CHAPTER 18 ~ Cosmopolitan ~

95.3K 1.5K 62
                                    

CHAPTER 18

CASSANDRA'S POV

Nakahalukipkip lang ako habang nakatingin ako kay Andreige na animo biglang naging genius sa mga kailangang gamitin sa bahay. May mahaba pa siyang listahan na siguradong siyang dahilan bat siya pinatawag ni Craige.

Pinagsulat ng mga kailangan sa bahay.

-________________-

I'm sure it's hard for this man since mukhang wala naman siyang alam sa mga bagay na ganito dahil nga ayon kay Paige si Tita Sage ang bumibili ng mga iyon. 

Napangiwi ako ng makita ko yung mga nakalagay sa trolley na pinaglalagay ni Andreige. Merong pamalo ng langaw, pang trap ng daga at kasalukuyan siya ngayong kumukuha ng ten packs ng moth balls.

Tinaasan ko ng kilay si Andreige ng tumingin siya sakin. He looked back at the moth balls with an uncertain expression then tumingin siya sakin ulit. I sighed again at lumapit na ako sa kaniya na ikinangiti naman niya.

"So...?"-me

"Para saan ba tong moth balls? Tutunawin ba natin to tapos ipanghuhugas ng plato? But the smell is kinda strong...maghahanap na lang tayo ng ibang brand?"

Napakamot ako sa pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatawanan ko na lang ba siya o isasama ko siya sa shelf ng mga moth balls. 

Kinuha ko sa kaniya ang mga yon pati na ang mga nasa trolley at ibinalik ko iyon sa pagkakasalansan non. Kumunot ang noo ni Andreige na wari bang magrereklamo pa pero naitaas ko na ang kamay ko para pigilan siyang magsalita.

"Unang-una hindi tinutunaw ang moth balls, pangalawa hindi yan ipinanghuhugas at pangatlo hindi natin kailangan yan."

Ngumuso si Andreige pagkatapos ay tinulak na ang trolley pero pinigilan ko siya. Inalis ko ang pampalo sa langaw pati na ang pantrap sa daga. 

"Hindi din natin kailangan yan dahil may bumibisita sa bawat bahay sa The CAMP para tignan kung may mga binabahayan ng daga, anay at kung ano-ano pa. Lalong walang langaw don. You should know that since kayo ang may-ari. Bakit ba ito ang mga nakalagay dito?"-me

Napakamot siya sa ulo niya at nag Andreige's Cutie Eyes sakin.

"Eh kasi pinalista kami ni Marveige ni Kuya Craige ng mga alam naming gamit sa bahay. Wala naman akong masyadong maalala kaya nag kopyahan na lang kami ni Marveige ng mga alam naming mga gamit sa bahay."

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon