Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 8 (03/13/15)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 44

576K 14.3K 4.1K
By alyloony


Chapter 44


[Timi's POV]


I'm lost. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nanginginig ang buong katawan ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Hindi ko na alam ang nangyayari. Parang umiikot ang buong paligid ko.

I know the cops are talking to me. They are asking me what happened. They are grilling me for details.

Paulit ulit ko nang sinabi sa kanila. Na-holdap kami. Muntikan na kaming ma-rape. I saw a tricycle na papalapit sa amin kaya lang lumiko ito kaya sumigaw ako. Muntikan na akong mabaril pero hinarang ni Erin ang sarili niya. Tumakbo yung dalawang lalaki. Tinulungan kami nung tricycle driver.

And Erin... Erin....

Napatakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko.

Nasa emergency room si Erin. Hindi ko alam ang lagay niya. Hindi ko rin alam kung paano ko i-co-contact sina Ice dahil nakuha ang phone at wallet ko. Hindi ako makaalis. Ayokong umalis. Paano kung nagising si Erin at walang nagaantay sa kanya rito?

Paano kung mawala siya nang walang nakabantay sa kanya.

No. Hindi siya mawawala. Hindi pwede.

It's my fault. It's my fault!! Lahat ng nangyari kasalanan ko. Lahat lahat lahat!

Mula noon. Mula nung sa ate niya. She's right. Kasalanan ko yun. Lahat ng pananakit na ginawa niya, deserve ko.

I'm selfish at napaka spoiled ko. Hindi ako marunong makinig. Wala akong ibang ginawa kundi ang saktan ang mga taong nagpapahalaga sa akin.

I'm such a terrible human being.

Bakit hindi na lang ako ang nasa kalagayan niya? Ba't hindi na lang ako ang nagaagaw buhay ngayon?

"Timi."

Napa-angat ang tingin ko. I saw Ayen in front of me. Nagaalala ang tingin niya sa akin.

"Timi, tinawagan ako ng mga pulis. Papunta na rin dito sina Ice. They told me what happened. Are you okay?"

Hindi ko siya sinagot instead tinignan ko siya ng diretso sa mata.

Si Ayen...

Nasaktan ko rin siya.

Ilang beses ko na kaya nasugatan ang puso niya? Kada magkasama kami wala akong ibang bukambibig kundi si Ice.

And I remember that time na nakita pa niya na magkatabi kaming matulog ni Ice.

Umiyak ba siya? Halos hindi ba siya makahinga sa sakit?

God.

Bakit ganito ako? Wala na ba akong alam kundi ang manakit?

"Timi?"

Bigla na lang ako napahagulgol ng iyak.

"Hey, it's okay. Erin will be okay."

Umiling ako.

"I'm so sorry Ayen. I'm really really sorry."

"Timi.."

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.

"I didn't mean to hurt you. Hindi ko alam. I'm so sorry. I'm really really sorry. Ayen, sana mapatawad mo pa 'ko."

Huminga ng malalim si Ayen and the he wiped my tears.

"Why are you saying sorry? Wala kang kasalanan sa akin. Ako ang dapat humingi ng tawad sa'yo dahil sa nangyari. Timi, I'm really, really sorry."

"No. I hurt you. It's my fault. Lahat ng nangyayari kasalanan ko. Ganun akong kasamang tao."

"You should stop blaming yourself, Timi. Yung nangyari kay Erin, aksidente yun. Yung nararamdaman ko para sa'yo, hindi mo ginusto yun. Wala kang kasalanan."

Hindi ako umimik.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Sobrang na g-guilty ako sa nangyari. Pakiramdam ko hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Erin.

"Timi.. Ayen!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

Mas lalong nagsikip ang dibdib ko nang makita kong papalapit si Ice sa amin. Nakasunod si Aiscelle sa likuran niya.

"Timi!"

Agad lumapit si Ice sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan? Tell me! May ginawa ba sila sa'yo?"

Kitang-kita ko ang pagaalala sa mukha ni Ice.

Bakit? Bakit kailangan kang mag-alala sa akin? Deserve ko ba 'to?

No.

Hindi ako deserving sa'yo. Tama si Erin.

"Timi!"

Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Aiscelle papalayo kay Ice.

"I will never forgive you kapag may nangyaring masama kay Erin!"

"Aiscelle!" saway ni Ice sa kanya at inilayo niya si Aiscelle sa akin.

"Ano Ice?! Siya ang dahilan kung bakit nandoon si Erin sa lugar na yun!"

"Hindi si Timi ang may hawak ng baril, Aiscelle! Hindi siya ang bumaril kay Erin."

Napaiwas ako ng tingin.

And now they are fighting because of me.

Naramdaman kong hinawakan ng mahigpit ni Ayen ang kamay ko.

Gusto ko na lang mawala.

Napaupo si Aiscelle sa tapat namin at narinig ko ang paghikbi niya.

"Hindi pwedeng mawala si Erin sa atin, Ice. Hindi pwedeng mawala ang kapatid natin."

"I know. I know," hinang-hina na sabi ni Ice. "Hindi pwede. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ang dami kong masasakit na salitang binitiwan sa kanya. Hindi siya pwedeng mawala," his voice broke.

Napapikit ako habang tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Nakapagsalita si Ice ng hindi maganda kay Erin. And I guess na ako pa rin ang dahilan kung bakit nagbitiw siya ng masasakit na salita sa kapatid niya.

Wow, Timi. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Pero look what you've done.

"Erin will be okay. She'll be okay," paulit ulit na bulong sa akin ni Ayen. "It's not your fault. Don't blame your self."

Nakapikit lang ako habang ang higpit ng hawak ko kay Ayen. Ayokong dumilat. Ayokong tignan ang mga facial expressions nina Ice at Aiscelle. Ayokong makita ang pagaalala nila kay Erin.

Aiscelle's right.

Ako ang dahilan bakit nandoon si Erin sa lugar na yun. It's because of me kung bakit siya nabaril.

Kung una pa lang kinausap ko na si Ice. Kung una pa lang naglakas-loob na akong alamin ang katotohanan.

Damn.

Ganito pa lang katindi ang epekto ng regret. It eats me from the inside. Parang unti-unti akong nauubos. Gusto ko na lang maglaho na parang bula para wala na akong masaktan pa.

Narinig kong bumukas ang pinto ng emergency room kaya napadilat ako.

Hinanap ng doctor ang family ni Erin. Agad na lumapit si Ice at Aiscelle sa kanya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin. Naiiyak ako.

God please...

"The patient is safe now. She's already conscious."

Parang nabunutan ako ang malaking tinik sa dibdib. Napahagulgol na lang ako ng iyak at napayakap kay Ayen.

Thank you Lord. Thank you, thank you.

Dire-diretsong pumasok sina Ice sa room ni Erin kaya naman naiwan kaming dalawa ni Ayen.

"You want to see her?" tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"M-may gusto lang akong puntahan. Pwede mo ba akong samahan?"

~*~

Nandito kami ngayon ni Ayen sa chapel ng hospital. Nasa bandang unahan ako habang si Ayen naman ay sa bandang likod naupo. He gave me space para makapagdasal.

One thing about him, kilalang kilala niya ako.

Alam niyang pag ganito ang nararamdaman ko, madalas gusto kong mapag isa. Hindi ko gustong makita nila akong umiiyak. Ayaw ko ng binibigyan ako ng encouraging words dahil hindi iyon tumatalab sa akin. Masaya na akong malaman na nandyan sila para sa akin.

At nagpapasalamat ako dahil ganun ang ginagawa ni Ayen ngayon.

I'm kneeling in front of Him.

Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng lahat ng 'yon, pinakinggan Niya ang dasal ko na iligtas si Erin.

I couldn't ask for more.

Habang nag darasal ako, mas lalo kong naiisip kung gaano ako ka-walang kwentang kaibigan sa kanya.

Dapat tinanong ko si Erin dati. Dapat hinayaan kong magkwento siya sa akin about sa buhay niya.

Yes, she's right. Never ko siyang tinanong noon about sa family niya o kung bakit palagi na lang na hindi ako pwedeng pumunta sa kanila.

No. Hindi dahil sa hindi ako interesado. It's just that, I'm scared. Iniisip ko kasi, kung ang bagay na yun ay gusto niyang pag-usapan, mag o-open up siya sa akin. Pero wala siyang binabanggit kaya naisip ko, baka ayaw niyang pagusapan ang pamilya niya.

At ayoko siyang ma-offend. Ayokong magalit siya sa akin. Dahil katulad niya, hirap din ako makipag-kaibigan.

Bago si Erin, lagi na lang akong nagkakaroon ng fake friends. Yung isasali lang nila ako sa circle of friends nila dahil may kailangan sila o gusto nila ng utusan. Puro ganoon.

But Erin is different.

That time, I don't want to lose her.

Pero wala eh. I am the one who pushed her away. I am the reason kung bakit nasira ang friendship namin.

At wala akong kaalam-alam sa laki ng naging kasalanan ko sa kanya.

I thought insecure siya, inggit. Akala ko gusto niyang agawin sa akin si Ice.

But no. I'm wrong.

I seriously deserve to be punished.

"Timi..."

Napa-angat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Ice. He's walking towards me kaya naman umupo ako. Napalingon ako sa likod. Wala na si Ayen.

Ang bilis ng tibok ng puso. I feel a tight knot in my stomach. Parang nagsisikip ang dibdib ko nang maramdaman kong umupo si Ice sa tabi ko.

Hindi ko siya matignan. Nakayuko lang ako. Hiyang-hiya ako sa lahat ng nangyari. Sa lahat ng nagawa ko.

Shit. Sukat gumawa pa ako ng eksena sa mall.

Gusto kong mag sorry pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Sapat ba ang salitang sorry?

Pinagbitiwan ko siya ng masasakit na salita. Hindi ko siya pinagkatiwalaan. Tama si Erin. Sinagot ko si Ice. At dahil sinagot ko na siya, dapat pinagkakatiwalaan ko na rin siya dahil ganun naman talaga dapat.

At dahil sa kagagahan ko napahamak pa si Erin. At malamang yung nangyari sa mall kanina, nasa social media na at balita sa TV.

God.

I really have a talent for hurting other people.

Naramdaman kong hinawakan ni Ice ang wrist ko. Ipinatong niya ang kamay ko sa hita niya. Still, hindi ko pa rin siya tinitignan.

"May sugat ka sa kamay."

Napatingin ako bigla sa kamay ko.

He's right. May deep cut nga ako sa kamay ko. Siguro nakuha ko nung tinulak ako ng isang holdaper. Hindi ko napansin. Ni-hindi ko naramdaman ang sakit. May natuyong dugo sa gilid nung sugat.

Napatingin ako sa damit ko.

It's full of blood and dirt. Hindi ko alam kung sugat mula sa kamay ko I mula kay Erin. Maybe a mix.

Ni hindi ko na alam ang itsura ko ngayon.

Itinaas ni Ice ang kamay ko at hinalikan niya ito. Nang dumampi ang labi niya sa likod ng palad ko, para may malakas na kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Napaiwas ulit ako ng tingin.

"Timi---"

"I'm sorry!" pagputol ko sa kanya. "I'm sorry about everything."

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.

Seriously, nagtataka na talaga ako kung bakit hindi pa sila nauubos. Bakit walang kapaguran ang mga luha ko sa paglabas. May plano ba silang ubusin lahat ng tubig sa katawan ko?

Dahil wala na ako ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Nakakapagod na. Pero ang hirap tumigil.

At nakakainis. I don't want to cry in front of him. I don't deserve his pity. Pero wala. Hindi ko na naman napigilan ang pagiyak ko. Ang lakas ng hagulgol ko. I tried to calm my self pero hindi ko mapigilan.

Bwiset na luha 'to.

"Timi!"

Hinila ako ni Ice papalapit sa kanya at ipinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya.

"Shh, it's alright. You're safe now. Please stop crying. I'm so sorry wala ako doon. I'm really, really sorry Timi."

Umiling ako.

"I-It's my fault kung bakit nasaktan si Erin. Kung bakit siya nabaril. It's my fault. Tama si Aiscelle. Kasalanan ko."

"That's not true."

"But Ice---!"

"I'm not blaming you. And about Aiscelle, she said sorry. Nagaalala lang siya kay Erin kaya niya nabitiwan ang mga salitang yun. We are not blaming you, Timi. Kaya wag kang mag sorry. It's not your fault."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Kahit pagbali-baliktarin natin ang sitwasyon, it is still my fault."

"It's not. Katulad ng sabi ko, hindi ikaw ang may hawak ng baril. Hindi ikaw ang bumaril kay Erin."

"Pero ako ang dahilan kung bakit siya nandoon."

"Hindi ikaw ang nagdala sa mga holdapers doon."

"Ako ang dapat babarilin nila Ice! Sa akin dapat ang bala na 'yon! Tanga-tanga ko kasi eh! Sukat sumigaw pa ako! Nakakainis!"

"At kung hindi ka sumigaw ng tulong tingin mo buhay pa kayong dalawa ni Erin ngayon?"

Napakagat ako sa lower lip ko. Nanginginig ang buong katawan ko.

"Alam ko na ang lahat Ice. Erin told me everything. About you, about her sister. Sa lahat ng nangyari dapat ako ang sisi----"

"Stop it Timi!"

Halos mapatalon ako sa gulat sa biglang pagsigaw ni Ice.

He never raised his voice before.

"Stop blaming yourself sa mga bagay na hindi mo naman ginustong mangyari."

I wiped my tears pero ayaw pa rin tumigil.

Parang yung nararamdaman ko na ayaw pa rin mawala ng guilt na nararamdaman ko.

Ice cupped my face at pilit niya itong iniharap sa kanya.

"Look at me."

Hindi ko siya magawang tignan. Nilalamon ako ng hiya.

"Timi," he gently brushed my hair away from my face. "It's not your fault. Nandoon ako ng gabing yun. Ako ang may hawak ng manibela. Hindi ako naging maingat. Si Erin ang nagpumilit na pumunta sa inyo ng gabing yun kahit ang lakas ng ulan. O sige, sisihin na rin natin ang panahon. Summer na summer nun pero bakit bumagyo? O baka kasalanan din ng poste dahil nandoon siya at kailangan pa naming bumangga sa kanya. O yung ate ni Erin na hindi naman dapat sumama pero nag pumilit sumama. My point it, it's an accident. Lahat tayo hindi natin ginusto yun. I admit, minsan din akong nilamon ng guilt dahil sa nangyari. I also like ate Enah. Tapos yung nangyari pang trauma kay Erin nun. But Timi, as time goes by, natutunan kong patawarin ang sarili ko because I realized, hindi ako makakamove on kung patuloy kong sisisihin ang sarili ko dahil sa nangyari. At ayun ang gusto kong mangyari sa inyo ni Erin."

Hinawakan ni Ice ng mahigpit ang isa kong kamay na walang sugat.

"Timi, the reason why Erin is like this, it's because she's also blaming herself. Mali lang ang naging way niya ng pagharap sa nangyari. Instead na mag move on at patawarin ang sarili niya, ibinaling niya ang galit niya sa atin. Kaya hindi ko masabi dati sa'yo, natatakot ako nab aka pag sinabi ko sa'yo at pag nalaman ni Erin, mas lalo siyang lumala. But I realize, mali ako. Para maka-move on na sa nangyaring aksidente, naisip ko na dapat magusap na kayong dalawa. I know you'll understand her once na malaman mo na ang totoo. Alam kong Erin still cares for you kahit ganito siya. At dahil sa pagsalo niya ng bala na dapat tatama sa'yo, na-realized ko na mas matindi pa pala ang pagaalala niya sa'yo kesa sa inaakala ko."

Natigilan ako bigla sa sinabi ni Ice.

I don't like encouraging words. Pero ngayon, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Tinignan ko si Ice. Nagaalala ang mga tingin niya sa akin.

Lagi ko na lang siya pinagaalala.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. I leaned forward and I planted a kiss on his lips.

He was taken a back but he immediately deepen the kiss.

"Timi.."

Ipinatong niya ang noo niya sa noo ko.

"I'm sorry Ice. I'm sorry kasi hindi kita pinakinggan agad. I'm sorry sa lahat ng masasakit na nasabi ko. I'm really, really sorry. Sorry talaga.."

"Shh.."

Idinikit niya ang daliri niya sa labi ko para patigilin ako sa pagsasalita.

"It's also my fault. Dapat sinabi ko na sa'yo ang lahat dati pa. Sorry rin Timi ha? Sorry kasi nasaktan kita."

"Ice..." I cupped his face. "Please don't give up on me. I know I'm a terrible girl friend. Moody ako, maldita, sarcastic, minsan wala sa katwiran, masungit, clingy, pero please don't give up on me. I'll try my best to be a better girl friend, I promise you."

He smile and then he pulled me into a hug.

"You don't have to change, love. You are perfect that way."

"T-talaga...?"

"Oo naman. Ikaw ang pinaka perpektong babae na nakilala ko. Isa pa pag may tantrum ka, ang cute mo. Kaya okay lang."

I glared at him.

"Ayan!" turo niya sa mukha ko habang ngiting-ngiti. "Ang cute."

Nawala lahat ng konsensya ko. Napalitan ng inis.

Hinampas ko siya sa braso.

"Aray! Wag mo akong saktan sa harap ni God," sabi niya.

"Nakakainis ka kasi eh!"

He chuckled.

"So tara na?"

"E-eh? H-hindi mo pwedeng iwan si Erin!"

"No. Pupunta ka sa room ni Erin. She's already awake."

Napaiwas ako ng tingin.

"I don't think she's ready to see me."

"Timi ano ka ba, gusto kang makita nun kahit hindi halata. Sasaluhin ba naman niya ang bala para sa'yo kung ayaw niya talaga sa'yo?"

"T-tinign mo?"

"Oo naman!"

~*~

Napalunok ako habang unti-unti kong binubuksan ang room ni Erin.

Nang makita ko siyang nakahiga sa kama at parang hinang-hina, hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko.

Anak naman nang---!

Ano ba luha! Walang katapusan? Nababadtrip na ako sa'yo ha!

Napatingin si Erin sa akin then she snorted. At inirapan pa ako.

Nilapitan ko siya.

"Iniiyak-iyak mo diyan?" tanong niya. Hinang hina ang pagsasalita niya pero bakas pa rin dito ang kamalditahan.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang makipag tarayan sa kanya kasi ayaw huminto ang pag hikbi ko. Leche.

"Stop acting like you care about me. Please. Nakakasuka," dagdag pa niya.

Kung hindi lang nabaril ang isang 'to---!

"Oh wait. Maybe kaya umiiyak dahil buhay pa ako? Well too bad."

Lumunok ako.

"Tanga. Hindi madaling mamatay ang masamang damo kaya alam kong mabubuhay ka," sabi ko sa kanya.

Dapat nakikipag ayos ako. Ayun ang napagusapan namin ni Ice. Bakit ginagantihan ko siya ng kamalditahan!?

"Oh eh anong iniiyak-iyak mo diyan?"

"K-kasi ang tanga mo! Nang-agaw ka na naman ng eksena! Sa akin dapat yung bala sukat sinalo mo. Pwede mo naman sa akin sabihin na concern ka pa rin sa akin eh. Kahit hindi mo na saluhin yung bala, paniniwalaan kita."

She rolled her eyes again.

I know na-g-guilty ako sa lahat ng nangyari sa babaeng 'to. Pero bakit gusto kong tusukin ng ballpen ang mata niya ngayon?

"Assuming mo ha," sabi niya. "Hindi ko sinalo ang bala para sa'yo. I did that for Ice. Ayokong mag emo yun pag nabaril ka. Hindi ko makakaya baka masapak ko siya."

"Nagkakaila pa."

Hindi siya sumagot. Sinimangutan lang niya ako.

"S-so, k-kamusta na pakiramdam mo? Okay ka na ba?" tanong ko.

She glared at me, "mukha ba akong okay? Tingin mo masarap ang pakiramdam ko ngayon? Ikaw kaya barilin ko sa tagiliran tas ooperahan kita after. Tingan ko lang kung maligayahan ka."

Ang ayos talaga ng paguusap namin. Napaka-tino. Napaka-sweet namin sa isa't-isa. BFF forevah.

"Nagdonate ako ng dugo para sa'yo. Wag mo akong awayin."

"Shit totoo? Ayoko nang mabuhay."

"Oo. Kaya kung gusto mong saksakin ang sarili mo para ilabas ang dugong dinonate ko sa'yo, wag sa harap ko please. Mamaya mapagkamalang murder eh."

She smirk.

"Well thanks for giving me an idea. Gusto kong makulong ka para hindi na kita makita forever."

Ito talaga ang definition ng pagbabati pag kaming dalawa ni Erin ang usapan.

Ang tino-tino ng nagiging takbo ng paguusap namin.

"S-so nagusap na kayo ni Ice?" tanong niya.

Tumango ako.

"Okay na kayo?"

"Oo."

"Nagdramahan na naman ba kayo? Gumawa na naman ulit kayo ng eksena?"

"Hindi ah."

"Buti naman. Hilig niyo sa madrama."

"Dahil sayo yun bruha ka."

"Mas bruha ka. Nakita mo na ba itsura mo ngayon? Mukha kang basahan. Ang baho baho mo pa. Nasu-suffocate ako. Pwede bang lumabas ka na?"

Ang arte niya. Gusto ko siyang sabunutan kahit hinang-hina na siya.

Tumayo ako.

"Well, at least nakita na kitang buhay ulit at mukhang normal ka pa naman."

Hindi na siya nagsalita at ako naman, naglakad na palabas ng kwarto niya. Pero bago ako makalabas, narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Timi..."

Napalingon ako sa kanya.

"You're so lucky, you know?" sabi niya. "Ang dami-daming nagmamahal sa'yo. Nakahanap ka na rin ng mga tunay na kaibigan. Ang swerte mo."

My heart softens.

Napahinga ako ng malalim.

"Pareho lang tayo Erin. May mga nagmamahal din sa'yo, hindi mo lang nakikita. All this time akala mo nag iisa ka, but you're wrong. Imulat mo ang mata mo. Mahalaga ka sa kanila higit pa sa iniisip mo."

Naalala ko bigla ang expression ni Aiscelle at Ice kanina sa labas ng emergency room. Yung takot sa mga mata nila. Yung relief nila nang sabihin ng doctor na okay na si Erin.

They cared for her.

Umiwas ng tingin si Erin sa akin at hindi na siya nagsalita. Tuloy-tuloy na akong lumabas ng kwarto niya.

At pagkasara ko ng pinto, para akong nakahinga ng maluwag.

Well, hindi man kami nakapagusap ng matino ni Erin, puro kamalditahan man ang lumabas sa bibig namin, alam kong okay na kami.

Hindi man ngayon, but hopefully soon...

Sana maibalik ko na ang best friend ko.

Miss na miss ko na kasi siya.

~*~

[Erin's POV]

Pagkasarang-pagkasara ni Timi ng pinto, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Sanay na akong mag-isa. Pero nang biglang tumahimik ang paligid, parang biglang bumigat at nararamdaman ko.

Nakakalungkot pala. Sobra.

I am always pushing away those few people who cares about me. Akala ko mas okay ang mag-isa na lang ako, pero hindi.

I feel so empty.

Napapikit ako and I saw my ate's face.

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak dahil hindi ito katulad ng mga dati kong hallucinations.

Kada nakikita ko si ate, lagi siyang malungkot, umiiyak, humihingi ng tulong. Lagi kong naririnig ang boses niya.

"Why didn't you save me, Erin? Why did you let me die? Why Erin?! Why?!"

Paulit ulit. Nakakabaliw.

But this time, she's smiling at me.

Napatawad mo na ba ako, ate?

Lumapit siya sa akin then she touched my face.

Never kitang sinisi, Erin. Now, be happy and stop blaming yourself.

She disappeard.

All the sudden, huminto lahat ng mga tinig na laging nasa utak ko.

Mas lalo akong napaiyak nang marealize ko ang lahat.

All this time, hindi boses ni ate ang naririnig ko.

It's my own voice.

I am blaming myself. I can't forgive myself.

Ang dami kong sinayang na taon because dahil hindi ako makakawala sa nakaraan. Ang dami kong sinaktang tao.

Sinira ko ang friendship namin ng nagiisa kong kaibigan.

At alam kong hindi ko na maibabalik ang lahat. Nangyari na ang nangyari.

Pero kaya ko pa kayang bumangon?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko and I saw him.

My heart leaped.

Agad akong napaiwas ng tingin.

"Erin!"

Naramdaman ko ang paglapit niya sa kamang hinihigaan ko at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Thank god you're okay. God, I am so scared. I am so scared."

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Don't tell me iiyakan mo rin ako? Please lang. Lahat ng pumasok sa kwartong 'to umiiyak. Nakakairita na."

"Then next time, wag ka nang magpapahold-up!"

"Okay, next time i-inform ko ang holdaper na wag ako."

Napabuntong hininga si William.

"Wag mo na akong tatakutin ng ganun? Halos atakihin ako sa puso eh."

Napalingon ako sa kanya.

Puno ng takot ang expression niya.

At eto na naman ang puso ko. Paulit ulit na naman na sumisigaw.

Why?! Why me?! Why are you looking at me like that?! Bakit ka concern sa akin?!

Anong nakita mo sa akin, William?

Totoo ba lahat nang 'to?

"Erin.."

Nabigla ako nang punasan niya ang luha sa pisngi ko.

Damn.

Ni hindi ko napansin na umiiyak ako.

"Erin, why are you crying? May masakit ba sa'yo? Gusto mong tawagin ko ang doctor?"

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat salitang binibitiwan niya.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit?

Bakit nakatingin siya sa akin ng ganyan na para bang nahihirapan siya dahil nakikita niya akong nahihirapan.

Napahinga ako ng malalim.

"William... why me?"

Nakita ko ang pagtataka niya sa tanong ko.

"Why me William? Bakit mo ako nagustuhan? Anong nakita mo sa akin?"

"Erin..."

"I'm a broken girl. I am not likeable. Paano mo nasasabing gusto mo ako?"

"Hindi lang kita basta gusto. Mahal kita."

Napailing ako.

"Why not love a girl who's not broken?"

"You are not a broken girl. You are perfect in my eyes."

"I'm crazy. Lahat sila sinasabi yun---"

"So? Lahat ng tao may pagka crazy."

"---at masamang tao ako."

"Lahat din ng tao, may taglay na kasamaan."

"William!"

"What?"

"You deserve someone better."

"You are that someone, Erin."

Napaiwas ako ng tingin.

"Kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagustuhan mo ako. I'm Timi's worst enemy. Nakita mo lahat ng ginawa ko. But still, why?!"

"Erin," hinawakan ni William ang kamay ko. "I also saw the other side of you. Kahit minsan mo lang ipakita. Kahit pilit mong tinatago yun. Nakita ko yun, at dahil doon, nainlove ako sa'yo."

