A Kristine Series Fanfiction:...

By sincerelyjeffsy

178K 6.1K 402

Zach Navarro and Elisse Ybañez had a mutual understanding. Theirs was a kind of puppy love. Hindi pa man namu... More

Foreword
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty

Chapter Nine

6.9K 264 5
By sincerelyjeffsy

Dumating sina Romano, Jade at Elisse sa harap ng isang six-storey building sa Ermita sakay ng kanilang blue Volkswagen Polo Sedan.

Habang naglalabasan ang karamihan sa mga empleyado for their lunch break, sila naman ay papasok sa loob. Bagaman kamag-anak nila ang may-ari ng establishment ay sinunod pa rin nila ang protocol na pagla-login muna sa entrance bago sila tuluyang pumasok. Sa pamamagitan ng elevator ay mabilis silang nakarating ng sixth floor.

Kahit lumaki si Elisse sa probinsiya'y alam niya kung ano ang elevator. Pero, first time niyang makasakay rito't sa sulok ng kaniyang damdamin ay naroon ang excitement sa pagsubok ng mga bagong bagay dito sa lungsod.

When they arrived at the sixth level, tumambad sa kanilang harapan ang logo ng KLP Security Agency which was made of brass etched on a polished wood. Sa halip na dumiretso sila ro'n ay lumiko sila sa isang mahabang pasilyo kung saan puro dingding ang natatanaw niya. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang malaking pinto. Si Romano ang kumatok. Kaagad naman siyang pinagbuksan.

Nahantad sa kanilang harapan ang isang mestizang babae whose skin, na parang krema, was fairer than Bobbie's. She's sporting her hair in a half-ponytail and she's wearing a simple white-colored sleeveless blouse which looked expensive on her.

"Hi, twin sister!" nakangising bati ni Romano kay Jade.

Dahil sa sinabi ni Romano'y napagtanto ni Elisse kung bakit magkahawig ang dalawa.

"Romano! Bobbie!" usal ni Jade sa kanilang mga pangalan, still maintaining her ladylike airiness. "Tuloy kayo." She made way for her guests to let them in.

The apartment's wide and spacious. The flooring was parquetted with burnished wood. Rugs can be found on places where they should be.

Sa gitna ng living room ay ang center table na napapaligiran ng settee.

"I've been expecting you this morning since you've called me last midnight," pahayag ni Jade nang makapasok na ang kaniyang mga bisita. "Kumusta na kayo?"

"Ito. Puyat," Romano answered. "Pero, kahit gano'n ay maaga pa rin kaming nagising. Tinanghali na kasi ng gising si Liza."

Napatingin lahat kay Elisse. She lowered her head shyly.

"But, it's okay," bawi ni Romano. "Naiintindihan naming sobrang pagod siya kahapon."

"So, this is the girl you're talking about?" Jade asked which sounded more like of a statement. 'Di niya 'to hinihiwalayan ng tingin.

"Siya na nga," Romano confirmed. "Jade this is Liza. Liza, si Jade Ann, ang kambal ko."

"Nice meeting you po," magalang na wika ni Elisse.

"Kinagagalak din kitang makilala," Jade replied smilingly. "What is your full name, dear?"

"Elizabeth Ybañez po," sagot niya.

"What a coincidence! Kapangalan mo pa pala ang nanay ng asawa kong si Kurt." In the way she said it, there's no sign of amusement in Jade's eyes. It seems more like of animosity. At labis niyang pinagtatakhan 'yon. 'Di alam ni Elisse kung imagination niya lang 'yon dahil kaagad ding nagbago ang mood ni Jade.

"Sandali. Kumain na ba kayo?' Jade asked cheerfully

"We did break our fast," si Bobbie ang sumagot.

"Good thing I prepared lunch for us," ani Jade. "Let's go to the dining room." Kinawit niya ang kaniyang braso kay Bobbie at inakay 'to papuntang sa silid-kainan. Romano and Elisse followed them.

At the center of the area was a long chrome dining table which can serve a dozen people. Ang dating mesang naroon ay pang-apatan lamang which suits Kurt's bachelor lifestyle. Pero, nang pakasalan niya si Jade ay isa 'yon sa mga unang binago nito sa bahay niya.

"Dito na lamang kaming dalawa," paalam ni Romano sa dalawang babae. Pagkatapos ay naupo sila ni Liza sa ibabaw ng magagandang upuang yari sa polished wood at rattan.

Sumang-ayon ang dalawang babae't dumiretso sa kitchen. Katulad ng dati, hinangaan ni Bobbie ang kusina. Everything was prefabricated and may be removed or altered anytime. Ang disenyo ng buong kabahayan ay yaong katulad sa mga ordinaryong American apartment. Ang mga kagamitan ay tanging mga kailangan lamang at 'di nakakalat.

"You know what? I really like your house, Jade. It's cute!" Bobbie praised sincerely.

"I don't know if you finding my home cute is a compliment or an insult," Jade kidded her sister-in-law habang nilalabas mula sa ref ang tinimpla niyang juice at tubig na nakalagay sa mga babasaging pitsel.

