Sana Ako Naman (HBB #2) (Self...

By Levelion

1.1M 20.1K 3.5K

Si Felise Ann Espinoza ay walang swerte sa pag-ibig. Lagi nalang siyang second option ng mga lalaking minamah... More

Sana Ako Naman (HBB Series #2)
Prologue
1 Kabanata
2 Kabanata
3 Kabanata
5 Kabanata
6 Kabanata
7 Kabanata
8 Kabanata
9 Kabanata
10 Kabanata
11 Kabanata
12 Kabanata
13 Kabanata
14 Kabanata
15 Kabanata
16 Kabanata
17 Kabanata
18 Kabanata
19 Kabanata
20 Kabanata
21 Kabanata
22 Kabanata
23 Kabatana
24 Kabanata
25 Kabanata
26 Kabanata
27 Kabanata
28 Kabanata
29 Kabanata
30 Kabanata
31 Kabanata
32 Kabanata
33 Kabanata
34 Kabanata
35 Kabanata
36 Kabanata
37 Kabanata
38 Kabanata
39 Kabanata
40 Kabanata
41 Kabanata
42 Kabanata
43 Kabanata
44 Kabanata
45 Kabanata
46 Kabanata
47 Kabanata
48 Kabanata
49 Kabanata
50 Kabanata
51 Kabanata
52 Kabanata
53 Kabanata
54 Kabanata
55 Kabanata
56 Kabanata
57 Kabanata
**WAKAS**

4 Kabanata

19.6K 376 17
By Levelion

4 Kabanata
Yet

----------

"I really can't believe na older woman pala ang gusto niya. Hindi ko sineryoso yon nung sinabi yon sa'kin dati ni Daren, akala ko sinisiraan niya lang nun si Humpy para ma-divert ang atensyon ko sa kanya, pero totoo pala talagang gusto niya ang babaeng mas matanda sa kanya. Nakita ng dalawang mga mata ko kung gaano sila kasaya ng babaeng kasama niya kanina."

"Nabalitaan ko nga rin ang tungkol dyan. Si Humpy, siya yung pinaka mysterious sa kanila at pinaka weird sa pagpili ng mga babae. So, now that you know. Give up na ba, cous?"

"Of course not. Gigisingin ko siya, ipaparamdam ko sa kanya na hindi man ako old woman, masarap naman ako magmahal at handa akong busugin siya 'non."

Nginitian ako ni Nichole. "That's the spirit! Teka, bihis lang ako."

"Wait! Hindi ka ba sasama sa'kin bukas sa birthday ni Axel?"

"May pasok ako nun e. Ikaw nalang cous, have fun." At saka siya pumasok na sa kwarto niya.


Paglabas ko ng apartment namin ay manghang-mangha na nakatingin sa akin si Calvin na naka white plain shirt, blazer na itim, brown na trouser at black leather shoes. Naka brush up din ang buhok niya, bagay na bagay sa kanya ang outfit niya.

"Ang gwapo-gwapo naman natin ngayong gabi." Pamumuri ko sa kanya.

"And you look extremely sexy and beautiful tonight, Felise." Puri naman sa akin ni Calvin.

"Thank you."

Akala ko talaga hindi babagay sa akin itong black off the shoulder na lace trim bodycon dress. Iniregalo sa akin ni mama ito nung birthday ko na kasabay ng highschool graduation ko nung April seven.

Tinernuhan ko ng itim na black stiletto ang damit ko at hinayaang nakalugay ang buhok ko na ikinulot ko sa dulo. Light lang din ang nilagay kong make up, pero makapal ang dark red lipstick na suot ko.

"Let's go." Pang-aaya sa akin ni Calvin na pinagbuksan ako ng kanyang gray na sedan.

Sa ilang minuto naming byahe namin ni Calvin ay wala kaming ginawa kung di ang sumabay sa mga kantang tumutugtog sa radio ng sasakyan niya. Until we reach the New World Makati Hotel.

Pagdating namin sa venue ng birthday party ni Axel sa the ballroom. Nakita namin agad si Axel na sinasalubong ang mga papasok na guest tulad namin.

"Wow! You're so hot and absolutely gorgeous, Felise." Puri niya sa akin.

Nagyakap kaming dalawa at binati ko naman siya. Nag high-five naman at nag fist bump sila ni Calvin.

"Dumating na ba yung dalawa?" Tanong ni Calvin kay Axel na ang tinutukoy ay si Ivan at Dave.

"Oo, nandoon na sila sa unahan. Puntahan niyo nalang. Oh! Nandito na sila tito." Tinapik ni Axel ang balikat ni Calvin. "I gotto go." Paalam niya bago nito nilapitan ang mga dumating na bagong bisita. Nakita ko pa nga si Wein na kasama ang mga magulang niya at ang isang mas matangkad sa kanyang lalaki na kahawig niya, kuya niya siguro.

"Let's go, Felise nakita ko na sila." Hinawakan ni Calvin ang kamay ko at hinila niya ako papunta isa sa mga round table na nasa unahan at may banquet setup.

"Hey, Felise. Wow! You look amazing." Puri ni Dave. Ipinakilala niya pa nga sa akin ang maganda niyang kapatid na si Danica, ipinakilala rin sa akin ni Ivan ang girlfriend niyang si Hannah na dalawang taon naman ang tanda ko.

Habang tumatagal ay dumarami na ang bisita at ng mukhang dumating na ang lahat ay nagsimula na birthday party ni Axel.

Sa daming bisita ni Axel ay hindi na niya naalalang ipakilala sa amin ang babaeng kinahuhumalingan niya, na si Aika. Ang dami niya rin kasing ini-entertain na bisitang mga halatang galing talaga sa mga mayayamang pamilya. Nandito rin kaya ang ibang HBB, makikita ko kaya rito si Humpy? Pero tanging si Wein lang ang kanina pa nasasagap ng paningin ko, dahil nasa unahan siya kasama sa table ang pamilya niya at pamilya ni Axel.

Dumating ang cocktail event at nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko para magtungo sa restroom.

Habang papalabas na sana ako ay nagulat ako ng makita ko si Humpy na pinalilibutan ng mga babaeng kung titignan ay mga nasa thirties na pataas. Limang babae ang nakikipagkwentuhan sa kanya at kita naman sa mukha ni Humpy na nag e-enjoy siya sa kwento ng mga ito dahil sa natural niyang ngiti na suntok sa buwan bago ko makita sa kanya, kapag ako ang kausap niya.

Nanatili akong nakatingin sa kinaroroonan ni Humpy hanggang sa ng uminom siya sa basong hawak niya ay napatingin siya sa akin.

Napalunok ako at napakagat sa ibabang labi ko ng magtama na naman ang mga mata namin. Naaalala ko kahapon ng makita ko siyang may kasamang babaeng mas matanda sa kanya. Nag date yata sila nun kahapon, ano kayang ginawa nila? Dumiretcho kaya sila sa isang motel o hotel? Shit! Kagabi pa malikot ang isip ko sa kung anong ginawa ni Humpy at ng babaeng kasama niya, kahapon.

Muli ay pagkatapos niya akong makita ay nag-iwas na naman siya ng tingin at parang hindi na naman niya ako nakita.

Naiinis ako sa ginagawa niyang pang i-ignore sa akin. Ngayon ko lang na-realize na siya palang pala ang lalaking ng snob ng kagandahan at kasexy-han ko. At hindi ko na matitiis ngayon ang pang i-ignura niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya at ng mga babaeng kausap niya.

"Hi, Humpy. Alam mo bang kanina ko pa iniisip kung pupunta ka ba dito, kasi alam mo, miss na agad kita." Tila kumislot ang katawan ni Humpy ng marahan kong pinadulas ang kamay ko sa matigas niyang braso at saka ko isinandal ang ulo ko roon.

Hindi naman siya umimik sa ginawa ko, pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin.

"Ahm, excuse me lang po, can I borrow him for a while? We just need to talk something very important. Delayed for two months na po kasi ako. I think we're gonna have a baby."

