“Kath, anak, bangon na jan. Baka malate ka, may exam ka nga diba?”
Nagkusot ako ng mata. Kanina pa talaga ako gising, pero tinatamad lang akong bumangon.
“Opo, babangon na!”
Tumayo na ako at nagstreching ng onti. Tas diretso na sa banyo.
After 30 minutes natapos ko na rin ang mga rituals ko.
“Anak, mauuna na ako ah. Nakahanda na yung almusal mo jan” paalam ni nanay
“Sige po”
Umupo na ako at nagsimulang kumain. Ang lonely ng buhay :/
Tapos mamaya mag-isa nanaman akong papasok sa school. Si Alex kase may sakit. Tapos si Dj naman, ngayong umaga yung flight papuntang Germany.
Hay bahala na! Kailangan ko ring matutong mag-isa. Ang tanda ko na eh!
Pagkatapos kong kumain umalis na rin ako.
After 30 minutes nakarating na rin ako sa school. Bongga nga ng entrance ko eh, halos lahat nakatingin saakin. Problema ng mga ‘to? Hinahanap si Daniel? Sorry kayo, akin na yun :p
Pinabayaan ko na lang sila at naglakad na ako papasok.
Nung nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad, napandis kong may isang kumpol ng mga estudyante dun sa gitna ng campus. Yung mga babae parang naasinang bulate tas yung mga lalaki naman, pangiti-ngiti lang.
“omg, sis! Anong meron dun?” tanong saakin nung blockmate kong si Daezen.
Nagkibit balikat ako, “Ewan ko ba sis. Nako, hamuna yan! Tara sa may exams pa tayo diba?”
Hinila ko siya paalis, pero yung ulo niya naiiwan -_-
“Mamaya na friend. Wala pa naman prof natin eh. Tignan muna natin yun” tapos nginuso niya yung kumpol ng estudyante
Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako. Edi Go with the flow na lang.
“Excuse me!” sabi ni Dae at hinawi yung mga tao
“Ayan na siya!” may biglang sumigaw at tumingin lahat ng tao sa direction namin. Anmeron?
Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao. Ako ba yung tinitignan nila o si Dae?
“Give way! Give way!” may sumigaw nanaman at automatic na nagsitabi yung mga estudyanteng nakakumpol kanina.
Napatakip ako ng bibig nung nakita ko yung ugat ng kumpulan.
Isang lalaking mukahng bampira na may dalawang Panda bear at cake! Shit!
Kamatis mode: on!
Siniko ako ni Dae, “teh’, ikaw na! It’s you, yeah you! You already! Kinikilig ang intestines ko!”
Di na ako nakasagot, maski ako gulat pa rin sa nakikita ko ngayon.
Akala ko ngayon na yung flight niya?
Lumapit ako sakanya. Naghihiyawan naman yung mga estudyanteng nakapalibot saamin.
“Akala ko ngayong umaga flight mo?” tanong ko paglapit ko sakanya
Tumango siya, “oo nga”
“Eh anong ginagawa mo dito?”
“Nakatayo ata?”
Inirapan ko na lang siya
“De joke. Naalala ko kasi na isang linggo na kitang nililigawan. Wala lang, happy weeksary?” tapos inabot niya saakin yung Panda at cake
Kinilig naman daw si Ako!
“Dami mong alam? Ano yan, na-Maya dela Rosa? Weeksary ampupu!”
Napakamot siya ng ulo, “ikaw na nga ‘tong sinurprise eh. Reklamo pa?”
Hinawakan ko naman yung kamay niya, “Joke lang! Sige na, punta na ng airport!”
“Ayt! Tinataboy mo ako?”
“punta na ng Germany para makapagdivorce na kayo!” pag-uulit ko
“Ah sige sige. Una na ako! Goodluck sa exams!” tapos tumakbo na siya paalis
Napailing na lang ako habang pinapanood siyang tumakbo papunta sa kotse niya.
Tinignan ko yung bigay niya. Napasmile ako, ang galing talaga niya. I’m kinda inlove with Pandas kaya ngayon, tapos Panda bear pa yung bigay niya. May kapatid na si Baby Kathniel <3
Iniwan ko muna sa locker ko yung mga bigay niya, buti na lang kumasya.
Tapos dumiretso na rin ako sa room. Hu! Kaya ko ‘tong exams na to. Inspired eh!
*Mara’s POV*
“But, mum! Akala ko ba malinaw na ang lahat?” reklamo ko
Napasigh si mummy, “Akala ko din, Mara.”
“Argghh!” napadapa na lang ako sa sofa at ibinaon ko yung ulo ko sa unan.
Akala ko kase, malinaw na ang lahat! Na pwede na kaming magdivorce ni Daniel tapos aalis na ako sa castle!
Yun pala, kapag nakipagdivorce ako kay Dj hindi na ako pwedeng lumabas ng castle. Kailangan ko na simulan yung training ko.
At kung gusto ko namang maging malaya muna, ikekeep namin yung pagiging couple namin. Arrghh!
“Alam ko na!”
Napatingin ako kay mummy
“si Julia. Si Julia! Siya ang makakatulong saatin!” sabi ni mummy
Napasmile ako, naalala ko yung sinabi ni Julia. Na gusto niya maging princess! Oo tama!
“Kilala ko si Julia. Alam kong kaya niya ang responsibilities ng isang prinsesa!”
“Then call her!”
Tumango si mummy at dalidaling kinuha yung phone niya.
Kinakabahan ako, sana pumayag siya! Please please please!
Nakita kong napapangiti si mummy habang kausap si Julia sa phone.
After nila mag-usap. Lumabas si mummy sa kwarto ko.
Geh! Maganda yan! -_-
Syempre, sinundan ko siya. Dumiretso pala siya sa office ni Dad
Eh medyo offlimits ako dun -_-
Umupo na lang ako dun sa labas. Naghihintay ng hatol!
“Couz? Skwater mode?”
Napaangat ako ng ulo, “Syd! Ikaw na lang maging prinsesa!!!”
“Sorry ka. Nasumpa ka eh! Tindi ng pagkaroyal blood mo eh!” leche! Imbis na tulungan ako eh -_-
“Help meeee!” sabi ko
“Halika, lalaslasin kita baka mabawasan yang royal blood na nananalaytay sa veins mo!”
Binigyan ko na lang siya ng death glare
Umupo siya sa tabi ko, “de joke lang”
So ayun, habang naghihintay. Kung anu-anong kabaliwan ang kinwento niya saakin. Kahit papaano natawa naman ako.
“Mara!”
Natigil kami nung biglang lumabas si mummy
“Pumayag ang daddy mo! Madidivorce kayo ni Daniel, and after that si Julia na ang isasalang sa training!”
Napatayo at napatalon ako sa sobrang tuwa
“Yes yes! Thanks mum!” niyakap ko ng mahigpit si mummy
“You’re welcome, baby” sabi naman niya, “Osige na, ifile mo na yang divorce na yan! Nako, pasalamat ka at may ganung personality si Julia! Bata pa lang kase yung, nakikitaan ko na ng lidership eh. Kaya sa tingin ko kaya niya to!”
Tumango na lang ako, “I’m very thankful to have her as my sister”
Napasmile si mummy at niyakap ako ulit
“Wooh! I-MMK niyo yan!” sigaw ni Syd, “group hug!”
Hinug naman kaming dalawa ni mummy.
“Yown! Single nanaman ang hayup!” sabi ni Syd
Natawa na lang ako. Parati niya talagang tinitira si Daniel, kung di ko nga lang kilala ‘to iisipin kong nafriendzone siya ni Daniel xD
Pero nevermind! Basta masaya ako! First of all, dahil malaya na ako. Di na ako maiistock sa gawaing labag sa loob ako. At pangalawa, may pagasa na ulit ang Kathniel! Believe it or not, fan ako ng loveteam nila. Parang ang perfect lang diba? Bagay na bagay!
___________________________________________________
short muna :) bawi sa next chap! :D bare with me, andamign masakit saakin ngayon </3
Vote.Comment
- Jenn <3