"Of course, it's a compliment!" Bobbie said defensively. Bitbit niya ang dalawang bandehado ng ulam na kinuha niya mula sa counter ng kusina. "I envy this place. It's comfy and cozy."

Natawa si Jade sa reaksyon ni Bobbie sa kaniyang biro. "Actually, naliliitan ako sa bahay na ito. Nasanay lang siguro ako sa tirahan namin sa Paso de Blas," matapat na pahayag ni Jade. "Mas maganda ang sa 'nyo kumpara dito." Nagsimula ng lumakad si Jade palabas sa kitchen. Sinundan naman siya ni Bobbie papunta sa dining room. "By the way, bakit 'di n'yo kasama si Troy?" Jade inquired the couple.

"Tulog pa siya nang iniwan namin," si Romano ang sumagot. "Mabuti nga 'yon. Siguradong magwawala 'yon 'pag nalaman niyang dinala namin si Liza dito. Inubos niyang lahat ang ipon niya just to save her from that nightclub last night. But, it's okay. Kami ng bahalang magpaliwanag sa kaniya."

That was new to Elisse's ears, alam niyang mayaman sina Troy. Pero, 'di niya alam na savings pala nito, na marahil ay simula bata pa, ang ginamit niyang pambili ng kalayaan niya. Nakalimutan niyang magpasalamat dito. She reminded herself that it will be her assignment.

"Maybe, she really means a lot for him to do that," Jade commented.

Romano shrugged his shoulders in response. Though, he knew that what Jade's saying was real.

"Speaking of our boys. Where's Jasper?" usisa ni Bobbie nang mapansin niyang parang mag-isa lamang si Jade sa bahay.

"Spending his summer vacation at Paso de Blas," Jade replied. "But, we're not worried dahil bukod sa kasama niya ang kaniyang Lola Alejandra'y sa tingin namin ay mas magiging ligtas siya sa islang 'yon. Walang bastang makakalabas-masok doon. Mabuti na sigurong naro'n siya habang mainit pang lahat." Biglang lumungkot ang mukha ni Jade pagkasabi n'on.

"I don't know how you still manage to be strong, Jade," nakikisimpatyang sabi ni Bobbie.

"Kailangan kong maging matatag para sa mag-ama ko," aniya. Munit, kabaliktaran n'on ang pinapahiwatig ng kaniyang tinig. Mistulang pagal na siya sa mga nangyayari.

"Wala pa rin bang balita tungkol sa pagkawala ni Krystal?" tanong ni Romano.

'Di makasunod si Elisse sa kanilang pinag-uusapan. Kahit naroon siya'y parang wala pa rin. She's at lost and curious siya kung sino't kung anong nangyari sa tinatawag nilang Krystal.

"Still none," sagot ni Jade sa pinasiglang tinig habang sinasalansan ang mga utensils at pagkain sa ibabaw ng mesa. "'Di namin alam kung anong klaseng pangkat ang kumuha sa anak ko. They left no traces. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ni Kurt ang sarili niya."

"Sa tingin mo ba'y papayag si Kurt sa pag-ampon n'yo kay Liza?" usisa ni Bobbie kay Jade.

"Sa totoo lang ay wala ng pakialam si Kurt sa lahat ng mga bagay ngayon," malungkot na sagot ni Jade. "Ako na ang nagdedesisyon pagdating dito sa bahay. Parang nawalan na siya ng gana sa pamilyang 'to simula nang dukutin si Krystal. I can't blame him. She was his princess." Pagkatapos ay nagbuntong-hininga ng malalim.

"And that's your job, Liza," Romano said, facing her. "To temporarily substitute Krystal and make this family whole once more until her return."



MABILIS na lumipas ang mga buwan ni Elisse sa piling ng mga La Pierre. Slowly, she started to get used to her new nickname – Liza. Kasabay nito'y ang unti-unting niyang pagtanggap sa kaniyang bagong buhay.

Bagaman si Jade ang umampon sa kaniya, una siyang mas naging malapit sa manugang nitong si Alejandra. Nakatulong siguro ang pagiging kapangalan niya sa namayapa nitong anak. Pero, nilinaw nitong magkaibang-magkaiba silang dalawa ng ugali.

Unlike Jade who was cool, calm and collected, si Alejandra naman ay magiliw, maalalahanin at mapag-aruga. Parang nagkaroon daw 'tong muli ng apong babae sa katauhan ni Liza. At gano'n din naman si Liza sa kaniya, animo'y naramdaman niya ang pagkakaroon ng lola kay Alejandra.

Walang kasambahay ang mga La Pierre. Katwiran ni Jade at Alejandra'y kayang-kaya nilang dalawang paghatian ang mga household chores. Kahit pa sabihin ni Jade kay Liza na 'di siya pinatira sa kanila para gawing katulong ay 'di hinahayaan ni Liza na magbuhay-prinsesa siya sa piling ng mga La Pierre. Nagpaturo siya ng mga gawaing-bahay kay Alejandra o kung 'di naman ay kay Jade para makatulong siya sa paglilinis, paglalaba, pamamalengke, pagluluto't pag-aalaga kay Jasper.

Dahil dito'y pangalawa siyang naging malapit sa nag-iisang lalakeng anak ng mga La Pierre na si Jasper. At first, Jasper was aloof with Liza. Pero, 'di kalaunan ay nahuli niya rin ang kiliti nito't naging close sila sa isa't isa.

Liza had an instant brother in the form of Jasper. At gano'n din naman si Jasper kay Liza. Once again, he felt how it's like to have a sister, an elder one for that matter, sa pamamagitan ni Liza. And because of her good relationship with Jasper, Liza also found a way to Jade's heart.

'Di niya makalimutan ang araw na sinama siya ni Jade sa mall para mag-shopping ng kaniyang mga kasuotan at kagamitan sa nalalapit na pasukan. Jade called it girl bonding.

Para sa kaniya'y isa na lang ang natitira – si Kurt, who remained cold and distant from her. Batid niyang wala namang masamang tinapay si Kurt para sa kaniya. But, he's too polite to the point of being rude.

Kinakausap naman si Liza ni Kurt. Pero, 'yon lamang ngang mga pagkakataong madadatnan niya 'tong kumakain sa dining room 'pag napunta siya roon. Aalukin lamang siya ni Kurt na kumain. Sasagutin naman niya 'to ng kakatapos lamang niya o busog pa siya.

'Di naman gano'n kalakihan ang tirahan ng mga La Pierre kung kaya naman 'di maiwasan ang mga pagkakataong magkakasalubong si Kurt at Liza. Nariyang umiba si Kurt ng direksyon 'wag lamang silang magkasalubong ni Liza. Kung wala talagang ibang daan ay bibigyan lamang ni Kurt ng isang matipid na ngiti si Liza't saka yuyuko 'pag nalampasan nila ang isa't isa.

Labis na nasasaktan si Liza sa tuwing gagawin 'yon ni Kurt. Nararamdaman niyang ayaw sa kaniya nito na para bang mayroon siyang nakakahawang sakit. She even thought na ito'y marahil dahil sa taglay niya ang pangalan ng inang kinamumuhian ni Kurt. Or maybe, because Kurt's thinking that she's replacing his lost daughter in their lives. Pero, nagkakamali si Kurt kung gano'n dahil alam ni Liza na kahit anong gawin niya'y 'di niya kayang palitan si Krystal sa mga puso nila kailanman. At lalong wala siyang balak na gawin 'yon.

Isang araw ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para kausapin ng sarilinan si Kurt na kasulukyang nag-oopisina sa library na nasa loob ng kanilang bahay. Inipon niya lahat ng kaniyang tapang at saka marahang kumatok sa nakasarang pintuan.

"Come in," paanyaya ni Kurt sa kabilang bahagi.

Liza turned the doorknob open as if it was forever.

Nagsalubong ang mga kilay ni Kurt nang makita si Liza. She's the last person he's expecting to come in.

Dahan-dahan namang pumasok si Liza bitbit ang paboritong kapeng barako ni Kurt na may kaunting cream and sugar. "Pinagtimpla ko po kayo ng kape," pahayag ni Liza.

That's first time. Gusto mang tumanggi ni Kurt ay 'di niya magawa nang maamoy niya ang irresistible na aroma nito. "Hindi naman ako nagpatimpla, ah," ani Kurt while making a space over his desk for the coffee on a saucer. "But, anyway, thanks." Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa sa harapan ng computer.

"Welcome po." Nailapag na ni Liza ang inumin sa ibabaw ng mesa ni Kurt. Pero, 'di pa rin siya umaalis.

Nakaramdam si Kurt ng pagkailang dahil sa panananitiling nakatayo ni Liza sa kaniyang harapan. Pinagtatakhan niya kung anong kailangan nito sa kaniya. "May sasabihin ka pa ba?"

'Di alam ni Liza kung pa'no ipapahayag ang kaniyang saloobin. Nagkataon namang napansin niya ang isang manila folder kung saan nakasulat sa ridge nito ang kaniyang pangalan.

ELIZABETH YBAñEZ-HOWARD



A/N: Based from Kristine Series 22: Kapeng Barako at Krema 2, page 120, inilipat ng lola ni Kurt na si Alejandra, na tinatawag niya ring Inang, sa kaniyang pangalan ang isang kapirasong lupa sa Ermita na sana'y para sa kaniyang namayapang inang si Elizabeth. Ginawa ni Kurt 'to na isang building and have it rented for offices kung saan siya nagtayo ng isang security agency which is named as KLP Security Agency located at the whole of the sixth floor na siya ring opisina-cum-tirahan nila ni Jade (see page 79 of the same book, description of Kurt's apartment starts from page 91 – 93).

Continue Reading

You'll Also Like

43.2K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
160K 4K 14
Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas...
178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
168K 3.1K 13
Found You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung mat...