Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.8K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Liar 52: Six VS Fourteen
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 15: Confusion

70.8K 2.2K 938
By RenesmeeStories

Annicka Hera's POV

"Ano ba talagang nangyari noong naaksidente si Princess?" Tanong pa niya. Subalit, umiling na lamang ako. At saka ngumisi, "It's for me to know and for you to find out." I said playfully.

"Hera." He used his warning tone, pero hindi ko na lamang siya pinansin at umalis ako sa balkonahe at tumungo sa kwarto kung saan nagpapahinga si Incess.

Balak ko pa naman sana na makapag-bonding kaming dalawa ni Incess, kaso mukhang hindi pa pwede iyon, dahil katatapos lamang ng unang pagtutuos nila ng Empire at hindi pa siya ganoon kalakas dahil na din sa lason ni Cassidee.

Tss. Iyong si Cassidee? Napaka-panira talaga niya, simula noon hanggang ngayon. Ang init init pa din ng dugo ko sa babaeng iyon. Sabihin na natin na may sariling hinanakit din siya, pero napaka-selfish niya. Kung ano mang mangyari sa kaniya, deserve na niya iyon.

She ruined the relationship of Incess and Nate back then, pagkatapos dinurog pa niya ito ngayon. Kasal na siya kay Nate, at halos nasa kaniya na lahat ng gusto niya. Pero, hinding hindi niya makukuha ang pagmamahal nang halos lahat kay Incess.

Kung si Nate at Incess talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa. Alam kong walang makakapigil doon. Nakakamiss na din kasing makita iyong puro at inosenteng ngiti sa mga labi nila. At nakikita lamang namin iyon, kapag ang isa't-isa ang nginingitian nila.

"Hera." Nawala iyong mga iniisip ko noong bigla na lamang akong tawagin muli ni Zeus. Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang maamong ekspresyon niya sa mukha. "Tell me, ano ba talagang nangyari?" He asked mellowly.

Imbis na sumagot, nag-patuloy lamang ako pag-lalakad upang matungo ang paruroonan ko, at tahimik lamang na sumunod sa akin si Zeus.

Noong makarating ako sa pintuan ng kwarto ni Incess, walang pag-aalinlangan akong pumasok at pinag-masdan ang natutulog niyang mukha. Ang payapa, parang walang iniisip na problema. "She's like an angel." I whispered.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Zeus dahil sa sinabi ko. "No way." He contradicted, kaya naman lumingon ako sa kaniya at saka siya tiningnan nang masama. Napa-taas naman siya ng kamay dahil doon. "Hmm. Perhaps, a black angel would be acceptable." Pahabol na biro pa niya.

"Ewan ko sa iyo." Iiling-iling na banggit ko. "Maiba tayo, Zeus. Kailan mo pa ulit siya nakitang ngumiti ng totoo? Iyong ngiting walang bahid ng kasamaan at pawang purong kasiyahan at galak lamang?" Mahinahong banggit ko.

Hindi agad sumagot si Zeus kaya't binalot kami ng katahimikan, narinig ko din siyang nag-buntong hininga, para bang nag-babalik tanaw siya at iniisip niyang mabuti ang mga nakaraang ala-ala, upang masagot niya ang tanong ko. "I-I..." Nauutal na simula niya. "To be honest... I don't know, because... I never saw her genuine smile." Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya.

"Kailan kaya?" I mumbled. "Kailan kaya ulit mapipinta sa mga labi niya ang mga ngiting tunay?" Mahinang tanong ko, at alam ko naman ang kasagutan sa tanong na iyan... Si Nate at ang pamilya lamang naman niya. Sila lamang ang makakapagpalabas nang tunay na Incess.

Nanatili kaming tahimik. Umupo ako sa upuan malapit sa kama ni Incess at patuloy siyang binantayan. Umalis din muna si Zeus, dahil wala naman siyang makuhang kasagutan sa kung ano ba talagang nangyari kay Incess at Cassidee.

Mataman ko na lamang pinag-masdan si Incess kagaya ng kanina ko pang ginagawa. Ang lakas lakas niya... sana ganoon din ako.

Habang tinititigan ko siya. Kusang bumalik sa ala-ala ko kung ano ba talagang nangyari nitong nakaraang araw, at kung paanong ako ang nag-turok nang paunang lunas sa kaniya.

Flashback

Simula noong marinig ko ang passcode namin ni Incess kay Skyler hindi na ako mapakali. Alam ko kasing ano mang segundo maari niya akong kontakin upang makapag-plano nang iba kong gagawin para sa kaniya.

Isa sa mga iyon ay ang pag-babantay ko nang palihim kay Cassidee dahil hindi naman ito magiging Yobbo Heiress nang basta basta lamang. Alam ni Incess ang mga risk nang pagbalik niya dito sa Pilipinas, at isa na nga ang Empire doon.

Habang nasa unit ako ng condominium ko, palakad palakad ako. Kinakabahan kasi ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko nga din alam kung bakit ako lamang ang kinokontak ni Incess sa amin. Masyado kasing magulo ang lahat.

Para medyo mapakalma ko ang sarili ko, umalis muna ako at pumunta sa katapat na café ng condo. Bumili muna ako ng hot chocolate, para naman medyo kumalma ako. Nanatili muna ako doon, pagkatapos bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Noong una nag-takha ako dahil unregistered number ang nakita ko sa screen.

Subalit parang bigla akong pinasadahan nang matinding kaba dahil bigla kong napag-tanto na maaring si Incess ito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng minuto at sinagot ang tawag. "H-Hello?" Kinakabahang pambungad ko.

"Annicka." Para kusang kumilos ang katawan ko at napatayo na lamang ako. Muntik na din matapon ang hot chocolate na iniinom ko dahil sa nakakatakot na boses na iyon. Hindi lamang iyon... Nagulat din ako kung bakit siya tumawag sa akin.

"N-Nate..." Bakit? Anong meron? Akala ko ba galit siya sa amin? Akala ko ba kinamumuhian niya kami? Mas nakadagdag sa kaba ko ang hindi niya agad pag-sasalita sa kabilang linya at tanging paghinga lamang niya ang naririnig ko.

"B-Bakit? Anong mayroon? A—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko noong putulin niya ito. "Listen carefully." Ang tapang noong boses niya, na para bang kahit labag sa loob mo susunod at susunod ka sa sasabihin niya dahil sa takot.

"Save her no matter what. Save her." Napuno ng pagkalito ang utak ko dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko mang mag-salita, tila walang lumalabas na boses sa bibig ko dahil hindi ko alam kung anong iisipin ko at idagdag mo pa ang mabilis na tibok ng puso ko.

Magtatanong na sana ako, naka-awang na ang mga labi ko upang mag-salita subalit bigla ko na lamang narinig ang end tone. I was in daze, I was not bale to move a bit. Punong puno ako nagpagtataka sa ilang minuto at makalipas ang ilang sandali, marahan na lamang ulit akong napa-upo sa kinauupuan ko kanina.

Hindi ko man alam ang pinatutungkulan niya sa binanggit o inutos niya kanina, nakasisigurado akong seryoso ito. "Save her no matter what. Save her." His firm voice lingered inside my head.

I tried to contact him again using the unregistered number he used, but it was no use. Lagi na lamang isang tinig ng babae ang naririnig ko doon at sinasabi nito na hindi naman nag-e-exist ang number na tinatawagan ko. Tila ba sa isang iglap nawala ang kahit anong marka noong number na iyon.

Matapos ang pangyayaring iyon. Nakatulala at wala sa sarili akong naglakad pabalik sa condominium. Hindi ko alam pero noong mga sandali talagang iyon, isang panganib na nalalapit ang naramdaman ko.

Mas natakot din ako kay Nate. Simula kasi noon napakatahimik lamang niya na tila walang paki-alam sa nangyayari sa paligid niya at nakakulong lamang siya sa madilim na lugar. Subalit, sa simpleng tawag na ginawa niya kanina... Sumagi sa isip na para siyang si Incess, hindi mo kakikitaan ng kahit anong galaw, subalit nag-sisimula na pala siya sa mapapanganib na atake.

If Incess is mysterious, he's way more than that. Sa ngayon nga, pakiramdam ko may mga matang nakasunod sa akin, at parang kay Nate galing iyon, ngunit wala naman. Dala lamang siguro nang sobrang pag-iisip ko.

Nakaramdam ako hampas ng hangin kaya't napayakap ako sa sarili ko dahil malamig ito. Pinag-masdan ko din ang kalangitan na may kadiliman dahil natatakpan ng ulap ang liwanag ng buwan at walang ganoong bituin.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad noong bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag at sinagot na lamang ito, umaasang si Nate muli iyon. Ngunit... Agad akong napatigil sa paglalakad noong marinig ko ang boses na nagsalita.

"Annicka, you should be ready. Ano mang oras o araw maari akong mag-utos sa'yo lalong lalo na sa mga panahong ito." Pakiramdam ko tiim bagang niyang sinabi ang mga katagang iyon, dahil tila nanggigigil siya.

"Don't mention my name. Any interesting things about Cassidee?" She inquired. Napa-isip agad ako, dahil nitong mga nakaraang araw, parang may ginagawa nanaman si Cassidee, pagkatapos parang hindi nanaman siya mapakali at parating balisa.

"Ahm, she seems bothered by something. Nalaman na ba niyang nandito ka na?" Tanong ko kay Incess. Mahina at pabulong ang ginamit kong boses at mabilis kumilos ang mga paa ko patakbo sa isang tagong lugar na malapit sa kinatatayuan ko.

"Alright." Maikling banggit niya na parang may nakumpirma na siya sa mga sinabi ko. Pagkatapos noon ay binabaan na niya ako ng tawag. Gusto ko pa sana siya kausapin at tanungin sa mga bagay bagay, pero huli na ang lahat. Napa-bagsak na lamang ang balikat ko.

Babalik na sana ako sa condo noong may maisip ako. Bakit parang nagmamadali at galit na galit si Incess noong kausap ko siya? May nangyari ba? Saka... Bigla ata nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan noong mapagtanto ko na maaring makipag-kita si Incess kay Cassidee.

Dali dali kong tingnan ang location ni Cassidee sa mula sa phone ko at hindi ko na siya mahagilap, mukhang nakakutob na siya. Agad akong gumawa ng paraan upang may makita na kahit isang marka lamang na makapag-hahatid sa akin kung nasaan na si Cassidee ngayon. Ngunit wala akong nakuha.

Darn, bakit ba biglang naging ganito? Bakit parang ang daming nangyayari ngayon at wala akong ka-alam alam pero kailangan kong kumilos? Hindi na ako mapakali sa kaiisip hanggang sa naisip ko muli si Incess.

Agad kong tiningnan ang location noong pinantawag niya sa akin kanina. Laking pasasalamat ko na lamang noong ma-locate ko pa iyon. Dali dali akong tumakbo pabalik sa condo at kinuha agad ang motor ko sa parking. Walang pag-aalinlangan mabilis ko itong pinatakbo.

Lahat ng mga kailangan ko sa emergency nasa maliit na lalagyan ng motor na ito, mga paunang lunas, mga first aid, mga maliliit na sandata at iba pa. Wala na kasi akong panahon na bumalik sa unit ko kaya't iyong motor na lamang ang hinagilap ko.

Habang pinapatakbo ko iyon nang sobrang bilis na hindi ko na inalintana ang lamig at ibang sasakyan, hindi ko maiwasan makaramdam ng nakakatwang pakiramdam nang panganib. Ang nararamdaman ko ngayon... Huli ko itong naramdaman noong...

...mawala sa amin si Incess.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. Hindi nagtagal nakarating ako sa isang building ng kumpanya. Dali dali akong bumababa sa motor at papasok na sana ako paloob para magtanong subalit, agad na nakita ng mga mata ko ang isang sasakyang palabas... At ang babaeng nasa loob noon...

Nanlaki ang mga mata ko at dali dali akong tumakbo pabalik sa motor ko at sinundan ang sasakyan na iyon. Positibo akong si Incess iyon. Nararamdaman ko iyon. Habang nag-mamaneho hindi ko maiwasan napatingin sa likod... At hindi ko inaasahang makikita doon si Nate na nakatayo.

Mas lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko noong kumaway pa siya. Darn it. What was the meaning of that? Muntik na akong mapatalon mula sa pagmamaniobra noong motor noong makarinig ako ng sobrang lakas na busina. At doon ko napagtanto na halos napapunta na pala ako sa kabilang lane.

Dahil na din sa gulat ko sa bumusina, hindi ko napansin na may sasakyan na pala sa harapan ko. Nakakasilaw na ilaw ang bumugad sa akin at halos pikit mata kong ginawa ang pinaka-makakaya ko upang maka-iwas at halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib noong halos muntik ko na itong hindi maiwasan, gayunpaman naramdaman ko pa din ang paglapat ng balat ko sa gilid noong kotse. Kahit na ganoon, nagpasalamat na lamang ako dahil ligtas pa din ako.

Pinag-tuunan ko na lamang nang pansin ang daan na tinatahak ko. Hindi ko na din makita ang sasakyan ni Incess. Subalit sinununod ko na lamang ang bugso ng damdamin ko na dadalhin ako nito sa tamang lugar.

Sa pagtuloy na pagtahak ko sa madilim na daan paunti na nang paunti ang mga sasakyan. Unti-unti na din akong nawawalan nang pag-asa na mahahanap ko pa si Incess. Palingon lingon ako sa paligid subalit wala akong matanaw na kahit anong mag-papatunay na dito siya dumaan.

Pasuko na sana ako noong may makita akong kotse na lumiko sa papunta sa mas madilim na lugar pa. Nag-dadalawang isip ako noong mga pagkakataong iyon, subalit namayani sa akin na huwag nang pansinin iyon dahil bakit naman pupunta sa ganoong lugar si Incess?

Nagpatuloy akong dire-diretso, at malayo layo na din ang narating ko. Ngunit wala akong makita kahit anino man lamang niya. Bakit ko banaman kasi hindi natandaan iyong plate number kanina? Aish! Hindi ko na alam ang iisipin ko, kaya't itinabi ko muna sa daan itong motor at saka ako bumababa doon.

Nakakatakot pa naman itong lugar dahil walang ganoong tao at parang malapit pa ito sa dagat. Napaka-dilim pa dahil walang ganoong mga bahay sa paligid, tanging bakanteng lupain lamang, at iyong ilaw para sa daan ay may sira pa ata dahil patay sindi ito.

"Argh. Nasaan na ba ako?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik-balik. Hindi pa din kasi ako mapakali. Nasaan na ba kasi si Incess? Saka si Nate, bakit ganoon ang inakto niya kanina?

Hindi talaga ako nag-kakamali na si Nate iyong kumaway sa akin kanina. Kumpanya ba niya iyon? Simula kasi talaga noon, wala na talaga akong ganoong balita sa nangyayari kay Nate. Si Cassidee lamang ang binabantayan ko at ang ibang kilos niya na walang kinalaman kay Nate. Kaya naman hindi ko maiwasan mapa-isip ngayon.

Anong mayroon kay Incess at Nate? Magkaaway ba sila? May kasunduan ba sila? O sadyang may pinunta lamang doon si Incess para na din maka-kalap ng impormasyon patungkol sa Empire?

Nalilito na ako. Ano ba kasi talaga ang nangyayari?

Hindi na ako mapakali na nakatigil lamang kaya't sumakay ulit ako sa motor ko pabalik doon sa tinahak kong lugar kanina. Titingnan ko iyong dinaanan noong kotse kanina, baka doon dumaan si Incess o hindi kaya naman iyong nakita ko talaga kanina ang sasakyan niya.

Nilalamig na ako at saka hindi ko na din alam ang iisipin ko, mas binilisan ko pa ang pag-papaandar sa motor. Mabuti na lamang at walang ganoong tao at sasakyan dito sa lugar na ito. Napansin ko din na papalapit ako ng papalapit sa may dagat. Kaya siguro kakaiba ang lamig na hatid ng hangin dito.

Medyo binagalan ko ang pag-papaandar dahil may kakaiba akong nararamdaman. Para bang papalapit ako nang papalapit sa panganib. Noong mapansin ko na patungo ang daan na ito sa isang port ay dali dali akong bumababa ng motor at marahang naglakad.

Bawat kilos ko ay punong puno nang pag-iingat at pagiging alerto. Nagtago din ako sa malalaking harang na manipis na bakal at sa mga sasakyan. Habang patuloy akong ganoon, may narinig akong tila ungol ng iniindang sakit.

Unti-unti akong sumulyap sa isang dako at biglang nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako sa aking nasaksihan. May isang pigura na bigla na lamang natumba mula sa kinatatayuan niya. Gustuhin ko mang lumapit kaagad ay pinigilan ko muna ang sarili dahil baka may ibang tao pang nandirito.

Noong makasigurado akong wala na ay dali dali akong nagtatakbo papunta sa taong iyon at laking gulat ko noong makita kong si Incess iyon at sugatan siya. Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

"I-Incess... Incess..." Hindi magkandaugagang banggit ko at saka ko siya nanginginig na tinapik-tapik sa pisngi. Wala siyang malay at may dugo sa ulo at bibig niya. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Hindi ako makapag-isip nang maayos at parang unti-unting bumabalik sa utak ko ang imahe noon ni Empress. Iyong itsura niya noong bata pa kami... Iyong panahong walang buhay na siyang dinala sa ospital at punong puno ng galos ang mukha at katawan.

"Darn, Annicka. Come to your senses!" Pag-sasabi ko sa sarili subalit napakahirap gawin noong bagay na iyon. Pinilit ko ang sarili ko na tumayo at gusto kong humingi ng tulong. Kahit kanino, kahit saan. Basta tulong lamang ang kailangan ko.

Pa-atras ako ng paatras mula sa katawan ni Incess noong bigla na lamang akong mapa-upo dahil sa isang nakaraha sa lupa. "Ah! Ah! Ah!" Hindi mapigilang tili ko noong makita ko ang walang malay na katawan ni Cassidee at duguan din ito. Dahil sa takot ko ay dali-dali akong tumayo at lumayo mula sa kinahihigaan niya.

Lalo akong natuliro. Shit. Naglaban sila, sigurado ako doon. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, hanggang sa may bigla na lamang sumagi sa isip ko. "Save her no matter what. Save her." Nate's voice echoed in my head. Walang pag-aalinlangan akong bumalik sa kung saan ko iniwan ang motor na dala ko at kinuha ko doon ang isang bag.

Save her... Ngunit sino sa kanilang dalawa?

Habang nag-tatakbo ako pabalik kung saan ko nakita si Incess at Cassidee. Nag-iisip na ako kung paano ko ililigtas si Incess. Hindi pwedeng tumanga lamang ako. Oo, sanay akong makakita ng brutal na bagay pero nangingilabot ako ngayon dahil parang bumabalik ang nakaraan sa akin kapag nakikita ko si Incess. It's a terrible and horrifying for me.

Dahil sa bilis ko. Hindi nagtagal at nakarating agad ako kung nasaan sila. Agad kong hinalughog ang bag at hinanap ang isang antidote na pangontra sa lason ni Cassidee. Alam kong nataaman ng lason si Incess, dahil wala siyang malay ngayon. Kung hindi siya natamaan ng lason siguro ay wala na siya dito.

"Y-yes!" Hindi mapigilang sigaw ko noong mahanap ko ang antidote. Mabuti na lamang at iyong big bike ang dinala ko, dahil kumpleto ang mga bagay bagay na nakalagay doon. For emergency situations ko lamang kasi talaga ginagamit iyon.

Nanginginig pa ang kamay ko noong iturok ko iyon kay Incess. Natataranta din akong lumapit kay Cassidee. Iisa lamang iyong lunas na siguradong makakapigil sa lason. Kaya't ibang lunas ang ginamit ko sa kaniya.

Malaki man ang inis at galit ko kay Cassidee, hindi ko siya pwedeng hayaang mamatay ng ganito lamang. Alam kong marami pang plano si Incess para sa kaniya, kaya't pinababantayan niya ito sa akin. Matapos kong gawin ang mga kailangan kong gawin, tumayo ako at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. "Hush, Annicka. Hush." Muling pag-papaalala ko sa sarili ko.

Lumapit muli ako kay Incess at pinunasan ang mga dugo niya sa mukha. Nag-iisip na din ako kung sino ang pwede kong tawagan dahil hindi ko naman maisasakay si Incess sa motorcycle, at kailangan na din matingnan pa ang kalagayan niya para mawala ang buhay niya sa panganib.

Kakargahin ko na sana siya ngunit nagulat ako noong umubo ubo siya at pagkatapos noon ay unti-unti na niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ko dahil doon.

"Thank God you're safe." Mahinang banggit ko na tila binunutan ng isang libong tinik mula sa dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang ginhawang naramdaman ko noong makita ko na nagkamalay na lamang siya bigla.

"A-Annicka?" Nagtatakhang tanong niya. Nanlabo ang mga paningin ko dahil sa tubig na nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Para ding bumalik ang lahat nang masasayang ala-ala namin noon.