"WHAT?" Sabay sabay na bulalas ng mga babaeng nakapalibot kay Humpy.

Hindi ko naman narinig ang anumang pagkagulat o pagtutol kay Humpy. Nahila ko rin siya ng hindi siya nagmamatigas at hindi umiimik. Lumabas kami sa The Ballroom na hila-hila ko siya hanggan sa makasakay kami ng elevator.

Pinindot ko ang pinakaitaas na floor ng building dahil hindi ko alam kung saan ko ba siya dadalhin para kausapin. Wala paring imik si Humpy habang nasa loob kami, nakahalukipkip lang siya at nakasandal.

"What's with that excuse?" Sa wakas ay narinig ko narin ang boses niya. Tinignan ko siya at nakita kong nakapikit ang mga mata niya.

"Hindi mo ba nagustuhan? Sorry ha, palagay mo na turn-off sayo ang mga matatandang babaeng yon?"

"I don't think so." Kasunod ng pagdilat niya at pagdapo ng tingin niya sa akin. "Bakit, ganoon ba ang plano mo? Ang ma turn-off sa'kin ang mga babaeng kasama ko?"

Hindi na ako nagsinungaling sa kanya. "Oo."

"Well, para sabihin ko sayo. Hindi nila paniniwalaan yon. Alam mo kung bakit?" Umangat ang gilid ng labi niya at humilig siya ng bahagya sa akin. Tila nagtayuan ang mga balahibo ko ng maramdam ko ang hininga niya sa tenga ko. "I always use protection. I don't fvck without that. So, your excuse is bullshit."

"What if maisip nila na nabutas yung condom."

Tinawanan niya ako. "Hindi sila ganoon katanga para mag-isip ng ganyan, idiot."

Napanguso ako at napayuko. "Wala ba talagang pag-asa na papasukin mo 'ko dyan sa puso mo? Kaya naman kitang mahalin ng higit pa sa gusto mo. Bakit kailangang maghanap ka pa ng babaeng mas matanda sayo?" Hindi ko na napigilang sabihin ang mga yon sa kanya. Kasunod ng pagtunog ng elevator.

Nag-angat ako ng tingin ng bumukas iyon. Hinila ko naman si Humpy palabas.

"So, ngayon maliwanag na sayo na hindi ko tipo ang mga babaeng kaedad ko. Pwede ba, tigilan mo na'ko? Masasaktan ka lang, Felise."

"Pero, Humpy. Kung naghahanap ka ng pagmamahal... na tulad ng pagmamahal na binigay sayo ng mommy mo dahil namimiss mo siya," hinaplos ko ang mukha niya. "Kaya ko namang ibigay ang higit pa roon. Aalagaan kita at mamahalin kita ng sobra-sobra."

Pabalya niyang inalis ang kamay ko sa mukha niya at matalim niya akong pinakatitigan. "Ano ang pinagsasasabi mo? Hindi kayang pantayan ng kahit sino ang pagmamahal sa akin ng mommy ko at kung naghahanap man ako ng pagmamahal ng isang ina. Hahanapin ko yon sa step mom ko. Hindi sa mga babaeng nakaka-relasyon ko!" Pagtataas niya ng boses sa akin.

"Eh ano ba talagang dahilan mo, why do you prefer old women?"

Sa halip na sumagot siya ay hinila niya ako, hanggang sa makarating kami sa rooftop. Ang lakas ng hangin dito, mabuti nalang at bodycon itong suot ko na hapit sa katawan ko.

Si Humpy naman ay naka asul na blazer na ipinatong niya sa kanyang black shirt at tinernuhan niya ng itim na trouser. Kapwa nililipad ang mga buhok namin, si Humpy nga ay magulo na ang buhok pero napaka gwapo parin, para ngang mas nagiging hot siya sa magulong buhok.

"Gusto ko ng mga babaeng mas matanda sa'kin kasi gusto ko yung matured mag-isip, yung marami ng experience. Ayoko ng ako ang nagdadala ng relasyon. Did you get it? At alam mo, Felise. Sa pinapakita mo sa'kin, mas lalo mong pinatutunayan na hindi ka karapat dapat sa'kin, kasi yung mga matured na babae, hindi nila ipipilit ang sarili nila sa isang tao, hindi sila gagawa ng kung anu-ano para mapansin dahil ang mga taong gumagawa non, yun ang mga taong isip bata, hindi nag-iisip, basta nalang sumusugod, in short. Tatanga-tanga."

"Are you done, insulting me?"

"Hindi kita iniinsulto. Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Akala mo ba, matitinag ako sa mga sinabi mo? Well, hindi ako susuko Humpy. Mamahalin mo rin ako at naniniwala ako roon."

Humalukipkip siya at seryoso akong tinignan. Kahit na hindi ganoon kaliwanag dito ay kitang-kita parin ang pagka asul ng mga mata niya.

"You're so persistent. Okay, I'll give you a chance, but you'll probably regret loving me." Lumapit siya sa akin at bahagya siyang nag bend pasulong. Hinawakan niya ang baba ko at inangat yon. Umangat ulit ang gilid ng labi niya habang nakatingin siya sa akin. Sinapo niya ang panga ko at banayad na hinaplos ang pisngi ko, 'tsaka niya ikinawit sa likod ng tenga ko, ang ilang hibla ng nililipad kong buhok na tumatakip sa mukha ko. "Handa ka bang pagsisihan na minahal mo'ko?"

Napalunok muna ako bago ako sumagot sa kanya. Ang lapit ng mukha niya sa akin, halos gahibla nalang ang pagitan ng labi namin at hindi ko mapigilang mapatingin sa mapula niyang mga labi.

"Oo." Sagot ko nalang sa kanya habang napakabilis ng pintig ng puso ko.

Nagulat naman ako ng bigla ay hapitin niya ako sa baywang at halikan sa labi. This time, hindi ako ang unang humalik sa kanya. It's him and it's not just an ordinary kiss 'cause I felt his tongue entering my mouth.

Napakapit ako sa batok niya at tinugon ang halik niya. God Almighty! He's a very good kisser. Sa bawat galaw ng labi niya sa labi ko ay pakiramdam ko, unti-unting nag aapoy ang katawan ko. His warm and soft lips makes me crazy, hindi ko tuloy napigilang makagat ang kanyang ibabang labi dahilan para ihinto niya ang ginagawa namin.

"Easy." Nakangiti niyang sabi. Nakita ko pang hinawakan niya ang ibaba niyang labi. "We need to go back." aniya at saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

Ang lalaki niyang humakbang kaya halos tumakbo na ako para sundan siya.

"Anong ibig sabihin ng halik na'yon?" Tanong ko kay Humpy habang bumababa kami ng hagdan.

"So, you didn't get it? That means. I'm letting you in, to my heart. Goodluck , Felise. Make me fall in love to you."

Pagsakay namin ng elevator. Akala ko bababa rin si Humpy kasabay ko pero ang sabi niya ay hindi na raw siya babalik dahil na bo-boring na daw siya. Kaya ako nalang mag-isa ang bumalik.

Bakit naman bigla siyang na boring, e kanina lang enjoy na enjoy siya sa mga babaeng kasama niya? Hindi ko talaga ma gets ang ugali niya. He's too mysterious. Pero sa tuwing maaalala ko ang paghalik niya sa akin ay parang nagpa-party din ang damdamin ko dahil sa tuwa. And now he's letting me in to his heart.

"O ganda ng ngiti natin ha? Anong nangyari?" Tanong sa'kin ni Nichole ng makauwi ako. Kauuwi lang din niya galing sa trabaho.

"Okay na kami ni Humpy. And he kissed me." Kinikilig kong kwento sa pinsan ko.

"OH MY GOD! HOW?"

Ikinuwento ko sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Humpy. Everything, kay Nichole ko lang naman kasi naiku-kwento ang lahat.

"Pero ang gulo. Masyadong complicated. Ibig sabihin, pwede na kayong mag date, mag kiss or maybe more than that, pero wala kayong commitment? Unless matutunan ka niyang mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya? So, ibig sabihin parang nililigawan mo siya, pero walang rules o limit ang pwede mong gawin. Tama ba ang pagkakaintindi ko?"

"Ganyan din ang pagkakaintindi ko. Hindi niya naman kasi pinaliwanag sa'kin. Basta, ang sabi niya. Bibigyan niya na ako ng chance na makuha ko ang puso niya."

"Cous, diba ang sabi ni Humpy na baka pagsisihan mo na minahal mo siya? Hindi kaya plano niya talagang pagbigyan ka lang sa pagkahumaling sa kanya, pero wala talaga siyang plano na seryosohin ka."

"If that's his plan. I don't care, basta gagawa ako ng paraan para magustuhan niya rin ako."

"Cous, ihanap nalang kaya kita ng ka-blind date. Wag mo ng ipilit ang sarili mo kay Humpy, masasaktan ka lang e."

"Cole, ayoko ng iba. Si Humpy lang ang gusto ko."

"Pero cous, ang gulo kasi ng-" itinakip ko ang kamay ko sa bibig niya para pigilan siya sa pagsasalita.

"Please. Ayokong marinig ang mga negative opinions mo, Cole. Hayaan mo nalang ako, pwede?" At saka ko tinanggal ang kamay ko sa kanya.

"Bahala ka cous, basta wag kang iiyak sa'kin ha." Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta sa kwarto niya.

Napabuntung-hininga naman ako ng maiwan ako rito sa sala. Ayoko talagang mag-isip ng kung ano sa sinabi ni Humpy na baka pagsisihan kong minahal ko siya. Basta, kung plano man niyang makipaglaro lang sa'kin, gagawin ko ang lahat para maging seryoso siya sa akin. Para mahulog din siya sa akin.


"Halina't ating awitin ang ama namin." Hudyat ng paring nasa unahan.

Nagsimula namang tumugtog ang pianista. This is it. Hindi ko ini-expect na mararanasan ko 'tong feeling na kinikilig ako habang kumakanta ng ama namin, dahil makakahawak kamay ko ang lalaking gusto ko. This is really a sacred song.

Nasa tabi ko si Humpy na kanina pa napakatahimik at di man lang ako magawang batiin kanina ng umupo ako sa tabi niya.

Hindi ko naman akalain na siya pala ang makakatabi ko. Wala na kasi akong ibang maupuan kanina nung pagdating ko sa simbahan until I found a sit beside him, na nasa ikatlong row ng mahabang upuan. Doon pa mismo sa unahan. Kaya doon ako naupo at ganoon nalang ang pagkagulat ko ng makita ko si Humpy. Pati nga siya nagulat ng makita ako, kita yon sa nanlalaki niyang mga mata.

Nagsimula ng kumanta ang choirs na sinabayan naman namin habang kasalukuyan ko ng hinahawakan ang malambot na kamay ni Humpy.

Hindi pa nga tapos ang kanta ay binitawan na agad niya ang kamay ko. Sa peace be with you naman ay hindi man lang ako hinarap ni Humpy, ni hindi nga nagtama ang paningin namin kaya kinalabit ko siya.

Nilingon niya naman ako habang matalim akong tinitignan.
"Peace be with you." Nginitian ko pa siya, pero binigyan lang niya ako ng kanyang poker face reaction.

Paglabas namin ng simbahan ay maraming kababaihan ang nakatingin kay Humpy na parating naka long sleeve na fitted, at ngayon ay naka skinny jeans siya na bumagay naman sa kanya. Isinuot narin niya ang nakasukbit na aviator sunglass sa pocket ng long sleeve niya. Mukha tuloy siyang celebrity.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inangkla ko ang kamay ko sa braso niya.

"What are you doing?" Gulat niyang tanong sa akin, pero hindi naman niya tinatanggal ang kamay ko.

"Pwede ba akong magpahatid sayo sa malapit na restaurant dito? Hindi pa kasi ako nag-aalmusal."

"Ano pa nga bang magagawa ko."

Napangiti ako sa di niya pagtanggi. Talaga ngang binibigyan niya na ako ng chance na makilala siya at turuan siyang mahalin ako.

Habang nasa loob kami ng kanyang asul na pajero. Hindi ko maiwasang maging madaldal. Ito kasi ang unang beses na nagkasama kami ng kami lang.

"Humpy, pwede na ba akong pumunta ulit sa school mo?

Hindi niya sinagot ang tanong ko, nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho, at nagpatuloy rin ako sa pagtatanong.

"Ano kaya kung mag date tayo bukas? Susunduin kita sa uwian niyo. Saang restaurant ka ba comforta-"

"Ganyan ka ba talaga kadaldal? Ayoko sa mga babaeng madaldal." aniya sa tono na may pagkairita.

Napanguso nalang ako at napatahimik at saka napatingin sa bintana kung saan nakita ko sa gilid ng kalsada ang isang kwek-kwek stand.

"Humpy, pahinto ng kotse! Doon sa tabi ng kwek-kwekan."

"Kwek-kwekan?"

Sinunod naman niya ang gusto ko. Huminto nga siya sa tabi ng isang kwek-kwek stand.

"Tara kain tayo. Libre ko!" Tinanggal ko ang seat belt ko at nagmamadaling bumaba ng kotse. Ilang buwan din akong hindi nakatikim ng street foods. Hilig ko pa naman kumain ng mga 'to nung highschool ako.

"Almusal mo yan?"

"Pwede rin. Pagkain naman 'to." Kumunot ang noo niya. "Manong, magkano po ang isa?"

"Tatlong piso ma'am."

"O, Humpy. Kuha ka na kahit ilan. Libre ko."

Kumuha na ako ng stick at nagsimulang tumusok ng kwek-kwek. Tumusok narin si Humpy.

"Manong, pasensya na wala po akong barya. Keep the change nalang."

Nagulat ako ng bigyan ni Humpy ng isang libo yung manong na nagtitinda.

"Teka lang! Diba sabi ko ako ang manlilibre?"

"Hindi ako nagpapalibre sa babae." At saka siya nagpatuloy sa pagtusok ng kwek-kwek, at ng mapuno ang stick niya ay isinawsaw niya iyon sa suka na maanghang at my mga sibuyas at pipino, at saka siya tumalikod sa akin at nagsimulang kumain.

Akala ko siya yung tipo ng mayaman na hindi kumakain ng mga pagkaing pangmahirap, hindi pala. Ngayon ay may natuklasan na naman ako kay Humpy.

Nilapitan ko siya at tinabihan. "Akala ko mag-iinarte ka sa street food na'to. Anak mayaman ka kasi."

"Hindi naman ginawa ang pagkain na'to, para lang sa mahirap. Everyone can eat this food. Dipende lang talaga yan sa tao." aniya habang ngumunguya siya. Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Manong, bigyan niyo nga po kami ng tig isang basong sago't gulaman."

Binigay ko kay Humpy ang isang baso. Mukhang sarap na sarap talaga siya sa kwek-kwek at kumuha pa siya. Hindi ko lang alam kung ilan pa.

Pagkatapos naming mabusog sa kwek-kwek ay bigla namang may tumawag sa kanya sa cellphone niya.

"Nandyan na kayo? O sige, pupunta na ako. I'll be there in ten minutes. I gotta go! Asshole." Dinig kong sabi niya sa kausap niya, malamang ay isa sa mga kaibigan niya yon.

"I need to go." Paalam niya sa'kin.

"Where you going?"

"Bakit kailangan mo pang alamin? You're not my girlfriend yet." At saka siya pumasok na sa sasakyan niya at pinaharurot iyon.

Grabe siya, hindi na nga niya ako hinatid, di man lang niya ako sinakay ng taxi. Di bale, sinabi niya kanina na I'm not his girlfriend yet? Ibig sabihin, may chance talagang maging girlfriend niya ko. God! I can't wait to finally be his girlfriend.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

225K 6.2K 53
Fantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
334K 8.1K 49
Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan si Ardyne na sumama sa Anarchs, isang motorcycle club na laging pinagkakamalang gang. Because o...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...