A Kristine Series Fanfiction:...

By sincerelyjeffsy

180K 6.1K 402

Zach Navarro and Elisse Ybañez had a mutual understanding. Theirs was a kind of puppy love. Hindi pa man namu... More

Foreword
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty

Chapter Fifteen

6.2K 249 6
By sincerelyjeffsy

Ikalawang araw na nina Troy at Liza sa Alta Tierra. Tama nga si Zach na 'di sapat ang isang araw na pananatili sa Santo Cristo para magawa ang lahat dahil tanghali na rin sila dumating kahapon.

Magkasamang natulog sa isang kwarto sina Troy at Liza habang sina Zach at Gillian ay nasa kabila naman nila. Troy was a gentleman because he let Liza slept on the bed alone habang siya naman ay sa sofa.

Nang magising si Liza'y naisip niyang gisingin si Troy upang palipatin sa kama para 'to naman ang matulog doon. Ngunit, 'di niya rin tinuloy dahil napansin niyang maayos naman ang kalagayan ni Troy doon.

Bago lumabas ng silid ay nagtungo muna siya sa balcony. Binuksan niya ang French window at lumabas. She was truly amazed by the view. Tanaw niya ang kalawakan ng Pacific Ocean. Nakita niya ang mga ibong nagliliparan sa kalayuan. Ang mga nag-uunahanang alon na humahampas sa batuhan sa ilalim. Ang makapal na kagubatan. It was breathtaking. She decided to fill her lungs with the exotic morning breeze.

"Beautiful..."

It wasn't the echoing waves and, most of all, it wasn't just her imagination. It was a crystal clear baritone voice of a man. Dumilat siya habang nananatiling nakahawak sa barandilya ng terrace. Lumingon siyang muli sa kwarto upang tingnan kung gising na si Troy. Pero, hindi pa.

"Good morning, Elise."

Narinig niyang muli. She suddenly knew who's speaking. Isang lalake lang naman ang nakakaalam sa kaniyang palayaw no'n. Lumingon siya sa balkonahe ng katabing silid at nakita niya roon si Zach na matimtimang nakatitig sa kaniya.

How can he look so gorgeous as hell upon waking up?! Ang kaniyang katamtamang haba ng buhok ay nililipad ng hangin mula sa karagatan. Namumungay pa ang kaniyang mga mata. Beads of sweat, na marahil dulot ng umagang pag-eehersisyo sa terrace, were trickling down to his broad chest, down to his firm abdomen and downwards just above his...

Napalunok si Liza ng kaniyang laway. Suddenly, a white heat flowed down to her tummy. A dirty image formed in her mind sa kung anong maaaring bumubukol sa ilalim ng suot nitong pang-ibabang pajama. She quickly withdrew her eyes from it nang tumikhim si Zach.

"Enjoying the view?" Zach asked teasingly. A devilish grin was handsomely painted on his face.

The nerve of this guy! Liza protested in her mind. 'Di niya alam kung mas maiinis ba siya sa kahambugan ni Zach o sarili. She felt the awkwardness of the situation kaya mas pinili na lamang niyang bumalik sa loob ng kwarto.



LIZA was sitting on the edge of the bed nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng kwarto. She stood up and opened the door.

"Good morning, Elise," bati ni Zach sa kaniya bitbit ang isang tasa ng kapeng barako na nakapatong sa saucer. "Coffee?"

Muli sanang isasara ni Liza ang pinto. Ngunit napigilan siya ni Zach. "Anong ginagawa mo rito?!" nanggagaliiting wika ni Liza sa mahinang tinig.

"I just wanted to talk to you," pabulong na tugon ni Zach.

"Baka magising si Troy anumang oras," ani Liza. Pagkatapos ay lumingon sa tinutukoy na mahimbing pa ring natutulog.

"Sandali lang naman," Zach insisted. "Besides, we can talk outside."

Liza just knew that Zach won't let her go. Nagbuntong-hininga muna siya ng napakalalim at saka pinagbigyan 'to. Lumabas siya't dahan-dahang sinara ang pinto.

"Mabilis lang," patiuna ni Liza kay Zach. "Hahanapin kaagad ako ni Troy pagkagising niya."

Zach nodded and smiled at Liza.



LUMABAS sina Zach at Liza ng mansyon at nagtungo sa tabing-dagat. Bumaba sila sa pamamagitan ng hagdang-bato. Napakalamig ng simoy ng hangin. Mabuti na lamang at binalabalan niya ang sarili ng dala niyang sarong. Pinanonood nila ang unti-unting pagtagos ng mga silahis ng haring araw sa kalangitan.

"Anong nangyari sa 'yo, Elise?" si Zach ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Liza.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Liza kahit alam niya ang ibig sabihin ni Zach. She wanted specific questions.

"Pa'no mo nakilala si Troy?" paglilinaw niya sa kaniyang mga tanong. "Bakit ka umalis ng Santo Cristo? A-anong nangyari k-kay Aling Henrietta?"

Liza's face saddened at the mention of her late mother's name. "Pinatay siya matapos pagsamantalahan," nakayukong sagot ni Liza.

Nagtiim ang mga bagang ni Zach. "Nahuli na ba ang demonyong gumawa n'on sa Inay mo?"

Umiling si Liza. "Hindi pa. Siguradong nakalimutan na nila ang kasong 'yon."

Kinuyom ni Zach ang kaniyang mga kamao sa labis na galit dahil sa kawalan ng hustisya para sa ina ni Liza.

"At alam mo bang sinisisi rin kita sa nangyaring 'yon," dugtong ni Liza.

Nabigla si Zach sa winika ni Liza. "A-ako?! Wala 'kong kinalaman do'n! Alam mong nasa ibang bansa 'ko ng mga panahong 'yon."

"Kaya nga!" pagpapatibay ni Liza. "Nagpunta ako sa Internet café nang araw na 'yon. Aalamin ko kung nagpadala ka na ng message sa 'kin. Dahil 'yon ang pangako mo! 'Di ba kinuha mo ang email account ko? Pero, wala! Kung sana'y maaga 'kong umuwi sa 'min no'n 'di sin sana'y buhay pa siguro ang Inay ko."

Liza's eyes were almost teary. Nababanaag ni Zach ang paggaralgal ng tinig nito. Naaawa siya para rito. Nais niya 'tong lapitan para ikulong sa kaniyang mga bisig. Pero, naunang gumawa si Liza no'n sa kaniyang sarili. Zach stopped himself because of that.

"I'm sorry," Zach apologized sincerely. "I'm very, very sorry. Pero, gusto kong malaman mong nagpapadala 'ko ng mga mensahe sa 'yo. Nagtataka lang ako dahil lahat 'yon ay nagba-bounce pabalik sa 'kin. Naisip ko ngang baka non-existent ang account na binigay mo sa 'kin. Na baka inimbento mo lang 'yon para 'di na kita kulitin pa."

Kunot-noong tiningnan ni Liza si Zach. "Totoo ang binigay ko sa 'yong email address. Elissedearest. Hanggang ngayon ay 'yon ang ginagamit ko."

"Huh?" nagtatakang-usal ni Zach. "Kaya nga. Elisedearest. E-L-I-S-E-D-E-A-R-E-S-T!" He spelled out.

"Mali!" Liza contradicted. "Elisse's double 'S'!"

"Ano?!" bulalas ni Zach. 'Di siya makapagsalita. That's the most idiotic mistake he's ever made.

Nang makilala ni Zach si Elisse nang teenager pa lamang sila'y 'di niya naalalang tanungin ang buong pangalan nito. No'n lamang nasa Amerika na siya't naghahanap siya ng paraan para ma-contact ito'y napagalaman niya mula kay Caleb na Elizabeth Ybañez pala ang kaniyang buong pangalan.

Bakit ba 'di pumasok sa isip ni Zach na baka mali lang pala ang spelling niya ng palayaw ni Elisse? Of course, sino bang mag-aabalang alamin pa ang tamang baybay ng palayaw ng mga tao as long as nabibigkas niya 'to ng maayos? 'Di ba't ang mahalaga'y tama ang spelling ng tunay niyang pangalan? Bukod pa ro'n ay alam niyang isang 'S' lamang ang common spelling ng Elise. But, he knew that that minor detail caused him to lose her for all those years. He sighed deeply, shook his head repeatedly habang nagpapalatak. Nararamdaman niya ang panghihinayang dahil sa katangahan. He overlooked everything.

Pagkatapos n'on ay kinuwento ni Zach kay Liza ang kaniyang mga ginawa para ma-contact lang siya nang malaman niya mula kay Caleb ang mga nangyari sa kaniya sa Santo Cristo nang mamatay si Henrietta na humantong sa kaniyang paglisan mula rito. Inilahad din niya kung anong ginawa niyang paraan kamakailan lamang para alamin kung nasaan siya sa tulong ng isang detective. Pero, naging mahirap at malabo talaga ang matunton siya dahil wala na ang mga taong maaaring magbigay-kaalaman sa kaniyang kinaroroonan.

Inistorya naman din ni Liza kay Zach ang totoong nangyari sa kaniya mula sa paglibing sa kaniyang ina hanggang sa pagkakakilala niya kay Troy.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ni Zach habang nagkukwento si Liza. Kung poot ang nararamdaman niya sa kriminal na gumahasa't pumatay sa nanay ni Liza'y pagkasuklam naman ang kaniyang nararamdaman para sa balasubas na nagtangka ring gumahasa kay Liza na naging dahilan para magtungo 'to sa Maynila't mapunta sa isang nightclub.

Pasasalamat naman ang nararamdaman niya kay Troy at sa buong angkan nito dahil sa pagsagip at pagtulong nila kay Liza. But, he's also feeling jealous at Troy at the same time. Siya ang dapat na nasa puwesto nito.

"So, hindi ka na galit sa 'kin ngayon?" tanong ni Zach kay Liza. Parehas silang nakaupo sa buhanginan. 'Di nila namamalayang dalawa ang paglipas ng mga oras.