"I-Incess... Incess... Incess..." Paulit ulit na banggit ko sa pangalan niya. Hindi ko na din mapigilan mapahagulhol. After so many years, natawag ko na ulit siya sa pangalan na ginawa namin noon para sa kaniya. Nayakap ko na din muli siya nang napaka-higpit. Wala na ata akong mahihiling ngayon kung hindi ang kaligtasan lamang niya.

"H-Hush, Nicka... H-Hush..." Narinig ko pa iyong mala-anghel na boses niya kahit nanghihina na siya. Naalarma din agad ako dahil baka may mangyari pang masama sa kaniya. Humiwalay ako sa yakap upang tanungin siya sa mga bagay bagay ngunit nagsalita siya nang napaka-seryoso.

"Listen, Annicka." She stated firmly. Kahit medyo nalilito pa nang kauntian tumango. "Where's Cassidee?" Agad akong lumingon kung nasaan si Cass at mukhang nakahinga siya nang maluwag noong makita niyang nandoon pa ito.

"Kailangan mong kunin si Cassidee at dalhin mo siya sa lugar na ito." Sinabi niya sa akin iyong lugar at binalaan niya ako na dapat ay walang ibang maka-alam ng lahat. Sinabi din niya na umalis agad kami dahil may dadating na tulong sa kaniya.

Mabilis akong tumugon sa mga inuutos niya at nilapitan si Cass saka ko ito inalalayan upang mabuhat ko siya na parang sako. "Kapag nakarating ka na sa lugar na tinutukoy ko, give them this." Kahit nahihirapan si Incess inabot niya sa akin ang isang parang transparent na bagay na tila USB ang dating, subalit parang lalagyan lamang.

"P-Pero ikaw?" Hindi mapakaling tanong ko. Hindi ko siya pwedeng iwan basta basta.

"Don't worry about me and go. I'll contact you after sometime so follow my commands, Nicka." Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa inuutos niya. Tumawag ako ng isang underling ko upang mag-dala ng kotse dito, at iyon ang ginamit ko papunta sa lugar na sinasabi ni Incess. Iyong motor, pinakuha ko na din sa mga katiwala ko.

Noong makarating ako sa lugar na iyon kasama si Cassidee na wala pa ding malay. Natakot ako. Kakaiba kasi ang dating noong lugar. Mukhang luma at abandonadong building iyon.

Mainga akong pumasok, at nagulat ako noong halos muntik na din akong patayin noong mga bantay. Mabuti na lamang at inabot ko sa kanila iyong ibinigay sa akin ni Incess kaya't pinapasok nila ako ng matiwasay at sila pa ang kumuha kay Cassidee mula sa kotse ko.

Nakakapangilabot sila dahil wala silang pagdadalawang isip na kumitil ng buhay. May nakatutok na baril pa sa ulo ko, habang nag-lalakad kami papasok pa sa building. At noong tumigil kami sa isang pader ay nagtakha ako. Akala ko kung anong mangyayari ngunit bigla na lamang bumukas iyon, kaya't pumasok kami.

At doon nakita ko ang isang purong puting napaka-laking silid na tila isang laboratory. Nangilabot ako sa mga bagay bagay na nandoon. Kinulong din nila ako sa isang puting kwarto, at hindi ko na alam ang nangyari kay Cassidee.

Hanggang isang araw, tumawag si Incess sa kanila at simula noon naging maayos ang trato nila sa akin. Nakita ko din nakahiga sa isang pang puting puting kwarto si Cassidee at maraming nakasaksak na kung ano anong makina sa katawan niya.

Hindi din nag-tagal may sumundo sa akin dito at ang kasunod na nangyari... Nandoon na ako sa masyon kung saan may nagaganap na digmaan patungkol sa mga kumpanya ng Empire.

End of Flashback

Napapikit na lamang ako nang marahan dahil nakaramdam na din ako ng antok. Napa-tungo na din ako sa kama ni Incess. Naalala ko nanaman si Nate. Walang alam si Incess tungkol sa pag-contact sa akin ni Nate dahil inilihim ko iyon.

Ayokong maging mas kumplikado pa ang mga bagay bagay. Sa ngayon, sa akin na lang muna ang bagay na nakakapagpalito sa isip ko.

"Save her." It echoed again inside my head. Sino Nate? Sino ang tinutukoy mo na iligtas ko?

Si Incess? O si Cassidee?

Unti-unti kinain na ako ng antok, hanggang sa naramdaman ko na lamang na may bumuhat sa akin mula sa pagkakatungo sa kama ni Incess. At bago ako tuluyang nilamon ng antok. Narinig ko ang mga katagang...

