CHAPTER 34 ~ Cassandra and Andreige ~

101K 1.5K 42
                                    

CHAPTER 34

CASSANDRA'S POV

Nakangiting hinaplos ko ang pisngi ng natutulog na si Baby Nyx.  Kahit na isang buwan na namin siyang nakakasama hindi ko parin mapaniwalaan na nandito na siya. I used to feel her move inside me...to smile at her gentle kick. And now...she's here with me.

My little baby...the precious gift God gaves us. She looks like me...and her father. Whenever she smile...pakiramdam ko nakatingin ako kay Andreige.

She's a tiny little thing at hindi din siya iyakin. Lagi siyang nakangiti at pakiramdam ko kung nakakatakbo lang siya baka maubos ang isang araw namin ni Andreige sa kakahanap sa kaniya. Hindi na ako nagtataka kung saan siya nagmana ng pagkasobrang hyper. Hindi sa akin of course.

Kanino pa ba kung hindi kay Andreige.

Ilang araw kami hindi nakatulog ni Andreige bago kami nasanay sa oras ng pagtulog niya. Minsan kasi sobrang aga minsan naman kapag gusto niya, gabi na. Kung anong kinaantukin ng anak ni Hade at Quin, iyon naman ang kabaligtaran nitong anak namin ni Andreige.

"Mamaya ka na makipagtitigan kay little pixie, Cassie. Hello? Kailangan na po tayo sa simbahan in twenty minutes."

Napatingin ako sa salamin kung saan nagrereflect kami ni Eika. Nasa likod ko siya at nakapamewang habang may hawak ng boquet ng roses. Napakamot ako sa pisngi ko at napabuntong-hininga. Of course I cant forget about the wedding...though sinusubukan ko to forget it for awhile since pakiramdam ko hihimatayin na ako anumang sandali.

Yes...it's our wedding day. Finally.

Pakiramdam ko ang haba na masyado ng mga pinagdaanan namin ni Andreige. Marami na kaming pinagdaanang sakit na ang iba ay halos hindi na namin kinaya. Pero nandito parin kami...finally.

Kanina pa ako nakaayos. At dapat kanina parin kami umalis papuntang simbahan para doon na lang maghintay ng oras. But I dont think I can calm myself down kung pupunta kami kaagad doon. So the perfect solution....my daughter.

Tinaasan ako ng kilay ni Eika at inilahad niya ang dalawa niyang kamay. Bumuntong-hininga ako at inabot ko sa kaniya si Nyx. 

"Relax, sis."

Nilingon ko ang isa pang taong kanina pa nakamatiyag sa akin. Alex. Nakaupo siya di kalayuan sa amin at kasalukuyan siyang nakikipagtunggali sa cellphone niya at sa kinaadikan niyang Minion Rush.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon