Azumi: The Tattoos (OLD)/ Und...

بواسطة girlie_ice

370K 11.1K 1.3K

WARNING!!! This story is old so kindly add the newest version of this. 😉😉😉 Thankies 💗💗💗 المزيد

Prologue
Chapter 1 [T1]
Chapter 2[T2]
Chapter 3[T3]
Chapter 4 [T3-1]
Chapter 5[T4]
Chapter 6[T5]
Chapter 7[T6]
Chapter 8[T7]
Chapter 9[T8]
Chapter 10[T9]
Chapter 11[T10]
Chapter 12[T11]
Chapter 13[T12]
Chapter 14[T13]
Chapter 15[T14]
Chapter 16[T15]
Chapter 17[T16]
Chapter 18[T17]
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21[T20]
Chapter 22[T21]
Chapter 23[T22]
Chapter 24[T23]
Chapter 25[T24]
Chapter 26[T25]
Chapter 27[26]
Chapter 28[T27]
Chapter 29[T28]
Chapter 30[T29]
Chapter 32[T31]
Chapter 33[T32]
Chapter 34[T33]
Chapter 35[34]
Chapter 36[35]
Chapter 37[36]
Chapter 38[37]
Chapter 39[38]
Chapter 40[39]
Chapter 41[40]
Chapter 42[41]
Updates
Update 2 😊
Update 3

Chapter 31[T30]

6.3K 282 29
بواسطة girlie_ice

When you are missing someone, time seems to move slower, and when I'm falling in love with someone, time seems to be moving faster – Taylor Swift


Click the little star before you read Tattoos :) Thanks


Azumi

"Good morning Nee-san, you need to wake up now ..." agad ko namang tinakip ang unan sa ulo ko at muling natulog ulit. Pero ang magaling kung kapatid ay walang balak akong patulugin, well kanina nya pa ako kinukulit na gumising na at hindi lang sya.


"Nee-san, binilin ka po sa akin ni Evan-kun ... at saka may kailangan kang makita sa baba" sabi ng kapatid ko at pilit na inaalis ang unan sa mukha ko. Grabe talaga ang mokong na yun, umalis na nga sa bansa binilin pa ako sa kapatid ko. Inalis ko na lamang ang unan at pumikit ng 5 seconds bago ko ulit ito binuksan.

"What?"

"Bilis Nee-san" agad nya naman akong hinila at nagpatangay na lamang ako, pagbukas nya ng pinto agad kung nakita ang makukulay at nagliliparan na mga balloon. I creased my forehead.


"May birthday ba?" tanong ko kay Yuki pero si Sheena ang sumagot sa tanong ko na nasa gilid lamang na kin at ang mukha nya ay parang kinikilig na ewan. =__=


"Ayieeh, umalis na nga si lover boy ... nagpapakilig parin sayo ... ayiehh sige kayo na ang sweet" sabi nya na may halong pahampas-hampas sa balikat ko.


"Anong nagpapakilig? Eh wala naman sya dito?" pero tinawan nya lamang ako "hay nako, ang slow mo talaga ... halimbawa katulad nito ngayon wala nga sya dito, kahit nasa malayong lugar sya, nag-eefort parin sya para mapasaya ka ... para ... wag kang malungkot ... parang ang mafefeel mo ay nasa tabi mo lamang sya"

"O-okay"

"Okay?! Yun lang ang masasabi mo?!" nakapameywang nya na tanong, bakit dagdagan ko ba ang sinagot ko?

"Ahm yeah?" napakanuot naman ang noo nya at may sasabihin pa sana ng bigla na lamang akong hilahin ni Yuki pababa ng hagdan at dinala nya ako sa diner table. Literal na lumaki ang mata ko at biglang tumunog ang tyan ko.


"Hahaha tama nga ang sinabi ni Evan-kun ... gutom ka na Nee-san" tawang-tawa sabi ng kapatid ko

"Teka sinabi? Kaylan?" umupo naman sya sa high stool na upuan at umupo narin ako, sumunod na din si Sheena.


"Ngayon lang ... tinawagan kasi ako ni Evan-kun at ang sabi kailangan na daw nating kumain dahil alam nyang gutom na gutom ka na ... and sya lahat ang nag-order nito" sabi nya at saka nagsimulang ng lagyan ang plato ko.


Grabe tinatawagan nya ang kapatid ko pero sa akin? Napatingin naman ako sa phone na hawak ko. napasimangot na lamang ako na ni isang missed call or message ay wala man lang. =_= Sige kayo na ang close ng kapatid ko.


"Kain na Nee-san ... wag kang mag-alala tatawag din yun" I just shrugged my shoulders, yeah tatawag din yun.


ʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔ


Miyuki

I put my earphone device sa tenga ko and I start the ignition, I hastily look to Nee-san who's busy looking on her phone "Nee-san ready?" tanong ko sa kanya, tumango naman sya at inilagay ang phone sa safety pocket nya.


Hindi na kami pumasok sa Academy dahil biglaang nagmessage sa amin si Boss na kailangan na naming kumilos at patayin ang isang myembro ni Mr. Lee at kapag natapay na namin sya iisa na lamang ang kukunin namin ng buhay.


Alam namin kung saan ang dalawang myembro ni Mr. Lee pero naghihintay lamang kami sa utos ni Boss. Hindi naman sila mahirap hanapin lalo't na mayaman at maimpluwensya sila.

Papunta kami ngayon sa Malamansyon nyang bahay, nakakatawa mang isipan pero ang aga naman namin yatang pumatay. Itinabi ko ang sasakyan sa tatlo pang nakapark na sasakyan para hindi mapaghalataan.


I grab the binoculars at mula dito kitang-kita ang nakakalat na mga gwardya sa labas ng bahay nila. Itinuon ko naman sa bahay nila, kitang-kita din ang nagkalat na mga cctv camera. Mukhang nagdodobleng ingat na sya siguro dahil sunod-sunod ang pagkawala ng mga kasamahan nya.


"Nee-san what---? Nee-san? Shit!!"

"Aaahhh" agad naman akong lumingon kung sino ang sumigaw, I silently cursed myself ng makitang pinapatay na ni Nee-san ang mga gwardya. Damn!! Hindi ko man lang namalayan ang paglabas nya sa kotse. Agad naman akong lumabas bitbit ang silencer ko.


I half run-walk habang pinapatamaan ko ang cctv camera's, nakita ko naman na papasok na si Nee-san sa gate but as I expected kay Nee-san hindi nya ito bubuksan. Itinutok nya ang baril sa gate and then she pull the trigger randomly. Kahit saan lang sya nagpapaputok at marami naman ang natamaan dahil narin sa mga sigaw nila.


Itinapon nya naman ang baril nya at tumakbo papunta sa gate ng medyo malapit na sya agad nya naman itong tinalunan at nakapasok na sa loob. Agad naman akong sumunod sa kanya at ginawa din ang pagtalon nya. I perfectly land my feet on the cement, napabuntong hininga na lamang ako dahil patay na lahat ang gwardya dito.


Nakita ko naman si Nee-san na lumalakad papunta sa pinto tumakbo naman ako "Nee-san wait!! Wait up!"


"Motto hayaku, Yuki"


"Hai" ako na mismo ang nagpresenta na buksan ang pinto, pagkabukas ko agad naman kaming umilag ni Nee-san dahil sa mga pana. Nakita namin ang imahe ng babae sa ibabaw ng hagdan hawak-hawak ang silver archer nya.


"Ang lakas ng loob nyong pumasok sa pamamahay namin!!" sigaw ng babae at halatang sobrang higpit ang pagkakahawak ng pana nya. She snaps her fingers at lumitaw sa gilid nya ang limang lalaki na nakasuit ng itim at lima din sa baba ng hagdan.


"Where's your dad?" tanong ni Nee-san

"What makes you think na sasabihin ko sayo?! Ha?! dadaan muna kayo sa akin bago sa Dad ko!!" malakas na sigaw nya at nagpakawala ng isang pana. Sumulpot ako sa unahan ni Nee-san at hinati ko ang pana nya gamit ang katana ko.