"Why do my heart still throbs, whenever I'm with you?"

***

Princess Light's POV

"Come on, Riyah. You have to rest." Kurt said with conviction in his voice, kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Sino siya lara gamitan ako ng ganoong klaseng tinig?

"Princess, Kurt's right. Just stay here, nandito si Hera, you can bond with her, pati na din ang Apocalypse." Segundo naman ni Skyler. Napapikit ako ng madiin dahil sa mga sinasabi nitong dalawa. Hindi na din ako nag-dalawang isip na ilabas ang baril na nakatago sa damit ko at itutok sa kanila iyon biglang babala.

"Shut up both of you." Naiinis na pahayag ko. Kaya naman nabalot nang katahimikan ang buong silid. "Now, umalis kayong dalawa sa harapan ko at asikasuhin niyo ang Apocalypse at si Annicka." Matigas na banggit ko pa.

Kusa silang sumunod sa sinabi ko kahit kitang kita ko ang bahid ng pagtutol sa kanilang mga mukha. Agad kong kinasa ang baril dahil pabagal bagal pa sila. Nagulat ata sila dahil doon at dali daling umalis sa silid kung nasaan ako.

Matapos lamang ang ilang minuto si Annicka naman ang pumasok. May ngiti sa mga labi niya at patakbo siyang tumungo sa akin. Mag-sasalita na sana siya ngunit inunahan ko na. "If you are going to convince me about staying, then you are just digging your own grave." I warned her emotionlessly.

Narinig ko naman ang nerbyos na tawa niya dahil doon. "A-Ano ka ba, Incess. Hindi ano! Go~ punta ka na sa kumpanya mo este sa kung saang kumpanya man iyan, hindi kita pipigilan." Kinakabahang dugtong pa niya.

"Tss." Tipid na banggit ko at saka ako tumayo, kinuha ko na din ang bag ko at saka nag-lakad papunta sa may pinto. Naramdaman ko ang lungkot ni Annicka dahil sa inasta ko ngunit binalewala ko na lamang iyon. Aalis na sana ako noong marinig ko pa ang buntong hininga niya, kaya't nag-salita ako.

"Enjoy your stay here." Huling banggit ko at saka ako tuluyang umalis.

Si Takashi Ishido ang nag-hatid sa akin papunta sa kumpanya ni Gab. Ayaw ko kasing si Kurt o si Skyler dahil baka sa kung saan lamang nila ako dalhin. Tutol kasi sila sa desisyon ko na mag-trabaho na ulit. Ang sabi kasi hindi hindi pa ako magaling. Tss. As if they are my doctor.

Tahimik lamang si Takashi kagaya ng nakasanayan. Sa lahat ng leader ng Apocalypse, siya lamang ang nanaiisin kong makasama lagi, dahil alam niya ang limitasyon niya at tahimik lang din siya lagi at malalim mag-isip.

Hindi nag-tagal nakarating din kami. "I'll go ahead." Pahayag nito. Tumango na lamang ako dahil doon. Panigurado kasing iiwan din naman niya iyong kotse na pinanghatid niya sa akin at tatawag siya ng isa sa mga underling namin upang dalhan siya ng bago.

Habang nag-lalakad papasok ng building hindi ko maiwasan na mapahawak sa sintido ko. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ganoon kagaling, ngunit hindi ko pwedeng pabayaan ang tungkulin ko dito. Baka marami ang magtaka kung bakit wala ako nitong mga nakaraang araw.

Kahit tila umiikot ang paningin ko, dire-diretso lamang ako. Ganoon pa din ang mga empleyado dito, umiiwas tuwing dumaan ako. Nakarating ako sa may elevator at mas lumalala ang sama ng pakiramdam ko.

Napahawak na din ako sa may pader at napa-pikit ng madiin. Darn. Bakit ngayon pa? May bigla na lamang tumunog at hudyat na noon ang pagbubukas ng elevator. Pumasok ako doon ng solo.

Pinindot ko na din ang floor kung saan ako patungo. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko dahil ano mang-oras maari akong mahimatay. Parang may pumipilit sa utak ko at parang inaalog ito. Darn.

Pasara na sana ang elevator noong bigla na lamang sumakay na lalaki. Nanlalabo ang paningin ko na tumingin sa kaniya. Sino siya upang magtangkang sumabay sa akin? Hindi ko siya ganoong maaninag dahil sa hilo na nararamdaman ko.

Dahil na din sa pang-hihina ko napahawak ako sa kaniya, at kasabay noon ang tuluyang pag-sasara ng elevator. "Light..." I heard him whispered at pagkatapos noon ay ang pag-sambot niya sa akin dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

"Hmmm." Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko may umaalog sa akin. Tila ba para akong nasa isang sasakyan. Naalimpungatan na din pati ako mula sa pagkakatulog. Hindi pa man ako nakakaaninang nang maayos, inalala ko na kung anong nangyari kanina.

Habang wala pa ako sa ulirat, bumalik sa ala-ala ko ang huling pangyayari kung saan nasa elevator ako at si Gab. At doon nawalan ako ng malay at nasambot niya ako. Wait... Gab?

"Ah shit! Gab!" Hindi mapigilang bulaslas ko. Darn, sa lahat ba naman ng biglang makakakita ng kahinaan ko si Gab pa? Ghad! This is insane. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito?

"Yes, dummie?" Parang bigla na lamang akong tinanggalan ng kalukuwa noong marinig ko ang matipunong boses na iyon. Hindi pa doon natapos ang pagkagulat ko dahil sa mga naririnig ko.

"Your wife seems to be in confusion, Mr. Evans." Nakarinig ako ng isang pang-matandang boses at kasunod noon ang mahinang tawanan nila ni Gab. Agad nanlaki ang mga mata ko at tingnan ng mabuti ang paligid. What the heck?!

"What the heck?!" I vocalized. Hindi ako makapaniwala sa sitwasyon ko ngayon. Katabi ko ngayon si Gab sa kotse at nasa front seat namin ang isang matandang lalaki na hindi ko kilala. Parang nawalan din ako bigla ng hininga noong mapagtanto ko ang lahat. What the hell just happened? Bakit nandito ako? Anong ginagawa ko dito?

Ang ibig sabihin ba nito ay nasa isang kotse ako at dito ako dinala ni Gab noong nahimatay ako kanina at ngayon may kasama kaming matandang lalaki bukod sa driver? What the heck is going on?! Kahit natataranta at naiinis ako, I kept my composure in a finesse way. Pinanlakihan ko din ng mata si Gab-Gab. Parang tinatanong ko siya kung bakit nandito ako, at anong ginagawa ko dito, dahil... damn.

Nalilito at naguguluhan ako.

"What?" Natatawang banggit pa ni Gab Gab na tila nang-aasar, at saka hinawakan ang kamay ko. Bigla ata akong nakaramdam ng kakaibang init at biglang na lamang kumalma ang sistema ko. Darn. Paano niya nagagawa ang mga bagay na iyon nang napaka-dali?

"So, are you awake now, Mrs. Evans?" Muntikan ko nang barilin iyong matanda dahil sa sinabi niya. What the heck? Just what the heck? Mrs. Evans?

"What the heck?—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong putulin na agad iyon ni Gab Gab at saka niya mahigpit na pinisil ang kamay ko. Fuck! Kahit litong lito ako sa mga pangyayari ngayon, kaunti na lamang talaga kukuha na ako ng dagger at sasaksakin itong si Gab at iyong matandang lalaki.

"Don't mind my wife, sir. She's in daze." I almost choked because of what he had said. My wife?! Nabibingi na ba ako? Nakikipaglokohan ba ang gagong ito?

"My wife?" Hindi makapaniwalang tanong ko, which made him grin mischievously. "Yes, you are my wife." Nakakalokong banggit pa niya. Mag-sasalita na sana ulit ako ngunit hindi ko na nagawa dahil...

... sa biglang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Natulala at nabato ako sa kinauupuan ko. Halos mabingi ako sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko... After all these years, pangalan pa din talaga ni Gab-Gab ang sinisigaw at hinahanap ng puso ko.

***

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 284K 65
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
69K 1.4K 10
"Kanya na lahat ng gusto niya, dalawang kamay ko pang iaabot ang mga iyon. Pero kung pati ikaw ay kukunin niya, hindi ako papayag. Mamamatay muna ako...
2.5M 55K 46
EDITING. (Silver Heir Trilogy #1) Isang babae na mababago ang takbo ng buhay dahil sa kaniyang minana. || © blooreyn
7M 146K 58
[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits...