He's my "SEATMATE" and also m...

By lemycastillo

39.6K 816 106

Im Myla Jasmine Reyes, im a Personal Assistant of our CEO in Santos Company. And my Boss... was my seatmate a... More

Prologe
Seatmate C.1
Seatmate C.3
Seatmate C.4
Seatmate C.5
Seatmate C.6
Seatmate C.7
Seatmate C.8
Seatmate C.9
Seatmate C.10
Seatmate C.11
Seatmate C.12
Seatmate C.13
Seatmate C.14
Seatmate C.15
Seatmate C.16
Seatmate C.17
Seatmate C.18
Seatmate C.19
Seatmate C.20
Seatmate C.21
Seatmate C.22
Seatmate C.23
Seatmate C.24
Seatmate C.25
Seatmate C.26
Seatmate C.27
Seatmate C.28

Seatmate C.2

2.1K 60 2
By lemycastillo

*****
Mark's POV

Maaga akong pumasok sa bago kong school para naman makapag ikot ikot din at malaman kung saan ang classroom ko. Hayy di naman dapat ako lilipat dito ee. Graduating na ko at masaklap pa nito ee last grading na ng mapagdesisyonan pa ni Papa na palipatin ako. Nagkaroon kasi ng misunderstanding sila ng may-ari ng school ko. Hay si Papa kasi ang taas ng pride! Ewan ba. Hindi kasi nakasundo ni Mama ung nag-alok ng partnership sa school namin at si Papa naman to the rescue agad kay Mama. Feeling naman ni Papa napag-api na si Mama. Nawalan na ng gana si Papa na tumulong sa dati kung school. Kaya ayon. Ito ako kasama sa naapektuhan ng away bata nilang alitan. Isa pang dahilan bumili sina Papa ng property malapit dito. Kaya ang lakas ng loob palipatin kami.

Naglalakad na ko papasok ng compound ng biglang..

"Miss ang I.D nyo po?" sabi ni Manong Guard sa isang babaeng papasok palang.

"Aish---Ahm Guard sige po babalikan ko na lang." agad tumalikod at umalis ang babae.

Napangite na lang ako kasi sa mukha palang niya parang ang sama sama na agad ng araw nya hehe. I wonder why. :)

Nang maka-alis ung babae nagdiretso ako sa information para itanong kung saan ang section ko. Si Mama kasi ang nag-asikaso ng paglipat ko. Kaya kahit anong information wala akong alam.

"Good morning Miss. Pwedeng magtanong? Ahmm. Gusto ko lang malaman kong saan ang section ko?" tanong ko sa babaeng nakaupo na parang kasing edad ko lamang sa loob ng information. Working student to sigurado.

"Ah pangalan po?" tanong naman sakin.

"Ah. Ahm Santos, Mark Jhon." sagot ko naman habang nakasilip sa butas ng salamin.

"Ah. kayo po pla ung bagong transfer from Larry Heins Academy. IV -A po. Sa second floor po ang class room nyo. Kaliwa po ng Lab."

"Ah sige Miss thank you"

At gaya nga ng sinabi ng information agad na akong nagpunta sa bago kong classroom.

Nang makarating, agad naman akong pinagtinginan. Ito ung ayaw ko. Pag bagong mukha. Kikilatisin muna ng tingin. Kanya kanyang conclusion kung anong klasing tao ako. Tss!

"Ah. Hi." matipid na bati ko.

"Ah. Ikaw siguro ung bagong transfer. Hi A-jay nga pala." bati naman agad sa akin ng lalaking tumayo para makipagkamay.

"Hi" bati naman ng ilang mga mga estudyante sakin.

Nang matapos akong makipagkilala sa aking mga bagong kaklase ay may biglang pumasok na babae na may dalang libro ng history. I knew it kasi sa kulay at cover palang nito ee alam ko ng history book un at agad umupo sa tabi ko. Siya ung babae kanina sa school gate. Pagkaupo nya e dali-dali nyang binuksan ang libro at nagbasa. Napangite na lang ako. This girl, she's making me amazed haha. I think may makakasundo na ako. Tingin ko sa kanya ee bookish siya. The way she moves. She's like a geek but it's awesome. Ilang minuto pa ng mapagdesisyonan kong batiin na siya ng biglang..

"Wala akong alam na isasagot sa Historing yan!" malakas na sigaw nya at napatayo pa na nagresulta ng pagtinginan siya ng buong klase.

Hahaha! Natutuwa ako sa kanya. She's funny. Attentive na attentive pa naman siyang magbasa akala ko naman my naiintindihan siya hehe. I think she hates History. Hitsura palang nya. Hehe. Nakatingin lang ako sa kanya habang natatawa. Natatawa ako not b'coz wala siyang alam sa history. It's because she's cool. Super cool. As in pagkapasok na pagkapasok nya, she didnlt even recognize that im sitting beside her.

At napansin nya atang nakatingin ako sa kanya. Masama ang tingin nya sakin at parang may sasabihin siya ng bigla namang dumating ang teacher namin..

"Good morning class!" bati ng isang babaeng guro. I think she's our teacher in history. Nakita ko kasi sa board na first period ang History.

"Good morning Ma'am" sagot naman ng ibang studyante at napaupo na lang ung babae at agad akong inirapan.

Ewan ko ba. Natutuwa ako sa paiba-iba ng style paggalit siya. At nanatili siyang tahimik at nakatungo lang. Hay what a cute creature hahaha at nag check na si Ma'am ng attendace pero di nya ata napapansin na andun ako kaya natapos ang pagchecheck sa boys na di ako tinatawag. Habang nagchecheck naman ng girls. Tinitingnan ko ang mga nag say say 'Present' ewan ko lang pero iniintay kong tawagin ung katabi ko 😊. Hanggang sa.

"Reyes, Myla Jasmine..." walang sumasagot. Ilang segudo pa ay pinagtinginan na ung katabi ko. Tumunghay lang siya at binalikan ang mga kaklase ng tingin na parang walang alam at nagtataka sa nangyayari hehe. She looks innocent. Cute.

Hanggang sa inulit ang pagtawag pero mejo malakas na to.

"Reyes, Myla Jasmine!" sigaw ng aming teacher.

"Y-Yes Ma'am! Present!" gulat na gulat nitong sagot hahaha. Tawanan naman agad mga kaklase ko. Kinunotan lang siya ng teacher namin at bumalik sa pagchecheck ng attendance..

So Myla Jasmine Reyes pala ang pangalan nya. How nice name.What an coincident. Nakakatuwa naman at parihas kaming 'M.J'. Napangite na lang ako sa naisip ko. I think mawiwili ako dito. Binubuo ng babaeng to ang araw ko ng puro ngite at tawa. Nang matapos magcheck. Napansin kong tumunghay siya na parang uncomfortable ung mukha nya. Parang natatae ata. Ewan hahaha Basta.

"Okey class. Lets start your graded recitation for this month-.." sabi nito at napatingin sa direksyon na kinauupuan ko at ngumite. Napansin na ata ako.

"Ah yes. So siguro naman kilala nyo na ang bagong transferee natin. Mr. Santos. Can you introduce your self here in the front of everyone?"

Ngumite naman ako at agad na tumayo papuntang unahan. Tumingin ako sa mga bago kong kaklase.

"Yes ma'am. Hi every one, my name is Mark Jhon Santos but you can call me Mark for short. Im from Larry Heins Academy." sabi ko at tumingin muna ako saking katabi sa upuan si Myla Jasmine hehe wala lang gusto ko lang makita kong nakikinig siya sa pagpapakilala ko. Nang makita ko namang nakatingin siya ee agad kong iginala ang aking mga mata.
Habang pabalik na ko sa upuan. Bigla namang...

"So Mr. Santos. Bakit mo naman naisipang lumipat pa ng ibang school ee graduating ka na at last grading na for this whole year?" Hay like I expected. Someone is goin to ask about that. Hayyss

"It's a family issue Ma'am" matipid kong sagot kasama ang matipid na ngite. Totoo naman Family Issue talaga XD.

"Okey. I understand..." sabi naman niya na parang nasatisfy na sa sagot ko at dina muling nag-usisa.
"And because Mr. Santos is just a new transfer. He's excempted to my graded recitation this week." Hayst ano ba yan sayang naman History pa naman to. Favorite ko subject ko. Nakakalungkot. Hayy

"Okey lets start. And lets start with you Ms.Alcantara-. When does the first ---?" ayan at nagsimula na. No choice ako kaya parang nanghihina nalang akong nakinig. Lumilipas ang mga minuto at papalapit na kay Myla Jasmine.

"1981..." huling sagot ng kaklase ko at sunod na ni Jasmine.

"Good! Next Ms. Reyes..." tawag nito kay Jasmine na agad namang napatunghay hahaha. Mukhang nakikinig na siya.

"Y-yes? Ma'am.." dahang-dahan tumayo ito. Hmmm malakas ang feeling ko na wala siyang handang sagot. The way she moves and the way she looks. Pero kahit na ganun I think she's kinda cool. Ewan sa halip na maturn-off ako sa kanya I found her so interesting hehe.Hindi ko alam kong bakit.

"On what century does the 1st Olympic Games of the modern era took place back?"

Ow wat!? Reaaally? Ito ung tanong last year sa quiz bee. Nakakatawa naman. Agad naman akong nagbalik ng tingin kay Jasmine.Sa hitsura niya mukhang lalambangin niya lang ang sagot niya. Ewan ko ba bakit may nagtulak sa aking kumuha ng ballpen at sinulatan ang pulsuha ko ng numerong 16na nangangahulugang sagot na alam kong makikita nya. Agad naman akong nagpapansin sa kanya at humalumbaba ako habang mariing nakatitig sa kanya. I know I liked it. Staring at her. Its awesome :). At madali ko namang nakuha ko ang atensyon nya.

"Ahmm M-Ma'am...ei--" napatingin siya na parang nagtataka at mejo nanlaki ang mata nya. I think nakuha nya ang gusto kong iparating.

"Ah. A-Ahmm S-six-t-teen?" Sagot nya na parang hindi pa sigurado. Haha. Halata tuloy na di niya alam.

"Correct! 16th century! Very good! Next!" Sabi ng teacher namin. Dahan-dahang umupo si Jasmine na parang hindi makapaniwala.
Nang makaupo siya ay kumuha ako ng wet wipes sa bag ko at binubura ko ang nakasulat sa pulsuhan ko. Yeah. Wet wipes. Nagdadala ako nun kasi makalat akong magsulat. Alam nyo un, pagkakatapos kong magsulat. Punong puno ang palad ko ng sulat ng ballpen. Nang hindi ko alam kung bakit.

Habang binubura ko ang sulat sa kamay ko. Bigla naman siyang bumulong.

"A-Ahmmm t-thank you..." agad naman akong tumingin sa kanya na pasimpleng nakatingin din sakin. Ngumite naman ako at agad siyang sinagot.

"It's nothing but your welcome.." :))


--------------------

Edited na po :)

Kung my gusto kayong sabihin or i check.Okey lang alm kong makakatulong un sakin..

Thank you for reading guiz! Vote and leave your comment/s!
Sana nagustuhan niyo ang chapter na to. Subay bayan po natin ang mangyayari sa #MaIne♥♥♥

For more info: (char! Pero guis tunay to)

Please do follow me here:

In wattpad: @lemycastillo

In twitter: @castillomyel

In snapchat: @lemycastillo

In instagram: @lemycastillo2206

Also like my Facebook Page ☞ Lemy Castillo- MissA

Wait for the next update...

Love. missA

Continue Reading

You'll Also Like

94.8K 2.4K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
264K 40.1K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
656K 15.7K 100
Evelyn Claire Bennett never thought this would happen to her. Not in a million years. How could something that was meant to be temporary have a las...
5.3M 46.3K 57
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...