EPILOGUE

115K 2.2K 125
                                    

EPILOGUE

CHAPTER 35

CASSANDRA'S POV

"Nambababae ka! Aalis na lang kami ng anak mo! Akala ko...akala ko mahal mo kami. Akala ko pinahahalagahan mo kami. Pero nagawa mo pa din to. Pinagkatiwalaan kita! Tapos makikita lang kitang nakikipaghalikan sa babaeng yon! Hindi ka na nakuntento na tinalo mo na ang kapatid ko. Pati ba naman pinsan ko? Anong klase ka?!"

"Let me explain. Please-"

"Ano pa? Ano pang ipapaliwanag mo?!"

"Hindi ko gustong saktan ka. Mahal kita. Mahal na mahal. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko na mababago ang nangyari."

"Ganiyan naman ang mga katwiran niyong mga lalaki. Pero kapag kami ang nakagawa ng kasalanan buong buhay niyo kaming pinagbabayad. Hindi na kita mapapatawad!"

...

...

Napabuntong-hininga ako. "Masyadong madrama ang buhay ng mga taong yan. pwede bang mag Cartoon Network na lang tayo?"

Suminghot si Andreige na katabi ko habang karga-karga niya si Nyx na tulog na...finally. May hawak-hawak pa siyang tissue at pinupunasan ang mata niya. Sa sofa naman sa isang tabi ay nandoon naman ang kambal at si Yale na hindi ko alam kung bakit trip na makinuod dito. And like Andreige mga naiiyak din sila.

Ang asawa ng kambal at si Eika ay kasalukuyang naglalaro ng scrabble sa isang tabi.

Cool no?

"Mamaya na Cassie, dear. Magtatapos na to ngayon eh." Suminghot na naman si Andreige na animo dinadamdam talaga ang pinapanood nila.

Nang makapanganak kasi ako..ilang linggo din akng nakulong sa bahay. At dahil hindi niya matiis na walang kulitin, pinapapunta niya na lang ang mga agents. Then..naging past time nila ang panonood ng 'Naglalagablab na Puso'. Nasimulan nila ang ngayon nga...matatapos na daw. Kahit nung nag honeymoon kami hinanap niya talaga sa internet ang mga namissed niyang episode.

"Ano bang iginanda niyan?"-me

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt