Impish Hearts

By clockwork_chaser

1.2M 33.9K 2.1K

Story of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip... More

Prologue
Chapter 1: Stressed
Chapter 2: Habagat
Chapter 3: Eleventh Floor
Chapter 4: The Model
Chapter 5: Hataw Pa
Chapter 6: Avery
Chapter 7: Pasingit
Persevered Hearts
Chapter 8: Yakap
Chapter 9: Seryoso
Chapter 10: Vulnerable and Hurt
Chapter 11: Kumiskis
Chapter 12: Ang Laki ng Titik O
Chapter 13: Limutin ang Lahat
Chapter 14: TLC
Chapter 15: Jealous
Chapter 16: Ampalaya
Chapter 17: Nauwi sa Wala
Kanta Niya
Chapter 19: Lalong Nahuhulog
Chapter 20: Dahil sa Awa
Chapter 21: Mommy
Chapter 22: Tamis ng Unang Halik
Chapter 23: Bye
Chapter 24: Yellow
Chapter 25: Manliligaw
Chapter 26: HHWW
Chapter 27: Likod ng Malaking Bato
Chapter 28: Haplos
Chapter 29: Amihan
Chapter 31: Lamig
Chapter 32: Bawing-Bawi
Chapter 33: Espesyal
Chapter 34: Tawad
Chapter 35: Oo
Chapter 36: Mrs. Jacobs
Chapter 37: Not Ready
Chapter 38: Role Model
Chapter 39: May
Chapter 40: Hiling
Chapter 41: Pasko
Chapter 42: Wala Na
Chapter 43: Nakakasakal
Chapter 44: Sorry
Chapter 45: No Choice
Chapter 46: Regrets
Chapter 47: Impish Heart
Chapter 48: Too Much
Chapter 49: Masungit
Chapter 50: Achieved
Chapter 51: Another Yellow Day
Chapter 52: First Kiss
Chapter 53: Sunset
Chapter 54: F & F
Chapter 55: Happy Lang
Finnick Jyn Jacobs
Freia Jasmine Jacobs
Avery Jane Jacobs
CHASE

Chapter 30: Sakit

19.4K 470 59
By clockwork_chaser

Dedicated for her. Thanks sa new covers ng Heart Series ;) Ang gaganda! I love you :*



FALLON'S POV


(I'm so sorry) tunog bigong sabi n'ya

"Ano ka ba. Okay nga lang" pilit ko sa kanya.

Kanina pa s'ya nag-so-sorry dahil hindi n'ya ko maihahatid at masusundo sa university. May mga mahahalaga kasi s'yang dapat asikasuhin sa opisina.

Usually, hindi naman s'ya nag-re-report sa opisina at personal na mina-manage n'ya lang ang mga bar nila. Pero dahil on leave si Troy dahil sa panganganak ni Maine, at nasa Pangasinan si Trent kasama ang pamilya n'ya para asikasuhin ang pinapagawang resort d'on, si Eric lang ang pwedeng mag-asikaso sa opisina nila. Matagal na kasing umalis si Neil at binenta na kay Trent ang shares n'ya.

(Papasundo nalang kita sa driver) sabi n'ya pa.

"'Wag ka na ngang praning, Habagat. Okay lang ako. Sanay naman ako na namamasahe. Saka sasamahan ko pa si Jorgie mamaya para maghanap ng costumes" giit ko. "OA ka lang"

Sinimulan ko nang ipasok sa bag ko ang mga gamit ko na nasa study table.

(Sabi ko naman kasi sa'yo umalis ka na sa dance troupe. Mapapagod ka lang d'yan) yamot na sabi n'ya.

Umirap ako kahit hindi naman n'ya nakikita. "Sabi ko naman din sa'yo, hindi pwede. Sayang din ang allowance ko d'on. 'Wag ka na nga masyadong mag-alala"

Ayoko naman na umasa sa kanya tulad ng gusto n'ya. Iniisip na nga ng mga tao na pineperahan ko s'ya, tapos ganoon pa ang magiging sistema?

Grabe! Ang bata at ang pogi naman n'yang DOM. Ang mga mapanghusga talaga. Akala mo naman ikakayaman nila ang paninira sa kapwa. May naitulong ba ang panghuhusga nila sa pag-unlad ng ekonomiya?

(Bahala ka na nga. Basta mamaya, sa bahay ka umuwi. Saka 'wag masyadong late. Gagabihin ako ng uwi. Walang kasama si Avy) bilin n'ya

"Opo" nakangiting sagot ko. Sa wakas nagpatalo din. "Ingat ka po buong araw. 'Wag kakalimutan kumain"

(I love you. Ingat ka din, 'wag manlalaki) istriktong sabi niya. Na-imagine ko pa ang pagtaas n'ya ng kilay.

Natawa naman ako. "Depende 'yon syempre. Paano kapag niyaya akong mag-date ni James Reid? Syempre papayag ako!"

(What the hell, woman?) inis na sigaw n'ya. Napakagat labi nalang ako para mapigilan ang pagtawa. (James Reid? Sino naman 'yon? Sigurado naman ako na mas gwapo ko d'on!)

Natawa na talaga ako. "Joke lang. Masyado kang seryoso. Sige na ingat ka. I love you"

(Umayos ka, Fallon Therese!) inis pa din na sabi n'ya

"Hindi ka ba makaintindi ng joke? Ang grumpy mo" yamot kong sabi sa kanya

(Ikaw ang landi mo. Sinisira mo araw ko) yamot din na sabi n'ya

"Landi agad? Hindi ba pwedeng nag-a-appreciate lang?" apela ko.

Ang harsh talaga na selection of words nitong lalaking 'to!

(Bahala ka. Kapag ako, nakita ko si Paris Hilton mamaya, yayayain ko 'yong gumawa ng s-ex scandal. Ikaw unang makakapanood. HD pa) sabi n'ya sa malamig na tono

Aba! Ako pa ang malandi ha. Ano s'ya, manyakis?

"Ang laswa mo! Edi d'on ka na!" sigaw ko sa kanya

(Ikaw nagsimula, hoy! O ngayon alam mo na feeling?) seryosong sabi n'ya

"Ewan ko sa'yo!" yamot pa din na sabi ko.

(Ewan ko din sa'yo. I have to go, I love you) tumawa pa s'ya ng marahan.

At nagawa pang tumawa? Ano, iniisip na n'ya si Paris Hilton?

"Love you" labas sa ilong na sagot ko

He chuckled. (Seryoso, I love you)

"Bakit, seryoso naman ako ah. I love you too"

(Ang sungit mo. Sige na, tawagan ulit kita mamaya. Love you) malambing na na sabi n'ya.

Napangiti nalang ako. "Love you"

Binaba ko na ang tawag para makapag-asikaso na kami pareho.

Naging pang-umaga na ako ngayong second sem. Iyon din ang gusto ni Eric. Kaya isinasara nalang namin ang tindahan kapag umaga at magbubukas lang kapag nakauwi na si May.

Para mabawi kahit papaano ang mawawalang kita sa tindahan kapag umaga, nag-papa-order nalang ako ng mga lutong ulam sa school. Ang suki ko ay ang mga teachers at mag ka-tropa ko. Nag-dealer din ako ng mobile load, at nag-agent sa Avon, Boardwalk, MSE, at Natasha.

Mabilis na nag-asikaso na ako para maaga-aga pa ko makarating sa school. Mag-hahatid pa kasi ako ng mga orders at maniningil ng hulog. Hindi naman mahirap ang ginagawa ko, ang kailangan ang talaga ay tyaga. Diskarte lang 'yan.

Kailangan ko din kasi ng extra pera para sa birthday ni Lola. May edad na si Lola, madami na ding nararamdaman sa katawan n'ya. Kaya bawat birthday n'ya, gusto kong maging espesyal.





"Sa tingin mo okay na 'to?" tanong sakin ni Jorgie at itinaas ang hawak na hanging blouse.

Wala sa sariling tumango nalang ako.

S-hit! Wala ako sa sarili!

Gusto kong tumakbo nang tumakbo at kapag napagod na ko, gusto kong iiyak ang lahat. Gusto kong mapag-isa at ibuhos lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak.

"Pasensya ka na kung naistorbo kita" sarkastikong sabi n'ya.

Siguro iniisip ni Jorgie na naiinis ako sa pagpapasama n'ya. Na-misinterpret n'ya siguro ang mga kinikilos ko.

"Okay lang, Jorgie. Medyo masama lang pakiramdam ko ngayon. Pasensya na kung medyo wala ako sa sarili ko" may himig paghingi ng unawa na sabi ko.

Inirapan n'ya lang ako.

Naging malamig na ang pakikitungo n'ya sakin mula nang lumabas ang tsismis na aalis na ako ng dance troupe next sem. Sinabi ko naman sa kanila na hindi iyon totoo pero hindi na nagbago pa ang pakikitungo nila. Iniisip nila na mayabang na ako dahil kay Eric.

Maging sila Jenna at Romana ay medyo lumalayo na sakin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nila. Hindi naman ako nagbabago o ano.

Ayoko nalang damdamin ang kung ano mang problema nila sakin. Basta ako, alam ko na wala akong kasalanan sa kanila.

Lutang pa din ang pakiramdam ko habang naglalakad-lakad kami sa tianngian para maghanap ng mga damit na gagamitin sa susunod na contest na sasalihan ng grupo namin.

"Pupunta ka ba sa practice bukas? Whole day 'yon" sabi ni Jorgie habang namimili ng mga damit.

"Oo" tipid na sagot ko. Hindi ako nakikipili sa kanya. Binitbit ko nalang ang mga pinapamili n'ya.

Hirap na hirap na ako sa pagpipigil ng mga luha ko. Ang sakit na ng lalamunan ko.

Nang sa wakas ay ma-kompleto na ni Jorgie ang mga kailangan namin, nagyaya s'yang kumain.

"K-Kailangan ko na kasing umuwi e" nahihiyang tanggi ko.

"Palagi naman" malamig na sabi n'ya. Hinablot na n'ya sakin ang ibang dala ko. "Ikaw na ang magdala ng mga 'yan bukas" tinalikuran na niya ako.

"S-Sige, pasensya na ulit"

Hindi ko alam kung narinig n'ya ba. Sinimulan ko nalang din na maglakad.

Umuwi na muna ako sa mansion para kay Avy. Wala kasi si Tita Daria at walang ibang kasama ang bata. Hindi pa naman 'yon matutulog kapag hindi ako o si Eric ang magpapatulog sa kanya.

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Naka-limang subo lang yata ako. Mabuti nalang at aliw na aliw si Avy sa pag-kwento n'ya sakin tungkol sa laro nila ng pinsan n'yang si Cady kanina kaya kahit papaano ay napapangiti ako.

"Ligo ka na, baby" malambing na sabi ko sa kanya.

"Ligo na ko kanina, Mommy" naka-pout na sabi n'ya.

Hay, ang hirap talaga ma-convince ni Avy maligo. Kung gaano kasipag maligo ang Daddy n'ya kabaligtaran naman si Avy.

"Pero nag-play ka all day. Amoy nga ni Mommy kili-kili mo" itinaas ko ang kamay n'ya at inamoy ang kili-kili n'ya. Kunwaring nangasim ang mukha ko. "Amoy pawis na!"

Sumimangot s'ya. "Hindi ako ha-hug ni Daddy kapag amoy pawis daw"

S-hit! Hug daw.

Nagbabanta nang tumulo ang luha ko. Hindi na nga ako kumukurap para hindi tumulo.

"Edi ligo na po ikaw" masuyong sabi ko sa kanya.

Nagpakarga na s'ya sakin. Madalas s'yang sawayin ni Eric pero gustong-gusto talaga ni Avy na kinakarga. Kaya kahit mabigat na talaga s'ya, kinarga ko pa din s'ya. Kamuntikan pa kaming malaglag sa hagdan kaya hagikgik s'ya nang hagikgik hanggang sa makapasok kami ng kwarto n'ya.

Si Avy lang dapat ang maliligo pero dahil maligalig s'ya, nabasa na din ako.

"Ligo ka na din, Mommy" masayang sabi n'ya at sinabuyan ako ng tubig galing sa tub.

Natawa nalang ako at tinuloy na ang pagpapaligo sa kanya. Basang-basa na din ako nang lumabas kami ng banyo.

Mabilis na binihisan ko s'ya bago ako pumunta sa kwarto ni Eric para magbihis din.

May mga luhang bumagsak mula sa mga mata ko nang pumasok ako sa kwarto n'ya.

Ang sakit.

Pilit na tinahan at kinalma ko ang sarili ko. Mabilis na naligo ako at nagbihis.

Nang balikan ko si Avy ay naglalaro pa din s'ya sa iPad n'ya.

Sinuklay at tinuyo ko ang buhok niya.

"Mommy, ayaw ko pa sleep" maktol n'ya nang kunin ko ang iPad sa kanya.

Tinabihan ko s'ya ng higa sa kama. "Sleep ka na, baby. Kasi antok na si Mommy. Sleep na tayo" masuyong sabi ko sa kanya at yinakap s'ya.

"Si Daddy?" tanong n'ya

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Nasa work pa, baby. Ayaw mo ba na si Mommy katabi mo?" lambing ko sa kanya

"Let's call Daddy" malambing na sabi n'ya

Natigilan naman ako. "B-Baka busy pa"

Totoo naman. Baka masyadong abala si Eric. Hindi pa nga ako tinatawagan maghapon.

Abalang-abala s'ya.

Tangina naman. Ang sakit e.

Hindi s'ya kumibo ay sumiksik nalang din sakin,

Nagpapa-kwento pa s'ya. Medyo matagal bago natulog si Avy, Maingat na umalis ako sa tabi n'ya.

Kinatok ko si Josephine sa kwarto n'ya para pabantayan si Avy sa kanya.

"Hindi ka dito matutulog?" takang tanong n'ya.

Umiling ako sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin bukas ng umaga. Ikaw na ang bahala kay Avy"

Hinatid pa ako ni Josephine sa may gate.

Sabi ko sa kanya ay pumasok na s'ya at ako na ang bahala na mag-abang ng taxi.

Pinili ko na maglakad nalang palabas.

Habang naglalakad ako ay umiiyak na ko.

HIndi ko alam kung may basehan ba itong sakit na nararamdaman ko. Pero ganonpaman, ramdam ko pa din ang sakit sa puso ko.



________________________

November 30, 2015 (Monday) - 11:13






Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Persevered Hearts By K.

General Fiction

1.6M 33.9K 72
Victoria "Tori" Fontanilla used to be Rath's everything. Seven years ago, she left without saying a word. Seven years had changed Tori, but Rath did...
39.1K 345 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
3.2M 76.6K 58
Moses Zacharie Gustav is a spoiled, rich, passionate man. He can have everything he wants except for one girl, the girl he has always loved and will...