"Hindi naman talaga ako nagalit sa 'yo," pag-amin ni Liza, nakatanaw sa malayo. "Maybe disappointed. But, never really angry." Pagkatapos ay sinulyapan niya si Zach at saka ngumiti rito.

"I can see that you're still wearing my gift to you," Zach observed.

Tinignan ni Liza ang tinutukoy ni Zach. Naalala niyang nang gabi ng engagement nila ni Troy ay pinangako niya sa sarili na aalisin na ang bracelet na 'yon kasama ng paglimot kay Zach. Pero, nabigla rin siya nang makitang naroon pa rin 'yon. Nakalimutan niyang gawin ang bagay na 'yon dahil naging abala siya nitong nakaraang mga araw. O siguro'y dahil pakiramdam niya'y parte na 'yon ng kaniyang sistema. As if it was a vital organ of her body that if you removed it, she'll die. Liza's dumbfounded.

Hinawakan ni Zach ang kamay ni Liza kung saan naroon ang polseras. Kanina pa niya 'to gustong gawin. Pero, nagdadalawang-isip siya dahil baka mabigla si Liza sa kaniya. Pero, 'di na niya napigilan ang sarili habang pinanonood ang kaniyang alon-along buhok na sumasabay sa ihip ng hangin and being exposed to her fragileness that's always awakening his protectiveness.

Lalong naparalisa ang katawan ni Liza. 'Di siya makaangal kahit alam niyang 'di niya dapat hayaang gawin 'yon ni Zach sa kaniya. Muli niyang naramdaman ang kuryenteng gumapang sa kaniya no'n nang 'di sinasadyang mahawakan ni Zach ang kaniyang kamay. Ngunit, mas higit ngayon. Animo'y libo-libong boltahe ang dumadaloy sa bawat himaymay ng kaniyang katawan.

"Alam kong malapit ka ng ikasal kay Troy," Zach said. "Pero, 'di ako matatahimik hanggang 'di ko 'to naipagtatapat sa 'yo." He knew that Liza can see the sincerity in his eyes. "I still love you, Elisse, up to now."

'Di makakibo si Liza. Alam niya sa kaniyang sarili na may pagtingin pa rin siya kay Zach. Pero, pa'no niya gagawin 'yon nang 'di niya 'to binibigyan ng maling pag-asa? Besides, he can't betray Troy. But, can she afford to lose Zach once more? Naguguluhan siya. She don't know what to do. Napahikbi siya. Tears escaped from her eyes.

"Oh, dear, please don't cry on me!" pakiusap ni Zach.

Pero, 'di na napigilan ni Liza. Nagpatuloy na ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Niyakap siya ni Zach. Hinagod nito ang kaniyang likod para patahanin. But, it just brought her a different sensation. Unti-unting naglaho ang bigat sa kaniyang dibdib. Ang pumalit ay ang pag-usbong ng mga paruparo sa loob ng kaniyang tiyan. Tila kinikiliti ng mga pakpak nito ang kaniyang sikmura.

"Okay ka na ba?" usisa ni Zach kay Liza. Napansin niyang napakalapit ng mga mukha nila sa isa't isa that he can inhale her each and every breathe. Sapat na 'to upang silaban ang munting apoy na nasa kaniyang kaibuturan.

He closed his eyes as if he's dreaming. He's inching his way towards Liza until he found what he's looking for. Her lips!

Naalala ni Liza ang kaniyang unang halik na si Zach rin ang nagbigay. Pero, iba na ang pamamaraan ng paghalik nito ngayon. It's passionate, hungry and wild. He's definitely owning her lips! Pero, 'di siya nagpadaig dito. She returned it with equal fire. Apoy na 'di niya inaakalang mayroon siya sa sarili. 'Di niya natatandaang hinalikan niya si Troy ng gano'n.

Para siyang sunog na binuhusan ng malamig na tubig nang sumagi sa kaniyang isipan si Troy. Huminto siya sa pagtugon sa mga halik ni Zach at tinulak 'to palayo.

"What's wrong?" alalang tanong ni Zach.

"Ito," mariing pagtukoy ni Liza. "Everything! Naisip mo na ba kung ga'nong kalaking gulo 'pag pinagpatuloy natin 'to?! Mag-aaway kayo ni Troy. Madadamay ang mga kamag-anak n'yo! Magagalit sa 'kin ang buong pamilya niya. I'll be in between all of this! Natatakot akong mangyari 'yon. So, please, Zach, just leave me in peace." Pagkatapos n'on ay tumalikod siya't bumalik ng mansyon.

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 39 2
Kristine Alvarez, yung babaeng mahal na mahal si Arvin Reyes. Hindi niya akalain na mamahalin din siya nito. Pero isang araw, nawala nalang ito na pa...
1.1M 27.1K 62
[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon...
14.6K 614 26
I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always want to be free. But then I met you, the...
200K 4.6K 30
She's witty. She's clever. She's cool. She's weird. She's odd. She's creepy. She's unknown. She has a weird hair. She's tough. But...