CHAPTER 10 ~ Trick or Treat ~

93.1K 1.5K 63
                                    

CHAPTER 10

ANDREIGE'S POV

Nakita ko ang ginawang paggamit ng taser ng isang lalaki kay Cassandra. Kitang-kita ko din kung paano siya kaladkarin ng lalaking iyon. Gusto ko siyang sundan at kuhanin. Kaya kong ibigay lahat...kaya kong gawin lahat kahit na mali.

"Keep Reyes safe, she'll be alright, Andreige. Hindi namin siya pababayaan."

Napakilos ako ng marinig ko ang boses ni Kuya. Tama si Kuya Craige, hindi nila papabayaan si Cassandra.

"Kaya mo bang ibalik si Reyes?"-craige

"I can, pero suot niya ang damit ni Cassie."

Naririnig ko ang boses ni Rain na pinipigilan kami sa pagbanggit ng mga pangalan. Right...we need to keep our identity safe. Mas magiging delikado samin kapag nalaman nila ang mga pangalan namin.

"Bring her here. We'll interrogate her."-rain

"She's not ours to interrogate."

"But she's the reason why one of us is out there, probably in grave danger. Bring her here."

Hinawakan ko si Reyes sa braso at nagmamadaling idinaan ko siya sa likod. Iniyuko ko siya at chineck ko muna kung may pulis pa. Pero mga nakahandusay na tao lang ang nakita ko. Wala narin yung van.

Itinayo ko si Reyes na halatang naguguluhan sa mga pangyayari.

"Papatayin niyo ba ako?"

"No."

Nagmamadaling hinila ko na siya papunta sa kotse na ginamit ko. Pinasakay ko siya doon at ilang sandali lang ay pinaharurot ko na iyon paalis. Siguradong may agent na pupunta dito para kunin ang ginamit ni Cassandra na kotse kanina. Hindi ako maaring mag-aksaya ng oras.

I need to find her.

Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong may nangyari sa kaniya.

I don't want to fail her again. Ginawa ko na iyon ng mga panahong hindi ko nailigtas ang tatay niya. Hindi ko na ulit uulitin iyon...hindi ako pwedeng mabigo. I need to save her...the only woman that I ever love.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now