The Camp: He's My Secret Agen...

By MsButterfly

3.8M 60.7K 2.6K

Now a published book by Precious Pages Corporation. Available at all Precious Pages branches and other bookst... More

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard
CHAPTER 1 ~ Queen of Sarcasm ~
CHAPTER 2 ~ Disney ~
CHAPTER 3 ~ Wheel Of Fate ~
CHAPTER 4 ~ Let Go ~
CHAPTER 5 ~ Mission? ~
CHAPTER 6 ~ Irresistible ~
CHAPTER 7 ~ Drink ~
CHAPTER 8 ~ Hangover ~
CHAPTER 9 ~ Find Me ~
CHAPTER 10 ~ Trick or Treat ~
CHAPTER 11 ~ Lips ~
SPECIAL CHAPTER: Original Elites To The Rescue!
CHAPTER 12 ~ Lips Party ~
CHAPTER 13 ~ Crazy ~
CHAPTER 14 ~ Aquarium ~
CHAPTER 15 ~ Awesome ~
CHAPTER 16 ~ Someone ~
CHAPTER 17 ~ Sizes ~
PLEASE READ THIS BEFORE THE UPDATE
CHAPTER 19 ~ Four Hours ~
CHAPTER 20 ~ Doll ~
CHAPTER 21 ~ Alex ~
CHAPTER 22 ~ Distraction ~
CHAPTER 23 ~ One Of Them ~
CHAPTER 24 ~ Done ~
CHAPTER 25 ~ Agony ~
CHAPTER 26 ~ Warm ~
CHAPTER 27 ~ Beautiful ~
CHAPTER 28 ~ Happy ~
CHAPTER 29 ~ Secret ~
CHAPTER 30 ~ Attack ~
CHAPTER 31 ~ Future ~
CHAPTER 32 ~ A Beginning of Another Life ~
CHAPTER 33 ~ Huehuehue ~
CHAPTER 34 ~ Cassandra and Andreige ~
EPILOGUE

CHAPTER 18 ~ Cosmopolitan ~

95.4K 1.5K 62
By MsButterfly

CHAPTER 18

CASSANDRA'S POV

Nakahalukipkip lang ako habang nakatingin ako kay Andreige na animo biglang naging genius sa mga kailangang gamitin sa bahay. May mahaba pa siyang listahan na siguradong siyang dahilan bat siya pinatawag ni Craige.

Pinagsulat ng mga kailangan sa bahay.

-________________-

I'm sure it's hard for this man since mukhang wala naman siyang alam sa mga bagay na ganito dahil nga ayon kay Paige si Tita Sage ang bumibili ng mga iyon. 

Napangiwi ako ng makita ko yung mga nakalagay sa trolley na pinaglalagay ni Andreige. Merong pamalo ng langaw, pang trap ng daga at kasalukuyan siya ngayong kumukuha ng ten packs ng moth balls.

Tinaasan ko ng kilay si Andreige ng tumingin siya sakin. He looked back at the moth balls with an uncertain expression then tumingin siya sakin ulit. I sighed again at lumapit na ako sa kaniya na ikinangiti naman niya.

"So...?"-me

"Para saan ba tong moth balls? Tutunawin ba natin to tapos ipanghuhugas ng plato? But the smell is kinda strong...maghahanap na lang tayo ng ibang brand?"

Napakamot ako sa pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatawanan ko na lang ba siya o isasama ko siya sa shelf ng mga moth balls. 

Kinuha ko sa kaniya ang mga yon pati na ang mga nasa trolley at ibinalik ko iyon sa pagkakasalansan non. Kumunot ang noo ni Andreige na wari bang magrereklamo pa pero naitaas ko na ang kamay ko para pigilan siyang magsalita.

"Unang-una hindi tinutunaw ang moth balls, pangalawa hindi yan ipinanghuhugas at pangatlo hindi natin kailangan yan."

Ngumuso si Andreige pagkatapos ay tinulak na ang trolley pero pinigilan ko siya. Inalis ko ang pampalo sa langaw pati na ang pantrap sa daga. 

"Hindi din natin kailangan yan dahil may bumibisita sa bawat bahay sa The CAMP para tignan kung may mga binabahayan ng daga, anay at kung ano-ano pa. Lalong walang langaw don. You should know that since kayo ang may-ari. Bakit ba ito ang mga nakalagay dito?"-me

Napakamot siya sa ulo niya at nag Andreige's Cutie Eyes sakin.

"Eh kasi pinalista kami ni Marveige ni Kuya Craige ng mga alam naming gamit sa bahay. Wala naman akong masyadong maalala kaya nag kopyahan na lang kami ni Marveige ng mga alam naming mga gamit sa bahay."

Kumibot ang labi ko sa pagpipigil sumigaw. Sakalin ko na lang kaya ang lalaking to o kaya ipagiling ko sa pinakamalapit na gilingan?

As if you could do that..If i know-

Nagkaroon ng imaginary pito sa isip ko.

Shut up brain.

Siguradong maloloka narin si Kate kay Marveige. Kailangan din kasi i-manage ni Kate ang bar and restaurant niya kaya hindi niya masyadong naasikaso ang bahay nila. May mga tauhan naman sa CAMP na talagang empleyado na naglilinis ng bahay.

Yun nga lang hindi ibig sabihin non sila din ang bibili ng mga supplies.

Iba din ang magkapatid ng mga to eh. Si Craige na parang professor kung magpa-quiz. Si Marveige at Andreige naman parang mga students na nagkokopyahan pa.

Napapailing na kinuha ko kay Andreige yung listahan at iniscan ko iyon. Yung mga nauna niyang sinulat katanggap-tanggap pa..pero yung pahuli hindi ko na alam kung anong koneksyon. Merong panglason ng kung ano man, sampayan, hanger, pintura, plastic bags pati rice cooker at oven toaster may nakalagay din.

-__________-

Lahat naman yon meron na sa villa niya. Maliban sa pintuara at panglason na hindi naman kailangan.

"Hindi natin kailangan ng Nestogen 4. Seriously...pati to kinopya mo kay Marveige?"-me

"Yup. Kinopya niya din naman yung Memo Plus na isinulat ko na napanood ko sa TV dati. Para sa good memory ata, you know. And I think gatas ang Nestogen kaya makakabuti yon sa buto natin."

"You dont need Memo Plus and Nestogen is really good for our bones."

"I know right. That Memo Plus..pandagdag ko lang yan."

"Yup, Nestogen is good for the bones if you're one to four years old or in short kung bata ka pa. Since may anak si Marveige kaya malamang meron siya sa list niya nyan."

"Practice?"

Sinimangutan ko siya. Yan na naman ang practice na iyan. Una yung binuhat niya ako..which I think ang ibig sabihin ay kasal. Ngayon naman gatas ang pinag-uusapan namin kaya obviously baby na ang pinag-uusapan namin.

"Okay."-me

"HUWAAAT?!"

Tinakpan ko ang bibig niya at simpleng nginitian ko ang isang matanda na tinignan kami na animo nagtataka kung bakit nakatambay kami sa lugar kung saan napapalibutan kami ng baygon, panglason, panghuli sa daga at kung ano-ano pa.

Hinila ko siya at itinulak niya naman iyong trolley papunta sa kabilang part ng grocery store na kinaroroonan namin kung saan nandoon naman ang mga shampoo at kung ano-ano pa.

Biglang hinawakan ni Andriege ang kamay ko at inalog-alog ako.

"Stop!"-me

Tumigil naman siya then he beamed at me. Kulang na lang ay tumalon siya ng paulit-ulit dahil mukhang excited na excited siya.

"Let's go! Bukas na tayo mag grocery!"-andreige

"Bakit?"

"Gumawa na tayo ng baby-"

Tinakpan ko ulit ang bibig niya at napangiwi ako ng may dalawang teen ager na namimili ng shampoo na humahagikhik na umalis. Nang makaalis sila ay tinignan ko ng masama si Andreige na nasa Andreige's Cutie Eyes mode na naman.

"No way."-me

"Sabi mo kanina okay eh!"

"Hindi pa ako tapos magsalita. Gusto mo ipractice yung Nestogen 4? Manganak ka ng instant four years old na bata, okay?"

