CHAPTER 22 ~ Distraction ~

82.9K 1.4K 51
                                    

A/N: Prelims na sa Monday T^T Wish me luck Dyosas and Super Gwapitos ^__^v love yah!

CHAPTER 22

CASSANDRA'S POV

Hindi ko alam kung paano lumipas ang dalawang oras. Pakiramdam ko nanatili lang ako sa isang lugar habang patuloy ang pagtakbo ng oras sa paligid ko.

Alex...not my sister. 

Nawala na sakin ang Daddy ko...Nagkaroon din kami ng distansiya ni Alex sa Mommy namin. But this...I cannot handle this.

Alex is my everything. Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kapag nawala siya. She's a part of me...someone that makes me complete. She's always there to center me. To help me focus on my way.

And now I'm scared...scared that if I lose her...I might not find my way back again.

"O."

Napaangat ang tingin ko ng biglang may mainit na bagay na dumampi sa braso ko. Seryosong mukha ni Teodore ang sumalubong sakin. May hawak siyang can ng coffee na mukhang ininit niya lang.

Umiling lang ako.

Naramdaman kong dumampi ulit sakin ang can ng kape. Tinignan ko siya ng seryoso at pagkaraan ay inalis ko na din sa kaniya ang atensyon ko.

And again...I felt the damn can touched me.

"Ano ba?!"

Napapitlag ang mga agents kasama na si Andreige na kasalukuyang tahimik na nasa harapan ng mga monitor at napatingin sa gawi ko.

"Take it."

"I said I dont want it Teodore."

"Teo na lang. Wala akong planong mapagkamalan na chipmunks."

Kumunot ng todo ang noo ko. Hindi siya ngumingiti pero pakiramdam ko pinapatawa niya ako. Like that's possible right now.

"I dont want it."-me

"Yes you do. Bibilangan kita ng sampung segundo at siguradong tulog ka na sa kinauupuan mo."

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now