All Boys School's Princess

By Yiqiutian

3.8K 113 17

All boys' school. More

All Boys School's Princess
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7

Chapter 6

503 17 6
By Yiqiutian

Chapter 6

JM's POV

Badtrip talaga yun eh. Kakainis yung tao kung sino man yun. Natakot po talaga kami sa sunod na nangyari. Yun nga, si kuya yung unang multo tapos may sumunod pa po. Di ko alam kung sino, may pa takbo effect pa kasi yung multong yun eh. Pero tingin ko, yun yung may kagagawan sa lahat ng kamalasang nangyari sa first day ko dito sa Clifford. Kung sino ka man, magpakita ka na! Okay, OA na po ako. Nasobrahan sa horror. Kasi naman, ang magaling kong kapatid eh. Next time talaga, di ako tatakbo, hahampasin ko talaga yung mananakot with special kick, special punch, special batok, special halo-halo, special bulalo, special adobo, special linaga, special------. Tama na, naging pagkain na eh. Ang sarap naman pag ganun gawin ko, busog yung mananakot. AYSH! Gutom na'ko! UGH! GUTOM LANG YAAAN! Kain na nga muna kami.

Nandito kami ngayon sa dorm room ni kuya. Ang gara nang dorms dito, parang bahay na rin. Da-dalawa din yung kwarto sa loob ng kwarto. Ohdiba? Ang gulo. Pero, yun nga, tapos parang may sala pa tapos may kitchen pa talaga. Ang gara ho! Sila na talaga. Sana ganito rin yung dorm room ko. Speaking of, MYGAD, di ko pa alam san hahanapin yun.

"Kuya, di ko pa pala alam san hahanapin dorm room ko." sabi ko sabay kamot ulo. Kasi naman eh. NAWAWALA PO YUN! At YUN! Ang dahilan ba't kami na-lock up sa classroom namin. at YUN! Ang dahilan kung bakit nalaman kong nawawala na din pala ang cellphone ko. At YUN! Ang dahilan ba't kami tinakot ni kuya. At YUN DIN! Ang dahilan kung bakit may tumakot sa amin kanina. Tsk. Talk about a whole day widely-opened eyyes nightmare. Ang saya po. Try niyo kung may chance! Para naman ma-experience niyo yung na-experience kong saya.

"Ba't ba kasi nawala yung form mo?"

"Malamang may kumuha nun. Napagdiskitahan." opinyon naman netong si Alex. Ang takaw kumain ah.

"O baka naman, nakalimutan mo talaga JM?"

"Kuya naman! Alam mo namang maingat ako sa mga gamit ko lalo na yung mga importanteng bagay diba?"

"Nga naman. Hahaha. Pero, ang ulyanin mo rin si---, I mean bro noh?" MUNTIKAN! whoaaaa! Nubayan! Muntikan na naming makalimutan na di lang kami nandito sa dorm room ni kuya. Andito si Alex tsaka si Kuya Ren Monteverde, dormmate ni kuya. Ang bait niya. Praamiiiiiis! Nakaka-amaze. Gwapo siya, swear, at marunong siya magluto. Siya nga nagluto netong kinakain namin ngayon eh. Nilaga! Special Nilaga! Ay hindeeee, Super Special Nilaga! Ang sarap talaga! Sarap i-uwi netong si Kuya Ren! :D sana ganun din kabait ang ibang students dito.

"Nawala na nga files ko may time ka pa manlait kuya? Ambait mo naman kapatid! Whooo! Clap! Clap!" nag-slow clap pa ako na nilapit ko sa mukha niya. Tumawa lang naman siya. Grabe naman tong kuya ko. Linait pa po talaga ako. Sige, ako na ulyanin, ako na. Ay hindi, kami na ni Alex, kami na.

"Oh nga! Ang ulyanin mo, ano ba ginawa mo after mo makalimutan ang files mo sa principal's office kanina?"

"Binalikan ko sa loob."

"Tama, tapos?"

"Lumabas ako, tapos, hinatid mo ko sa room ko..." -ano pa nga ba ginawa ko? San ko ba Yun nalagay? Sino ba yung may dala nun? WAIT! 'Sino ba yung may dala nun?' TAMA!

"Ang magaling kong kapatid ang may hawak-hawak nun at nakalimutan niyang ibigay sa akin dahil sa kanya ko na-mana ang pagka-ulyanin ko! TAMA! Yun, yun! Kuya, asan na?" Akala niya ha? Laitan gusto ng kuya ko? Sige, laitan! Magaling ata ako sa ganyan! Lagi ko nga yang naririnig yang mga lait na yan eh, kasi lahat patungkol sa'ken. Ba't naririnig ko? Malamang kasi humina na pag-iisip ng mga tao at kung maka-lait ngayon ng pabulong, harap-harapan na at naririnig pa rin ng taong nilalait. (Aysh, tama na nga tong panlalait na to. Pati ako, nanlalait na eh.)

"Magaling ka talaga magpalusot. Kapatid talaga kita." sabi ni kuya tapos ginulo niya buhok ko. Mannerism ko ata yung suklayin yung buhok ko, pero, yun nga, maikli na eh.

"Oh nga, so, asan na? Matutulog na po ako. May pasok pa bukas." swear, pagod na ako. Ayoko nang may mangyari pa ngayong kung anu-ano. Tama nang madaming kamalasan sa isang araw!

"Eto oh. Atat talaga tong 'sang 'to." agad kong hinablot ang files ko. Ehm kasi naman eeeh. Pramis ise-save ko talaga yang mga importanteng bagay sa phone ko.

Hinanap ko yung phone ko sa bag ko. MADALIAN na to! Bahala na si Batman.

...

......

..........

At kung cellphone ang pag-uusapan, wala rin pala sa'ken ang cellphone ko. Keepaayn. Tama na. Ayoko na hanapin yun.

"JM, ano hinahanap mo?" -tanong ni kuya sa'ken.

"Yung cellphone niya ata." sabat ni Alex. eeh? Nakakabasa ba 'to ng isip?

"Bakit? San mo ba nalagay?"

"Di ko alam kuya eh. Pero, dala ko yun dito eh."

"Pa'no na yan? Di mo na ata kayang mahanap eh. Bili na lang tayo ng bago. Pwede naman tayong lumabas sa campus eh. Yun nga lang, every last weekend of the month lang." hindi si kuya nagsalita ah. Si Kuya Ren! Kung andito kayo, baka ma-inlove kayo sa boses niya. Ang gwapo na, ang bait pa! Isali niyo na yung nakaka-inlab niyang boses. Siya na po ang aking love of my life. De, joke lang yun. Di ko nga alam yung feeling ng mga love-love na yan eh.

"Ba't naman every last weekend of the month lang, kuya?" Tanong ko lang ah, ba't ganun? Grabe naman ata yun. Well, di ko rin naman kung gano kalayo sa kabihasnan tong campus na to kasi nga nakatulog ako sa biyahe namin ni kuya papunta dito.Sorry naman kasi naman po puyat ako nun eh. psssh.

"Alam mo na rin naman siguro na itong school na to ay parang isa nang company. Mga 10% ata ng mga nagde-debut sa buong mundo ay dito nanggaling..." kaya naman pala. Ba't ba kasi kelangan pang gawing parang entertainment company tong school na to? I really really really really really don't understand.

"Isama mo pa na isa tong elite school." sabat ni Alex. hala tama nga. Pero, anong connect nun sa every last weekend na paglabas ng mga students dito?

"no, let me rephrase it. ESPECIALLY because isa tong school for ELITES." kahit ni-rephrase pa yan ni kuya Ren, di ko pa rin gets kung bakit ganun.

"Anong connect nun? Bakit last weekend of the month lang tayo nakakalabas?" Eh talagang di ko keri eh. Di ko talaga naiintindihan. Sorry naman po kung "loading" ako. pssssh.

"Since elite school to, biggest possibility na maraming students ang ma-kidnap." -HALA! Oh nga! Tama nga naman.

Prior to being here, kahit na naman kasi dito nag-aaral si kuya, hindi naman ako matanong. Okay lang din sa akin na di ko siya kasama sa bahay. Palagi naman kaming magka-usap sa video calls niya. Nauwi naman siya, yun nga, every last weekend of the month. Sapat na sa akin yun.

Tumingin ako kay kuya na para bang sinasabi na naiintindihan ko na ngayon. Siya naman ay ngumiti lang sa akin.

"Grabe noh? Pero, hoy! Alex Cli----oomp." -walanghiyang kamay yan! Madumi yaan! Ambastos! Pano ba naman eh, kaw ba naman takpan nang bibig habang nagsasalita. Ansarap patayin eh.

"Oy pre, ba't mo naman tinakpan bibig ng kapatid ko? Ay hindi pala, ba't mo tinakpan bunganga ng kapatid ko uy! Nagsasalita yung tao oh. Ano yun, bastusan?" life saver talaga tong kuya ko. Ambait talaga. Tats naman ako dun. May dalang lait nga lang. Haynako.

"hoy! Ba't nga ba? Bastos lang noh? Inis naman ako dun Alex! Ang sama!" si kuya Ren naman, tawa lang ng tawa. Hahaha. UY! Nakakainlab ka na po talaga.

"Ba't ka naman tawa ng tawa diyan Ren? Palabasin kaya kita dito sa room." Ang bad naman ni kuya. Ambait nga ni kuya Ren tapos palalabasin niya.

"Sorry Jayd, nakakatawa lang kayo ng kapatid mo eh. Malalaman at malalaman mo talagang magkapatid kayo kasi naman ang attitude niyong dalawa, aakalain mo talagang photocopy talaga. Hahahahaha. Para kayong kambal eh!" Waaaah! Wala naaaa. Ang lakas talaga ng epek ng boses niya. Tawanan lang sila ng tawanan. Ang kulit lang ng dalawang to. Hahaha.

Biglang bumulong tong katabi ko...

"HOY. Muntikan yun ah! Ikaw pa nga lang nakakaalam na Clifford ako. Tusukin kaya kita diyan." Oh nga pala. Pero, kung ako lang nakakaalam na Clifford siya, ang imposible naman ata. Eh ano surname gamit niya? Ano to lokohan? Shonga lang fre?

'Bumulong back' din ako sa kanya.

"Kung ako lang nakakaalam na Clifford ka, ano pala ginagamit mong surname?" Sorry naman. Nakakalutang lang eh.

"Dito sa Clifford, lahat ng students nagco-compete, ang parang naging motto nga dito ay "MYOB." -hohooo! Grabe! Paunahan sa pag-debut? Ganon? Ang weird naman ata.

"MYOB? Wuddu hell is MYOB?" badtrip lang fre? Ba't kelangan abbrevs? Bakla talaga.

"MYOB. M - Mind Y - Your O - Own B - Business." ayoooown! Yun naman pala yun eh. Ba't kelangan pa may 'MYOB-MYOB' effect? Bakla talaga, fre?

"Tapos? Grabe naman kung di nila ma-notice yung surname mo." totoo naman talaga eh. Kahit na 'MYOB-MYOB' cheber cheber ang mga students dito, over naman siguro kung di mapansin diba?

"Ikaw ba, nakapag-introduce ka ba kanina?" wala. Malamang wala. Malamang talagang wala. Ba't naman ako mag'e-effort mag-introduce sa harap nila kung hindi naman pala nila ako pakikinggan diba? Ano ako, shonga fre?

"Oh. Kitams! Ehdi, same sa'kin. Nakalimutan mo bang bago lang din ako dito. Ano ka, lutang?" pasensha naman fre. Sa dami ba namang kamalasan na nangyari sa araw na to, maisip ko pa kaya yung mga 'walang kwents' na pinagsasabi mo kanina?

"Oh nga pala."naramdaman kong parang tumahimik ata. Anyare sa dalawang nagtatawanan kanina?

Tiningnan ko yung dalawa...da-han-da-han laaaaang...

"AYKULISAP!" sigaw ko. Eh, nakikinig yung dalawa eh. Ano ba yan? Chismoso lang, fre?

"Anong binu-bulong bulong niyo diyang dalawa? Kanina pa kayo ah. Ano yaaan?" nga naman. Chismoso naman talaga tong kapatid ko kahit kelan.

"Huy! Wag mo na tanungin yan Jayd. Ang chismoso mo naman." Sinabi mo pa Kuya Ren! Nakuuu!

"Eh, ikaw ba, ayaw mo bang malaman yung binu-bulong bulong nila?"

"Gusto."

"Oh, kitams! Eh di alamin natin."

"Pero, ayaw nila sabihin. Yaan mo na. Para ka namang bakla Jayd eh."

"Eh, kung ako bakla, atleast gwapo naman."

"Eh kung ikaw gwapo, ano ako, ubod ng gwapo?"

"HOY! Anong ubod ng gwapo? Ano ka sinuswerteee?"

"HAHAHAHA! Wala ka pala Jayd eh, pikon!"

Oh edi, sila na mag-away. -____-

"HOY! Anong pikon? Kalbuhin kita diyan eh?"

"Ganyan ka ka-desperadong maging pinaka-gwapo na kakalbuhin mo yung ubod ng gwapo?"

"Tusukin kita diyan eh."

Wahahahahahaha. Pikon nga ang kuya kooo! Talong-talo siya kay kuya Ren. Hahaha.

"Brutal lang fre? Matapos mong kalbuhin, tutusukin mo? Ansama naman."

Ang kulit ni Kuya Reeeeen. Ang cute nila tignan. Ang close talaga nila.

"........"

Hala! Di na sumagot ang kuya ko. Di naman talaga siguro siya galit diba? Never ko pa nakikita magalit si kuya eh.

"Oh, diba? JM, taob kuya mo sa akin." -hahaha. Nakakatuwa po talaga si Kuya Ren. Tinignan ko yung katabi ko.... HUH? Anyare dito?

"Huy, bolog! Ba't ka naka-nganga diyan?" nagulat ata. Bigla nalang nagpupumiglas na parang may humahawak sa kanya.

"Huh? Ahh, wala. Nakaka-amaze lang silang dalawa na mag-sagutan." Para bang nakikita ko sa mata niya na may nareremember siyang magandang memory pero parang ang painful na para sa kanya para isipin yun? Ang weird. Brrrrr.

Si Kuya di pa rin kumikibo, malapitan nga.

"HOY! Kuya! Arte mo! Kibo ka diyan!" baliw tong kapatid na to. May pagka abnormal talaga kung minsan.

Si Kuya Ren naman, tawa lang ng tawa. Pag ito di tumigil, maiinlab na'ko. Joke. Pag 'to di tumigil, baka malagutan yan ng hininga at mamatay! Sayang lahi uy! Pero, seryoso, pareha sila ni kuya. Mga baliw.

"Kaw naman JM. Nag'e-emote yung tao oh! Panira lang ang peg fre?" kita mo tong kapatid na to? Sino ba talaga babae sa aming dalawa? K paaayn, eh di siya na. Siya na.

"Kasi naman Jayd. Di kasi bagay sayo. Di bagay." sabi ni Kuya Ren na may pa-iling iling effect.

"Pre ha? Kung bingo ka lang, namumuro ka na!" yown oh! banat? Hahahaha.

"HOY, ano yang kabaklaang yan ha? Hahahaha. Ba't ka bumabanat?" ang kulit nilang dalawa. Tama na nga yaaan! Di ko tuloy makuha yung nais kong kunin! Gusto ko na matulooog!

"Hep. Hep. Hep. Hep. Hep.--------"

"HORAY! HORAY! HORAY! HORAY! HORAY!" kita mo tong tatlong lalaking to? May gana pa mag-joke. Sabay pa talaga sila nag-HORAY five times. Panis ako dun ah.

Nagtitigan lang sila. Parang sabay-sabay nagsi-sink in yung kagaguhan na nagawa nila. Sinasabi ko sa inyo. Iingay to dito, in 3....2....1.

Ulit nga ulit. In 3...2...1.....

Antagal naman ata mag-sink in sa utak nila. -_______- mga lalaki talaga, kahit kelan, ang lo-LOADING!

Eto na, last na. In 3...2...-----------

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" KITA MO TONG MGA TO! DI AKO PINATAPOS SA PAGBIBILANG?! KANI-KANINA NGA LANG, ANG TAGAL MAGREACT! PARA TULOY AKONG TIMANG KANINA! TAPOS NGAYON, GAN'TO LANG?! BIGLA-BIGLA TATAWA NG HINDI PA AKO NATATAPOS SA PAGBIBILANG?! ANO KAYO, CHIX?!!!!

"Baliw tayo ah! Hahahahahahaha!" sabi ni kuya. Ha-ha.

"Sinabi mo pa! HAHAHAHA!" lakas naman ng tama netong si Kuya Ren. Naturingan na talaga ata to.

"HAHAHAHAHA!" nakakainis na yang mga tawa nila ah! Bad trip naaaa! Gusto ko na matulog!

-----------------------------

Editing.

Continue Reading

You'll Also Like

38.7K 1.7K 23
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
77.5K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
562K 14.8K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...