"That Erin is not coming back, William. I already destroyed her. Ito na ako ngayon. I am a broken girl who doesn't want to be fixed."

He shrugged, "okay lang. Mahal pa rin kita. Ikaw man yung Erin noon o Erin ngayon, I don't care. Mahal pa rin kita. At kung tatanungin mo ako kung bakit, wala na akong maisasagot sa'yo dahil kahit ako hindi ko rin alam kung bakit. But that's the thing about love, it's supposed to be mysterious. Sasakit lang ang ulo natin sa pagiisip ng mga reasons kung bakit in love tayo sa isang tao."

Nginitian niya ako. At parang natutunaw ang puso ko.

Gusto kong umuwi at kunin ang paintbrush ko para simulang gumawa ulit ng panibagong painting.

Yung ngiti na 'yan, gusto kong ipinta.

Yung magandang mata niya na parang kumikislap habang nakatingin sa akin.

Ilang beses ko na bang tinulak palayo ang lalaking 'to? Bakit nandyan pa rin siya sa tabi ko?

I know may times na akala ko sumuko na siya. Pero paulit-ulit pa rin siyang bumabalik.

Paulit ulit ulit ulit ulit.

And I don't want him to stop. I don't want him to leave me alone.

Gusto ko palagi siyang nasa tabi ko.

I can't hear the monster inside my head kapag nandyan siya. His laughter is drowning their voice. His smile is erasing my hallucinations.

He is very real.

I just realized how badly I need someone so real para makatakas na ako sa mga hallucinations ko. Para hindi ko na marinig ang mga boses na paulit ulit ulit na nagbabalik sa akin sa masakit na nakaraan.

"N-nakuha ba nila ang bag ko?" tanong ko sa kanya.

"Oh. Ah hindi. Yung wallet at phone mo lang."

Tumango ako.

Thank god. Thank god talaga.

"Nasaan ang bag ko?"

"It's here."

Tinuro niya at nakita kong nakapatong ito sa side table na malapit sa kama ko.

"May nakalagay doon sa secret pocket sa gilid ng bag ko. Paki-kuha naman."

Sinunod niya ang sinabi ko. He opened my bag at kinuha niya ang papel na naka-tago sa secret pocket nito.

"Ito bang papel na 'to?"

I nod.

"Paki buksan."

Ginawa niya ang sinabi ko. He unfolded the paper.

At nakita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya kung ano ang nasa papel.

"E-Erin... i-it's me. Y-You draw me."

Iniwas ko ang tingin ko. Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko.

"Anting-anting ko. Panakot sa mga masasamang tao. Pero hindi pala effective kaya sa'yo na 'yan."

Hindi siya nagsalita. Nagtaka ako kaya naman nilingon ko siya.

Nakatingin pa rin siya sa drawing ko habang abot tenga ang ngiti niya.

Ang saya saya niya.

"Uhm.. s-stop smiling like that."

"I love it. Akin na 'to ha? Ipapa-frame ko."

"Lukot lukot na ipapa frame mo pa."

"I don't care. Basta. Akin na 'to ha? Walang bawian."

Napalunok ako at napaiwas ulit ng tingin.

Hindi ko siya magawang titigan ng matagal. Hindi ko kayang makita ang ngiti niya.

Dahil hindi siya aware sa epekto niya sa akin.

At aamin ako, nakakatakot.

To be continued...


Author's Note:

Hi guys! Na-post ko na pala yung prologue ng "SANA" yung story ni JASPER YU. Search niyo na lang po sa works ko :) Baka may mga hindi pa nakakabasa eh xD



Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 22.8K 3
X10 Series: Kent Xavier Ignazio and Brent Xander Ignazio From rugs to riches. From ugly ducklings turned into beautiful swans. This is a story of how...
2.7M 11 1
Nagsimula lahat sa dyipni. Dun din nagtapos. Parang yung nararamdaman ko para sayo - humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gust...
1.3M 67.2K 56
Cupid Gone Wrong Book 2 Light only