A Kristine Series Fanfiction:...

By sincerelyjeffsy

178K 6.1K 402

Zach Navarro and Elisse Ybañez had a mutual understanding. Theirs was a kind of puppy love. Hindi pa man namu... More

Foreword
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty

Chapter Five

7.9K 271 21
By sincerelyjeffsy

Napag-alaman ni Elisse na si Vilma'y isang recruiter ng mga G.R.O. para sa iba't ibang mga night clubs sa Manila. Ayon sa bagong kakilala nitong si Sarah, na taga-Santo Cristo rin pala, ay isa sa mga pinakabago't bigating club ang kinaroroonan nila. Malamang raw na ang matalik niyang kaibigan na si Luisa'y dinala sa mas cheap na club bilang isang waitress lang talaga. Pero, 'di lalaon ay mauuwi rin daw 'yon sa pagiging G.R.O. katulad nila.

Lahat daw ng mga babae sa Unicorn ay naroon ayon sa sarili nilang kagustuhan. Ngunit, iba para sa kaso ni Elisse. Siguro'y dinala nila 'to rito dahil wala naman na 'tong pamilyang kailangan pang pagpaalaman. At nakita raw siguro ni Vilma na malaking pera ang iaakyat ni Elisse sa kanilang club dahil sa kakaibang ganda nito.

Ilang sandali pa'y bumukas muli ang pinto ng kanilang silid. Bumungad sa kanila ang isang baklang naka-shades, Hawaiian shirt at puting walking shorts habang nagpapaypay.

Ito marahil ang manager ng club na siyang tinutukoy ni Sarah, Elisse thought.

"Girls!" tawag nito sa kanila. "Oras na ng practice para sa performance ninyo mamayang gabi. Let's go to the dance studio!"

Nakapila ang mga babae habang lumalabas ng kwarto. Nagpahuli si Elisse. Nasa likod siya ni Sarah. Pero, 'di siya nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Rikki.

Nang mapadaan siya sa harap nito'y hinawakan siya nito sa baba't tiningnang mabuti.

"So, ikaw pala ang bagong deliver ni Vilma," pinagpatuloy nito ang pag-inspect sa kaniya na tila siya karneng paninda't sinusuri kung primera klase. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Elisse po," she replied through clenched teeth.

"Hmm... Mukhang inosente. Pwedeng-pwede. Bebenta ka, dear!" Pagkatapos ay pinalo siya nito sa puwet. "Sige. Go!"



SA loob ng studio ay 'di muna kaagad na pinasali si Elisse. Pinanood muna sa kaniya ang dance routines na gagawin para sa show mamayang gabi. 'Di makapaniwala si Elisse sa nakikita niya. Masyadong mahalay ang kanilang mga steps. Nakakabastos ng buong pagkatao. Tila mas gusto niya na lamang kainin ng lupa kesa gayahin ang mga ginagawa nila. And when they're done with their demonstration, biglang umahon ang kaba't takot sa dibdib niya.

"Okay, Elisse," tawag ni Rikki sa kaniya. "Sumali ka na rito!"

Walang magawa si Elisse kung 'di ang lapitan sila. Nangangatog nitong sinunod ang utos ni Rikki. Muling tumugtog ang maharot na musika. Pero, hininto rin kaagad ni Rikki 'yon.

"Ano ba, Elisse?!" sigaw nito. "Para ka namang virgin n'yan! G.R.O. ka't 'di madre! Lagyan mo naman ng landi 'yang mga galaw mo!"

Tumango lang si Elisse. She blinked back the tears that's forming in her eyes. Naisip niyang kasalanan niya rin naman kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. 'Yon ay dahil sa nagtiwala siya kay Vilma.

Pero, kung 'di siya sumama rito'y ano naman ang magiging kapalaran niya sa Santo Cristo? Wala na siyang mukhang maihaharap pa sa mga taga-roon. Maybe, it's really her fate to be pimped. At wala na siyang ibang magagawa kung 'di tanggapin ang tadhana niyang 'yon ng buong puso't kaluluwa.

Muling sinindihan ni Rikki ang awitin, and with a heavy heart, sinabayan na lamang ni Elisse ang saliw ng musika.



PAGKATAPOS ng practice ay nagtanghalian muna sila sa dining area ng tinutuluyan nilang dormitory. Over the table ay napapansin ni Elisse na kanina pa masama ang tingin sa kaniya ni Vivian.

Sa unang pagtatagpo pa lamang nilang dalawa kanina ni Vivian ay 'di maipaliwanag ni Elisse kung bakit nararamdaman niyang mabigat ang loob nito sa kaniya sa 'di niya malamang dahilan.

Pagkatapos nilang kumain ay muli silang bumalik sa kanilang kwarto kung saan siya kinompronta ni Vivian.

"Sipsip!" pasinghal na paratang ni Vivian kay Elisse.

Napatingin ang lahat sa kanila dahil sa pagkabigla.

Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Elisse. 'Di alam kung bakit siya pinagbintangan ni Vivian ng ganoon. Gusto niya sanang magsalita. Pero, nagdadalawang-isip siya kung papatulan niya 'to. Sa halip ay si Sarah ang gumawa n'on para sa kaniya.

"Anong sinabi mo?!" galit na tanong ni Sarah kay Vivian. "Kasalanan ba ni Elisse kung naging paborito kaagad siya ni Rikki?! Kasalanan ba niya kung mas magaling at mas maganda siya kesa sa 'yo?!"

Ngayon ay alam na ni Elisse kung bakit gano'n na lamang ang pagkamuhi ni Vivian sa kaniya simula't sapul nang dumating siya sa club. 'Yon ay sa kadahilanang nanggagalaiti si Vivian dahil mas maganda raw siya kung ihahambing kay Vivian ayon na rin sa sinabi ni Sarah.

Bagaman sa una'y nahirapan si Rikki kay Elisse ay nakipag-cooperate pa rin 'to sa huli. At dahil sa kahusayang pinakita niya'y nagustuhan siya kaagad ng manager nila.

Nag-alburuto ang dugo ni Vivian dahil sa sinabi ni Sarah. Imbis na sugurin ang kaaway na si Sarah ay si Elisse ang pinagbuntunan nito.

Sinunggaban kaagad ni Vivian ang buhok ni Elisse. Napahiyaw si Elisse sa sakit. Biglang nanumbalik sa kaniyang alaala ang ginawa sa kaniya ni Nelia ilang araw pa lang ang nakakalipas. Heto ngayon at tila nauulit na naman ang kasaysayan. She was traumatized. Nag-panic siya.

Tumulong si Sarah at ang ilang mga babae sa pag-awat kay Vivian sa pagsabunot na ginagawa nito kay Elisse. Naging matagumpay naman sila sapagkat nagawa nilang pakawalan si Elisse mula kay Vivian.

Humihingal silang lahat. Pero, 'di pa rin nagpapigil si Vivian. Umarangkada 'tong muli. Pinangsalag ni Elisse ang kaniyang braso. Nahablot ni Vivian ang kaniyang polseras.

"Ibalik mo sa 'kin 'yan!" galit na utos ni Elisse kay Vivian. Akmang si Elisse naman ang susugod kay Vivian. Pero, natilihan siya nang bumukas ang pinto ng kanilang silid.

Tumambad sa kanila ang galit na galit na mukha ni Rikki. Sa tabi niya'y si Bruno. Naaktuhan nila si Elisse sa gano'ng ayos na animo'y tigreng dadambahin ang kalaban.

"Elisse!" tawag nito sa pangalan niya na parang siya ang puno't dulo ng kaguluhang naganap.

Bigla namang umarte si Vivian na animo'y inapi.

"'Di po siya ang pasimuno–" depensa kaagad ni Sarah.

"Shut up, Sarah!" putol sa kaniya ni Rikki, 'di pa rin nito hinihiwalayan ng tingin si Elisse. "Kabago-bago mo pa lang dito. Pero, ganyan na ang attitude na pinapakita mo!"

Gusto mang mangatwiran ni Elisse. Pero, animo'y nalunok niya ang kaniyang dila.

"Akala ko pa naman ay 'di ka sakit ng ulo," Rikki said, his voice laced with disappointment. "Nagkamali pala 'ko. Sige, Bruno! Damputin mo ang babaeng 'yan at i-bartolina."

Kaagad namang sinunod ni Bruno ang utos ng kaniyang amo. Hinawakan niya si Elisse sa braso nito't kinaladkad palabas ng silid. Iwinawaksi ni Elisse ang mga kamay ni Bruno sa kaniyang braso. Pero, parang mga bakal 'tong nakakapit sa kaniya.

"Nasasaktan ako!" daing niya rito. "Bitiwan mo 'ko!"

Nadaanan niya ng paningin si Vivian. Naaninag niyang nginisian siya nito.

Nang makalabas sila ng kwarto'y muling isinara 'to ni Rikki. Ilang hakbang lang ay tumapat na sila sa isang cupboard sa ilalim ng hagdan. Tinanggal ni Rikki ang pagkaka-kadena n'on. Binuksan niya ang pinto. Sa loob n'on ay masikip at madilim.

Elisse is claustrophobic. An inexplicable fear and anxiety rose in her chest. Instinctively, nagpupumiglas siya. Pero, wala siyang magawa dahil mas malakas si Bruno sa kaniya. Para lamang siyang laruan nitong pinagsiksikan sa loob ng munting lalagyan. Muntik pang maipit ang kaniyang kamay nang bigla nitong isinara ang pinto. She can hear the scrambling of chains being tied on the door handle. She can hear her own heart hammering inside her ribcage. Kasabay n'on ang pagkalabog niya sa pinto.

"Please, pakawalan n'yo po 'ko rito!" pagmamakaawa niya sa kanila. "Wala po 'kong kasalanan!"

"Tumahimik ka r'yan!" saway sa kaniya ni Rikki. "D'yan ka hanggang 'di nawawala 'yang pagiging suwail mo!"

Seconds after, she can hear their footsteps slowly going away. At saka pa lamang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.



SI Troy Fajardo-de Silva ay ang nag-iisang anak nina Roberta Lou at Romano. Bagaman 'di niya dinadala ang apelyidong Fortalejo ay mas nananalaytay sa kaniyang mga ugat ang dugong ito.

Due to some uncanny reasons, his father acknowledged him as his own son when he was already three years old. Like the other members of their clan, his parents had their own unique love story also. And upon listening to it firsthand from his own parents when he was a grownup now, he instantly considered it as one if his favorites.

"I don't consider myself a true-blue romantic," Troy said enthusiastically over lunch while he was having conversation with his parents. "Pero, umaasa akong magkakaroon ako ng kasing-gandang love story niyong dalawa ni Mommy, Daddy."

"I believe you will," ani Bobbie, the nickname of his mother. "And who knows? Maybe yours will be much more original, lovelier and memorable. Besides, nasa lahi yata ng ama mo ang pagkakaroon ng komplikadong buhay-pag-ibig."

"Ano nga palang plano mo sa nalalapit mong kaarawan, hijo?" disimuladong iniba ni Romano ang topic. "That'll be just a week from now."

Nagkatinginan ang mag-ina't napangisi dahil alam nilang kanina pa naiilang si Romano tungkol sa pinag-uusapan nila. Ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan dahil batid niyang siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng asawa no'n at kung bakit wala ring kinilalang ama si Troy nang isilang 'to. Fortalejo is a clan full of pride.

"'Di ko pa po alam," pagsisinungaling ni Troy. Ang totoo'y may binabalak na silang early celebration nina Rodge at Dax. 'Di na nila pinaalam pa 'yon kay Jasper dahil napakabata pa nito para ro'n.

Troy, Rodge, Dax and Jasper are close friends. Bagaman magkakaiba sila ng mga edad. They became acquainted with each other during the garden wedding of Jessica and Trace which was celebrated at the garden of the Fortalejo's mansion in Texas.

Troy is the oldest at the age of fourteen. Rodge Fortalejo-Lavigne, na ang ina'y si Brenda Gamboa at ang ama'y si Trace, na siyang asawa na ngayon ng kaniyang Auntie Jessica, which makes Troy and Rodge cousins, is already thirteen years old. Dax, the adopted son of Brad Santa de Leones and Cameron Navarro-Fortalejo, is twelve years old by now. At ang pinakabata'y si Jasper at the age of ten, Jade Ann's and Kurt's only son, twin brother of Krystal de Silva-La Pierre.

Nahalata ni Bobbie na may tinatago sa kaniya ang anak. She just knew when he's lying. Hindi 'to makatingin ng diretso sa mga mata ng kausap. Pagkuwan ay biglang yumuyuko.

"I think you already have something in mind, Troy," ani Bobbie sa anak.

