Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.8K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Eight - I Love You
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Thirty One - Alvarez Siblings

30.6K 572 75
By foolishlaughter

Jiro's POV

 

Flashback

 

"Kuya ang init!" Reklamo ni Al sakin. Naglalakad kami sa may sidewalk papuntang terminal. Sobrang init talaga tagaktak na nga pawis naming magkapatid e.

 

Bakit kami naglalakad papuntang terminal? Terminal ng bus nga pala pinupuntahan namin. Nag-layas kasi kami ng kapatid ko mula sa tiya kong mapang-abuso. Ginawa niya kasi kaming mga katulong niya imbis na tratuhin kami bilang mga pamangkin niya.

 

Pinunasan ko yung pawis na tumuo sa mukha niya, gamit yung tshirt ko.

 

"Yak ka naman, kuya e." Reklamo niya ulit.

 

Nagbuntong-hininga ako, "Alam mo ikaw, Al. Ang dami mong reklamo. Tara na nga." Sabi ko sabay hila sakanya.

 

"San ba tayo pupunta?" 

Kahit pa isang taon lang ang agwat namin ni Althea, sobrang isip bta niya at sobrang masiyahin. Yun nga lang, may pagkamaarte.

 

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko naman talaga alam e. Nine lang ako habang siya eight. Sigurado dahil marami na kong pinagdaanan kay Tita kaya ganito nakakaintindi na ko sa maraming bagay.

 

"Sa Maynila nalang." Sabi ko sakanya. Tumango lang siya, di rin naman ako ganun ka-naiintindihan nito e.Naririnig ko kasi si Tita non na doon daw maaliwalas ang buhay, maraming chances. Edi ayun.

 

Tapos nawala ang pagkahawak ni Al sa kamay ko, "Kuya halika doon oh. Dali!"

 

"Ano bang meron?" Nagtatakang tanong ko. Ang atat kasi niya e, ano nanaman kayang nakita nito?

 

Naliwanagan naman ako ng makita ko kung ano yung pinuntahan niya. Sa tsangge, stufftoy na piglet. -_-

 

"Kuya pabili." Nakapout niyang pakiusap. Kahit kailan ata hindi ko natiis tong kapatid kong to e. Sa lahat ng bagay, pinagbibgyan ko siya. Siya nalang kasi ang meron ako e. At alam kog ako nalang ang meron siya. Bakit ko naman siya pipigilan sa kasiyahan niya di ba?

 

Nginitian ko sya at tumango. Inabot ko nalang dun sa al yung pera at kinuha yung sukli. Hawak na kasi ni Al si Piglet niya.

 

***

 

"Diyan ka lang, wag kang aalis." Utos ko kay Al habang kinukuha yung pera para bayaran yung ticket.

 

Tumangot siya. Pero maya-maya, "Sakay na tayo, kuya. First time natin to, bilisan mo na."

 

"Sandali lang eto na tayo na oh." Turo ko sa pila.

 

Nginitian ako nung babae, ngumti din ako at sinabi ko kung ilan at saang lugar. Pagkakuha ko, nawala yung ngiti ko nang nalaman kong wala na yung kapatid ko sa tabi ko nang ibigay ko na sana yung ticket niya sakanya.

 

Bumalik ako doon sa tsangge, pero hindi daw siya bumalik doon. Tinanong ko yung kundoktor kung meron ba silang nakitang batang may hawak na piglet, wala daw. Naiiyak na ako, pero alam kong walang mangyayari kahit na umiyak ako. Dumadagsa na yung maraming tao mula sa pila kanina kaya natulak ako papasok, dahil nasa loob narin naman ako ng bus hinanap ko doon ang kapatid ko. Pero wala.

 

Nagulat ako nang matulak ako paharap dahil s biglang pagaanda ng bus. Dali-dali akog tumakbo at nakipagsiksikan para marating yung driver. "Kuya, kuya. Sir! Boss, teka lang po. Yung kapatid ko po kase-"

 

"Wag kang manggulo dito bata, bumalik ka don sa mgamagulang mo sa likod. Wag ka nang makulit bata."Iritang sabi niya.

 

"Boss, itigil niyo nalang po yung bus. Baba nalang po ako." Pakiusap ko.

 

"Nasisiraan ka na ba? May dalawang biyahe pa ko, bata! Umupo ka na don at wag mo kong guluhin." Pagalit na utos niya.

 

Nagmatigas ba ko, "Boss, sige na naman. Nawawala yung kapatid ko. Baka nandun pa siya walang kasama."

 

Nagbitaw siya ng malalim na paghinga, "Ano bang itsura nya?"

 

"Kuya basta po may hawak siyang piglet na stuff toy."

 

Tumango siya, "Ah, yung bata bang iyon. Nakita ko siyang sumakay sa bus bago nito kanina. Wag kang mag-alala iho, parehong biyahe lang ang ruta namin."

 

Wala na akong nagawa kundo ng kumapit sa sinabi niya. Habang nakaupo ako, kusang tumulo ang luha ko.Ano bang magagawa ko? Bata lang din ako.. Pano kung.....

 

 

***

 

Pagkababa ko ng bus, doon ko napagtanto na nagsinungalng yung driver sakin. Tanging ang bus lang namin ang tumigil sa babaang sinasabi niya. Wala nang iba pa.

 

Nagsinungaling siguro siya para tantanan ko siya. Sino nga bang makikinig sa isang bata di ba?

 

***

 

Hindi ko siya iniwan. Hindi ko siya inabandona. Sinubukan kong hanapin siya, sinubukan ko. Pero mailap sakin ang swerte e.

 

 

End of Flashback

At ang tanging swerteng dumating noon ay si Kurt. Nang iligtas ko siya mula sa grupo ng mga batang magnanakaw, nagustuhan ako ng mga magulang niya. Noon hindi ko lubos maisip na ganu karami ang ibibigay ng pamilya niya sakin.

Tirahan, pera, mga kaibigan at marami pang-iba.

Ngayong tumanda na ko, doon lang pumasok sa isip ko, na baka kinupkop ako ng ama ni Kurt kasi nakitaan niya ako ng potensyal para maging miyembro ng Ravens. 

Siguro.

 

"Alam mo ba yung nangyari kay Thea nung iniwan mo siya?" Matamlay na tanong ni Athena mula sa upuan sa harapan ko. Doon sila nakaupo ni Jed. Napaupo nalang kasi siya kanina e. Nanghina narin siguro sa nangyari kay Thea.

Napatingin ako sa mga mata niya, kahit hindi kami ganun ka-close ni Athena, nakikita ko yung pagod sa mga mata niya. Malayo nga yung tingin niya e, hindi man lang saakin. "Pagkababa daw siya ng bus noon, yung Piglet na stufftoy nalang ang mayroon siya."

Si Thea nga si Al. Althea Alvarez ang pangalan niya, hindi tulad ng pakilala niyang Thea Miranda.

"Nakalimutan na daw niya kung ilang araw siyang kumain at nagtiis sa drinking fountain sa park. Kasi raw, ayaw niyang gumawa ng masama, ayaw niyang magnakaw. Tapos pumasok sa isip niya yung manlimos, nung una daw, may namimigay sakanya. Hanggang sa harangan siya ng isang lalaki, binawalan daw siya nun. Hindi raw niya makakalimutan ang higpit ng hawak nito sakanya, tapos dinala siya non sa isang lugar. Madilim daw, at maraming batang umiiyak." Kwento ni Athena.

"Nung una daw, akala niya magiging okay siya doon. Di ko naman siya masisi, bata pa siya noon. Gusto niya nang maayos na matutulugan. Pero nagkamali siya, natulog lang siya ng isang gabi ng maayos sa isang medyo malambot na higaan, pero ginising din sila. Binuhasan ng malamig na tubig para kusang bumangon. Hindi man lang sila pinagbihis, pinalimos sila kahit madaling araw, hanggang hating gabi. Gabi-gabi daw, iniisip niya kung bakit hinayaan siyang mapunta sa ganoong sitwasyon ng kuya niya.."

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.. Hindi ko alam ganoon ang nangyari sakanya noon. Hindi ko namang gustong mangyari sa kapatid ko yun e.

"Tapos isang araw, nakaisip siya ng paraan para tumakas. Pasakay na daw siya ng jeep noon, pero sa terminal palang iyon naka-toka yung anak ng mastermind ng sindikatong dumampot sakanya. Si Jeff." Ramdam ko sa boses niya yung galit.

"Mukha namang nagustuhan siya nung tatay dahil sa tapang niya, kaya ayun. Binigyan ng 'special treatment'. Special treatment kung saan ginugulpi siya hanggang matuto siyang lumaban, hanggang sa magawa niya ang unang beses na napabagsak niya si Jeff. At doon ko na nga siya nakilala sa Ravenous Frolic. Kahit hindi ko alam yung istoryang to sa mga panahong iyon nasense ko nang may mali. Kaya hindi ko pinagsisisihan lahat ng ginawa ko para sakanya nang ikwento niya sakin to."

Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ba ako sa tadhana, kasi nangyari din kay Al yung nangyari sakin. Yun nga lang, magandang kinabukasan ang ibinigay saakin ng mga Carter, pero sakanya..

Al..

Nagulat nalang ako ng biglang mapaangat ako sa kinauupuan ko. The next thing I know, ka-face to face ko na si Athena, malapit na sa literal. "Hindi pa ba sapat yung ginawa mong yon kay Thea?! Hindi ka pa nakuntento sa pang-iiwan sakanya?! Bakit kailangan mo pa siyang saktan?!"

Hindi nalang ako nagsalita. Bakit ko pa dedepensahan ang sarili ko?! E totoo naman yung sinasabi niya e. Ako ang may kasalanan nitong lahat.

"Athena, kumalma ka na nga! Magiging maayos na si Thea, hindi lang yang binubunga-nga mo yung sinabi ng doktor. agiging maayos si Thea, Thene. Umayos ka nga." Naramdaman kong lumuwag ang pagkahawak ni Athena sa collar ko. Hndi ko inaasahan tong reaksyon na to mula kay Thene dahil lamang sa sinabi ni Jed, maypagka-matigas na ulo to e kaya..

Tumingin si Athena kay Jed, "Pero Jed-"

"Thene." Maikling sambit naman ni Jed, binitawan na ako ni Athena.

Bumalik sa pwesto kung saan siya nakaupo kanina si Athena. Hindi naman sa pinapanuod ko bawat kilos nila, pero napansin ko ang paghawak ni Jed sa kamay ni Athena na mukha namang nagpakalma sakanya.

Nagulat ako sa sinabi ni Jed, "Ilabas mo na. Wag mo nang isipin ang iisipin ni Jiro. Iyak."

At iyon nga ang ginawa ni Athena, The Goddess of Violence..

Humagulgol siya.

Tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto ni Thea. Alam ko namang ayaw ni Athena na makita ko siyang nagkakaganon.

***

 

 

Pagpasok ko sa loob, nakahiga at mahimbing ang tulog ni Thea, nabawasan na yung mga tubes na nakakonekta sa katawan niya. Hindi to dapat dinanas ni Al. Kasalanan ko tong lahat e, habang nagpapakasaya ako sa kayamang natamo ko, naghihirap naman siya. Bakit hindi nalang ako yung nakuha nila? At si Al nalang ang napunta kina Kurt?

Bakit?

*ring*

(Sir, nasa prisinto na po  yung suspect.)

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano sa narinig ko, "Good. Wag niyo siyang patatakasin, I'll deal with him pagka-gising na pagkagising ng kapatid ko."

With that, I hanged up.

 

Athena's POV

 

Napahigpit ang hawak ko sa ballpen.

"Ma'am? May problema po ba?" Tanong ng babae sa counter. Umiling ako at nagbigay ng pilit na ngiti.

Althea Alvarez

 

Sinulat ko sa papel na pinapa-fill out. Pagkatapos ay binalik ko na sakanya at nagbigay na ng advance payment para hindi na maging hassle pa. Tumungo ulit ako sa kinauupuan namin ni Jed kanina at umupo sa tabi niya.

Parang kasi siya nalang yung comfort zone ko sa lahat ng gulong to e.

"Thene-" Panguna niya pero pinutol ko kung ano mang sasabihin niya.

"Jed, mali ba na tinulungan ko si Thea non? Dapat ba hindi ko nalang siya tinulungan para hindi siya maipit sa mga nangyayari ngayon?" Tuloy-tuloy kong tanong. "Jed, hindi ko gustong mangyari sakanya to. Hindi ko nga siya gustng madamay pa sa mga to e. Pero bakit.."

Hinawakan ni Jed yung kamay ko, "Athena, wala kang kasalanan."

"Anong wala?! Ako yung nagdala sakanya sa sitwasyong to hindi ba?!" Sigaw ko.

Hindi siya nakasagot. "Jed, wala naman akong ibang pakay sakanya e. Ang gusto ko lang magkaroon ngtaong matuturing kong pamilya. May masama ba doon?"

"Athena, tumingin ka nga sakin." Utos niya, pero hindi ko sinunod. Natatakot ako sa mga sasabihin niya, kasi alam kong kung ano mang sasabihin niya, mapapaniwala niya akong mabait na tao ako. Pero hindi e, hindi ako mabait. Masama ako, at ako yung nagdudulot ng masama sa mga mahal ko.

Siguro yun talaga yung para sakin. Hindi ako pwede dito sa Athena na bago, ang dapat siguro, bumalik ako sa dati. Katulad nung nasa New Jersey pa ko.

Yung walang iniintindi.

Yung walang pakialam.

"Don't even think about that, Crissanta." Biglang sabi ni Jed. Involuntarily, napatingin ako sakanya. "Alam ko kung anong iniisip mo. Sigh, ikaw talaga. You tend to over think everything."

"Pano-"

"Kilala kita. Athena, hindi mo kailangang baguhin yang bago mong pagkatao para mawala yang sakit. Thene, parte ng buhay ang sakit. Inevitable, hindi mo maiiwasan. Hndi mo ba nakikita? You've become a better person, tapos ibabalik mo ulit doon sa dati?" Tanong niya.

Hindi niya ako naiintindihan, umiling ako, "No. Can't you see? Can't you see na etong pagiging malambot ko ang rason ng lahat ng mga nangyayari ngayon?! Naaksidente si Thea dahil sakin, nasasaktan si Cynthia dahil sakin, ang gang watak-watak na, and-"

"You left Kurt." Pagtatapos ni Jed. Nakatingin lang siya sakin pagkatapos niyang sabihin yon. "Iyon ba talaga ang nasa isip mo? Na ikaw yung may kasalanan kung bakit nangyari yung mga yon?"

Iniwasan ko siya ng tingin.

"Fine. Blame yourself. Sisihin mo yang sarili mo, hanggang sa magising ka." Sabi niya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita. "Bakit? Kasalanan mo ba kung bakit naguguluhan ka sa sarili mo? Ksalanan mo ba kung bakit naging ganyan ka for nine long years?"

"Ikaw ba talaga yung may kasalanan, Thene? Thene, I hate seeing you like this. Ikaw ba yung may gustong mangyari to? Hindi naman di ba? Ikaw ba yung pumatay sa mga magulang mo? Yang sarili mo ba yung dahilan kung bakit lumaki kang nagpapalakas at hindi masaya? Hindi di ba?" Tanong niya.

Naatingin ako sakanya, "Ravens." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

Tumango siya, at yinakap ako.

Tama si Jed.

Ang mga Ravens ang may kasalanan ng lahat ng to.

 

 

Thea's POV

 

Nakaramdam ako ng malambot na bagay na inilalagay sa pagitan ng braso at katawan ko. Ang dami namang masakit, hindi ako makagalaw. Ano na nga bang nangyari ulit?

"Al.."

Hindi ko man namulat ang mga mata ko, para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

"Al, eto na si Piglet oh." Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago ulit siya nagsalita. "Nandito narin si Kuya."

Wala pa siguro talaga ako sa tamang katinuan, hindi ko kasi magawang imulat ang mata ko o kahit igalaw ang kahit anong parte ng katawan ko man lang. Basta ang alam ko gising ako.

Kuya?

Alam kong iniwan ako ni Kuya non. Yun lang ang alam ko. Hindi ko na magawang maalala pa yung itsura niya, pati narin yung pangalan niya. Ang tanging alam ko lang ay iniwan niya ako. So ano to? Nasa heaven na ba ako? Magpapakita na ba lahat ng tao nanakit sakin bago ako maging free sa langit?

 

Sabi ni Athena baka daw nagka-amnesia ako, selective ata yung tawag doon. Kasi specific na information lang ang hindi ko maalala. More like, kinalimutan. After ng lahat ng nangyari sakin? Pagkatapos niya akong iwan? Bakit ko pa siya aalalahanin hindi ba?

"Al, patawarin mo na si Kuya. H-hindi kita iniwan. Hinanap kita, pero walang nangyari. Oo, inaamin ko, muntikan na akong sumuko. Pero, Al. Nandito ka na oh, nasa harapan na kita. Pero.. ayaw mo na sakin." Malumanay niyang sabi.

Gusto ko siyang makita.

Pero ayaw paring mamulat ng mga mata ko. Tch.

"Al.. Al." Nakaramdam ako ng pahaplos sa noo ko, tapos sa pisngi ko. Pero hindi ko siya nakikita. Di ba? Kung papunta na ko kay San Pedro, dapat makita ko naman kung sino yung humahawak sakin.

Pero mamamatay na ba talaga ako? Sayang naman, gusto ko pa namang makapagtapos. Matalino naman daw ako sabi ni Thene, hindi lang ako nakapagconcentrate sa pag-aaral ko noong nasa puder pa ko nina Kuya Jeff. Sayang naman yung pagkakataong naibigay sakin nung makawala ako sakanila.

Pero di bale, hindi naman kailangang nakapagtapos para makapasok sa heaven di ba?

"Al, hindi mo ba talaga ako nakilala nung pumasok ka sa school?" Tanong niya, pero distant yung boses. Parang nag-eecho nga sa tenga ko e. "Bakit ka nag-iba ng pangalan, Al?"

Al?

Al...

Althea.

Ako yun! Pangalan ko yun.. Pinapalit ng mama ni Kuya Jeff, pati narin ang apelyido ko.Bakit nga ba kasi ulit? Sorry, naman. Ang bata ko pa non, hindi ko pa matandaan lahat ng bagay.

"Sana pag gising mo diyan, patawarin mo na si Kuya ha? Tutulungan nating itama ang lahat ng to. Tutulungan mo kong ayusin tong gulong to para kay Athena. Para narin sa pumalit sakin nung wala ako." Sabi niya.

Sino ba to? Makapag-salita parang may alam ah.

Uy! Namumulat na!

Yes naman...

Ye--

Osht.

 

Athena's POV

 

 

You've been very distracted...

 

 

Napailing ako. It's my conscience. Pero.. Tama naman siya hindi ba? Si Jed narin ang nagsabi na ang Ravens ang talagang may kasalanan ng lahat ng to. Pero anong ginagawa ko? Nakatunga-nga? Hinahayaang mangyari lahat ng mga to? Hindi ako kumikilos. Masyadong mabagal. Naiinip na ko.

"Jed.. Help me."

Napaharap siya sakin, "Ha?"

"Tulungan mo kong makapaghiganti sa kanila. Sa ginawa nila sa mga mahal ko sa buhay, sa mga ginawa nila sakin. Please?" Pakiusap ko. "Oo, selfish na ako kung selfish. Pero, Jed.. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko naman kung saan ako magsisimula."

Marahan siyang tumango. Sa ginawa niyang yon, wala akong ibang naramdaman kundi warmth at relief sa loob ko. Nandito si Jed, nandito siya para sakin.

"Bakit hindi mo simulan sa nagsimula?" Tanong niya.

"Oo nga, pero hindi ko alam kung papaano. Di ba nga sinubukan na natin siyang hanapin? E hindi naman siya lumalabas, para ngang wala pang sinasabi si Kurt o kahit sino sa kanilang apat sa mga Ravens sa gusto kong mangyari e." Sinubukan kong hanapin yung Dad ni Kurt, pero wala siya. Kahit nga sa school e. E hindi naman namin alam kung saan yung center ng mga Ravens, kung saan ang pinaka-headquarters nila.

"Sabagay. At ang tanging lead lang naman natin ay yung school." Mahinang sabi ni Jed, pero naramdaman  ko yung pagstress ng salitang 'school'.

Kaya naman, "Tama. Yung school. Yung school ang gagamitin ko para siya mismo ang magpakita sakin."

"And I'm doing it the simplest way."

Thea's POV

 

 

"Nasan ako at bakit kasama kita?!" Tanong ko. Hindi ko ininda yung hapdi t kirot sa katawan ko, bakit muna nandito tong taong to!

Hindi ko alam kung ano yang emotion na pinapakita niya sa mukha niya, para siyang nabiglang, malungkot na hindi makapagsalita.

"Ano?! Jiro, anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko ng isa pang beses. Pero nanatili lang siyang nakatingin sakin at hindi makapagsalita. Ako na mismong tumingin kung nasaan ako. Hindi naman ako tanga para hindi malamang ospital to. Napatingin ako sa katawan ko, anong nangyari?

"B-bakit ako nasa ospital?! Anong ginawa mo sakin?! May balak ka din bang masama tulad ng mga kasamahan mo? Pinapapatay na ba ako ng mga Ravens?!" Galit kong tanong sakanya. "Bakit nakatingin ka lang?! Bakit hindi mo pa ko tuluyan?!"

"A-Al.."

First reaction ko, goosebumps. Nangilabot ako sa narinig ko. Para akong nabuhusan ng isang timbang malamgig na tubig with icecubes. Tapos napalitan ng inis at pagtataka. "Wag mo nga kong tawaging Al. Thea ang pangalan ko."

"Al." Maikling sambit niya. Mukha namang hindi siy nang-aasar, kasi malumanay ang pagkakasabi niya noon. Pero nakakainis parin e bakit ba niya ako tinatawag na 'Al'?! Hindi ba niya alam na kinalimutan ko na iyong pangalang yon simula pa noong unang beses akong sinuntok ng papa ni Kuya Jeff? Simula ng danasin ko lahat ng paghihirap ng mag-isa? Kaya, anong karapatan niyang tawagin akong Al?!

Tapos bigla kong napansin yung luha sa pisngi niya.

"Jiro! Ano bang ginagawa mo dito?! Anong- bakit ka.." Hindi ko na kayang tapusin yung sasabihin ko. Siguro dahil narin sa shock, bigla daw bang umiyak si Jiro sa harapan ko.

"A-Al. Si Kuya to." Halos bulong na na sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Nagbibiro ka ba?!"

Hindi kasi nakakatawa e.

"Althea, seryoso ako. Bakit mo ko kinalimutan?" Malungkot pero parang naiinis na tanong niya sakin.

Tumawa ko, pero walang sign ng kahit anong humor, "Kung kuya kita, bakit mo ko iniwan. Yung yung magandang tanong."

Hindi siya sumagot. "Pero hindi mo naman kailangang sagutin yon hindi naman ikaw yung kuya ko e, lumabas ka nalang at iwan mo ko. Tigil-tigilan mo ko sa mga pinagsasabi mo ah." Banta ko tsaka ako nag-side, doon ako humarap kung saan hindi ko siya makikita.

"Ako nga ang kuya mo, Al. Si Jiro Alvarez, kuya mo ko na kinalimutan mo. Kung ayaw mo mang maniwala, puntahan mo yung doktor, itanong mo kung bakit parehong dugo ang dumadaloy sa mga ugat natin." Pagtataas na niya ng boses.

In a matter of seconds, may luha nang pumatak mula sa mga mata ko. "Sige, ikaw na yung kuya ko. Payag na ko. Pero sana naman, pumayag ka rin sa gusto ko at lumayas ka na dito."

Sa mga sinasabi palang niya, bakit hindi ako maniniwala di ba? Oo, natatandaan ko na, na Alvarez ang apelyido ko. Pinalitan na nga kasi yun ng pamilya ni Kuya Jeff e. Sige, siya na yung kuya ko. Oo, gusto ko parin siyang makasama, gusto ko siyang yakapin.

Pero, hindi pwede.

"Al, ayaw mo ba akong makasama?" Malungkot niyang tanong.

Umupo ako, hindi ko ininda yung hilong nararamdaman ko. Hinarap ko siya, "Hindi. Bakit ko naman gugustuhing makasama ang taong ayaw naman akong makasama. Ikaw ang hindi naghanap, ako yung nag-hirap."

"Hinanap kita!" Rason niya. "Hinanap kita, pero hindi ako nagtagumpay. Al, ang tagal kitang hinanap, kung alam mo lang.."

"E hindi ko nga alam di ba?! Hindi na kita kailangan, may ate na ako! May Athena na ko! Hindina kita kailangan!" Sigaw ko, umiiyak.

Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto, "Jiro! Ano bang ginagawa mo!"

Si Athena...

"Athena, hayaan mo muna silang mag-usap." Narinig kong sabi ni Jed.

"Teka-bitiwan mo nga ko, Jed!" Napatingin ako sakanila, doon ko nakita na nagpupumilas si Athena mula sa pagpigil sakanya ni Jed, tapos tinuro niya si Jiro. "Hoy, ikaw. Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?! Sinusumbatan mo si Thea?!  E di ba dapat nagpapahinga yan? Ginising mo ba siya? Ha?!"

"Athena!" Awat pa ni Jed.

Pero si Athena, hindi nag-paawat. Kung hindi siguro seryoso yung mga nangyayari, matatawa ako. Kasi umaakto si Athena na parang protective elder sister, e madalang lang namang magpakita ng sobrang affection si Thene e.

Hindi sumagot si Jiro, habang si Jed hinihila si Athena palayo sakanya. "Oo, kuya ka niya. Oo, kapatid mo siya. Hindi ba dapat ikaw yung concern sa mga mararamdaman niya kapag nalaan niya lahat ng yon? Dapat dinahan-dahan mo! Di yung isasampal mo lang sakanya ng isahan. Tanga, bobo, baliw!"

"Athena, tumigil ka na!" Mukhang galit nang sigaw at awat ni Jed kay Athena.

Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita kong unti-unti binababa ni Athena yung mga kamay niya mula sa position niya kanina na parang susunggaban na si Jiro. Sinunod niya yung sinabi ni Jed...

"Pero, Jed-" Nanlaki ulit ang mga mata ko, kasi bigla nalang humina ang boses niya.

Pinutol ni Jed ang sasabihin ni Athena, "Hindi, Athena. Hindi. Stay out of this. Hindi mo to issue. Bumalik na tayo sa labas at wag ka ng makialam pa dito."

Tumango si Athena na mukhang kumalma na, pero bago siya umalis, sinamaan niya ulit ng tingin si Jiro na umiwas kaagad ng tingin.

Tapos ay narinig ko na ang pagsara ng pinto.

"Grabe yung ate mo no? Nakakatakot parin talaga yung mga mata niya." Mahinang sambit ni Jiro, napangiti naman ako kahit papaano kasi sinabi niyang 'ate' ko si Athena.

Tumango ako, "Oo naman, kaya walang kayong panamang mga Ravens sakanya."

Nagbuntong-hininga siya, at matagal bago nagsalita. "Nagtataka lang ako, kung bakit hindi ka masyadong nagdududa na kapatid kita."

Nagtaas naman ako ng kilay, "Ha? Bakit pa? E wala naman akong ibang panghahawakan, hinahayaan ko lang dumating lahat ng bagay."

"Ah.." Tumango siya. "Nakwento na nga pala ni Athena saakin lahat ng nangyari sayo.. nung-"

"Nung iniwan mo ko?" Pagtatapos ko sa sasabihin niya.

Napasimagot naman siya sa sinabi ko, "Hindi kita iniwan, Al. Sana naman paniwalaan mo ko."

Alam ko namang hindi niya ako iniwan, ako yung matigas na ulong umalis noon ng walang pasabi. Ako yung nagligaw sa sarili ko. Pero kahit na, hindi parin non matutumbasan yung sakit na hinayaan niya akong masaktan sa kamay nina Kuya Jeff.

"Hayaan mo, pag nakita ko yung Jeff na yun.."

"Hindi na kailangan, ginulpi na sila ni Athena. Hindi ko ng alam kung buhay pa sila, sumabog yung arena pagkalabas na pagkalabas namin e." Pagputol ko sa sasabihin niya.

Alam ko ring ang sama ng trato ko sakanya, pero masisi niyo ba ako? Ang hirap kayang hindi kumain ng halos buong araw at manlimos sa ilalim ng mainit na araw. Tapos pag kont pa ang naipon mo, masasaktan ka. Tapos yung mga pagsasanay na ginawa nila sakin noon? Kahit ayaw kong maging isang gangster, kinailangan. Para hindi na ko masaktan pa sa mga pagbubuhat nila ng kamay sakin, para kahit papaano maging manhid na rin ako.

Pero, ibang klase nga naman talaga ang pagkakataon no? Akalain mong sa inaayawang pagkatao ko, doon ko nahanap ang kuya ko. Ang bwiset, hindi ba?

Hindi nanaman siya nagsalita.

"Kita mo? Pinuna na ni Athena lahat ng pagkukulang mo, kuya." Sabi ko sakanya, "Kaya kung papipiliin ako sa mga nangyayari ngayon? Kung ikaw ba o si Athena. Si Athena ang pipiliin ko. Hindi lang dahil may utang na loob ako sakanya, pero dahil ayoko sa mga Ravens. Kinamumuhian ko kayo kagaya ng kay Athena."

Umiling siya, "Dahil nga mali ang iniisip niyo sa mga Ravens! Pakinggan mo ko, Al. Konti palang ang nalalaman ko sa mga Ravens. Bagong miyembro lang ako. Pero hindi kami tulad ng inaakala-"

"So miyembro ka na nga talaga ng Ravens?" Tanong ko.

Tumango siya. "Pero, Al. Hindi talaga kami yung masama-"

"Pwede ba?! Hindi porke kapatid mo ko at kadugo kita ay mapapaikot mo na ko. Alam kong Ravens ang pumatay sa mga magulang ni Athena. Pumapatay kayo, tapos sasabihin mo sakin na hindi kayo masama?! Pwede ba, kung iniwan mo ko noong walang kamalay-malay sa mundo, iba na ngayon, kuya! May isip na ko, nakakaintindi na ko. At alam kong masasama kayo." Sigaw at depensa ko naman sakanya.

Ang lakas naan ng loob niyang paikutin ako. Hindi  ako tanga no.

"Althea, pakinggan mo muna kasi yung paliwanag ko." Pakiusap niya.

"Labas."

"Althea.."

"Labas."

"Hindi kami yung masama-"

"Kuya, lumabas ka na!!" Buong lakas kong sigaw. He flinched, nakita ko yun. Hindi na siya nagsalita at tumungo na siya sa pinto.

Pero bago siya lumabas, nagsalita muna siya.

"Atleast, kuya na yung tawag mo sakin."

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nabagsakan ako ng planeta nung makita ko yung lungkot sa mga mata niya.

Kuya ko parin siya...

Pero nasa maling panig siya.

***

"Thea! Thea! Wag mo kong iiwan, hindi ko kaya!" Nagulat nalang ako ng biglang may pumasok na kung sino at nagsisigaw. Nakahiga ako at sinusubukang makatulog kaya nakapikit ako. Naramdamang kong may humawak sa kamay ko. "Thea, wag kang susuko. Lumaban ka!"

Yung kamay na hinawakan niya ay siya ding pinansapok ko sakanya, "Siraulo ka talaga, Sean! Kung makasigaw ka diyan parang mamatay ako ah?!"

"Ha? Hindi malubha yung lagay mo?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi! Okay na ko, gumagaling na nga ako e. Ano bang pinagsasabi mo diyan?!" Nagtatakang tanong ko naman.

Napasimangot isya at nag-isip, "Si Jiro kasi, dumating sa HQ, ang sabi niya nalaman niyang ikaw yung nawawala niyang kapatid. Nung sinabi niya kung pano niya nalaman sinabi niyang naaksidente ka raw at maraming dugo ang nawala sayo. Kaya, ang akala ko iiwan mo na ko!"

"Baliw, baliw! Di mo siguro pinatapos, naging stable na ko pagkatapos niya akong salinan ng sarili niyang dugo. Kaya nga niya nalamang magkapatid kami, tanga." Explain ko naman sakanya.

"Ah..." Mukhang napahiya niyang sabi.

Tapos nagclick nalang bigla sa utak ko, "Bakit ka nandito?! Kalaban ka!" Wala sa sarili kong sabi. Siguro, pangit nga yung terms at salitang napili ko. Ang pangit ng pagkakasabi ko, para akong nasa isang pelikula e.

"Chill ka nga lang, wala pa namang nag-aaway e." Relaxed namang sabi niya.

"Umalis ka na nga." Dismiss ko sakanya.

Nagkunwari siyang mukhang nasaktan sa sinabi ko, "Break na ulit tayo?"

"Gagu, umalis ka na. Nasa kabilang team ka, di ka pwede dito. Kuya ko nga pinaalis ko, ikaw pa kaya?" Tanong ko.

"Aray ah, kanina mo pa ko sinasaktan." Biro niya. Sandali akong tumawa pero back to serious face kasi ayaw niyang umalis.

Sinamaan ko siya lalo ng tingin. "Oo na, aalis na. May pa-team-team ka pang nalalaman."

"Mali kasi yung mga nalalaman niyo e." Pahabol niya.

"Isa ka pa e. Alam mo? Lumabas ka nalang, kasi sinabi narin yan ng kuya ko. At, para sabihin ko sayo, hindi ako naniwala, naniniwala o maniniwala. Okay?" Sabi ko, nung tumango siya, "Osige, lumabas ka na."

Lumabas nga siya, pero lumitaw ulit ulo niya sa pinto.

Pilyo talaga to!

Akala ko titingin lang siya, pero nagsalita siya. Seryoso nga yung mukha niya e, hindi yung usual na playful.

"Bahala ka, sinubukan ko, pero hindi ka naniwala. When the time comes, never tell me that I didn't warn you."

 A/N: Best comment wins dedic! =))

Continue Reading

You'll Also Like

25.1M 628K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
3.4M 71.4K 97
BLACK X! the infamous Gangster around the World... No clear Identity especially to their Leader BLACK! No one can defeat them because they are the st...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...
10.2K 981 45
May isang paaralan na tinatawag nilang Cristal Academy Kung saan naninirahan o nag aaral ang mga may iba't ibang mahika at ang mga apat na brilliante...