Ngumuso siya na parang tatalunin na ata ang mahabang ilong ni pinocchio kapag nagsisinungaling.

"Excited pa naman ako. Ihetchu."-andreige

"Ewan ko sayo. I wont have a baby unless I'm very sure of the man I'm sleeping with and I know that he'll marry me in the near future."

"That man is me. I'll marry you, promise! Or maybe we can get married first, let's go-"

Pinalo ko siya sa braso na ikinatawa niya lang. Ngiting-ngiti na inakbayan niya ako. Hindi na ako nagtangka na alisin yon dahil ibabalik niya din naman iyon.

Sayang ang effort.

Yumuko siya hanggang tumapat ang bibig niya sa tenga ko. I tried to ignore the tingling sensation I felt when his warm breath touched my skin.

"There's no rush, dear. I'll wait no matter how damn long it takes."

Pakiramdam ko namula ako mula ulo hanggang paa. Bahagya akong lumayo sa kaniya pero hinapit niya lang ako palapit sa kaniya...

...

...

Then I felt him nibbled my ear tenderly.

Napasinghap ako at nilingon ko siya. Nakangiting lumayo na siya sa akin at tinulak na ulit ang trolley at nagsimulang mamili ng shampoo.

I cant believe this guy...he did that...

here?

Lumingon-lingon ako...mukhang wala namang nakakita. Good. Dahil hindi ko mapapatawad si Andreige kapag may nakakita sa ginawa niyang...niyang...

O///////////////////O

Whatever.

"So...what's your brand?"-andreige

"Brand of what?"

"This whisper thing or modess? Look at that, there's ultra clean and dry, with wings and maxi fit? Why do you need...to fit it? May sizes ba?"

Isinubsob ko ang mukha ko sa mga pack ng bulak sa harapan ko. Just kill me. As in right now. Itinagilid ko ang ulo ko para tignan si Andreige na kasalukuyan ng naglalagay ng Whisper Ultra Clean and Dry sa trolley.

Infairness..whisper is my brand and I like that type of whisper.

Nginitan ako ni Andreige at kumuha pa siya ng isa.

"Narinig ko kay Paige dati uncomfortable daw yung feeling minsan so maganda na siguro kung ganito."-andreige

"Nagsasabi sayo si Paige?"

"Of course..pinabili pa nga niya kami nila Kuya Craige at ni Marveige dati eh. Tapos nung first period niya kami din ang nakasaksi. Wala naman kaming reklamo ng mga kapatid ko. Best na mother at sister sila Paige at si Mama kaya sumusunod na lang kami. We all love them."

Napangiwi ako. I wonder how that felt....I mean the period thingy.

Awkward...I guess.

"I guess that's what you want in a woman..like your sister or your mother."

"Partly, yes. Gusto ko sa babae yung soft hearted, simple, hinahayaan akong mag desisyon and I want her to always comply to me."

Not like me.

Alex of course.

"But I also like a woman who accept changes not only to her surroundings but also to herself. Gusto ko na hayaan niya akong mag desisyon sa mga ibang bagay pero gusto ko rin na magkaroon siya ng sarili niyang pagpapasya. I want her compliance but still I also want her to stand up for herself, a soft hearted woman na may sariling katatagan. I want her to argue with me, fight with me and even shout at me. Because all those things are natural."

Napalunok ako.

Somehow...I want to tell him everything. To stop lying to him. Dahil nakikita ko na pareho niyang mahal ang dalawang klase ng pagkatao na sinasabi niya.

He love me..I know that..

...

...

But he also love my sister.

ISA-ISANG dumating ang mga babaeng agents ng BHO sa villa ni Andreige. Kasalukuyan kasing wala ang mga boys at tinutulungan si Tita Sage sa pag-aalis ng mga lumang gurney at pagpapalit narin ng mga iyon.

Inaya ko sila Thea at ang iba pang mga agents na pumunta na lang dito sa villa. Nag suggest si Autumn na mag-inuman kami...

at hindi ako tumanggi.

Because I think I need this...I need some time without Andreige and a time to be just me, around peope that I think knows my situation.

Nagkukuwentuhan sila at paunti-unti na umiinom habang ako naman ay tinutungga ko ang laman ng glass ko. We're drinking cosmopolitans. Mukhang nakahalata sila at ginaya narin nila ang ginagawa ko.

"So...you know?"-me

Tumango sila. See? Girls can understand each other kahit na simpleng tanong lang. Magkakaiba talaga ang linya ng mga utak ng mga babae sa mga lalake.

Men are complicated for us..while men think women are all complicated.

"Oh."-me

"That doenst bother you?"-wynter

"Nope...it's quite obvious. If you focus enough."

"Bakit si Andreige hindi alam? I mean...magkasama kayo lagi eh."-Autumn

Sinaway siya ni Hurricane na ikinangiti ko na lang. Nagkibit-balikat si Autumn at nag peace sign sakin. That's what I like about her. Straight forward.

Tumayo si Thea at ni-lock ang pinto pagkatapos ay bumalik sa upuan niya para intayin ang sagot ko.

"Kayo kasi...tinitignan niyo ang pinagkaiba namin ni Alex hanggang sa marealize niyong magkaiba kami. Andreige is different..he saw the differences but he learned to love it all."

Alam kong naririnig nila ang lungkot sa boses ko...Saglit na tumahimik sila at pagkaraan ay nagsalin na naman kami ng inumin.

Thirty minutes later I found myself sprawled on the floor at yung iba naman ay kaniya-kaniya na din ng puwesto pero tuloy parin ang inuman namin. Ilang butones narin sa suot kong polo shirt ang nakabukas dahil sa naiinitan na ako.

Unti-unting bumibigat ang ulo ko at mukhang ganoon din sila. Iba na ang pinagkuwentuhan namin at puro tawanan na lang ang ginawa namin.

"Hot!"-thea

"Like me! woo!"-paige

"Tinamaan ka na naman ng pagkatyphoon mo."-quin

Napabungisngis ako. I just cant help it...ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Napatingin kami lahat kay Autumn ng bigla na lang siyang humiga sa mahabang coffee table. Sabay-sabay na nag kaniya-kaniya kami ng abot sa mga baso namin at inabot naman ni Sophie ang pitcher bago pa mabasag iyon.

Halos pabagsak na ibinaba ko ang glass ko sa sahig dahil buong katawan ko na ang mabigat ngayon.

"Heavy mah men!"-autumn

"Pasan ko ang daigdig."-me

"Hindhi ka nag-iisa. Anho ba tong wine na toh?"-fierce

"Cosmo yan COSMO!"-autumn

Nagkatawanan na naman kami. Tumayo si Hurricane at Paige na sa tingin ko ay sila na lang ang may kakayahan pang makatayo. Gumewang sila at sabay na napakapit sila sa isa't-isa. Hinila nila patayo si Sophie, Summer, Lynxie at Kate na nagpahila naman.

"Let's dance ladies!"-paige

"Oh yeh!"-hurricane

"Oh oh a single ladies, a single ladies!"-sophie

"But we're married."-kate

"I want to sing Single Ladies!"-lynxie

"Hmmm..let's divorce our husbands."-summer

Nag high five sila lahat then maya-maya ay halos sabay-sabay din na umiling tanda na nagbago ang isip nila.

Sumayaw-sayaw sila habang mukhang malalim ang mga iniisip nila dahil sa paghahalukay nila sa mga utak nila sa kung anong magandang kantahin.

Napatigil sila sa pagsayaw at ako naman ay napatigil sa ginagawa kong panghuhuli sa baso ko na naging apat na sa paningin ko ng biglang may kumatok.

"Cassie bakit nakalock- O anong ginagawa niyo dito Kuya?"

Si Andreige.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Gumapang na lang ako na ikinatawa nila Autumn. Tinalo ko pa si Sadako dahil at least siya nagagamit ang mga paa at kamay niya. Samantalang ako para akong uod dito.

"Nandiyan ang mga asawa namin."-craige

"Mga?"-andreige

"Yup, mga."-aries

"Agree."-hade

"Hmm."-cloak

"I think...nandito din si loves."-warren

"My wife too." sa tingin ko si Heaven iyon...hindi ko masyadong kilala ang boses niya. "And my wife." Hmm...si Marveige.

