BitterELLA : Move on na ba Ta...

By mysehuniverse

320K 15.3K 7K

Ella Navarro had her heart broken by Liam and is still in the process of healing. Why? Because she didn't do... More

BitterELLA : Move on na ba Talaga?
[1] Crush Kita
[2] Selos ka Ella?
[3] May Gusto Na Yata Ako
[4] Regrets
[5] Barbie Doll vs. Patatas
[6] Boy PMS
[7] Match Made in Heaven
[8] Overprotective Kuya
[9] Kuya's Best Friend
[10] Kamalasan
[11] Prince and Princess
[12] Affected
[13] Dati
[14] Bagay Sayo
XANDER & LIAM
[15] Si Ella Lang
[16] Out of Place
[17] Tanga
[18] Di Sila Bagay
ELLA & XANDER
[19] Play
[20] Congrats
[21] Hazel's Ultimatum
[22] Cheering Ella Up
[23] Rebound
[24] Caught Off Guard
[25] To The Rescue
[26] Chances
[27] STILL in Love
[28] Baby Girl
[29] Confessions
[30] Diary Entries
[31] Declaration of War
[32] Crush Lang...?
[33] Galawang Xander
[34] Manhid Kasi
[35] Family Approval
[36] Usapang Lalaki
[37] Liam vs. Xander
[38] Pity Party
[39] Answers
[40] More Excuses
[41] Bad Decisions?
[42] Losing Game
[43] Xander's Goodbye
[44] Video Call
[45] Christmas Break
[46] Vacation
[47] Isang Tanong
[48] Girlfriend
[49] Stress si Tess
[51] Just a Kiss
[52] Magtiwala
[53] Doubting vs. Trusting
[54] Confrontation with Tess
[55] Accident
[56] May Iba
[57] Xander Estomo
EPILOGUE

[50] Bitter

3.6K 173 112
By mysehuniverse

E L L A

Iniwanan ko muna si Xander doon. Ayoko sana na iwanan siya kaso inis na inis na talaga ako kay Tess, e. Baka makasakit pa ako kapag nagtagal iyon.

Mapagkakatiwalaan ko naman si Xander, e. Alam kong kaya na niyang i-handle iyon, baka kasi may magawa lang akong masama kapag nagtagal na magkaharap kami ni Tess.

Ang kapal kasi ng mukha, e. Kung may hiya talaga siya, hindi na niya pipilitin si Xander.

Matagal pa 'yung vacant namin kaya hindi muna ako dumerecho sa classroom.

Naglalakad lang ako nang may makasalubong ako. Kaagad ko siyang nginitian at ganun din siya sa akin.

"Hazel" bati ko.

"Oh, wala kang klase?" Tanong niya. Umiling lang ako.

"Ikaw ba?" Tanong ko.

"Mamaya pa" sagot niya habang tumingin siya sa likuran ko. "Hindi mo kasama si Xander?"

"May inaasikaso" walang gana kong sagot.

"Sama ka muna sa akin? Tutal parehas naman tayong walang ibang gagawin" tanong niya at tumango na lang ako.

Ang weird talaga dahil kung mag-usap kami ni Hazel ngayon ay para ba na walang naging problema sa amin dati. Nakakasama ko rin naman si Hazel noong time na wala si Xander, friends naman na kami.

Kaso nga lang medyo awkward sina Abigail at Pau sa kanya dahil nga sa naging away namin. Neutral naman si Troy at Elmo tapos ang awkward nila ni Liam. Hindi ko rin naman sila masisisi.

Nagpunta muna kami ni Hazel sa canteen. Naupo muna ako sa unang bakante na upuan na nakita ko habang bumili muna si Hazel ng drinks para sa amin.

"My treat" sabi niya pagkabalik niya habang nagpasalamat naman ako.

"Kamusta na kayo ni Xander? May progress na ba?" Tanong niya.

"Kababalik lang naman niya, e. Wala namang nabago" sagot ko.

"Really? Expected ko tatanungin ka niya kung kayo na once na makabalik siya" sabi ni Hazel.

Bahagya naman akong natawa. "Well, supposedly ay ganoon na nga dapat kaso binawi niya"

Mukha namang nabulunan itong si Hazel sa sinabi ko. "Ano?! Bakit naman niya babawiin?" Tanong niya.

"Nasira 'yung moment, kaya ayun... Nawalan ng gana, next time na lang ulit" natatawa kong sinabi.

Napailing na lang itong si Hazel. "I don't know about Xander, iba talaga" natatawa niyang sinabi.

Nagkibit balikat na lang ako. "Baka hindi pa talaga time, hindi naman kami nagmamadali so okay lang"

"If I were you, 'wag niyo nang pagtagalin" sabi ni Hazel at napatingin ako sa kanya.

"Pagtagalin?" Pag-ulit ko.

"'Yung panliligaw" sagot niya. "I know na importante 'yung stage ng panliligaw but mas importante 'yung magiging relasyon niyo"

"Hazel..." Kokontra sana ako pero sumenyas siya na tumigil ako.

"Look Ella, eight months akong niligawan ni Liam... Eight months pero nag-break din kami, nagtagal naman kami kahit papaano" sabi niya.

Natigilan naman ako bigla. "Hindi naman kayo magbre-break kung hindi dahil sa akin, e" naiilang kong sinabi.

Natauhan naman bigla si Hazel sa sinabi niya. "Ah, I don't mean it that way Ella" sabi niya. "Ibig kong sabihin lang ay hindi makakaapekto 'yung tagal ng panliligaw sa tagal ng relationship" paliwanag niya. "'Yung iba nga mas matagal pa ang panliligaw, e"

Hindi pa rin ako makakibo man lang, naaalala ko kasi kung paano nagalit si Hazel sa akin noon.

"Ella, hindi na ako galit. Sorry kung na-bring up ko pa. Isa pa, may kasalanan din naman ako noon, I treated Liam like an accessory" sabi ni Hazel.

Natahimik lang kami ng sandali. Ang awkward tuloy.

"Anyways, alam ko naman na magiging okay kayo ni Xander" sabi ni Hazel.

"Okay naman siguro" sabi ko at binigyan ako ni Hazel nang nagtatakang tingin.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Parang?" Sagot ko. "May minor problem kasi ngayon, but minor lang naman" panimula ko.

"At 'yun ay?" Tanong niya.

Pinaliwanag ko sa kanya 'yung sitwasyon namin kay Tess. Nung natapos ako ay medyo nakasimangot na si Hazel.

"Nagkita sila ni Xander sa US pero nag-assume na girlfriend na agad?" Tanong niya.

Tumango lang ako. "Ganito kasi, ginamit lang niya si Xander para maipakita sa friends niya na may boyfriend pa siya" paliwanag ko.

"Tss... Iba na lang sana kamo ang kinuha niya. Nahiya naman ako diyan" naiirita na sinabi ni Hazel. "Buti 'di mo sinabunutan"

Natawa naman ako. "Ayoko naman ng ganun, kaya nga umalis ako"

"Iniwan mo siya ng kasama si Tess?!" Napahampas bigla si Hazel sa mesa kaya napatingin sa amin 'yung ilang estudyante.

"Kaysa naman mapaaway pa ako" dahilan ko.

"Nako... Ella, Ella, Ella" sabi niya habang umiiling pa. "At times like this, dapat bantayan mo si Xander ng 24/7!" Sabi niya.

"Ha?"

"Sa sobrang gwapo ba naman nung manliligaw mo, marami rin na magkakagusto diyan. Maraming pwedeng umagaw diyan. Hindi mo masabi" paliwanag niya habang ginagalaw pa niya 'yung mga kamay niya.

"Loyal si Xander" katwiran ko.

"Yeah right, lalaki pa rin iyan" sabi ni Hazel sabay inom nung drinks niya.

"Iba si Xander" dagdag ko pa.

"Nasabi ko na rin iyan" kontra ni Hazel.

"Nagbibigay ka ba ng payo o nagpapaka-bitter?" Tanong ko.

Napanguso naman si Hazel. "Probably both"

Huminga na lang ako nang malalim. "Okay ka na ba talaga kay Liam?" Tanong ko.

"Ella, ikaw at si Xander ang pinag-uusapan" sagot niya.

"I know, pero syempre naaalala ko pa rin 'yung sa inyong dalawa" sabi ko. "Kasalanan ko pa rin kasi iyon"

Hinawakan naman ni Hazel 'yung kamay ko. "Okay lang kami ni Liam, okay? Hayaan mo na maging bitter ako but ayos lang naman ako" nakangiti niyang sinabi.

