

“Anong hindi!? Naka post na nga sa blog niya yung video mo. Ano ka ba?! Bulag ka ba o nagtatanga-tangahan sa sitwasyon!?”

“Shut up.”

“Grace...  gusto mo ba to? O baka naman alam mo talaga... masaya ka bang ilantad at ipakita sa maraming tao ang katawan mo? Proud ka?”

Sinampal niya si Kirby. “I’m telling you to shut up... I have to go somewhere else. Kung gusto mong magenjoy dito, go... just don’t show your face to me. Bye.”

Pagkaalis ni Grace, kumuha si Kirby ng alak na sineserve sa bar at umupo sa isang tabi. I can’t let this happen... Grace wake up.

“Ui... Justin, bakit nasa parking lot tayo.”

“Dito sila papunta eh... look.”

Nakita niya ang nakaset up na ilaw, video camera at isang upuan. “What is that?!”

“Upuan, ilaw, video cam.”

“Amp alam ko nakikita ko! I mean para saan?”

“I don’t know.”

Porn vids! Malamang... “Ang dami namang lalaki... ay konti, ay hindi madami na rin... anim sila eh.”

Dumating si Grace mula sa kabilang pinto, sinundo siya ni Paolo at pinaupo sa upuan. Nagulat sina Jessie sa mga sumunod na eksena. Hinubaran ni Paolo ng damit si Grace sa harapan ng video cam pero hindi ito umangal.

“What the hell...” bulong ni Jessie.

Ang suot na palda at bra na lang ang natitira sa damit ni Grace, ng pumasok sa eksena ang limang kasama ni Paolo.

“Teka Paolo, bakit sila andito...” tinakpan niya ng kamay ang dibdib.

“Sabi mo you’ll do everything to make me happy... dapat counted rin don ang mga kaibigan ko.”

“What are you trying to say?!”

“Nandito ka na eh, malaki na agad ang views mo sa blog ko at mas dumami ang subscriber ko... kikita ko dito pag nilagyan natin ng konting storya mga vid mo.”

“Views...?”

Sinenyasan ni Paolo ang mga kasama, dalawa sa mga ito ang humawak sa braso ni Grace. Kinuha ng isa naman ang video cam at clinose up ang mukha niya, at ang isa ay pumunta sa computer para tignan kung ok ang kuha. “Yon, dami ng nagiintay Pao.”

“Paolo... ang sabi mo mahal mo ko.”

Umiiyak na si Grace sa takot... hinimas ni Paolo ang mukha niya bago ito hinawakan ng mahigpit, “Ofcourse I do... kaya mag-enjoy ka na lang muna, tatlo kaming paliligayahin mo.”

Damn! Ayoko na ng nangyayari... tsss~ hindi makakalaban si Justin sa mga to kasi baka madamay ang kapatid niya pag gumanti na siya.. ako na lang... kaya ko to! Super Jessie Activated!

“Yaaaaaaah!”

Patakbong sinipa ni Jessie sa balakang si Paolo, na humagis sa malayo. Sinikmuraan naman niya ang dalawang nakahawak sa braso ni Grace at dito na nakawala ang kaibigan. Paatras na naglalakad si Grace habang nakatingin sa kaibigan. “Takbo na Grace!”

“Jes...”

Kumindat siya kay Grace. “I can handle this... hihi” Pero papalapit na pala sa likod niya ang isa sa mga barkada ni Paolo at may hawak na tubo pamalo sa ulo niya.

“SA LIKOD MO JESS!”

Paglingon niya ay katawan ng isang lalaki na nakasuntok sa may dalang tubo ang nakita niya. “Justin...” ngumiti siya. Nilingon siya ni Justin at nagthumbs up. “I got your back. Umalis na kayo. Dali.”

“Tera na Grace.”

Hindi gumagalaw si Grace, natatalo na ni Justin ang lima. Sumunod niyang pinagbalingan si Paolo, sinuntok niya muna sa mukha, at pagkatapos ay tumama ang suntok niya dito sa sikmura. Napaupo si Paolo sa sahig sapo sapo ang tiyan at may dugo na sa labi. Tinadyakan ni Justin ang video cam na dala ng isa sa mga nabugbug niya, malapit kina Jessie ang laptap na gamit ng isa sa mga lalaki. Sinipa niya ang laptap, sa paglaglag ay natanggal ang battery nito.

Tumayo uli si Paolo para gumanti, isang malakas na sipa naman ang binigay sa kanya ni Justin. Humagis ito sa pader, bumagsak, halos hindi na makatayo. “PAOLO!!” lumapit sa kanya si Grace at inalalayan para makaupo, pinunasan pa nita ang dugo sa labi niya.

“Tama na! Wag mo na siyang saktan! Jessie, I’m sorry... pero tama na, mahal ko siya... nasasaktan akong makita na nahihirapan siya!.”

“Mahal?”

Narinig rin ni Kirby na kararating lang ang mga sinabi ni Grace. “Oo... mahal ko siya, masaya ako sa kanya...”  nilapitan siya ni Jessie na nakatayo lang sa harapan niya. “Binibilhan din niya ako ng mga mamahaling damit, gamit, bag at sapatos. Kung ang kapalit ‘nun ‘yung paglabas ko sa blog niya ok lang sa-...”

Isang malakas na sampal.

“Seriously, Grace?... ibebenta mo ang katawan mo para lang sa kanya!?”

Nakatayo na si Paolo, tinabig niya si Grace para makalapit sa laptap niyang sinira ni Jessie. Sumunod sa kanya ang mga barkada na gegewang-gewang maglakad.

“Kung gusto niyo, sa inyo na yang babaeng yan. Mayaman ako, marami pa ako makukuha na mas mabenta sa kanya, hindi ko sasayangin ang pangalan ko para lang sa babae.”

“Paolo... sabi mo mahal mo ko.”

“Mahal? Kailan ko ba sinabi? He.. marami akong nakukuha sayo bukod sa katawan mo bonus pa yung mga materyal na binibili mo para sakin. Sa tingin mo hindi ko alam kung saan mo kinukuha yung pera pambili? Sumikat pa nga lalo yung vid mo dahil sa mga D.O.M na nakakasama mo gabi-gabi. Pwe. Hindi ako magmamahal ng katulad mo.”

Galit na galit na sinuntok ni Kirby si Paolo. Gusto pa niyang suntukin ito ng paulit-ulit pero pinigilan siya ni Jessie. Hinubaran ni Jessie ng pan-itaas si Paolo ng walang pasabi, ganun din ang ginawa niya sa mga kasama nito, miski si Kirby ay nadamay. Kinuha rin niya ang damit na nahubad kay Grace. Sinilaban niya ang mga damit gamit ang lighter na nakapa sa isa sa mga kasama ni Paolo.

“Sandali wag! Mahal yang blouse ko Jessie!” tinakbo niya si Jessie para pigilan pero naihagis na sa apoy ang blouse niya. “Hindi!” sinubukan niyang kunin ang blouse kaya napaso siya, tinulak siya palayo ni Jessie sa apoy.

“Grace ano ba!... Tumingin ka! Sinong mayaman, sinong mahirap? Makikilala mo pa ba? Sa likod ng mga mamahaling damit, sapatos, at bag. Pantay-pantay lang tayo. *sniff* Hindi porket nakakabili kayo ng mamahaling damit, may karapatan na kayo mang-abuso ng mga taong sa tingin niyo ay mas mababa sa inyo at hindi porket gusto mo makabili ng mga mamahaling damit, ibababa mo na lang ang pagkatao mo kapalit ng karangyaan mo! Wag mong ipagpalit ang dignidad mo para lang sa pekeng pagmamahal na nararamdaman mo dala ng pera!” naubo siya ng kaunti gawa ng usok.

Napaupo si Grace at umiyak.

“Madali lang naman ang maging masaya... minsan kailangan mo lang tumigin sa paligid mo, enjoy the little things Grace... learn how to enjoy the little things. *sniff*”

.

.

.

Dalawang bata ang nakasilip sa siwang ng gate, sa malaking bahay na may sariling swing sa garden. “Ang ganda nung duyan-duyan...”

“Hehe oo nga!”

“Masyado naman kasing malayo satin yung park, hindi tuloy tayo makapunta at makapaglaro... hays wala naman tayo perang pamasahe.” Sumimangot ang batang babae.

“Gusto mo igawa kita ng sarili mong ganyan Grace?”

“Ha? Wag ka ngang mag-joke Kirby... bakal yan oh, paano ka naman gagawa niyan.”

“Edi yung gawa sa gulong!”

“Wala namang malaking puno satin eh, uwi na nga lang tayo.”

“Seryoso ko Grace hehe!” hinabol ni Kirby si Grace.

Kinahapunan, pinuntahan ni Kirby si Grace na nagkukulay sa coloring book. “Psst... Grace!”

“Bakit?”

“Lika may papakita ako sayo!” sumama siya kay Kirby. Pagdating nila sa ibaba, tinakpan ni Kirby ang mata ni Grace. Inalalayan niya ito para makarating sila sa likod ng apartment. “Tsaran!” Pagalis ng kamay ni Kirby, nakita ni Grace ang isang putol ng hose na malambot na ginagamit sa gripo at naka-alambre ito sa kahoy na bakod.

“Ano yan?”

“Duyan!”

“Duyan? Eh.. hose lang na nakaalambre sa kahoy yan eh!”

“Try mo kaya hehe matibay yan!”

Sinubukan ni Grace ang ginawang improvise duyan ni Kirby. Tinulak pa siya ni Kirby para gumalaw ang duyan. “Hahaha ang galing...”

“Sabi sayo igagawa kita eh! Hehe.”

“Salamat! Hehehe.”

Nagpalitan sa paglalaro sa duyan sina Grace, dito nila pinalipas ang buong maghapon at naabutan na sila ng pag-lubog ng araw.

“Waw... kita dito yung sunset!” sigaw ni Grace.

“Oo nga.”

“Kirby, salamat ah... hihi seryoso ka pala kanina.”

“Sabi ko naman seryoso ako eh! Grace... para nga pala sayo. Hehe” Binigay niya ang singsing na kulay pink, gawa ito sa plastic at pwede mong palagyan ng pangalan. Uso ito noon sa school nila at maraming nagbebenta sa labas.

“Di nga?”

Nakangiti at labas ang bunging ngipin ng batang Kirby, “Hehehe limang piso lang yan!”

Sinuot niya ang singsing. “Bagay! Sakin!”

“Hehe oo nga, kaso ang haba ng kuko mo may lupa-lupa pa... oh hehehe.”

Binatukan niya si Kirby, “Hmmft! Mag-gugupit din ako!”

.

.

.

Umiiyak at nakaupo pa rin sa sahig, naalala ni Grace ang isang panahon sa buhay niya na naging masaya siya ng di dahil sa mga mamahaling bagay. Suot pa rin niya sa hinliliit ang singsing na bigay ni Kirby nung mga bata pa sila, hinawakan niya ito, napangiti pero mas lalung naiyak. Lumapit sa kanya si Justin at inabot ang blazer. Tinulungan din siyang tumayo nito.

“I’m sorry... I’m so sorry” patuloy siya sa pag-iyak.

Lumapit sa kanya si Kirby at niyakap siya. “Hehe wag ka ng umiyak... sira na make up mo.”

“Kirby... I’m so sorry...”

            Palihim na sanang aalis ang tropa nina Paolo, kaso dumating na sina Jerome at naharang sila sa may pintuan.

“Oh Bakit kayo nakahubad!?” salubong ni Bogart.

“Laptap! May dalang laptap!”

“Bo-bogart... bakit kayo nandito!?”

“May atraso ka samin... pero palalagpasin namin yung kung bibigyan mo kami ng premium account diba Jerome.”

“Gago.” Kaltok nanaman ang inabot ni Kevin.

Napansin ni Jerome ang mga nasusunog na damit, tumanaw siya sa pintuan. Nakita niya si Jessie na kasama ang kaibigan at nakangiti na habang hinihimas ang likod ni Grace na naiyak at nakayakap kay Kirby. Tumingin sa kanya si Justin, ngumiti naman siya.

“Eh... *sniff* teka! Nasan na yung mga mokong yun! Hindi pa ako tapos sa kanila!!” Namewang si Jessie at inikot-ikot ang tingin.

Umakbay sa kanya si Justin. “Umalis na, kasama ng kuya mo.”

“Oh? Si Kuya?! Nasan- where! I can’t-....” dahan-dahan siyang bumagsak sa katawan ni Justin. “JESSIE!” at nawalan siya ng malay.

Pinasan ni Justin si Jessie at sumabay kina Grace pauwi. Kamuntikan na niyang mai-untog sa hawakan ng jeep ang ulo ni Jessie na medyo may sinat. Hanggang pag-baba nila ay problema niya ang tulog na si Jessie.

“Nakokonsensya tuloy ako... gagaling kaya siya agad.”

“Pagkaen lang ang katapat niyan, hehe Justin alam mo ba bahay nila?”

“Yep, magka-tabi ang village namin.”

“Hays... Justin, soli ko na lang tong blazer mo kay Jessie ah...”

“Sige ok lang...”

“Taga G.I.U ka rin pala? Anong year mo?” nakilala ni Kirby ang logo sa blazer.

“2nd year college.”

“Hindi ka naabutan ng k-12?”

Hmm... nasan na ako, I know this smell... Nagising si Jessie, Awwwts... eeeh ang sakit ng ulo ko... pasan pala ako ni Justin, bigla nga pala ako nahilo kanina... hays mabuti naman at ok na sina Kirby. Gusto ko sila kausapin pero nahihilo pa rin ako... *sniff* idlip muna ako dito. Nakatulog na uli siya.

  

“Hehe nope.”

“Ilan taon ka na ba?” sinara ni Grace ang butones ng blazer.

“I’m 18 a lttle older.”

“Ay swerte mo naman hindi ka naabutan ng k-12 tsk.” Gusto na kasi mag-college ni Kirby dahil sa mga kwento sa kanya ni Jerome.

“Boyfriend ka ba ni Jessie?”

“Ha?”

“Hihi ang bait mo kasi tinulungan mo siya... nakilala ko na siya nung sa jeep pa lang. Ang close close niyong dalawa.”

“Ui, Grace...” may binulong sa kanya si Kirby. “Wag mong banggitin kay Nico to ah.”

“Ang alin..?”

“Ito... yung siya yung kasama ni Jessie.”

“Bakit naman?”

“Basta.. Alam mo na yun...”

Naalala niya ang eksena nina Jessie at Nico noong nagpra-praktis sila sa labas ng gym. “Ok... ok..” tumingin uli si Grace kay Justin na inayos ang pagbubuhat kay Jessie. Hmm... Mas bagay sila para sakin... hmm i-push natin Jessie haha.

“Tol Justin... dito na kami. Puwede mong lakarin pauwi sa kanila, kung dito ka dadaan sa looban sa kaliwa or sakay ka na lang sa jeep dito para mas mabilis hehe.”

“Sige salamat, ingat kayong dalawa.”

“Kayo rin!...Ui! Justin! Kung gusto mong ligawan si Jessie tutulungan kita!! hihi” bumalik na sa pagiging masigla si Grace.

Mas pinili niyang maglakad, safe naman ang dadaanan nila at kahit mabigat si Jessie... ayaw na niyang maulit yung hirap niya sa pag-sakay ng jeep.

Ligawan...? hmm.  “Humanga ako sa ginawa mo kanina... ginulat mo ko dun ah, bigla kang nawala sa tabi ko susugod ka na pala... and we share the same thoughts. Enjoy the little things.” Itinaas niya ng unti si Jessie. “Oops... hays, hindi halata pero ang bigat mo.”

Mahimbing parin ang tulog ni Jessie.

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.8M 76.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
12.8K 317 22
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...