SPECIAL CHAPTER: Original Elites To The Rescue!

85.1K 1.5K 147
                                    

SPECIAL CHAPTER: Original Elites To The Rescue!

MISHY'S POV

Napapalatak ako ng makita kong tumatalilis sa pag-alis si Andreige at Cassandra. Hello? Anong tingin nila sa kin, malabo ang mata? Hindi pa ako ganon katanda no! 

Ilang taon na ako?

Well...mga twenty something.

Echuserang matanda!

Walangyang brain ka. Makakalimutin ka na nga may gana ka pang mang-okray. Kung pinapalitan kaya kita ng genius brain ni Einstein?

Hindi ko pwedeng sabihin kung ilang taon ako dahil una bago may magtanong sa akin ay itotorture ko muna iyon...at pangalawa papatayin ko ang makakaalam ng edad ko. Kuha niyo? Okay!

"Dale?"

"Yes?"

"Wala lang, love you!"

Tumawa lang siya at nag I love you too. Binalik ko ang tingin ko kay Rain na kasalukuyang hindi alam kung tatakbo paalis o hihimatayin na lang. Nakapameywang na tinignan ko siya pero bago pa bumuka ang labi ko ay biglang pumasok si Hurricane sa room.

"Bat ang ingay- Ay! may gagawin pa pala ako. Reese, honey-"

"Balik."-me

Napangiwi siya. Napangiti ako..that's my babies. Hindi magagawang tumanggi ng mga iyan sa akin. Ang laki kaya ng hirap ko sa kanila.

Hindi naman ako nagrereklamo....makulit din kaya ako. Maganda...sexy...hot...seducing..temptation ng sambayanan-

Ang hangin whooooooooooooooosh!

Isa pa ha? Binabalaan na kitang utak ka. Isasabaw kita sa lugaw.

"Bakit ganiyan ang pagkakatingin niyo sa damit namin? Ang cute nga eh. Bukas egyptian naman para cool."-kat

"Hindi ba sayang sa pera Momma?"-wynd

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now