She's The Campus Stalker

By quesameh

190K 3.3K 430

EDITING TILL IT STOPS BEING CRINGEY One day they will regret doing wrong on you because they will see how am... More

Prologue
1: The Dangerous Smile
2: He Knows My Name
3: His Genius Friend
5: The Second Member
6: Cheesecake
7: Fire Turns Into Tears
8: The Authentic Love
9: Number of Happiness
10: Beautiful Speechless
11: Galaxy Company
12: Two-Faced
13: Something special

4: Almost Perfect Day

5.6K 227 29
By quesameh

IV
~¤~
Almost Perfect Day
..............

HANNAH


Nakakibit balikat akong naghihintay ng taxi na masasakyan, 10 o'clock na ng gabi at wala ng masakyan dito sa YunteVella kaya wala talaga akong choice magtaxi. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyari na nakasama ko si Neilabs o hindi. Bitin kaya ang 5 hours na pagsasama namin, feeling ko nga tulog ko lang yun 'e. 



"Kuya sa Cubao po." Napahawak ako sa noo at napatingin sa taas. Ano na naman kaya ang idadahilan ko sa mama ko? Sigurado akong aawayin na naman ako non at papakainin ng maraming sermon. 



"Ikaw lang ba magisa miss?" Napatingin ako kay Kuyang Driver at sa paligid ko. Hindi kuya, Dalawa kami! Yung isa jowa ko kaso hindi siya visible sa naked eye. Ang sakit naman! Kailangan ba talaga ipamukha na single ako? 



"Kuya naman, So ano? Ako magmamaneho? Hindi mo isasama sarili mo papuntang cubao?" 



"Eto naman, Biro lang yun miss. Hay mga babae nga naman kapag may bisita." Nagsimula na siyang magmaneho, Tahimik lang ako buong biyahe dahil wala naman akong bisita, Halla! Baka naman may nakikita si kuya na hindi ako nakikita? 



"Miss, may joke ako kapag tumawa ka may discount ka ng 20% off." Inayos kon ang upo at pinakinggan si kuya, Aarte pa ako may discount na nga 'e.



"Alam mo ba ang tawag sa paniki na mababa ang lipad?" Napaisip ako sa sinabi niya, pakiramdam ko lahat ng neurons ko gumana na pero hindi ko parin alam ang sagot. 



"Kuya pasensya na po hindi ko alam ang sagot 'e." Napatingin ako sa paligid at malapit na ito sa bahay namin. 



"Lowbatt miss!" Tumawa si kuyang driver kaya tumawa ako ng bonggang bongga para sa 20% discount. Sa sobrang tawa ko inubo ako at dinala ako ni kuya sa isolation center. Hindi joke lang!



"Kuya dito na lang po." Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera, Wala na pala akong kapera pera sana sakto ito para sa pangbayad ng pamasahe ko bukas.



"Dahil plastic ang tawa mo 25% off na lang." Cinompute ko ang bayad saka inabot ito sakanya. 



Bumaba na ako ng kotse at pumasok ng bahay, Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong patay na ang mga ilaw, dahan dahan akong humakbang sa hagdan pero wala pa ako sa pangatlong apakan tumunog na ito.



"Hannah Raine Lee." Napakagat na lang ako sa labi ko ng marinig ko ang boses ni mama, dahan dahan akong humarap sakanya at napalunok ako ng may hawak siyang hanger.



"An-" Bago pa magsalita si mama inunahan ko na siya. 



"Ano ba yan Hannah! Late ka na naman umuwi! Hindi mo ba nagiisip na iisang anak ka lang ng mama mo! Paano na lang kung may nangyaring masama sayo! Ibebenta ko pa mga laman loob ko para lang mabigyan ka ng maayos na libingin! Ang kulit kulit mo hannah!" Sinamaan ako ng tingin ni mama at umupo. 



"Grabe ka naman mama! Ilang araw din ako nagpuyat para doon 'a. Palakpak ka naman jaan mama oh."



"E kung mukha mo kaya ang palakpakan ko?" Napatikom naman ako ng bibig, Naku! Eto na nga sinasabi ko. Aawayin na talaga ako ni mama. 



"Hayaan mo na yun, May mas importante akong sasabihin sayo." Napasapo naman ako sa noo ko, Eto na nga ba! Palalayasin na ako ni mama. 



"Ma sa susunod na lang po, Maaga pa po kasi ng pasok ko bukas." Weh? Talaga ba self? Maaga? O baka naman susundan mo lang yung crush mo at aabagan siyang lumabas sa bahay nila?



"Oo na sige na, Sa birthday mo na lang tayo maguusap  kahit malayo pa. Kumain ka muna bago umakyat at siyempre wag mo kakalimutan na kumakaway sayo ang mga hugasin mo." Sinunod ko na lang ang utos ni mama at nag wave back sa mga hugasin ko. Nakakaloka!


***


Napabukas ang mata ko dahil sa liwanag ng araw, agad akong napatayo at tinignan ang orasan. Hays! Bakit kasi ang aga aga ng pasok ko. Agad akong kumilos para sa pagpasok ko, may susundoin pa kasi akong pogi mamaya. Joke lang! Akala mo naman talaga kaya ko siyang sundoin baka nga ako pa sundoin non 'e, Sana. 



Pumunta ako sa kusina at paalis na sana ng may mapansin akong iniwan si mama na note, Kinuha ko ito at tinignan. "Ako na magiimpake ng mga gamit mo kung uuwi ka ng matagal ulit."  Napasapo na lang ako sa noo ko. 



"Si mama talaga kahit kailan! Wala naman siyang maiimpake sa mga gamit ko dahil unti lang naman yung mga yun." 



Lumabas na ako ng bahay namin at nagpunta sa bahay ng Neilabs ko, Tagal naman non! Namimiss ko na siya 'e, Chour. Napatingin ako sa kwarto niya at halos manlaki ang mata ko ng makitang umiinom ito ng kape at nasa balcony niya, Naka topless! Jusko, Baka hindi na ako tanggapin sa langit sa nakikita ko. Hindi ko mapigilan na hindi mapakagat sa labi ko, hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa naiinggit ako dahil sa kape, parang gusto ko maging kape, este parang gusto ko mag kape ngayon. 



Pinagmasdan ko lang siya ng ilang minuto at napatingin sa orasan ko, Oo nga pala! Yung mga libro na hiniram ko sa library, kahit na nageenjoy ako sa ulam ko at kanin na lang ang kulang este kahit na nageenjoy ako sa kakatingin sakanya wala akong choice kung hindi ang umalis at pumunta agad sa YunteVella. 



Pagkadating ko palang sa YunteVella nasaakin na agad ang spotlight, wala 'e ganon talaga kapag artista, I call myself as a "Fallen Artist" Kasi sikat ako pero in a bad way. Napatingin ako sa mga babaeng nagtatawanan sa hallway habang nakatingin saakin, Obvious naman na ako ang pinagbubulongan at pinagtatawanan nila, Minsan nga hindi na bulongan ang tawag non dahil halos isigaw na talaga nila, kulang na nga lang gumamit sila ng microphone kaso mukha atang wala silang pangbili kahit na sa private school sila nagaaral. Hindi na bale, pwede naman nila hiramin yung boses ni Lexi dahil abot kabilang planeta naman boses non. 



Hindi naman daw kasi ako bagay sa YunteVella. Well, totoo naman panget ako 'e kaso sila mas panget yung ugali siyempre. Wala naman silang choice kung hindi ang pakisamahan ako, pinagpala ako sa talino kaya nakatapak ako sa YunteVella, kaso nga lang kapalit naman non ang pagkakaroon nila ng karapatan na pagtatapak tapakan ako. 



Hinawakan ko ng huling beses ang mga libro na hinawakan ni Neilabs, Thank you sayo ah, dahil sayo nakilala na ako ng future jowa ko. Halos makipag agawan pa ako sa librarian nong iaabot ko na ang mga libro, Ayaw ko talaga na ibigay 'to. 


Tumambay ako ng kalahating oras sa library habang nagbabasa ng libro tungkol sa greek mythology, it's kinda weird pero i think medusa is the strongest of them all kahit na ganon yung past niya, kahit kasi patay na siya may silbi parin yung head niya as a protective amulet, kaya kapag naiisip ko yung greek mythology laging nakatatak saakin yung "There's always good in bad things."


Unti unting uminit ang ulo ko dahil sa ingay sa paligid ko, Tinigil ko ang pagbabasa at pumunta sa lugar na kung saan maingay, Papalapit na ako ng papalapit nang tumigil ako dahil tumunog ang cellphone ko. 


"Kung hindi mo kaya ibigay mo na saakin lahat, Akala ko pa man din malakas ka." 


"H'wag mo sabihin na natatakot ka? Kung sabagay matatakot din naman ako kung ako sinusundan."


"Oo na! Papayag na ako, Kapag ako nanalo sisiguradohin ko na magsisi kayo." 


"Yown! Dahil jaan susupplyan ka namin ng alcohol." 


Sumilip ako at nakita ko si Neil kasama ang TeVella Members, Napatingin ako kay Neilabs at hindi kumportable ang itsura niya, parang.. parang ang lungkot niya. Napamura ako sa isipan ko ng magalarm ang relo ko. 



"Sino nanjaan?"



Napatakbo agad ako palabas ng library, buti na lang dala ko yung bag ko at mabilis ako tumakbo kaya hindi nila ako sinundan. Napatigil ako sa pagtakbo nang nakapasok na ako sa room namin, napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng hininga ko. 



"Okay ka lang? May nangbubully ba sayo? Eto tubig inom ka muna." Napatalon ako sa kinauupoan ko ng may magsalita sa tabi ko. Sa sobrang kamamadali ko sa pagtatakbo hindi ko na nacontrol sarili ko. 



"Huh? I'm okay. Salamat ah." Kinuha ko ang inaabot niyang tubig saakin at ininom ito, tinignan ko siya at pakiramdam ko nacoconfuse na ako sa sexuality ko dahil ang ganda ganda niya pero siyempre kay Neilabs parin kakalampag. 



"My name is Althea Rodriguez, but you can call me Thea." Nakipagshake hands siya saakin at tinanggap ko yun, nakangiti ako sakanya pero deep down iba pakiramdam ko. Like, bakit niya ako kinakausap?



"Thank you ulit. Nice to meet you. Ako nga pala si..."



"Hannah Lee?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ang alam ko lang ay pinaguusapan ako pero hindi ko alam na kilala pala nila ako. 



"Ah Oo, Paano mo nalaman? Napatingin ako sa pintoan at halos pagpawisan na naman ako ng makita ko si Neil, Paano kung nakita niya ako kanina sa library? 



"Thea, Pwede ba na tabi muna kami, I kinda miss her.. A lot." Ay po-, Halos mapamura na ako sa kilig. Ano daw? Miss niya ako? Pagkarinig ko kasi gusto niya ako maging misis. Hawrot!



"Fine." Kinuha ni Thea ang gamit niya at lumabas ng room, halos kurotin ko na sarili ko para hindi magmukhang kinikilig ako sa pagtabi niya saakin, Pakiramdam ko talaga nasa heaven ako dahil may anghel akong katabi. 



"Hannah, Right?" Napatingin ako sakanya at nakatingin siya saakin, Shutabels! Pinagpawisan na naman ako.



Bakit siya tumitingin? Bakit siya tumabi saakin? Yieee Nafafall na siya! Aaminin niya na saakin.



"Left handed, Joke! Oo ako nga si Hannah." Napatawa siya and halos mawalan na ako ng hininga dahil pati ang pagtawa niya nakakaakit. 


Iniwas ko na ang tingin ko sakanya dahil grabe na talaga yung kilig na nararamdaman ko, Naramdaman ko na may malambot na bagay sa gilid ng noo ko kaya napatingin ako. Halos maduling ako ng makita ko kung gaano siya kalapit saakin, mas lalo akong pinagpawisan ng makitang pinupunasan niya ang pawis ko. 



"Maganda ka, peron mas gaganda ka kung magaayos ka kahit unti lang." Hindi ko maiwasang hindi mamula sa sinabi niya. Enebe nemen! First word palang napapatumbling na ako.



"Pero okay na yung ganyan, baka dumami kaagaw ko kapag mas gumanda ka." And he wink, Napahawak ako sa heart ko at iniwas ang tingin sakanya, Grabe! Yung puso ko hulog na hulog na. 



"Ikaw ba si Hannah?" Tanong niya. Ganon na ba ako mabilis kalimutan? Sakit sa feelings ah! Hindi ako sumagot at napatingin sakanya at napakunot noo.



"Kasi ikaw na ata ang nakatad HANNAH sakin."



Ampocha.



Hindi ko na keri, Feeling ko naiiyak na ako sa sobrang saya ko. Sobrang saya na ng heart ko! Pwede na nga ako maging happy meal sa sobrang saya eh!



"I..Ikaw ba si Neil?" Kahit nahihiya ako tinanong ko siya, Aba! Pakapalan na ng mukha ito, ang tagal ko maghanap sa google ng ganitong banat tapos papalagpasin ko lang? Nuh uh. 



"Ang NEILalaman ng puso ko." Ngumiti siya ng unti at yumuko pero kitang kita ko na abot mata ang ngiti siya, Ang cute!



Maya maya dumating na yung prof namin kaya napafocus ako sa pagaaral sa bawat part ng mukha ni Neil, Joke! Nagfocus ako sa pagaaral at the same time nagnanakaw ng tingin kay Neil.



"Nakakailang nakaw ka na saakin ng tingin, Sisingilin lang kita ah." Halos hindi na ako makafocus sa pagaaral ng tumingin siya saakin buong magdamag. Ampocha naman oh! Ibalik ko kaya sakanya yung sobrang nakaw tingin niya saakin. 



Halos kalahating araw din kaming magkatabi and lagi siyang napapatingin saakin, Mainggit ka Lexi! Napahinga ako ng malalim at dinamdam ang paligid ko, This day is so perfect! Kung hindi lang talaga ako maka Jollibee naging Happy Meal na talaga ako. Pagkatapos ng pangapat naming klase tumayo agad kami ni Neil, Dumiretso ako sa rooftop dahil gusto kong mapagisa para ilabas itong happiness na nasa loob ko.



Tumambay ako sa Rooftop at hindi ko mapigilan ang ngiti ko, halos pumikit na nga ang mata ko sa sobrang ngiti ko. 



"Well, Well, Well.." Napatingin ako sa nagsalita at si Lexi pala iyon na ang sama ng tingin saakin kasama ang mga alipores niya.



"Wishing Well?" Hinila niya ako mula sa kinauupoan ko kaya napatayo ako, Kinuha naman ng mga alipores niya ang gamit ko at kinalat sa sahig iyon. 



"Hindi ka na nahiya? Si Neil pa mismo ang nagpunas ng nakakadiri mong pawis? Alam mo masyado ka ng papansin! Sinabi ko na sayo noon diba? Ang akin akin lang!" Tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako, sa sobrang lakas ng tulak niya saakin hindi agad ako nakatayo. 



I can see the anger and pain she felt in her eyes.



Napapikit ako ng buhosan nila ako ng tubig at ibato saakin ang mga gamit ko, Hindi ko na napigilang hindi umiyak dahil ang ganda ganda pa man din ng sulat ko sa mga notebook ko tapos sisirain nila. 



"Girls! Stop it! Paparating na si Liam hindi niya tayo pwedeng makitang ganito!" Nagmadaling magsilasin ang DUH GURLS, at iniwan akong hirap na hirap[ huminga.



"Hannah!"  Agad lumapit sakin ang isang lalaki, hindi ko siyab mamukhaan dahil blurry na ang vision ko dahil hindi ko suot ang salamin ko, pero parang.. parang nakita ko siya.






Si Neil.


_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ ✒

A L T H E A O N T H E P I C

Continue Reading

You'll Also Like

1M 91.4K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
1.1K 427 42
It's a collection that reflects on the reality of life
1.1M 6K 200
best wattpad stories you should read!! check them outโ™ก
751K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!