Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.8K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Thirty Two - Sabotaged School

31.4K 564 71
By foolishlaughter

Third Person's POV

 

 

Nagpahinga si Thea ng halos isa pang linggo sa ospital. Ang tanging ga bumisita sakanya ay ang gang ni Athena pwera kay Paige. Hindi na ulit bumalik si Jiro, dahil narin pareho silang naiipit ng kapatid niya sa nangyayaring gulo, naisip na niyang makabubuti sakanila kung hindi na muna sila magkikita at magkakausap dahil baka lalo ang silang maipit.

Pero syempre, nang makalabas na si Thea mula sa ospital at bumalik sa eskwelahan, hindi maiwasan at mapigilan ni Jirong maya't maya ay kausapin ang kapatid niya. Dahil magkaklase naman sila, hindi ito naging mahirap. Pwera nalang sa maya't maya ding death glare ni Athena kay Jiro, na tinatawanan lang ni Thea.

Ironically, si Athena ang nagsabing kausapin ni Thea si Jiro kahit pa anong sinabi at sasabihin sakanya nito. Ayaw niya kasing aging hadlang sa magkapatid at kung ano mang magiging desisyon ni Thea, magiging open dito si Athena.  Pero si Thea, sinabi na agad kay Jiro na pabor lang sakanya ni Athena ang pagkausap sakanya, kaya kung may sasabihin siyang masama tungkol kay Athena, wag na siyang subukang kausapin pa.

Naiipit man ang dalawa, naging loyal naman sila sa kinakampihan nila. Pareho kasi silang may pinaninindigan at pinagkakautangan ng loob.

Magulo?

Huh, pero mas wala nang gugulo pa sa balak gawin ni Athena. Natural, hindi ito brutal,  hindi masyadong bayolente at hindi kaduda-duda. What can we say? Seventeen palang si Athena, kahit anong gawin natin, hindi parin ganoon ka-mature ang pag-iisip niya. Ang sabi niya, gagawa siya ng paraan upang mismong si Mr. Carter ang mapilitang lumapit sakanya. Paano niya nga ba ito gagawin kung maging si Kurt na anak nito ay hirap sa paghahanap dito?

Simple lang naman ang naisip ni Athena e.

Bulabugin ang eskwelahang pagmamay-ari nito.

***

Kung inaakala ng iba, isang simpleng private school ang Carter High, nagkakamali sila. Hindi tanga si Athena para hindi mapansin ang napaka-eleganteng environment nito. Papaano? Investments. Galing sa mga mayayaman at kilalang pamilya ang mga nag-aaral dito-- or so they say, Athena's certain na hindi lamang sa mga kilalang pamilya nanggaling ang mga nag-aaral dito. Yung iba, sa mga mayayamang pamilya pero hindi kilala dahil sa business nila. Bakit pa nga ba siya magtataka hindi ba? Kung mismong si Mr. Carter nga pumapatay, mga malalapit pa kaya niyang alipores?

Let's face it. Modern at sobrang civilized na ng mundo. Ni hindi na nga ata bago ang mga ganitong kalakaran hindi ba? Patago nga lang..

Now, ang balak ni Athena ay napakasimple lang talaga. Magugulat nalang kayo na sa simple ng paraan niya, nakuha naman niya ang gusto niya.

 

Athena's POV

Alot of people say I'm beautiful, gorgeous and even stunning. Wala naman talaga akong pakialam kung anong itsura ko e. I dnt f*cking care kung pangit ang isang tao o hindi, for me kase what matters most for me is the inner personality.  Kaya nga nung nagpaka-nerd ako, nerd na super geek pa ang peg, wala naman talaga akong pakialam e. Actually di naman mababa ang tingin ko sakanila, pero alam ko na ang ibang tao, iba masahol mag-isip. Kaya I grabbed the opportunity, tutal ayoko naman ng attention nung una e.

Kaso, iba talaga yung tawag ng kalikasan e.

Imbis na malayo ako sa attention, lalo pa kong naging tapunan ng pansin dahil sa mga pangyayaring di ko inaasahan at pinagplanuhan.

So bakit kailangan ko pang magdisguise?

E, wala din namang ipekto yung attempt kong maging out of their sight e? Ganun talaga e, hindi ko kayang baguhin yung pag-uugali ko.

Kaya naman, napadesisyunan ko nang pumasok ng si Athena, the Vio look.

Kasi wala naring sense yung pagbibihis ibang tao ko e, mabigat lang siya sa katawan.

Lets bring it back the way it used to be.

So be it.

***

"Alam mo ikaw, ang simple mo pero ang complicated mo rin." Tumatawang sambit ni Jed habang tinitignan ako. Sinundo niya kasi ako, para raw sabay kaming pumasok, excited daw siya sa gagawin ko e. Baliw.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ako yung complicated? Baka naman ikaw."

Tch. Siya nga tong hindi ko alam kung saan nagpupu-punta kapag wala sa bahay e.  Tatanungin mo naman, sasabihin 'Masama ba umuwi? Napaprotective naman ng girlfriend ko.' O di ba? Sinong hindi mababaliw? Yung curiosity ko nilagyan niya ng iba pang meaning. Halelujiah sakanya. Kaya hindi na ko nagtatanong, para nga atang ang OA ko. Minamasama ko pati pagkawala niya, e siya nga tong palaging nasa tabi ko.

"Sus, ang dami mong alam. Wag mo muna nga akong problemahin, pag-usapan muna natin yang bright idea mo." Sabi niya, hindi na ko nanibago sa kilos niya. Bat ganun no? Kapag napalapit ka sa isang tao, pakiramdam mo bawat kilos niya alam mo. Bawat kilos niya, koportable ka na. Tipong pati paghawak ni Jed sa bewang ko patalikod, okay lang saakin e.

Ganito naman talaga siya e, lalo na kapag ayaw niyang pag-usapan yung isang bagay. Tapos ako, I always find myself distracted sa gesture niyang yon, kaya naliligaw niya ako agad.

Nagbuntong-hininga ako, "Simple nga lang, dahil nga mahal ni Mr. Carter yung eskwelahan niyang yon, based on my observation, guguluhin ko yon with all my might."

"Ha? Di kita gets. Ano namang gagawin ni Nerdy sa school na jam-packed ng mga estudyanteng mayayaman, kilala at makapangyarihan sa lipunan aber?" Kwestyon niya.

"Wala, pero wala din akong pakialam sa pamilya nila no. Ngayon pa ba ako matatakot pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin?" Tanong ko rin, yung baba niya nagrerest sa shoulder ko kaya hindi ko siya matignan. "Tsaka, ano bang magagawa nila? Mas malakas ako sakanila kahit anong gawin nila no. Bukod sa may pera ko, ako mismo kaya kong lumaban."

"Hmmm.." Sabi niya. "Pero ano nga bang gagawin mo?"

Napasmirk ako involuntarily, "Gagawin ko yung ginagawa nila sa mga tulad kong Nerd sakanila."

"Bullying? Yun yung bright idea mo?" Tumatawang tanong niya.

Siniko ko nga siya, "Shunga, lahat gagalitin ko. Kahit anong gawin ko, hindi ako papayag na pumunta sa kahit anong office hangga't hindi si Carter ang makaharap ko."

Hindi siya sumagot..

Tumawa lang siya. -______-

"Watch me. It will work. Wala na kong paki kung below the belt yung gagawin ko. Kung yung ginawa nga nung bwiset na yun, beyond his soul pa ata e."

"Sige, I trust you." Sabi niya tas hinalikan ako sa pisngi.

Involuntarily, my heartbeat sped up.

What the hell...

3 Days later

Athena's POV

 

Indifferent na sakin yung mga tingin nila, nung una kong pasok na ganito yung itsura ko, mindblown silang lahat. Sino bang magtataka di ba? Napaka-cliche kasi ng comeback ko e. Yung nerd gumanda, amazing hindi ba? Pero, hindi naman doon nagtatapos e.

I became much more reckless, cruel maybe.

Pero wala pa din si Mr. Carter.

"Ms. Athena, to the principal's office now!" Sigaw ng professor, ang tahimik nga ni klase e. Lahat nakatingin sakin.

Tinitigan ko si Sir. Mukhang mapuputukan na ng ugat yung noo niya. Nakaturo siya sa pinto, habang galit na nakatingin sakin. Hindi ako kumibo. Nagsmile pa nga ako e. Ano nga bang ginawa ko? Ang minor nga lang e! Binato ko lang siya ng marker na inabot sakin ng kaklase ko, kasi ako yung sasagot. Ayoko kasing tumayo, nakakabagot..

Oo, pati pagtayo boring.

Bakit ko ginawa? Gusto ko kasing i-report niya ko. Nakailang records na ko sa loob lang ng tatlong araw? I don't really remember, basta ang alam ko lang ay hindi ako titigil hangga't hindi ko siya makakaharap.

"Bakit pa ako pupunta doon kung wala rin din naman akong aabutan?" Kalmado kong tanong, pero sarkastik ang pagkakasabi.

"Lumabas ka nalang!" Sigaw ni Sir, pero alam ko sumuko na yan sa attempt niya na papunthin ako sa principal's office, kasi hindi ko talaga susundin.

I shrugged, tapos tumayo na ko. Kinuha ko yung bag ko, at tumingin kay Cynthia. Alam niya yung plano ko, nagbigay lang siya ng faint na smile. Sh*t naman oh, hanggang ngayon guilty parin ako sa lovestory nila ni Jiro. Ewan ko ba dito, sinabi ko nang kausapin na niya si Jiro, siya naman yung may ayaw. Sinabi ko din yun kay Thea, ayos naman ata sila ng kuya niya ngayon.

Kahit pa ayaw ko, tumingin ako sa likuran. Just to show his group na wala na talaga akong pakialam pa sakanila. Hindi ako ngumiti, hindi rin ako sumimangot, tumingin lang ako.

Nandoon silang apat, si Blight at Sean seryosong nakatingin. Si Jiro, slight na tumango. ay utang na loob pa 'raw' kasi siya sakin tungkol kay Thea. Si Kurt naman..

Nakatingin, pero parang malalim ang iniisip. Mukhang pagod, nananamlay.

Bago pa man ako makaramdam ng kung anong dati kong nararamdaman, tumalikod ako at naglakad na palabas. Nginitian ko pa yung prof namin. Dagdag maldita points.

"Thank you ah? Boring naman yung klase mo e, dun nalang ako kina de Castro. Kilala mo yon? Estudyante mo yon, di ba? Atleast doon hindi boring sa mga oras na to. Bye, Sir!" Pahabol ko na may kasamang kaway.

***

"Goodmorning!" Sigaw ko pagbukas ko ng pinto ng room nina Jed. Bumalik na kasi siya sa totoong section niya e. Nagulat sila sa bigla kong pagsulpot, pati teacher natulala lang sakin at sinundan ako ng ngiti habang naglalakad papunta kay Jed.

Sumimangot ako nang makita kong hindi bakante yung upuan niya sa tabi. Yung isa kasi occupied ni Krypton, yung isa isang babae.

Sinamaan ko agad siya ng tingin. Woman instinct narin siguro ang nagsasabing sinusubukang landiin nito si Jed. Hindi ko alam pero, ayoko ng ideyang yon. "Excuse me? Pwedeng umalis ka dyan?"

"Ano? Bakit? Hindi mo naman to room ah." Gulat pero bitchy niyang sagot.

"E bakit sayo ba to?" Tanong ko, may mga ilang taong tumawa sa sinabi ko. "Ah, so sayo tong room... Ikaw yung may-ari? Ikaw nagpagawa? Carter ka?" Sarkastiko kong tanong sakanya.

"You son of a b*tch!" Sigaw niya.

Pero ako? Tumawa lang.

"Yung totoo? Son? Babae ako, son? Ang sabi mo sayo tong room? E bakit parang di ka edukada? Grammar lang, hirap?" Tanong ko sakanya.

Tumayo siya at nag-akmang sasampalin ako, hinayaan ko lang.

Nag-echo sa classroom yung sampal. Mahapdi, pero panandalian lang. Ngumiti ako ng nakakaloko bago ko siya sinampal ng mas malakas. Napaupo siya sa sahig dahil dito. Hala? Sampal lang, napaupo?

"Ms. Athena! Stop disturbing classes! Go to the pricipal's office now!" Sigaw nung professor naman nila.

Tnignan ko siya, "Wala nga yung principal bat pa ko pupunta doon? Common sense naman, sir. Teacher kayo, pero mas witty ako."

"Athena, get out!" Sigaw niya ulit.

"Sir, kapatid niyo yung sir namin? Pareho kayong linya. Naks, ka-WeChat mo ngayon?" Mapaglaro kong tanong.

Napahawak siya sa noo niya, "I will not tolerate this behavior in my class, Ms. Ertude."

"Aba? Ibang klase? Sinabi mo talaga yan nung sinampal ko lang siya?" Tanong ko sabay turo sa babaeng madrama, "Pero nung tinawag akong son of a b*tch at sinampal hindi?"

Hindi naman siya nakasagot sa tanong ko. Tama kasi ako. Kainis di ba? Ang daming ganitong teacher e, unfair. Palibhasa matatanda e. Okaya, favoritism.

"Teka? Di ba, english teacher ka?!" Tumatawa kong tanong, tumingin ako sa klase. "Ang engot! Haha! English teacher to, pero di maturuan yung estudayante niya ng tamang grammar? Haha! Tawagin daw ba kong son.." Dahil wala na sa upuan niya yung babae kanina at nasa sahig parin, umupo na ko sa tabi ni Jed.

"Bad girl, Athena. Bad girl." Nakangising sabi ni Jed.

***

"You call this food? Are effing kidding me? Ayoko niyan, pakipalit." Irita kong sabi sa babae sa canteen, anak siguro to ng mismong cook mukhang bata pa e. Dali-dali siyang tumango at bumalik sa kitchen

Napangiti ako nang makita kong sobrang haba na ng pila na dine-lay ko. Bakas narin sa mukha nila yung pagkairita at pagkainip. E hindi naman sila makapagreklamo, mapapahiya sila sa lahat ng tao sa canteen e.

Tapos, "Bakit ang tagal? Anong meron?!" May sumigaw sa pinakalikod, hindi ata ako niya alam na ako ang rason ng mahabang pilang hindi matapos-tapos. "Hoy! Hindi lang ikaw yung estudyante dito!"

Tahimik lang ang mga taong malapit sakin, habang ang ga malayong nanunuod nagbulungan.

Tumingin ako sa taong nasa likod ko, napaurong siya at umiwas ng tingin. Nginitian ko siya, "Hi, pwedeng pakidala naman dito yung taong suigaw kanina?"

Hindi na siya halos naka-tango kasi agad na niyang pinasa sa nasa likod niya yung sinabi ko. Nagtuloy-tuloy lang yung 'pass the message' hanggang sa nakita kong pinipilit itulak ng mga nakapila ang isang lalaki. "H-hoy, bakit niyo ba ako-"

Napatigil siya nang makarating na siya sa harapan ko.

"Hi, so ikaw yung sumigaw kanina?" Nakangiti kong tanong sakanya.

Mukha siyang nagpanic at tumingin sa mga taong nakakapanood ng mga nangyayari na parang humihingi ng tulong o rescue. "H-hindi ko-"

"Ikaw yung nagreklamo kasi nadelay yung pila dahil sakin?" Kalmado ko paring tanong.

"Oo p-pero-"

"Pero? Bakit may pero? E kanina nga lang, ang lakas ng loob mo. Tapos ngayon, may 'pero'?" Sarkastiko ko nang sabi habang iniikutan siya. Nakakatawa. Nakakatawa talaga na sa loob lamang ng tatlong araw, ganito na yung epekto ko sa mga tao dito. Natatakot na sila, e dati lang mapangmata sila sa itsura ko.

"A-ate, nandito na po yung pagkain niyo." Alangang sabi ng babae kanina. Ham and egg na sandwich lang naman yun e, ang ayoko lang sinerve nang walang wrapper. Ill-mannered masyado e.

Kinuha ko yung sandwich, binuksan at tinanggal ang pagkakadikit ng tinapay sa isa, tapos ay itinapal sa magkabilang pisngi nang lalaking mareklamo. Nagkaroon ng series of gasps, nagulat ang mga nakakita. Habang ako? Natawa. Sino ba namang hindi matatawa? E may mayonnaise siya sa magkabilang pisngi tapos ham atsaka itlog sa dibdib niya.

Tapos kinuha ko yung mga ketchup, mayo at mustard squirter at humarap sa mga nakikiosyoso. Since gustung-gusto nilang maging updated, bakit hindi natin sila gawan ng sarili nilang eksena?

"AAAAAAAAAH!" Tili nang una kong nalagyan ng ketchup. Binigay ko sa nasa likod ko kaninang babae ang mayo na squirter. Mukha siyang nagtaka, sinamaan ko siya ng tingin na ara bang inuutusang gawin din ang ginawa ko kanina.

Ginawa naman niya yung katulad nang ginawa ko. Aba, syempre tumili din yung nalagyan niya. Ako naman, natawa nalang nang gumanti yung babae na nalagyan. Sabay ko ini-squirt yung ketchup at mustard na hawak ko sa iba-ibang direksyon, nagsigawan at mga nagsipag-reklamo ang mga nalagayan pero mayroong ga natawa nalang.

Tapos may tumayo sa upuan niya, lalaki at sumigaw ng "FOODFIGHT!"

Ha! Gotcha! Just the way I planned.

Ngumti ako ulit bago nag-exit sa nagkakagulong canteen.

***

"You, miss Ertude will clean up the mess in the canteen!" Galit na galit na sigaw ng nagmamanage ng canteen ng school.

Matigas ko siyang tinignan, "No."

"What do you mean 'no'?! Ikaw ang nagsimula ng nangyaring hagisan ng pagkain kanina, kaya naman responsibilidad mong linisin ang kalat dito!" Sumbat niya. Nakakatawa nga e, and to think lalake siya in his mid-40s he's wearing tux, well, almost-tux. Ibang klase talaga tong school na to, manager lang ng canteen and other utilities, bongga na yung suot. Sus. Nakakatawa nga kase, mukhang siyang krespe-respeto pero todo sigaw naman siya ngayon.

"Yun na nga, I started it but I am NOT the one who continued it and made it worst. Besides, this is not my responsibility, it's yours. For your information, hindi PO ako staff dito. Hindi ako nagkalat, hindi ako nagtatrabaho dito, so... bakit ko PO lilinisin to?" Tanong ko sakanya at tinaasan ito ng kilay. "Also, it's not my fault na yang minamanage mong canteen na yan, sells food that are almost unedible, kadiri, eww, yuck and elk."

"Ooops... PO?" Kunwari kong pahabol. Paano ba naman kasi, lalong namula yung tenga at mukha niya noong sinabi ko yon.

***

After awhile, pinalabas din niya ako. Wala din namang nangyari, wala naman siyang mapapatawag na parents, hindi rin naman niya ako madadala sa principal at may-ari ng school. So, ayun sa sobrang galit, pinalabas nalang ako.

"Hay..." Nagbuntong hininga ako pag-upo ko sa bench.

Nakaramdam ako ng tao sa likuran ko, pero hindi ko na pinuna. Naamoy ko na e. "O? Ano daw gagawin ni Sir?"

"Wala. Hindi parin niya ako madala sa Mister Carter na yun. Litsi. Saang bansa o lugar naman ba kasi yan nagtatago at hindi siya makapagpakita!" Inis kong reklamo sa hangin, hindi naman pwede kay Jed no. Di naman siya yung may kasalanan.

"Oo nga no, halata namang may kasalanan at may pinagtataguan siya." Dagdag nalang niya.

Tumango ako, "My plan isn't working. Hay! Kaasar! Bakit ba hindi ako makaisip ng maganda at effective na plano?! Naging simple minded na ba ko for the past months?! Hay! Kairita, kairita, kairita! Dapat talaga hindi nalang ako nagbago-hmp!"

"Tigil. Tigil. Tigil. Yang bibig mong yan, kapag nagsimula talaga walang awat." Sabi ni Jed habang nakatakip parin ang kamay sa bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hayaan mo na, baka hindi pa eto yung tamang panahon. Magtiyaga ka nalang muna."

Buusangot ako, "Pero-"

"Tara na. Tigilan mo nga yan di mo bagay." Panlalait niya, "Tsaka, tara!"

"Saan?!" Bratita kong tanong sakanya.

He chuckled, " Sa lugar na makakapagpasaya sayo."

"Saan?"

"Ulit-ulit ka naman e! Sumama ka nalang. Iwanan mo muna yang eskwelahan na yan na source of problem mo lang!" Natatawang sabi niya.

Hindi ako nagalangan pero nagpabigat ako para hindi niya ako mahila. "Jusko, Crissanta ano nanaman yang nilalamon mo at ang bigat mo!"

"Saan ngaaaaaaaa?" Pilit kong tanong. "Hindi mo ko mahihila hanggat hindi mo sinasabi kung saan tayo pupunta."

Naghintay ako ng sagot, pero hindi siya sumagot.

Instead, he shrugged.

"Eh?" Yan ang unang reaksyon ko. Tapos, "Jace Ethan de Castro! Ibaba mo ako ngayon din!" Sigaw ko sakanya. "Jed! Argh! Ibaba mo ko yung dugo ko nasa ulo ko na mamamatay na ko!" Sigaw ko, tumawa lang siya. Hala't binitbit daw ba ako na parang sako lang sa balikat niya.

Tinawanan lang talaga niya ako, "Jed! Mamatay talaga ako, siraulo ka!" Sigaw ko ulit pagkatapos siyang paluin sa likod.  Nakakahilo talaga yung ganitong posisyon, kung sino mang nas-sweetan sa ganito kapag sa mga movies or books, ay naloloka na. Kasi una sa lahat, nakakahilo pangala, pakiramdam ko lalabas yung mata ko e.

"De Castro gusto mo na ba talaga akong mamatay? Pano nalang tayo magkakaanak." Wala anu-ano'y tumigil siyang maglakad.

Binaba niya ako, "Nagpro-propose ka ba sakin?"

"Ha? A-ano-" Tapos nagsink in narin sa utak ko finally yung tinanong niya, tinapik ko siya ng malakas na malakas sa balikat tapos kinurot yung pisngi. "Baliw ka, sinabi ko lang yun para ibaba mo ko! Tignan mo! Hanggang ngayon nahihilo pa ko!"

"Syet, totoo?! Crissanta wala pa man, nabuntis na kita?!" Malakas na tanong ng loko!

"Pakyu ka talaga!" Sigaw ko naman sabay sabunot sakanya, hindi ko ala kung hindi masakit... "Ikaw talaga, napakaloko-loko mo. G*go!" Pagkatapos ay binitawan ko na ang pagkasabunot sakanya.

"Biro lang- HAHAHA!!!! - Biro- HAHA! Joke lang e!" Tawang-tawang-tawanag-tawang sabi niya. "Ang serious mo naman kasi kanina pa! Pinapasaya lang e!"

Binigyan ko lang siya ng masamang tingin hanggang siya na mismo ang nagabot ng kamay niya, "Sus. Alam kong di ka galit, sira. Tara na, hindi na tayo nakarating sa pupuntahan natin e."

"Psh. Sige na nga." Kunwaring nagtatampo kong sabi. Tapos linagay ang kamay ko sa kamay niya. Pagkakuha niya ng kamay ko, agad siyang tumakbo na kala-kaladkad ako. Habang tumatakbo kami, hindi narin napigilang makawala ng ngiting kanina ko pa pinipigilan.

Eto talagang lalaking to.... Nako.

"Jed, saan na kasi?" Paawa ko na.

Tumingin siya sakin, tapos kumindat.

Tapos nagbelat.

Sigh.

What will I ever do without him?

***

 

 

Third Person's POV

 

 

Dalawang oras bago magbukas ang gate ng Carter High. Wala pang mga estudyante, staff o guro ang naroroon. Medyo madilim pa at mahamog. Ang mga guard, kaysa magpatrol, mahimbing ang mga tulog.

Oo, seventeen na guard sabay-sabay na tulog. Pero hindi sila nakatulog in a normal way..

"Pre, hilata na lahat." Report ng isang lalaki sa kasamahan niya sa kanyang cellphone, ang tinutukoy niya ay ang mga gwardiyang nakahiga sa daan.

(Good. Pumasok na kayo. Siguraduhin niyong naka-lock yung mga gate. Puntahan niyo na ako dito.) Utos ng nasa kabilang linya.

Tumango ang lalaki sa iba pa niyang mga kasamang nagpatulog sa mga guard, senyas na papasok na sila sa eskwelahan. "Sayang to, ganda ganda pa naman ng school oh."

"Ang utos ay utos." Dikta ng 'boss' nilang kausap niya kanina na bigla nalang lumitaw kung saan. "Gawin niyo na ang trabaho niyo, bago pa magising ang mga guard na yun o may makaalam ng ginagawa natin."

"Opo!" Sabay-sabay na sigaw ng mga alipores niya.

Naghiwa-hiwalay ng room ang mga tauhan nito, silang lahat ay may kanya kanyang dalang tubo, bakal, okaya naman ay baseball bat. Wala pang isang minuto, mayroon ng pagbasag na tunog na narinig mula sa isang silid na naging hudyat upang sumunod ang mga 'tauhan'.

Bawat bintana at illaw ay nabasag, bawat pinto ay natanggal sa orihinal na pagkakalagay at naputol na sa tatlong piraso, bawat upuan at mesa ay nabali, bawat papel mapa-importanteng dokyumento, quizzes, atendance sheet o ano pa man ay napunit at nagsipagkalat na sa hallway, pati mga lapis, extrang ball pen, pambura, pantasa ay hindi pinalampas at pinirapirasong ikinalat sa sahig.

Ang mga mop, basahan at pati mga kemikal na panlinis ay nakahilata at nabuhos sa sahig. Ang mga bakal sa hagdan, railing sa corridor at pati pader ay nangayupi at nagkaroon ng malalaking mga butas dahil sa mga palong natamo.

Pinagpapalo din nila ang mga locker ng mga estudyante at inilibas ang mga gamit na nasa loob ng mga ito para ikalat sa hallway. Bulletin boards, speakers pati mga fire estinguisher inubos nila ang laman at sinira sira at hinayaan nalang sa sahig.

At ang huli, naglabas ang boss nila ng black na spray paint. Gamit ang malalaking letra ay isinulat ang mga katagang:

B R I N G    M E    TO    M R . C A R T E R    N O W ! ! !

T O L D   Y A ! !

B U R N !

W H E R E   I S   M R . C A R T E R !

Tapos naglabas pa ng lipstick ang isa at nagsulat sa natitiang salamin na hindi basag, ang glass door sa office ng Principal na si Mr. Carter:

This is just the least I could do, if you still won't bring me to Mr. Carter... Something worse than this might occur!

 

-Obviously, you know who I am!

A.C.E. -Vio

 

 

Wrecked.

Yan na ngayon ang Carter High.

Athena's POV

"O? Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Jed habang kumukuha ng tubig mula sa fridge. Andun siya sa ay quarter nakapatong mga kamay niya dun tapos nasa baba naman niya mga palad niya.

"Sabay tayo pumasok." Sabi niya.

"Ha? Sige." Sabi ko nalang. Nagbibiro lang e, napaka-serious naman niya.

Kahapon, pagkatapos ng school. Dinala niya ako sa malapit nang magsarang karinderya. Yup, nagdinner kami sa isang karinderya. Pinakyaw na niya yung mga tira-tira para payagan pa kaming makakain sa loob. Halos seven ng gabi na kaya yun. Sabi niya mas masarap daw kasi ang Adobo kapag homemade parin. Kaya imbes na idala ako sa isang restaurant, ayun sa turo-turo ako kinaladkad.

***

"Notatt, ang creepy na! Bakit ang tahimik mo!" Takang-taka kong tanong. Hindi naman siya usually ganito e, ako nga dapat yung tahimik at siya yung dada ng dada at hindi ako. Tapos ngayon, baliktad kami ng pwesto.

Mukha siyang nagulat sa sigaw ko, "Ha? De, may iniisip lang."

"At ano naman yon?" Curious kong tanong.

"La." Sabi na e! Ganito naman siya e, kapag tatanungin ko kung anong pinagkakaabalahan niya at pinoproblema niya, hindi naman niya sasabihin.

Bumusangot ako, kahit wa-poise, "Sabihin mo na! To naman, parang wala tayong pinagsamahan."

"Kapag nasa tamang panahon na nga." Pilit niya.

"Sus, ganoon ba yun kaimportante at ayaw mo pang sabihin? May pa-'tamang panahon' ka pang nalalaman e." Reklamo ko ulit. Tinawag ko na siyang 'Notatt' hindi parin siya bumigay. Tch.

"Alam mo ikaw, ang tigas ng ulo mo no?" Mapang-asar niyang tanong. Edi ayun, balik na siya sa dati! Tss!

Binelatan ko lang.