"At dadaan ka din sa akin bago sa Nee-san ko" matapang din na sagot ko hindi naman maipinta ang mukha nya marahil ay nagulat sya sa ginawa ko.


"Patayin sila!!" sigaw nya, nagsikilos naman ang limang lalake na nasa baba at inatake kami.

"Ako na ang bahala dito Nee-san" sabi ko habang sinasangga ko ang sandata nila. Tumango naman si Nee-san at nagsimula ng umalis!


ʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔ


Third Person

"Hon, anong ginagawa mo?" tanong ng babae sa lalaki habang bitbit nito ang tatlong taong gulang ng anak na umiiyak.


"Dito tayo dadaan" sabi ng lalaki na busy sa pag-aalis ng mga nakatambak na gamit. Ng maalis nya lahat ito, nanginginig ang kanyang mga kamay sa paghawak sa kanyang susi. Halos kumakalabog na ang kanyang dibdib dahil narin sa labis na ingay sa labas.


"Hon, hindi tayo pwedeng umalis ng hindi kasama ang anak natin ... si Monica" maiyak na iyak na sabi ng babae sa kanyang asawa.

"Kaya na ni Monica ang kanyang sarili" sabi ng lalaki na busy sa paghahanap sa tamang susi upang mabuksan ang maliit na pinto. Halos mapatalon sya sa tuwa ng mabuksan nya ang pinto agad nya namang hinawakan ang kamay ng babae at hinatak ito.


Nagpupumiglas naman ang babae "Hindi ... Paano si Monica?!" agad namang hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi ng babae "Hon, listen to me ... I trained Monica for this ... she knows what to do ... she's big... and she can take care of herself. No need to worry her. Okay?" umiiling-iling naman ang sagot ng babae sa kanya.


"How can you say that Ricardo?! Anak natin si Monica?! Hahayaan mo lang ba sya makipagpatayan sa taong hinahabol din ng kamatayan?! No, hindi ako aalis dito without Monica ... without our daughter!!" dahil sa sigaw ng babae agad na bumukas ang pinto at lumantad sa kanila ang babaeng nakasuot ng uniform at natakpan ang kanyang mukha ng kanyang buhok. Hawak-hawak nito ang kanyang katana at puno iyon ng dugo na napupunta sa sahig.


Namilog naman ang mata ng lalaki at hindi naman makagalaw ang babae, iyak naman ng iyak ang bata na bitbit ng babae. Mabilis naman ang pagkilos ng lalaki "I love you Hon, but I need to go" agad na sabi nya at sing bilis ng ibon na pumasok sa maliit na pintuan. Hindi naman makapaniwala ang babae sa ginawa ng lalaki sa kanya.


He left me?

He left me?!


Napalunok naman ang babae ng magsimulang lumakad ang babae papunta sa direksyon nya "Please, parang awa mo na ... kung ano man ang nagawa ng asawa ko .. sana ay ... sana ay mapatawad mo sya ... please" nakaluhod at yakap-yakap na umiiyak na sabi ng babae, mas lalo namang lumakas ang iyak ng bata.


"If he truly loves you, he will never leave you in this kind of state. He's a coward" she pointed the tip of her katana on the girl's head. Taimtim naman na nanalangin ang babae na huwag syang patayin at pati narin ang anak nito.


"Sutando!!" nanginginig na tumayo ang babae

"I want you to see how I will torture your beloved husband" hikbi lamang ang nasagot ng babae sa kanya. Sumikip naman ang dibdib nito ng sumagi sa isip nya ang patay na asawa.


"Please, don't kill him ... please ... I'll do anything ...just... just don't kill my husband" pagmamakaawa nya, ngumiti naman si Azumi sa kanya at bigla syang kinabahan sa ngiting yon.

"You'll do anything?" tumango-tango naman sya "I want you to kill your husband" she gasped ng malaman kung ano ang gagawin nya.


"But—"

"You said ... anything? Come" mahigpit naman syang hinatak ni Azumi papalabas sa pinto, halos masuka naman sya sa kanyang nakikita, nagkalat ang pira-piraso na mga katawan ng mga tao. Kinabahan at nag-aalala naman sya sa kalagayan ng kanyang anak na si Monica.

"Nee-san!!" napalingon naman sya kung sino ang taong tumawag, tumatakbo at may hawak-hawak ang babae papunta sa direksyon nila.

"Nani?" (What?)

"Watashi wa kare o mimashita" (I saw him)

"Doko?" (Where?)

"I will lead the way" masayang sabi ni Yuki tumango naman si Azumi at binobola-bola naman ni Yuki ang hawak nito.

Ng makita ng babae kung ano ang hawak nito doon na sya napaluhod at malakas na umiyak na parang wala ng bukas. "My Daughter!! Monica!!" sabi ng babae na umiiyak at dinuduyan-duayn ang sarili nito.

Ang hawak lang naman ni Yuki ay ang ulo ng anak ng babae na si Monica.


ʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔ


"Shoot him!!" sigaw ni Yuki sa babae na hawak-hawak ang maliit na baril. Nakaupo lamang si Azumi at nanonood sa mga pangyayari.

"Wag kang magkakamali na ipaputok yan sa amin ... your son is in my limb" Yuki

Tumango-tango naman ang babae, puno na ng luha ang kanyang mga mata at sobrang nanginginig narin ang kanyang mga kamay isama narin pati ang tuhod nya.

Tumingin sya sa kanyang asawa na halos nalulunod na sa kanyang sariling dugo. Nasa harap nya ang kanyang pinakamamahal na lalaki na nakatali ang dalawang kamay nito sa lubid.

"Just do it Hon" halos paubos na hangin na sabi ng lalaki, umiling-iling naman ang babae at tinakpan ang kanyang bibig dahil ano mang oras ay bibigay na ito.


"I can't, I ... I love you ... Hon" ngumiti naman ang lalaki sa kanya na ngayon nya lang nakita at masasabing totoong ngiti ito.

"Pasensya ka na kung bakit nadamay ka sa gulo na pinasukan ko. I deserve these Hon, matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon nito kung kaylan ako kukunin ni kamatayan ..." aangal pa sana ang babae ng pinigilan sya ng lalaki.


"But when I met you, everything's changed; I want to spend my time for you and our family. I want you all feel that I love you... I want to treasure all the memories that we shared ... at sa unang pagkakataon, natatakot ako .... Natatakot akong mahanap ni kamatayan...dahil hindi ako handang iwan ko kayo."


"alam kung darating ang panahon na pagbabayaran ko ang mga nagawa kung mga kasalan, minsan iniisip kung sana namatay na lamang ako na hindi ka nakilala, sana maaga akong kinuha para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon... at pasensya na din na bigla akong umalis ... sobrang natakot talaga ako ... pero bumalik ako dahil mas gusto ko pang mamatay kaysa mamatay ka"


"Pero alam kung lahat ay nakaplano, lahat ay may ibig sabihin. .. hindi ko pinagsisihan na nakilala kita ... you gave me hope and new life ... kaya nagbagong buhay ako dahil sayo pero ang masakit don may humahadlang sa kaligayahan na iyon" hindi naman maintindihan ng babae kung ano ang mga sinasabi pero ang tanging pumapasok sa isip nya ay may nagawa itong malubhang kasalan at ang pagmamahal nito sa kanya.


"Shoot him!!" napatalon naman sya sa sigaw ni Yuki na halos mabitawan nya ang baril dahil narin sa bigat nito.


"Do it Hon ... and take care of our Son" nakangiting sabi ng lalaki, umiling-iling naman ang babae habang itinataas ang baril nito.


"I love you Hon" she said and pulls the trigger, bago sya mawalan ng hininga narining nya pa ang huling sinabi ng kanyang asawa.


"I love you too Hon"

✂✂✂✂✂✂

A/n: Hope u like this chapter Tattoos :) I really appreciate sa mga nagcomment sa last chapter at syempre sa iba pang mga chapters.

Please do comment kung ano yung mga expectations nyo. At kung may roon kayong walang may naintindihan gagawan po natin ng paraan nyan.

See you in the next chapter Tattoos :)

<3




واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...