Just To Have You

By moisel

28.3K 1K 244

I'll do anything, just to have you. More

Prologue
Chapter 1: So dead.
Chapter 2: Ouch.
Chapter 3: Number.
Chapter 4: Parking.
Chapter 5: For President.
Chapter 6: Seen.
Chapter 7: Alvarez.
Chapter 8: Crazy.
Chapter 9: Someone else.
Chapter 10: Ms. Dana.
Chapter 11: Only bestfriend.
Chapter 12: Too.
Chapter 13: Kill him.
Chapter 14: Meant to be.
Chapter 15: Geez.
Chapter 16: Oh my.
Chapter 17: Baby
Chapter 18: Manloloko
Chapter 20: I love her.
Chapter 21: Love you, baby.
Chapter 22: No.
Chapter 23: Thank you, Dana.
Chapter 24: Truth.
Chapter 25: I love you.
Chapter 26: I did not.
Chapter 27: Greenland.
Chapter 28: Dreaming?
Chapter 29: Excuse.
Chapter 30: Hunter.
Chapter 31: Eat Well.
Chapter 32: Chance.
Chapter 33: I know.
Chapter 34: Shut up.
Chapter 35: Ninang Ganda.
Chapter 36: I can!
Chapter 37: Phone
Chapter 38: Beat
Chapter 39: Definitely.
Chapter 40: Perfect.
Chapter 41: Marry.
Chapter 42: Lost.
Chapter 43: Still
Chapter 44: Wedding
Chapter 45: End
Chapter 46: Crying
Chapter 47: Leaving
Chapter 48: Break
Chapter 49: Ex

Chapter 19: Try

438 17 4
By moisel


Chapter 19


"Lumilindol ba, brad?" Sabi ko sa lalaking nasa harap ko."Bakit nahihilo ako?"

"Marami na po kayong naiinom, Ma'am."

"Talaga? Nakakailan na ko?" Hindi siya sumagot pero ngumiti lang. "Bigyan mo pa nga ako."


Nakita kong nagpatong ulit siya ng baso, ngumiti ako bago unti-unting sinandal ang noo ko sa table. Nahihilo talaga ako.


"Good evening, Sir!" Rinig kong bati ng bartender sa kung sino man. I want my bed.

"Nakakailan na siya?" Parang biglang umikot ang tyan ko. Napaduwal ako pero mas pinili kong pumikit. This is heaven.

"Nakakarami na rin po siya, Sir."


Maya-maya ay naramdaman kong bumalot sa'kin.


"Are you okay, baby?" Bigla akong napamulat ng mata. Umayos ako ng upo at dahil sa ginawa ko ay muntik na kong mahulog sa upuan kung hindi dahil sa lalaking nasa likod ko at inaalalayan ako. "You're drunk."

"I'm not."


Kung lasing na ko ay hindi ko na maiisip ang mga nangyari kanina. Bigla ulit akong napatingin sa lalaki na ngayon ay tumabi na sa'kin. Ang malanding 'to!


"Anong ginagawa mo dito?" Napapikit ako sandal nang maramdaman kong umikot ang paligid ko. "Wag ka ngang malikot!" Saway ko sa bartender na ngumiti lang ulit sa'kin.

"Hindi siya malikot, lasing ka lang kaya nahihilo ka." Sabi ni Ethan.

"Hindi nga shabi ako lashing. Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko. Niyaya kitang mag-dinner pero dito ka nagpunta."

Hindi ko siya pinansin at humarap ulit sa bartender. "Shabi ko yung pinakamatapang niyong alak, hindi ba? Bakit hindi ako lashing?"

"I'm sorry, Ma'am. Sabi po kasi ni Sir Fran—"

"Damn, Francisco!"


Tatayo na sana ako nang bigla akong higitin pabalik ni Ethan. Lumanding tuloy ang mukha ko sa dibdib niya.


"Aray ko! Bakit ka ba nanghihila?" Tinulak ko siya bago umayos ng upo. Hindi ako nakuntento kaya hinampas ko pa ang noo niya.

"Aw. What was that for?" Sabay hawak sa noo niyang nasaktan. "Hindi mo na nga ako sinipot, mananakit ka pa."

"Hindi ko naman shinabing pupunta ako." Humarap ulit ako sa bartender at doon ko lang napansin na may itsura pala ito. "You're cute."

"Thank you, Ma'am—"

"Back off, man."

"Ay sorry po, Sir." Tila nahiyang sabi ng bartender pero imbes na sawayin ko si Ethan ay tinitigan ko pa rin ang lalaki sa harap ko.

"What's your name?"

"That's it, I'm done." Sabi ni Ethan bago naglabas ng wallet at nag-iwan ng cash sa table. Hindi ko pa naiisip kung para saan iyon nang bigla akong napairit. Binuhat niya ko bago naglakad palabas ng bar!

"Ano ba?!" Hinampas ko rin siya ng ilang beses pero hindi siya natinag. "Ethan, ano bang problema mo?"


Hindi niya ko sinagot. Pinikit ko nalang ang mata ko nang makaramdam ulit ng hilo. Minulat ko lang nang ilapag niya na ko sa sasakyan niya bago mabilis na umikot sa driver seat. Nagsimula siyang magdrive nang hindi ako pinapansin.

Dahil sa bilis niyang magpatakbo ay tuluyan nang umikot ang sikmura ko. Naduwal ako. Mabilis kong tinapik ang kamay ni Ethan. Nakita niya siguro ang itsura ko kaya mabilis niyang tinabi ang sasakyan. Lumabas naman agad ako bago nilabas.

Hindi pa ko tapos ay naramdaman ko na agad ang paghagod ni Ethan sa likod ko. Inabutan niya rin ako ng tubig pagkatapos. Inalalayan niya rin akong umupo sa passenger seat. Iniwan niyang bukas ang pinto bago yumukod para makita ako ng maayos.


"Ayos ka lang?"


Tumango ako bago siya tinitigan. Tinitigan niya rin ako pabalik. Kitang kita ko na naman ang ganda ng mata niya. Natural na mabaha ang pilik mata na nakaka-insecure dahil mas maganda pa kesa sa'kin. Ang matangos niyang ilong na isa rin sa mga asset niyas at mamula-mula niyang mga labi.


"You sure you're okay?" Nakatitig pa rin ako sa bawat galaw ng labi niya. "Let me take you home."

"Don't wanna..."

"You're drunk." Tumingin siya sandali sa labi ko. Ako naman ay tumingin rin sa kanya.

"I told you I'm not. If I am drunk, I might kiss you."

"I know you are." Siya na mismo ang humila sa'kin para mahalikan. Napapikit nalang ako at hinayaan siyang gawin iyon. Kahit ngayon lang.



**



Malaki ang ngiti niya habang nagmamaneho. Ako naman ay nakatingin lang sa paligid. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Nang sinabi ko sa kanyang ayaw ko munang umuwi ay tumango lang siya. Siya na rin ang tumawag sa Mama ko para magpaalam.

Mabuti nalang at hindi niya nabanggit na nakainom ako dahil lagot ako don kung nagkataon. Pinikit ko ang mata ko nang makaramdam na naman ako ng antok.


"You want to sleep?" Tanong niya maya-maya.

"Hmm..." Ang tanging nasagot ko nang hindi pa rin nagmumulat ng mata. He reclined my seat.

"Feel better?"

"Shut up, let me sleep."

"Alright, baby." Hindi na ko tumingin sa kanya dahil alam kong malaki na naman ang ngisi niya.


Iyon lang ang huli kong naalala dahil nakatulog na ko.

Nagsisi ako sa ginawa kong pag-inom nang kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko.


"Hell..." Hinawakan ko ang ulo ko at pinilit na umupo sa kama. "Ma?"


Minulat ko ang mata ko at medyo nasilaw pa sa liwanag galing sa bintana at glass door. Napabalik ang tingin ko sa glass door. Kelan pa nagkaroon ng glass door sa kwarto ko?

Naka-robe lang ako na siyang lalong nagpakaba sa'kin. Tumayo ako at pinilit na maglakad papunta sa glass door.

Parang nawala ang sakit ng ulo ko nang makita ko ang labas. Kitang kita mula rito ang Taal Volcano. Malamig ang simoy ng hangin.


"Good morning." Muli akong tumingin sa pinanggalingan ko. Nakita kong nakatayo malapit sa kama si Ethan habang may dalang tray ng pagkain. "Hindi ba masakit ang ulo mo? I brought you meds."

"N-Nasan tayo?"

"My place."


Nilapag niya sa kama ang pagkain. Lumapit siya sa'kin. Ako naman ay medyo lumayo sa kanya. Sumimangot siya nang makita iyon.


"Kumain ka muna kahit kaunti para mainom mo ang gamot. Sigurado akong masakit ang ulo mo."

"Bahay m-mo to?"

"Yes." Ngumiti siya. "You like it?"


Umiwas ako ng tingin dahil sa ngiting 'yon. Pumasok ulit ako sa kwarto niya.


"Bakit naka-robe lang ako? Na'san ang mga damit ko?"

"Yeah... about that. I'm sorry."


Nanlaki ang mata ko nang mapaharap sa kanya. Sorry... dahil? Oh my gosh!


"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa'kin?!" Mabilis akong kumuha ng unan at binato iyon sa kanya. Akala ko mapagkakatiwalaan siya! Iyon pala, walang hiya rin!

"Relax, Ms. Dana." Pilit niyang sinasangga ang bawat bato ko sa kanya. Nang wala na kong makuhang unan ay lumapit siya sa'kin. Hinawakan ang dalawang kamay ko bago pinahiga ako sa kama. Nilagay niya iyon sa bandang ulo ko. "Nalasing ka kagabi. Dinala kita dito dahil sabi mo ayaw mong umuwi. Ako na rin ang nagpaalam kay Tita. Nang dalhin kita dito sa kwarto ko para makatulog ka ng maayos ay nagsuka ka ulit. Pati damit mo ay nalagyan. Don't worry, hindi ako ang nagtanggal ng damit mo, tumawag ako ng babaeng staff para gawin yon. Ako na ang naglaba ng damit mo kaya wag ka nang mag-alala, okay?"

"Ikaw... ikaw ang naglaba ng d-damit ko?"

"Hmm." Tumango siya. "Pero nagpabili rin ako ng bago para may magamit ka mamaya. Okay ka na?"


Tumango ako bago tinignan ang posisyon naming dalawa. "I'm fine now. Get off me."


"Oh, right." Ngumiti siya at hinalikan ang pisngi ko bago tumayo. "Good morning, again. You look good in the morning."

"Alam ko na yon." Umupo ako ng ayos sa kama bago inayos ang robe ko. Mabuti nalang ang mahigpit ang tali nito. "Anong oras na ba?"

Ininom ko ang hinanda niyang tubig para sa'kin. "8, baby."


Titignan ko sana siya ng masama nang makita kong busy siya sa pagpulot ng mga binato kong unan kanina.

Doon ko lang narealize ang lahat. Tinulungan niya ko pero pinahirapan ko siya.


"Sorry."


Bigla siyang napatingin sa'kin.


"What?"


Umiling ako bago kinuha ang soup. Kumain ako ng tahimik habang siya naman ay pinapanood ako. Ininom ko rin ang binigay niyang gamot para mawala ang sakit ng ulo ko. Maya-maya ay pinatulog niya ulit ako. Nang magising ako ay medyo mainit na rin sa labas.

May nakahandang paper bag sa may table. Nang tignan ko ang laman ay dress iyon, katabi ng damit kong suot kagabi.

Nang makapag-ayos ako ay lumabas din ako ng kwarto niya. Iyong dress ang sinuot ko. Kung hindi man para sa'kin iyon ay bahala na si Ethan.

Naabutan ko ang mga naglilinis ng bahay ni Ethan. Binati nila ako ng good morning bago nagpatuloy sa ginagawa.


"Nakita niyo po si Ethan?" Tanong ko nang hindi ko makita ang lalaking iyon.

"Ay, Ma'am. Lalabas lang daw po sandali. Pero babalik din naman daw po agad siya. Gutom na po ba kayo? Gusto niyo pong ipaghanda ko kayo ng makakain?"

"Ah, wag na po. Hintayin ko nalang po si Ethan. Salamat po." Lumabas ako ng bahay kahit hindi ko naman alam ang pasikot-sikot.


Sobrang ganda talaga dito! May nakita rin akong ilang bahay pero pinakamaganda ang pwesto ng bahay ni Ethan. May nakita rin akong ilang nag-go-golf.


"Ms. Dana." Humarap ako sa tumawag sa'kin. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "Gising ka na pala."

"Tulog pa ko." Nagkunwari akong natutulog kahit nakatayo. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Hinahanap mo raw ako sabi ni Nanay Ibay?"

"Gutom na ko eh."

"Tss." Ngumisi siya. "Iyon lang pala eh. Sa Clubhouse tayo."


Hinigit niya ko papunta sa sasakyan niya. Habang papunta kami sa Clubhouse ay lalo kong nakita ang ganda nitong lugar.


"Matagal ka nang nakatira dito?"

"Yep. Matagal na rin akong member dito."

"Member? Oh!"

"Dito ako madalas magbakasyon. Dito kita dinala para sigurado akong maganda ang gising mo, alam ko kasing magagalit ka sa'kin eh." Tumawa siya pagkatapos non.

"Di naman eh."


Tumawa ulit siya kahit na hindi ko alam kung anong nakakatawa. Pinark niya ang sasakyan bago ako pinagbuksan ng pinto. Humawak siya sa bewang ko habang papasok ng Clubhouse.


"Tsansing ka ha."

"Sorry na." Hinalikan niya ang pisngi ko ulit.

"Ano ba? Kanina ka pa nanghahalik!"

"Kagabi pa." Ngumisi siya pagkatapos. Bago bumaling sa staff ng Clubhouse. "Table for two."

"This way, Sir, Ma'am." Ngumiti ako nang ngumiti rin ang babae. Hawak pa rin ni Ethan ang bewang ko. Hindi ko alam pero feeling ko ligtas ako pag kasama ko siya.

"What do you want to eat?" Sabi niya nang nakatingin sa menu. Tumingin ako sa paligid. May iilang members doon at guests din.

"Ikaw na bahala..."


Katulad ng sinabi ko ay siya na nga ang um-order. Naging abala naman ako sa pagtingin tingin. Nang makita ko ang swimming pool nila ay hindi ko napigilan ang sarili ko.


"Ethan, kunan mo ko picture, please?" Hinawakan ko ang kamay niya bago hinila patayo. Tatawa-tawa naman siyang tumayo at sumunod sa'kin. Nag-pose ako ng maraming beses at siya naman ay hindi nagreklamo.

"Pwede ba kong mag-swimming dyan?"

"Of course. You're with me, you can do whatever you want." Tumabi siya sa'kin bago sumandal sa wooden railing. Nakaharap siya sa Clubhouse habang ako ay nakaharap naman sa swimming pool. Nasa second floor kami habang ang nasa baba naman ang swimming pool.

"Ang ganda!"

"Oo, sobra."


Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yon. Nakatingin naman siya sa cellphone niya. Nang silipin ko ay nakita kong pictures ko ang tinitignan niya. Napailing nalang ako bago tumingin ulit sa harap.


"Sinong kasama mo kagabi?" Tanong ko. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa'kin. Maya-maya ay parehong sa pool kami nakaharap.

"She's just a friend. Why, jealous huh?"


Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.


"Nakita niyang wala akong kasama kaya nilapitan niya ko. High school friend ko siya and she's already married. Nag-cr lang ang asawa niya at iyon siguro ang naabutan mo. Tinawagan kita pero hindi mo sinasagot ang phone mo. Sinabi mong 'wag na kitang puntahan sa Anna's pero nang hindi ka pa rin nagpakita after 3 hours ay pumunta na ko. Pero sabi ng mga staff mo ay umalis kana."


Huminga siya ng malalim.


"Si Fran ang nagsabi sa'kin kung na'san ka."


Dahan-dahan akong tumango. Gusto ko lang malaman kung sino ang kasama niya pero ipaliwanag niya pa sa'kin lahat. Gumaan lalo ang pakiramdam ko.


"Iyon ba ang dahilan kung bakit naglasing ka?"

"Hindi nga sabi ako lasing eh."

"Really? Bakit hindi mo maalala ang nangyari kagabi?"

"Naalala ko!"

"Di nga? Naalala mong nagsuka ka kagabi?"

"Oo naman! Kasi ang bilis mo magpatakbo ng sasakyan."

"Hmm... pati yung binuhat kita papunta sa sasakyan ko?"

"Yap, kasi tinanong ko yung pangalan ng bartender." Umirap ako.

"Pati nang halikan kita?"

"Oo kasi sabi ko kung lasing ako mahahalikan kita..."


Dahan-dahan akong napatingin sa kanya na ngayon ay malaki na naman ang ngisi. Sinimangutan ko siya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Nawala agad sa isip ko na inaasar niya ko.


"Let's give it a try, Dana." Ngumiti siya. "Ako na ang bahala sa lahat. Tutulungan kitang kalimutan ang mga gusto mong kalimutan. Tutulungan kitang magustuhan rin ako."

"I don't want you to—"

"Shh..." Hinawakan niya ang labi ko. "Kapag ayaw mo na, lalayo agad ako. Kapag ayaw mo na, titigil agad ako. Just give it a try."


Dahan-dahan akong tumango at ngumiti sa kanya.


Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...