"'Wag ka ng iiyak nang dahil sa kanya, ha?"

"Hindi na" umiling siya. "Ang ganda ko kaya, maraming mas gwapo pa na manliligaw sa akin" biro niya at natawa naman ako.

"Wow, ikaw na ang confident" sabi ko. Pero totoo naman, ang ganda kaya ni Hazel.

"Sino mas maganda, ako o si Tess?" Tanong niya.

"Malamang sa ikaw" sagot ko.

"Echosera, may galit ka lang kaya kay Tess" sabi niya at parehas lang kaming nagtawanan.

Naunang tumigil si Hazel ng pagtawa. "Si Xander, oh" turo niya.

Lumingon ako at nakita kong papalapit sa amin si Xander, wala si Tess. Binati siya kaagad ni Hazel saka kinamusta. Naupo naman si Xander sa tabi ko.

"Anyare?" Tanong ni Hazel.

Sapat nang sagot sa akin 'yung buntong hininga ni Xander. Malamang sa hindi 'yun nilubayan ni Tess.

"Nasaan si Tess?" Tanong ko.

"Bumalik na sa school niya" walang gana na sinabi ni Xander.

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ko.

"Nakikipagtalo ako, e. Ayoko nga kasing magpagamit. Hinabol ko pa kaya si Tess pero buo na ang loob" paliwanag niya.

"Ano nangyari?" Tanong ni Hazel.

Inabot ni Xander 'yung inumin ko saka siya uminom doon. Jusko, lalo kaming magkakahawaan sa ginagawa niya.

"Dahil hinabol ko siya, nakita kami nung barkada niya" sabi ni Xander.

"Tapos?" Bakit ba mas interesado pa si Hazel?

"Pinakilala niya ako. Sumasabat ako pero kinukurot niya ako kaya hindi ako makapagsalita tapos napangunahan na niya ako" paliwanag ni Xander.

Tumingin naman si Hazel sa akin saka ako pinandilatan.

"Bakit hindi mo ginamitan ng kasungitan mo?" Tanong ko. "Sana tinakpan mo 'yung bibig saka ka nagsalita"

"Ayoko naman na masyadong ipahiya 'yung tao"

Nagkatinginan kami ni Hazel sa sagot ni Xander. Siya ba talaga ito?

"Kailan ka pa naging ganyan?" Tanong ko.

Sumama naman 'yung tingin niya sa akin. "Teka ha, ayoko lang mamahiya ng babae" sabi niya.

"May soft spot ka ba para kay Tess?" Tanong ko.

Napapikit na lang si Xander saka siya huminga nang malalim.

"For darn's sake Ella, don't start" sabi niya.

Napasimangot naman ako. Ano na naman ito? Tumingin naman ako kay Hazel at nagkibit balikat lang siya.

Dumilat naman si Xander saka niya ako seryosong tiningnan. "Look, wala akong kahit anong nararamdaman para kay Tess. Hindi kasi makakabuti kung ipapahiya ko siya ng harap harapan sa mga kaibigan niya. Alam mo naman 'yung pakiramdam ng maraming humuhusga sa iyo 'di ba? Nasaktan ka kasi noon, naaalala ko lang 'yung nangyari sa'yo" pagkatapos noon ay umiwas na agad siya ng tingin.

Natulala ako kasi hindi ko inaasahan 'yun. Pati ba naman kay Tess, naiisip pa rin niya ako? Since when did he get this sensitive?

"Out of character, hindi ba?" Tanong ni Xander. Bahagya naman akong tumango. "Sorry kung hindi ko man lang mapaintindi kay Tess na ikaw 'yung nililigawan ko. Mahirap magpaliwanag sa taong... Basta mahirap"

Bahagya naman ako na napangiti. To be honest, I hate the thought of Xander dating another girl. Ayoko na magpagamit siya kay Tess, pero medyo magaan pa rin sa pakiramdam ko dahil sobrang laki ng personality improvement ni Xander.

"Kung magagalit ka ay wala akong magagawa, iniwan mo kasi ako roon" sabi niya.

"Ayoko naman na makipagsabunutan kay Tess" sabi ko.

"Hindi naman 'yun necessary, ang kailangan ko lang naman ay tulong mo kanina pero iniwanan mo ako" nagkunwari pa siyang nagtatampo.

"Sorry na po" sabi ko habang ginulo ko 'yung buhok niya. "Mag-ingat ka kay Tess ha?"

"Baka pwedeng huwag mo na akong pagdudahan mula ngayon?" Tanong niya.

"Sorry na nga... Hindi na"

"Nakakakilig kayo, kaso nakakainis din" komento ni Hazel.

"May reklamo? Umalis ka" sabi naman ni Xander kaya hinampas ni Hazel 'yung braso niya.

"Nagtatalo pa kasi kayo pero in the end naglalambingan pa rin, nakakaburyo" natatawa niyang sinabi.

"Ngayon alam mo na feeling ko noon kaya ako bitter" sabi ko.

"Oo na, gets na" sabi ni Hazel. "Pero paano na gagawin niyo ni Xander?" Tanong niya.

"Hm? Wala namang mababago, bahala na si Tess" simpleng sinabi ni Xander.

"Sure ba kayo diyan?" Tanong pa ni Hazel.

"Okay naman siguro" sabi ko habang nagkatinginan kami ni Xander.

Sabit lang naman si Tess, hindi ba? Hindi naman siguro siya makakaapekto sa amin ni Xander.

'Yun ang akala ko...

Hindi ko naman inasahan na pakapalan na pala ito ng mukha. Ang dalas magpunta sa campus ni Tess! Isa pa, akala mo kung sino na silang close ni Xander. Si Xander naman, hindi man lang kumikibo. Lumalabas tuloy na ako 'yung third wheel minsan kaya in the end mas nakakasama ko pa sila Liam.

"Ella, show her who's boss. 'Wag ka ng magpaka-anghel diyan. Kapag naagaw pa si Xander sa'yo, bahala ka" sabi ni Hazel.

"Hazel, ayoko ng confrontations" sabi ko.

"Ayun pala, 'wag ka ng magreklamo sa akin kung ganun" sabi niya.

"Hindi naman magkakagusto si Xander kay Tess" sagot ko.

"Hindi mo masasabi, tulad ng sabi ko... Lalaki rin 'yun"

"'Wag mong i-generalize, hindi lahat ng lalaki babaero" pagsingit naman ni Liam.

Hindi ko pa pala nababanggit, pero kasama ko rin si Liam ngayon. Nandito rin naman si Troy at Elmo pero sobrang awkward pa rin ng atmosphere namin.

"Oh? How I wish" komento naman ni Hazel.

Mukha namang nairita si Liam. "Walang personalan Ms. Castillo"

Nagsalitan naman ako ng tingin mula kay Hazel at Liam, ang bitter ng dalawang ito. Hindi ba nila nare-realize na nandito rin ako at dawit ako?

"Ms. Castillo, anyare sa Zel?" Biro naman ni Troy at tinadyakan ko ma lang siya mula sa ilalim nung mesa. Daldal.

"Anyways, nasaan si Xander ngayon?" Tanong ni Hazel.

"Baka nambababae, 'yun lang naman iniisip mo 'di ba?" Sabat naman ni Liam pagkatapos noon ay sumama 'yung tingin ni Hazel sa kanya.

"Ang lakas ng sexual tension" bulong ni Elmo at tinadyakan ko na lang din siya.

Buti na lang hindi narinig nung dalawa. Akala ko ba okay na sila? May nangyari ba sa dalawang ito?

Nakakainis palang tingnan ang taong bitter masyado, siguro nabwibwisit din sila sa akin noong ako 'yung ganun.

"Alam niyo para matigil na ito, tatawagan ko na lang si Xander" sabi ko habang nag-dial ako ng number niya.

Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot na rin niya.

"Bakit?"

"Anong bakit, kanina ka pa kasama ni Tess. Ano ba ginagawa niyo?" Tanong ko.

"Lunch" tipid niyang sinabi.

"Baka pwedeng pakisabi diyan sa girlfriend mo na nawawalan ka na ng oras sa amin"

"Sandali na lang, hindi ko naman kasi maiwan si Tess"

"Bye"

Binaba ko na agad 'yung tawag. Wala naman yata siyang balak na magpaliwanag talaga kaya huwag na lang.

"Told you Ella" sabi naman ni Hazel.

Nanatili akong nakasimangot, bakit ba parang ang gaan ng loob ni Xander kay Tess?!

"Baka naman may magandang dahilan si Xander, huwag mo munang pangunahan ng inis" sabi ni Liam.

"Hindi mo kasi naiintindihan si Ella, siya 'yung nililigawan pero nagpapanggap naman si Xander na boyfriend ng iba" sabi ni Hazel.

"Hindi niyo rin alam ang dahilan pa ni Xander, tingnan mo rin ng galing sa perspective niya" sabi naman ni Liam.

"Ano naman dahilan niya? Malay niyo gusto rin pala ito ni Xander. Ang dali kayang tapusin ng sitwasyon na ito pero nagpapacontrol siya kay Tess" kontra ni Hazel.

Umiling lang si Liam at mukhang nainis si Hazel. "I'm out" sabi niya saka siya umalis na.

Tumingin naman kami kay Liam. "Mamaya na nga lang" tumayo na rin siya. "Ayusin niyo ni Xander 'yan Ella. Ayoko nang makialam" pagkatapos noon ay umalis na siya.

"Lakas ng topak nung dalawang iyon, palibhasa may pinaghuhugutan" sabi ni Troy.

"Hindi pa talaga okay 'yung dalawang 'yun" sabi naman ni Elmo.

"Ewan ko na" sabi ko naman.

Nagpalipas muna kaming tatlo ng oras doon. Kung may problema man talaga si Liam at Hazel, maaayos naman siguro nila iyon. Basta kailangan ko lang pagkatiwalaan si Xander, ayoko nang palakihin pa 'yung problema namin. Ayokong mag-away kami, at mas lalo na ayoko na ang magiging dahilan noon ay si Tess.

"Ang tagal ni Xander, ten minutes na lang ay may klase na kami" nag-aalala kong sinabi.

"Puntahan na natin? Malapit lang naman 'yung school nila Tess" tanong ni Troy.

"May klase rin kayo hindi ba?" Tanong ko.

"Ayos lang, late naman kung dumating prof namin" sabi ni Elmo.

Pumayag na lang ako. Nag-kotse pa rin kami para mas mabilis. Nang makarating kami sa tapat ng gate ng university ni Tess ay bababa na sana ako kaso sakto na nakita ko si Tess at Xander.

Nakakapit si Tess sa braso ni Xander at nag-uusap sila. Okay lang sa akin 'yun, e. Ayos lang talaga, kaso iba 'yung ngiti ni Xander. Hindi pilit, tapos tumatawa pa siya. Ang komportable nila sa isa't-isa.

Ang tagal kaya bago ko siya napatawa ng ganun, ang tagal bago niya ako ngitian ng sincere talaga kaya bakit ganito siya kay Tess?

"Ella..." Nag-aalala na sinabi ni Elmo.

"Tara na" sabi ko.

"Paano na si--"

"Kaya na niya sarili niya" sabi ko. Nag-aalangan pa si Troy kasi tinapik na siya ni Elmo kaya nagsimula na siyang magmaneho paalis.

Muli akong tumingin kay Tess at Xander, nakangiti lang si Tess tapos kinakausap siya ni Xander. Ang nakakainis pa roon, naka Kim Chanyeol na t-shirt si Tess! Mayaman naman siya, bakit siya naka-fake na t-shirt?! Kainis.

Sumandal na lang ako sa upuan ko saka pumikit. Naiinis ako kasi bakit hindi ko magawang bumaba tapos ako itong maaasar.

Baka sunod ko na lang na malaman, jejemon na rin itong si Xander.

----

Magiging jejemon ba si Xander? Tune in and find out. Hahaha XD

Tess + Xander = TeNder
Tender love baby~ lintek. Haha.

At salamat dahil almost 100k+ reads na ito! Hahaha. Gusto ko na talaga siyang tapusin pero di ko alam kung pano xD

Nanood kayo ng MAMA? ang daming ChanSeo moments, meron din naman na SeoHun. Pero mas malupet ang SeungHun at ChanBaek. Takte XD

VOTE.COMMENT.SHARE
XOXO

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
11.7K 251 21
Nang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.
1.5K 134 31
Highest Wattpad Rankings! 🏅🏆 #1 in Pokémon (04-07-20) #2 in Pokemon (11/29/23) 7 in Random Stories (05-07-20) Kung may ex kang Pokémon, ugaling Pok...
60.6K 757 108
All written here are from the famous page named SPOOKIFY✔ Art by Charlene B. Payawal FB: LJVKnight