"And my wife is gone too."-ice

"And mine..and that means, disaster."-wynd

Tumawa si Autumn na nag swi-swimming parin sa lamesa. May mga pagkain na ang buhok niya pero mukhang wala siyang pakielam.

"That's my husband. Always know the best in me..or worst."-autumn

May biglang lumagabog ng sabay-sabay na natumba ang nagtatawanan na mga dancer na tawagin na lang natin na Not Single Ladies.

...

...

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating narin ako sa pinto. Itinulak ko ng konti ang katawan ko pataas pero no effect..hindi ko mabuksan.

Pinagpapalo ko na lang yung pinto.

I'm sure maririnig nila yon.

Saglit na katahimikan ang namayani bago biglang pabalibag na bumukas ang pinto kasabay ng pagpasukan ng mga lalaking agents sa pangunguna ni Andreige na siyang may hawak ng susi. Mabilis na nakagulong ako ng konti kaya hindi ako natamaan ng pinto.

Muntik pa silang mapatid dahil nakahiga ako sa daraanan nila.

Nanglalaki ang mga mata ni Andreige na yumuko sa akin at iniangat ako.

"What happened? Did someone poisoned you?"-andreige

"Not me!"-autumn

"I dont think nasaktan sila...just drunk."-craige

Pumalatak si Craige at binuhat si Thea na nakikipag ngitian na sa mga imaginary friends niya. Tinanguhan ni Craige si Andreige na kinarga din ako at iniupo sa sofa. Kaniya-kaniya na ang mga boys sa pagbibitbit sa mga asawa nila.

"I want to divorce you Heaven!"-lynxie

"No, we just got married."

"Next month?"

"No."

Ang pinakahuli ay si Ice at si Wynd. Sinubukang buhatin ni Ice si Summer pero kumapit lang si Summer sa sofa.

"Baby."-ice

"Gusto kong kumanta ng single ladies!"

"Okay...?"

"I need to divorce you!"

Ice chuckled at tinanggal niya ang pagkakahawak ni Summer sa sofa at kinarga na niya ng tuluyan si Summer. "No baby you cant divorce me."

"Why?! I want it now!"-summer

"Nope."

Naramdaman kong dumausdos ako mula sa sofa pabalik sa sahig. Pinigilan ako ni Andreige at hinawakan ako bago pa ako tumama sa kung saan.

"Dear.."-andreige

"Pakipulot ang mga buto ko...parang tumalsik ata kung saan."

Pilit na iminulat ko ang mga mata ko at naabutan ko si Wynd na kumakain ng french fries na sumabit na sa buhok ni Autumn. Ininom niya pa ang natirang cosmopolitan bago niya kinarga si Autumn at kinawayan kami na para bang parte na ng daily lives nila ang ganitong tagpo.

Humikab ako.

"Let's put you to bed."-andreige

"Great

...

...

then make love with me."

Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at nasabi ko yon. Baka ang spirito ng namaalam na Cosmopolitan.

Narinig ko ang biglang pagkasamid ni Andreige kasabay ng pagbuhat niya sa akin.

"I-I dont think so."-andreige

"Why?"

"You're drunk."

"I'm not."-me

"Yes you are. Magsisisi ka lang bukas kapag wala ka ng tama ng alak so let me just put you to bed, okay?"

"Alarm my clock after fifteen minutes then you can devour me."

Sunod-sunod na napaubo si Andreige. Hindi ko na kailangan makita ang mukha niya para malaman na namumula siya.

"That's not a good idea."-andreige

"Fine...after an hour then."

"Seven hours."

"Three."-me

"Five."

"Four..that's final. Take it or leave it."

I heard him chuckled then he planted a light kiss on my temple. I smiled without opening my eyes.

After four hours then.

^______________^

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 95.4K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
5.8M 98.1K 52
(PUBLISHED BY LIB) Hius Secret Agent Bride To Be, now a published book under LIB creatives. Php 110. Available at all Precious Pages branches, Nation...
4.7M 70.6K 51
(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Husband, now a published book under LIB creatives. Php 209.75. Available at all Precious Pages branches, Nat...
3.6M 89.8K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...