Napatingala si Troy na nanlalaki ang mga mata sa ina dahil sa pagkabigla. "N-none yet, really."

Bobbie was still unconvinced with Troy's reply. She gave her son a discerning look. "Papunta ka pa lang, pabalik na 'ko," she said wisely. "Don't even think about it. Bata ka pa't ayokong gayahin mo ang mga playboy sa angkang 'to."

Romano touched his chest as if hurt by Bobbie's words. "Boys will be boys, sweetheart," katwiran nito. "And besides, marami mang mga babae ang naugnay sa mga kalalakihan ng aming mag-anak ay nananatili kaming one-woman man. Troy is still in his youth. Hayaan mo siyang i-enjoy ang kaniyang kabataan. Let him sow his seeds while he's still young." Romano winked at his son.

Troy mouthed "thanks" to his father dahil sa lantarang pagkampi nito sa kaniya. Pakiramdam ni Bobbie ay pinagkakaisahan naman siya ng mag-ama.

"At may kasabihan ding 'You reap what you sow'," Bobbie hurled at them both. "Bahala kayong dalawa! At ikaw Troy," bunton nito sa anak. "'Wag mong sabihing 'di kita pinaalalahanan. Mother knows best," she quoted once more. Bobbie gave a final look at Romano before she stood up and left the table. "I'm out of here." Pabalandra niyang tinapon ang table napkin sa ibabaw ng mesa. Walang pakialam kung sumawsaw 'to sa kaniyang pagkain.

Romano excused himself, stood up, too, and followed his wife.

Nakangiting napailing na lamang si Troy. Actually, sanay na siya sa gano'ng scenario. Palagi kasing ganoon ang mga 'to. Animo'y teenagers pa rin ang kaniyang mga magulang kung mag-away. Pero, batid niyang sa kabila nito'y 'di nila matitiis ang isa't isa't magbabati rin sa bandang huli. And it's all because of love.



A/N: Marahil ay nagtataka kayo kung bakit si Troy ang ginawa kong karibal ni Zach kay Elisse dahil naguguluhan kayo kung magkakasing-edad lang ba sila. But, I'm telling you na pinag-aralan kong mabuti ang tungkol d'yan para mas maging mukhang makatotohanan ang mga detalye ayon na rin sa mga impormasyong nakalap ko mula sa Kristine Series.

NOTE: I based the characters ages from each novel's date of first printing.

Meet the Main Characters of "Elisse, Dearest"...

Zachary "Zach" de Lara-Navarro: Supposedly born on 1995 during Alaina's, his mother, disappearance. He was already 14 years old when Nick Gascon-Navarro, his father, found him on 2009. He's already in his junior high school during Kristine Series 53. So, in this chapter, he's 15 years of age. (See Kristine Series 53: Magic Moment 2 – I Have Kept You In My Heart, page 81).

Elizabeth "Elisse/Liza" Ybañez-Howard: Her date of birth is unknown. But, was supposedly to be the same age as Zach. Her mother is Henrietta Ybañez and her father is Grant Howard. Some says that she's just born because Grant raped her mother. But, Grant didn't acknowledge her as his own daughter. Grant is a del Mare and used to be Leandro Jace's rival for Drew Navarro, Zach's big sister. Grant fell off to his death at the lighthouse during an encounter with Drew and Jace. (See Kristine Series 53: Magic Moment 2 – I Have Kept You In My Heart).

Troy Fajardo-de Silva: Supposedly born on 1996. He was acknowledged by Romano Fortalejo-de Silva as his son when he was already 3 years old and that was during 1999. His mother is Roberta Lou "Bobbie" Fajardo. So, I supposed that he's already fourteen years old in this chapter. Yup! He's younger by a year than Elisse. (See Kristine Series 23: Romano 2, page 88).

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 1.1K 19
Alam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very h...
36.2K 815 10
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gusto ko ang gusto kong makuha... gusto kon...
2.7K 65 10
"Gusto ko sanang humingi ng apology sa ating hindi pagkakaunawaan," ani Celina. "I'm sorry." "At ganoon na lang ba iyon? Ano ang kapalit ng pagtangg...
93.5K 1.9K 16
"Remind me that you love me always" Dinukot si Lara sa araw ng kanyang kasal. Lalo siyang nalito nang dalhin siya ng lalaking nagpakilalang Duke Seba...