She's The Campus Stalker

By quesameh

190K 3.3K 430

EDITING TILL IT STOPS BEING CRINGEY One day they will regret doing wrong on you because they will see how am... More

Prologue
1: The Dangerous Smile
2: He Knows My Name
3: His Genius Friend
4: Almost Perfect Day
5: The Second Member
7: Fire Turns Into Tears
8: The Authentic Love
9: Number of Happiness
10: Beautiful Speechless
11: Galaxy Company
12: Two-Faced
13: Something special

6: Cheesecake

4.7K 196 9
By quesameh

VI
~¤~
Cheesecake
..............

HANNAH


Hanggang ngayon bumabagabag parin yung ngiti nong lalaking yun saakin, Ewan ko ba! Parang may something saakin, nang dahil sa ngiting yun hindi ako nakatulog sa kakaisip sakanya. Umupo na ako sa upoan ko at napahawak sa tiyan ko ng magwala ito.



"Hi Hannah." Napatingin ako sa nagsalita at pakiramdam ko nawala ang gutom ko ng makita ko ang pagkain sa harapan ko, Ano ba naman Neil!



"Hello?" Umupo si Neil sa tabi ko at inabot saakin ang isang box, Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti sa ginawa niya.



"Mali, Cheesecake kaya yan. Blueberry Cheesecake. Tingin mo ba magugustohan yan ng pagbibigyan ko?" Napakunot ang noo ko at binalik sakanya ang box, Akala ko pa naman saakin na. Akala ko pa naman ako na, Sige! Salamat na lang sa lahat malason sana yung pagbibigyan mo.



"Maganda naman for sure magugustohan yan ng pagbibigyan mo." Iniwas ko ang tingin sakanya at nagsimulang magbasa sa libro ko. 



"Buti naman at nagustohan mo, sige na kainin mo na yan." Napakunot ang noo ko at napatingin sakanya. Wait! Saakin ito? Okay, binabawi ko na yung sinabi ko na sana malason yung pagbibigyan niya.



"Para saakin?" Ka?



"Oo naman, Sige na kainin mo na." Binuksan niya ang box at kumuha ng kutsara, Huy! Kinikilig ako ano ba.



"Say Ahh." Ahh? As in Ahh Love you? Hawrot!



"Just eat it. It took me 2 hours to bake a perfect cheesecake for a woman who completes my day when I see her." Nakagat ko ang lowerlip ko sa kilig, Ampucha naman! Halos mapasapo ako sa mukha ko ng suboan ako ni Neil ng cheesecake. 



"Huwag kang magalala walang lason yan, at kung meron man my lips are ready for true love's kiss." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at napatingin naman saakin ang mga kaklse kong babae, pag inggit pikit.



"Ang galing mo magbake ah!" Napatango tango ako habang ngumunguya, Jusko! Sana ganito na lang lagi.



"Oo naman, Soon there will be a bun in your oven." Nanlaki ang mata ko at napatingin ako, teka lang! Agad agad? Walang awat awat!? Napaubo ako at agad niya naman ako binigyan ng CPR de joke lang! Binigyan niya agad ako ng tubig at pinat ang likod ko.



"Joking." 



"Marshy!" Napatingin ako kay Liam na tumawag saakin, Ano na naman? Magaaway na naman sigurado itong dalawa na toh!



"Liam, Walang Marshy dito. Paiba iba ka kasi ng babae kaya nalilito ka tuloy."



"Marshy!" Bigla akong na istatwa ng marinig ang boses. Eto na nga ba ang sinasabi ko mag  aaway na naman tong dalawang toh.



"Alam niyo magiging criminal kayo paglaki niyo sa kakaaway niyo." Umalis muna saglit si Liam dahil may tumawag sakanya, napatingin naman ako kay Neil ng tumawa ito. Ano na naman? Kinikilig ka?



"Kung magiging criminal man ako, gusto ko yung kaso ko ay yung nagnakaw ako ng tingin sayo."



Ampucha.



"Marshy! Marshy!" Napatingin kaming dalawa kay Liam at halos isumpa ko na siya dahil lagi niyang sinisira ang moment namin ni Neilabs ko. 



"Marshy tawag niya sayo? Ang duga naman, dapat may tawagan din tayo." Halos magwala na talaga ako ng magpout siya at napayuko pa. Shutaaaa!



"Sige, Hmmm, I call you Blue. and you call me-"



"Berry. Sakto mahilig pa man din ako sa berries." Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko ng nagkagat labi siya at tumingin pa saakin mula baba hanggang sa taas. Jusko!



"Ehem! So Marshy, Nasayo pa ba yung Couple Shirt natin?" Nanlaki ang mata ko at napatigil naman ang kaklase kong babae sa ginagawa nila, ANONG COUPLE SHIRT?



"May couple shirt kayo?" Nakatingin na saakin si Neil at halos parang sinaksak na ako ng kutsilyo sa sobrang talas tumingin saakin ng mga kaklase ko.



"Ah yung kahapon ba yan? Ayon ginawa ko ng basahan." Napatawa si Neil at sinamaan naman ako ng tingin ni Liam, Huh? Eh sa totoo naman ah!


"Oh? Anong tinitingin tingin niyo? Sasaktan niyo na naman ba si Hannah?" Umiwas agad ng tingin ang mga girls at lumapit naman ang DUH GURLS.



"Duh, As if naman na may mananakit kay Hannah, Neil. Don't worry pinoprotektahan namin siya." Feeling ko automatikong namilog ang mga mata ko sa sinabi niya, Coming from the Devil pa talaga?



"Kaya nga Neil, As if naman may mananakit kay Hannah. Hindi naman nila trabaho yun diba?" Naramdaman kong umiinit na naman ang tensyon sakanilang dalawa kaya gumawa na ako ng paraan.



"Liam,  puwede umalis ka muna?" Hindi man halata pero ramdam ko ang pagkabigla ni Liam sa sinabi ko, tahimik siyang umupo sa tabi namin at nakasimangot pa.



"Neil, didiretsohin na kita na sa tanong ko."



"Ano ba yung tanong mo? Sasagotin ko agad para ako naman sagotin mo."



"I mean sasagotin mo ako diba? Kasi magtatanong din ako sayo." Enebe itatanong mo? Hehehe.



"Like all of a sudden, bakit lumalapit ka saakin ngayon? Like bakit nakikipagclose ka saakin?"



"Wala naman masama diba? I just feel na solid kang kasama, and starting a story with you feels like making miracles happen." Napakagat ako sa labi ko at pakiramdam ko umakyat na talaga yung dugo ko sa mukha ko.



"Marshy namumula ka, Okay ka lang?" Napatingin ako kay Liam habang hawak ang pisngi ko, Halla! Halata ba na kinikilig ako?



"Mainit, ang init kasi!" Wow, Mainit? Halos nasa Alaska na nga kami sa sobrang lamig.



"Tara sa Garden tayo, Malamig doon." Hindi pa ako nakaksagot pero hindi na agad ni Liam ang kamay ko dahilan para mapatayo ako. Tahimik lang kaming dalawa habang hinihila niya ako papunta sa Garden, Nahiya pa toh! Hindi na lang ako binuhat.



"Liam, ano bang meron?" Binitawan niya ako at at napatingin saakin.



"Marshy, I think mas better kung umalis ka na dito sa YunteVella." 



"Ano? Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan?" Hinawakan niya ang pisngi ko at pinagtama ang tingin namin.



"Marshy, Staying here in YunteVella is no good for you. Lagi kang nahihirapan, Lagi kang sinasaktan, and as a man who respects woman it really does hurt me."



"Mallows, I'm okay. The pain will go away pero masaya ako dito-"



"Masaya ka dito dahil kanino? Dahil nakakuha ka ng mataas na grado? Dahil running ka for Valedictorian? O dahil kay Neil?" Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at umiwas ng tingin, Tagos ako doon ah! Hindi ko alam sasagotin ko.



"Mallows, kahit ano pang sabihin mo hindi ako aalis sa YunteVella. Dream school ko ito, and kapag aalis ako dito feels like ruining my own dreams. I do appreciate the concern pero as a man naman Liam do respect woman's decision."



"Just, Just avoid Neil. I know na nakakalito pero kailangan intindihin." Tumango ako sakanya at tumalikod.



"If the day comes na masasaktan ka ng sobra, sabihin mo saakin and I'll explain everything." Napatingin ako sakanya at napatango saka itinuloy ang pagpunta ko sa room namin.



Hindi ko maiwasan na hindi isipin yung sinabi ni Liam, Si Neil? Sasaktan ako? Paano? Mgakaibigan lang naman kami. Hindi ko alam pero parang may gustong sabihin si Liam saakin sadyang may pumipigil lang sakanya.



Hay bahala na nga, basta masaya ako ngayon! Kung masasaktan ako edi bahala na nga, I'll enjoy every moment while it lasts.



"Hey! Nerdy Slut!"


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ ✒

Continue Reading

You'll Also Like

458 78 3
Xavier is a handsome and smart boy, he is also the son of a rich family, he studies in his brother's school and he promised his brothers that he will...
84.4K 2.7K 29
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
1.1K 192 17
Ako si Elniesha Snowette Corpuz, babaeng mahilig sa barbie. Gustong-gusto kong pasayahin ang mga tao na nasa paligid ko. Ngunit nagbago ang lahat ng...
114K 6.3K 181
poetry to help aid your understanding of emotions that are too strong to deal with alone, and also some insight into my mind and soul. enjoy. HIGHES...