***

Bumaba na kami ng sasakyan pagkatapos makapagpark ni Jed.

"I still believe na mas masarap ang adobo sa sinigang." Tawang-tawa kong sabi kay Jed. Kanina pa namin to pinag-aawayan e. Natatawa ko kasi naaalala ko yung mga 'mukha-sim faces' niya para lang ma-prove na mas masarap ang sinigang sa Adobo.

"I mean, ikaw ang nagdala saakin sa karendiryang may Adobo at walang sinigang kahapon." Dagdag ko nang hindi siya sumagot.

Tapos naramdaman ko nalang na nasa tiyan ko na yung braso niya para harangan ako at mapatigil sa paglalakad. Tumingin ako sakanya, nagtataka. Pero hindi siya nakatingin sakin, kundi nasa harapan lang ang tingin niya.

Sumunod naman ako ng tingin.

"What the hell."

Yes, and curiosity killed the cat.

***

"A-ano to?" I managed to ask. Medyo in-shock parin kaya hirap magsalita.

Tapos napansin ko, lahat ng kararating lang at lahat ng nanggaling sa loob nakatingin sakin. Hindi ko ma-distinguish kung ano yung tingin nilang yon... Fear? Anger? Confusion? Shock? Bakit ganoon sila makatingin?

"Jed.." I barely said.

"I never thought you would get this far, Athena." Promise, nagtaasan mga balahibo ko sa boses ni Kurt. Agad akong napaharap sakanya.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

Tinignan ko si Jed, pero mukha din siyang nagtataka.

Kurt chuckled bitterly, "Seryoso, Thene? Ganito ka na ba talaga kababa? Ganyan ka na talaga?"

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya, pero nakaka-offend. Kaya sinampal ko siya. "What the hell are you talking about?"

"You know what? You're right. I don't know you. I do not f*cking know you." Sabi lang niya, hindi sinagot ang tanong ko. Tinuro niya ako, habang masama ang tingin, tapos umiling tsaka na umalis.

"Jed? Anong nangyayari?" Ngayo'y nagtataka ko nang tanong. Medyo nanginig pa yung boses ko dahil sa encounter ko kay Kurt halos ngayon-ngayon lang. Hindi ko nga alam kung anong mararadaman ko e. Nagulat ako, oo. Pero parang nasasaktan din ako.. Bakit hindi ako sinuportahan ni Jed?! Bakit tumayo lang siya at hindi nagsalita?! Psh.

Sigh.

Nasa state of shock din siguro siya kaya ganun.

Jed shrugged, "Hindi ko rin alam, sabay lang tayo pumasok e."

"Nakuha mo pa talagang maging sarcastic, ganon?" Sumbat ko. "Tss. Pero, tara nga, tanungin natin yung iba kung anong nangyari."

Tumawa siyang bahagya, tapos naglakad narin kasama ko, papunta sa school na wasak-wasak.

"Cynthia!" Narinig kong sigaw ni Jed, tapos kumaway-kaway siya. Tapos tinignan ko kinakawayan niya, si Cynthia nga.

Dali-daling tumakbo si Cynthia papunta samin, "Thene! Thene!"

"O, awat. Kalma lang." Natatawa kong sabi sakanya nang makarating siya sa kinaroroonan namin.

Umiling-iling siya. "Thene, alam kong hindi ikaw yun. Pero you need to see this."

"Eh?" Tanong ko naman. Ano bang pinagsasabi neto?

Tapos before I knew it, hinihila na ko ni Cynthia papasok ng school. Bawat daanan kong schoolmate ko, nakita ko ulit yung tingin nilang hindi ko madistinguish. Ano bang nangyayari?

Tapos tumigil kami.

"Anong-?"

"Thene!" Sigaw ni Jed habang tinuturo ang glass door  at windows ng principal's office. Dahil mukha siyang nagpapanic at nagtataka, tumingin din ako.

What the hell?

"H-hindi ako gumawa nito!"

Ang tanging lumabas sa bibig ko.

A/N: What do you think! Best comment wins dedication!

Continue Reading

You'll Also Like

187K 5K 56
book 2 po ito ng Z.A.. dapat po nabasa nyo muna ang book 1 para maintindihan ang book2... tnx...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...
11.1K 1K 53
[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2...